No One
22
"We will not be married if it's not for you Leria." Nakangising sabi ni Barry habang karga ang isang taong gulang na anak nila ni Sue. Uminom lamang ako sa tasa bago iyon inilapag sa lamesa. I traced the lips of the cup using my forefinger.
Four years ago, I pretended to be Barry's fiancée para lamang mapagselos si Sue. Barry has been my friend eversince my college days. Roommate ko naman si Sue and from the start ay alam ko ng may nararamdaman ang dalawa sa isa't isa ang mga kaibigan ko. Kaya nga noong nagpatulong sa akin si Barry ay agad akong pumayag.
I played Cupid for them. Pakiramdam ko kasi noon ay ako ang pinakamswerteng babae noong mga panahon na iyon dahil na nga rin sa ginawang pagtatapat ni Nathaniel sa akin. He even proposed and built a house for me. Hindi ko alam na scheme lang pala niya iyon. I am just a pawn for a huge chess game.
"Hey, you're spacing out again." Tapik ni Barry sa akin. Nilingon ko siya bago hiniram ang kanyang baby at iniupo ito sa aking kandungan.
"I am just thinking." Sagot ko. Nilaro laro ko si Bariel sa kandungan ko. As I looked at the baby, a huge hollow in my chest formed again. Hinaplos ng maliliit na daliri ng bata ang pisngi ko kaya napangiti ako ng hindi oras.
If things were different—I closed my eyes tightly. Ano bang iniisip ko. Ang taas ng araw at nagdadrama ulit ako. I cannot think about the past anymore. Maybe I should start forgetting about the past. Pwede naman iyon hindi ba? Ang tuluyang burahin ang nakaraan? Ang ibaon na lang lahat ng alaala? I want to be happy so badly. Pagkatapos ng apat na tao ng pagiging miserable ay gusto ko nang sumayang muli.
-------------------------------
I woke up with the sweet pain in between my legs. Kahit nakapikit ay kinapa ko pa rin ang gilid ng kama kung saan nahiga si Athan. I patted the bed for how many times pero wala akong naramdaman. Doon na ako napadilat.
Tumayo ako at binalot ang sarili ng kumot bago naglakad palabas ng kwarto namin. I can't help giggling at the thought. Namin, sooner or later, kapag nagbunga ang nagawa namin kagabi, we will raise a family here in this very house where we made our first love.
Una akong pumunta sa kusina dahil akala ko ay naroon siya at nagluluto. Noong makarating ako doon wala kahit ang anino niya. Sinimulan ko ng lumibot sa buong bahay pero hindi ko talaga nakita si Athan doon. I started to panic at that thought. Nasaan siya?
Mabilis akong nagbihis at kinuha ang cellphone ko. I don't have any texts or missed calls from him. Wala na ring kahit na anong bakas niya sa lugar kaya nagmamadali na akong lumabas. I went straight to my house para lamang sana magpalit noong salubungin ako ng nag aaway na si Daddy at Tito George.
"She's too young for that George!" malakas na sabi ni Daddy. Kumuyom lamang ang palad ni Tito at mukhang nais ng suntukin si Daddy.
"Use your head Gene! Leria is smarter than Georgina! Why can't you see the opportunities! Magandang bata pa lang ay maibigay mo na sa kanya ang pwesto mo ng sa gayon ay matuto na siya!"
"But she has better things to do! Ayaw ni Ria na makulong sa opisina and if that is what my daughter wants, then I will support her!"
Natutop ko ang bibig ko ng makita ang pag aaway nilang dalawa. I never saw my Dad this angry. Kahit noong mapilayan ako ng dahil kay Ate ay hindi siya nagalit. Ngayon lang talaga.
"Better things? What are those things Gene? Your daughter being inlove? Come on!" hindi makapaniwalang sabi ni Tito. Doon na ako nagpasyang lumapit sa kanila. Pareho silang natigilan noong makita ako.
"I-I'll just change my clothes." Sabi ko habang nagpabalik balik ang tingin ko sa dalawa. Sabay lamang silang tumango at hinintay na makaalis ako. Noong makarating ako sa kwarto ay agad na akong nagpalit ng damit. Pagkababa ko ay wala na sina Daddy sa sala. Wala na rin akong narinig na kahit na anong ingay mula sa kanilang dalawa.
Agad kong kinuha ang kotse ko at nagmanehong papuntang Wave. Kinakabahan na ako. Bakit hindi ko macontact si Nathaniel? Sinubukan kong tawagan siya ng ilang beses pero walang sumasagot. Palaging busy ang line niya o kaya ay unattended.
Pagkarating ko sa Wave ay dumiretsyo ako sa practice room ng AEGIS. Kasalukuyan silang nageensayo para sa opening number nila sa kanilang susunod na concert noong pumasok ako. Sabay na napako ang tingin ng lima sa akin habang ako ay nakatingin lang kay Athan na hawak ang kanyang gitara.
"Athan.." relieved kong sabi. agad akong tumakbo papunta sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Nanginginig pa ako dahil akala ko ay may nangyari nang kung ano sa kanya.
"Ayos ka lang ba?" naiiyak ko ng sabi. Pinaraan ko ang kamay ko sa braso niya para makita kung may injury ba siya. Hinaplos ko rin ang noo niya dahil baka may lagnat siya. Nasa ganoon akong posisyon noong hawakan ni Athan ang pulso ko at marahas na inalis ang pagkakahawak ko sa kanya.
"A."
"Stop." Sabi niya bago tiningnan ang likuran ko. Doon ko lamang napansin si Victoria na manghang nakatingin sa amin. Maging ang ibang myembro ng AEGIS ay nakatitig na sa akin at nagtataka kung sino ba ako.
"S-sorry—"
"Anong ginagawa mo dito? May practice kami Leria, nakakaistorbo ka."
"Athan!" pagbawal ni Victoria sa kanya. Pabigla ang ginawa kong pagtingin kay Nathaniel dala na rin ng sobrang lamig niya sa akin ngayon. Napanganga pa ako dahil sa trato niya sa akin.
Naramdaman ko ang paghawak ni Tori sa magkabila kong braso bago siya tumabi sa akin. "Say sorry to her A." madiin niyang utos kay Nathaniel. Tumaas lamang ang kilay ni Athan sa akin bago niya hinarap ang kanyang gitara.
"ATHAN!"
"Why would I? She's just a fangirl." Walang pakialam nitong sabi bago ako tinalikuran. Hindi ko napigilan ang singhap na tumakas sa bibig ko noong marinig ko ang sinabi niya. Tumulo ang luha ko kaya mabilis akong lumabas at dumiretsyo sa banyo.
Naghihilamos na ako sa sink noong dumating si Victoria sa loob ng CR. Mabilis siyang lumapit sa akin, nakatingin sa aking repleksyon.
"Leria, hindi ba?" anas niya. Tiningnan ko lang siya bago tumango.
"Pasensya ka na kay Athan. Kanina pa siyang umaga. He looks so..disturbed." wika niya. Binalingan ko si Victoria.
"You're not just a fangirl, right?"
"Yes." Sagot ko bago siya tuluyang nilampasan. Naglibot muna ako sa ibang parte ng Wave habang pilit kong kinikolekta ang nangyari.
May nagawa ba ako? Was it something I did last night? May nasabi ba ako? Hindi ko alam kung ano na ang iisipin. Natatakot akong baka bumalik muli kami ni Athan sa simula. I feel as if he is back from being the cold boy.
'You can leave me, take away all that I have
You can want me, love me for who I am
Choices, romance
Take me high in the air
Flying so scared, afraid not to see you again'
Nagsimula ang luha ko ng malumanay, pero habang naiisip ko ang posibilidad na iwan ako ni Nathaniel ay nagsimula ng bumuhos ang iyak ko. Halos hindi na ako makahinga sa naiisip. Will he leave me? Oh, god, I can't live without him. I'll die. Nathaniel is my lifeline, I can't lose him.
"What are you doing here Leria?"
Napaharap ako sa boses na pinanggalingan. Doon ay nakita ko si Athan na nanunood sa akin. Nakatiim ang bagang niya at nakakunot ang noo. Hindi ko alam kung bakit, pero mukhang galit sa akin si Nathaniel.
"A-athan.." sinubukan kong lumapit sa kanya pero humakbang lamang siya palayo sa akin. Iyong kamay kong nagtatangka siyang abutin ay nanlalambot na nalaglag.
"Bakit g-ganyan ka? May nagawa ba ako? Did I do something wrong last night?" tuloy tuloy kong sabi. Pinahid ko ang luha ko at huminga ako ng malalim.
"I'm sorry, it was my first time last night. I promise I will try to be better—"
"Shut the fuck up." Madiin niyang sabi. Sabay ng pagsasalita niya ay ang paglapit niya sa akin. Dinakma niya ang braso ko bago ako hinila hanggang sa may rooftop.
"Athan—"
"You.." aniya habang nangigigil na tinuro ako. Tumalikod siya bago sinabunutan ang kanyang sarili. Sinubukan kong hawakan ang kanyang balikat pero marahas ang ginawa niyang paglayo sa akin.
'I'm scared to death, now that I'm losing you
I'm scared to death, knowing I can't get through
I'm scared to death, living this so lonely life
Without you'
"Give me back the ring." Utos niya. Agad kong kinuyom ang palad ko para protektahan ang singsing na bigay niya. Mabilis ang ginawa kong pag iling para ipakita ang pagayaw ko.
"LERIA MORALES!"
"Ano bang ginawa ko? Athan naman. Ipaliwanag mo sa akin. Hindi ako marunong manghula! Am I too clingy? Too sweet? Am I a terrible lover? Tell me, ano bang mali, babaguhin ko. Wag ka lang ganyan, A tinatakot mo ako." Desperado ko ng sabi. Nahihirapan na ako sa paghinga dala na rin ng sakit galing mismo sa salita niya.
I don't understand anything. Anong nangyayari?
"Athan, we can fix this right? I..I love you, so much." Sabi ko. Nabasag na ang boses ko habang siya ay nakatingin lamang sa akin. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang braso niya.
"I love you. You love me right? Sinabi mo yan kahapon, you even asked me to marry you. We made love remember? Athan.." hinawakan niya ang braso ko at dahan dahan iyong inialis sa kanyang katawan.
"That was a mistake." Aniya. Nanigas ako sa kinatatayuan ko at halos hindi ako makagalaw.
"A-athan naman.." pinilit kong matawa para pagtakpan ang tuluyan ng pagguho ng pagkatao ko.
"I am not inlove with you Leria. I.AM.NOT. NEVER." wika niya. Bawat salita ay talagang ipinagdikdikan niya sa akin para mas malalim ang tarak. Napahakbang ako palayo sa kanya at halos hindi na siya makilala. Blanko ang mata niya, ang ekspresyon niya, ni hindi nga niya ako tinitingnan.
"A-ano?"
'What's left unsaid?
Keeping me weak on the edge
I'm running scared, I can't comprehend'
"Sabi mo kahapon—"
"It was a lie damn it! Bakit ang hirap mong umintindi? I needed to do that! I needed you to believe I am inlove with you! Wala na ang suporta ni Georgina sa AEGIS dahil naghiwalay sila ni Stanley! I needed you! I used you to help my band! Alin doon ang hindi mo maintindihan?" galit niyang sigaw. Hindi agad ako nakapagsalita. Noong maintindihan ko siya ay napatango na lamang ako.
"Then use me. Wala akong pakialam. Gamitin mo ako." Pagprisinta ko. Namilog ang mata niya habang nakatitig sa akin.
"Nahihibang ka na ba?"
"Maybe. You can do anything to me. Whatever. If you will ask me to throw everything I have, I will do it. Kung naalangan ka sa pamilya ko, then I will leave them. They will understand, my Dad loves me. Kakausapin ko sila, don't worry. Kahit ano, gagawin ko. Wag mo lang akong palayuin sayo. I can't Athan. I love you." Seryoso kong sabi. Bawat salita ko ay talagang binigyan ko ng diin. Please understand Athan, I am inlove with you. You can do everything to me, everything you please, and I won't even say a word.
"You're inlove with me?" sabi niya na para bang isang malaking panloloko iyon. Lumapit siya sa akin, ang hintuturo niya ay inilagay niya sa ilalim ng baba ko.
"You saw her a while ago right? Nakita mo si Victoria sa baba kanina hindi ba?" mapanganib niyang sabi. Inilapit niya ang mukha niya sa akin. "That girl, Leria Morales, is the owner of my heart. At kahit na anong gawin mo, hinding hindi ko siya bibitawan. Tell me, bakit ko siya ipagpapalit sa isang katulad mo? You are nothing but a trash to me. Itatapon na kita dahil tapos na akong gamitin ka.
Tumawa siya ng kaunti. "I never meant what I said when I said I love you. Si Victoria talaga Leria." Pag amin niya. Napahakbang ako palayo sa kanya habang umiiling.
"Pero, sabi mo, Athan sabi mo mahal mo ako. Pinaramdam mo sa akin eh. You made me feel like I am important to you! How can you say that you don't love me when you made me feel it! Stop lying!"
Umiling lamang siya at namulsa. "I am inlove with Victoria Shayne Ocampo. Hindi sayo. So stop acting like a brat and just accept that fact Leria."
Tuluyan na niya akong tinalikuran matapos ng sinabi niya. Mabilis ang ginawa kong paghabol sa kanya at niyakap ang likod niya. I don't mind if I make myself look like an idiot. Kung kailangan kong magmakaawa ay gagawin ko. Noong humarap siya sa akin ay tuluyan na akong bumagsak sa tuhod ko. Lumuhod ako sa harapan niya at hinawakan ang kamay niya.
"Don't leave me. Please." Pag mamakaawa ko. Nakita ko ang sakit sa ekspresyon ni Athan pero hinawi niya ako.
"No. You're not Victoria." Bulong niya bago ako tuluyang iniwanan roon. Nauna na siyang umalis pero hindi pa rin ako tumatayo mula sa posisyon ko. Bahagya ko na lamang naramdaman ang pag ulan. I am numb. I can't feel anything. It was as if every life inside me was sucked.
He left me. Because I am not her. Hindi ako ang babaeng minamahal niya.
------------------------------
*pen<310
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top