Nightmares

29

Ilang beses na katok ang gumulat sa akin. I stood up para pagbuksan ang aking bisita noong magulat ako sa nakita. Sa labas ng aking opisina ay nakatayo sina Kuya Glenn at si Tito George.

Hindi nila hinintay na luwangan ko ang pinto. They practically shoved me aside. Ramdam na ramdam ko ang galit nila sa akin and that made my throat dry.

"What the hell is this Leria?!" sigaw ni Tito habang may hawak na dyaryo sa kanyang kamay. Mabilis akong lumapit roon at tiningnan ang sinasabi niya.

AEGGIS LEAD GUITAR ATHAN FALCON PROPOSED!

Binasa ko ang article. Doon ay nakasulat lahat ng detalye ng ginawa ni Athan kagabi sa concert nila. Nakasulat rin doon kung paano ako humagulgol at tinaggap ang inaalok niya.

"You are marrying him?" galit na sabi ni Tito. Tiningnan ko siya bago kumunot ang aking noo.

"Yes."

"Bullshit! Leria Geneva, are you out of your mind?" sabi niya. Kinuha niya ang dyaryo mula sa akin bago iyon tinapon sa kung saan. Si Kuya Glenn naman ay nakatingin sa akin at walang kahit na anong sinasabi.

"Why are you here?" tanong ko sa aking kapatid. Nanigas ang kanyang panga bago umiling na lamang.

"Why dear sister? Akala ko ba gusto mong makasama kami ni Gian? I'm here now. Hindi ka ba masaya?"

Tinitigan ko lamang siya. Hindi ko maintindihan ang nasa isip ni Kuya ngayon. Ang alam ko lang ay may pinaplano siya. And that plan will not suit to my liking.

"Hindi ko alam kung bakit mo kailangang pakasalan si Athan. Hindi ka na ba nadala?" sabat ni Tito sa amin. Nanlaki ang mata ko at tiningnan si Kuya. I glared at my uncle, telling him to stop. Walang alam si Kuya sa nangyari at kapag nalaman niya ay hindi niya palalamapasin si Nathaniel—

"I know everything. Mula sa kabaliwan mo sa lalaking iyon hanggang sa ginawa niyang pangiiwan. Ria, I know the truth behind Georgina's death. Hindi ako bobo Leria." Mayabang niyang sabi. Napayuko ako. Kung may isang bagay man ang totoo, iyon ay ang kaalaman na mas matalino nga ang Kuya ko sa akin.

"Bakit wala kang ginawa?" anas ko. Tumaas ang sulok ng labi ni Kuya bago nagkibit balikat.

"Because I trust you Ri. Alam kong natuto ka na sa nangyari at hindi mo na uulitin ang ginawa mong mali." Nilingon niya ang dyaryo na binato ni Tito bago ako tiningnan muli. "But I guess I am wrong again. You still disappoint me Leria." Kaswal niyang sabi. Kinagat ko ang labi ko. Tanging nasa isipan ko lamang ay ang protektahan si Athan sa kanilang dalawa.

"Hindi na niya gagawin iyon. Athan loves me—"

"Does he?"pagputol niya sa sinasabi ko. "Leria, old habits don't die easily. Akala ko ay natutunan mo na iyon. If he left you then, he will only leave you now." Dagdag ni Kuya. Mabilis ang ginawa kong pag-iling.

Pinanood ako ng kapatid ko na nagtitimpi sa kanya. How can he say that? Hindi niya kilala si Athan. Hindi niya alam kung sino ba talaga siya? Hindi alam ni Kuya na kaya ko lamang ginagawa ito ay dahil sa gusto ko ng maging masaya. I deserve my happiness.

"Nagbago na siya Kuya." Sinsero kong sabi. Tumawa lamang si Kuya na para bang nakarinig siya ng biro mula sa sinabi ko.

"People are not capable of changing Leria." Aniya.  Doon ay tumayo na siya at umalis sa aking opisina, kasunod si Tito.

Napaupo ako. Kinagat ko ang labi ko habang nag iisip ng tamang hakbang. What should I do now? My brother won't let this go so easily. At hindi rin ganun kabait si Tito sa AEGGIS. Kung bakit ay hindi ko alam. Hindi ko alam kung ano ang problema niya sa banda.

Hindi ako nakatiis sa loob ng opisina ko. I decided to visit their practice room. Sa malamang ay naroon lang ang anim at naghahanda na para sa susunod nilang album.

I am right. Pagkarating ko doon ay may itinutugtog na si I habang si Greg ay may hawak na papel. Sumandal lamang ako sa pader habang pinapakinggan ang bago nilang single na sinulat ni Iñigo. It is always like this. Kung hindi si August ang suuslat ng kanilang kanta ay si Iñigo ang gagawa noon. Maybe because Iñigo doesn't sing. I never heard him sing. Not even once.

'Now I know I messed up bad

You were the best I ever had

I let you down in the worst way

It hurts me every single day

I'm dying to let you know'

Tumaas ang labi ko at napangiti ako noong marinig iyon. Habang kumakanta si Greg ay pumasok na ako sa loob. As usual, si Athan agad ang nakakita sa akin. Noong tumayo siya ay tumigil ang dalawa na nagpapractice.

"That was a nice song." Sabi ko sa kanila. Wala man sinasabi si I habang si Greg ay ngumiti lang.

"May pinaghuhugutan si Igoy eh! Kapag nalaman ni Iris na para sa kanya iyang kanta, babalikan ka nun—"

"Bwisit ka. Manahimik ka nga Ethan. Para kang bakla." Inis na sabi ni I. Nawala ang ngiti ko at nanahimik na lamang ako. Naramdaman siguro iyon ni Athan kaya hinaplos niya ako ng bahagya. Noong tumingala ako ay nagtatanong ang kanyang mata.

Ang sabi nila, malalaman mo lang ang halaga ng isang bagay kapag nawala na iyon sa iyo. But I beg to disagree. Alam mo ang halaga nito, alam mo kung gaano ito kaimportante, ang hindi mo lang inaasahan ay ang pagkawala nito.

My brother said that people are not capable of changing. But Athan changed. Iñigo too. Kahit si Stanley ay nagbago para kay Tori. Nagbago sila noong nawala sa kanila ang mga taong mahalaga sa kanila.

I changed when I lost Georgina. My brother is wrong. People change when they lose something dear to them. People change when they experience pain. Pain changes a person permanently. Iyon ang matibay kong paniniwala.

I won't let that pain change me again.

"Leria, may problema ba?" tanong sa akin ni Athan. Hindi pa man ako nakakasagot ay inakay na niya ako palabas ng kanilang practice room. Dinala niya ako sa terrace at doon kami nag usap.

"Wala naman." Pagsisinungaling ko. Napapikit ako habang ang kamay kong hawak ang railings ay humigpit. Hindi ko na sasabihin sa kanya ang lahat ng naging usapan namin ng kapatid ko. Hindi ko na dapat pang idamay si Athan rito.

Tinitigan lamang niya ako at lalo akong hindi mapakali. Habang nakatingin ako sa paligid ay hindi ko mapigilan ang pagkabalisa.  Sa lugar na ito dating nakipag hiwalay si Nathaniel sa akin. Habang tumatagal ay naalala ko lamang ang nangyari noon.

"Tell me, are you really okay?" naiinis na niyang sabi. Ngumiti ako sa kanya bago tumango.

"Why won't I be okay?"

"I don't know. Why won't you tell me?" bwisit na niyang sabi. Tumalikod ako sa kanya at pinanood na lamang ang mga sasakyan sa ibaba ng Wave.

What should I tell him? Na naalala ko ang ginawa niya rito sa terrace noon? Ipapaalala ko sa kanya how those words broke me? Ilang beses ko ng sinubukan na hindi ungkatin ang nakaraan. Kung pwede lamang ay burahin na lang iyon sa sistema naming dalawa. We can be happy without rehashing the past right? Right?

Napangiwi ako. It sounded as if I am convincing myself that everything is okay. Is it? Kaya ko bang kalimutan na lang basta ang nakaraan?

That is the thing about nightmares, I guess. It will always haunt you eventhough you are awake.

—————————————

*pen<310

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top