Never Say Never
33
I can feel Athan slowly slipping away from me. Naroon pa rin ang pag aalaga niya sa akin, pero pakiramdam ko ay ginagawa na lamang niya iyon dahil sa buntis ako. Kinakain na ako ng takot dahil sa pananahimik niya. He is back from being the cold boy of AEGGIS.
"Are you craving for something?" tanong niya sa akin. Umiling ako at lumapit sa kanya. Niyakap ko siya ng mahigpit habang siya ay mukhang nagulat sa ginawa ko.
"I love you." Anas ko. Naramdaman ko ang paninigas ng katawan niya bago ako niyakap pabalik. Hinalikan niya ang tuktok ng aking buhok bago ako binitawan. Napabuntong hininga na lamang ako at sumunod sa kanya sa kusina.
"Nathaniel, kung galit ka sa akin ay sabihin mo ng diretsyo. Stop treating me coldly." Galit ko ng sabi. Natigilan siya sa pagluluto at hinarap ako.
"I am not mad at you Leria."
"Then why are you acting like that?" naiiyak ko ng sabi. Damn hormones, ang bilis ko ng maluha ngayon.
Gusto kong makita ni Nathaniel na natatakot ako sa kinikilos niya. Ayaw ko ng maiwan niya ako ulit. Ayaw ko ng maranasan ang napagdaanan ko noon. We have Caius now, at lalaban ako para sa kinabukasan namin ng pamilya ko. Hindi ko hahayaang madungisan kami ng nakaraan.
I won't let this pain changes us again.
'Some things we don't talk about
Rather do without
And just hold the smile
Falling in and out of love
Ashamed and proud of
Together all the while'
"I am not mad at you Ria. I am mad at myself. I hate myself." Bulong niya. Natigilan ako roon. Para akong sinakal sa narinig. Mabilis akong lumapit ulit sa kanya, halos patakbo na, at yumakap sa kanya ng mahigpit.
Hinawakan ko ang dibdib niya at pinakiramdaman ang tibok noon. I closed my eyes and tried feeling his pain.
"I understand Athan. I really do. I almost died, our child died, I was broken. Oo, siguro ay may kasalanan ka doon, pero hindi mo dapat akuhin ang lahat dahil hindi lang ikaw ang may desisyon ng mga nangyari. What happened is nothing but a pure domina effect of wrong decisions A. Kung may kasalanan ka, ganun din ako. We are all to blame so stop hating yourself."
"Alam kong masakit sa una, but please, wag mo naman akong bitawan Athan. You have me. You have Caius. We can survive. Please hold on for me, for us. Hold on for our son. Athan, please." Nagmamakaawa kong sabi. Napayuko si Athan habang ako ay patuloy lamang sa paghaplos sa kanyang dibdib.
They say that when two people finally share the same pain, that is the instant that they will be able to share everything afterwards. Lahat ng pagdadaanan nila ay kapwa na nilang mararanasan ng sabay. It is as if their hearts will beat as one.
'You can never say never
While we don't know when
But time and time again
Younger now than we were before'
Never say never Athan. I have been living under the power of pain for years now, alone, with no one to hold on to. Ngayong ikaw ang nakakaranas niyan ay hindi ko hahayaang maging mag isa ka. I will be there for you. I will love you.
Bumaba ang kamay ni Athan papunta sa aking tiyan. Hinaplos niya iyon bago isa isang tumulo ang luha niya. Napapikit siya ng mariin bago huminga ng malalim.
"My Mom.. I don't want her to die Leria. You remembered the day I proposed to you? After we made love, Ethan called me. Sinabi niya sa akin na may sakit si Mama at tinago lang niya sa amin iyon para hindi kami mag alala. Doon lang namin nalaman na malala na si Mama at kailangan niyang maoperahan sa loob ng bente kwatro oras."
Hinila niya ako para makaupo. Kinandong niya ako at pumwesto ako sa kanyang mga binti. Ang kamay niya ay nasa tiyan ko pa rin.
"Glenn talked to Ethan. Hindi kami makahanap ng donor para sa Mama kaya inalok kami ni Glenn ng tulong. And your brother is a doctor Leria, kaya tinanggap namin iyon. Huli na ng malaman ko na ang kapalit ng tulong na iyon ay ikaw." Aniya at pumiyok ang boses niya pagkasabi niyon.
"Noong naisalang na si Mama sa OR, biglang pinatigil ni Glenn ang operasyon. Gusto niya munang hiwalayan kita bago niya gagamutin si Mama. Leria, I cannot let my Mom die. I can't."
Pinunasan ko ang luha ni Athan at tiningnan siya ng maigi.
"I chose her. Leria, kung alam mo lang. Kung alam mo lang kung paano ko pinatay ang sarili ko noong sinabi ko lahat ng nasabi ko sa rooftop ng Wave noon. Ang sakit dito. Sobra." Sabi niya habang itinuturo ang dibdib niya.
"You are not a trash Leria, you are everything that makes my world good. Pero itinapon ko iyon dahil hindi ko kayang mawala si Mama. Hindi ko kayang panoorin mamatay ang Nanay ko gayong alam kong may magagawa ako."
'Don't let me go
Don't let me go
Don't let me go'
"Mas pinili kong maging anak kaysa sa maging isang lalaki Leria. All along inisip ko, siguro kung ako si Stanley, siguro kung Montreal ako at kapantay mo ako, siguro hindi gagawin ni Glenn sa akin iyon. Hindi niya ako aayawan para sayo dahil magiging sapat na ako. Sino ba naman kasi ako kumpara sa isang tulad mo? You're smart, beautiful, competent while I am just a boy who plays the guitar." Aniya habang mapait na natawa sa kanyang huling linya. Niyakap ko siya ng mahigpit at doon ay lalo siyang naiyak.
"Athan.."
"Noong bumalik ka, natakot ako Leria. Nagbago ka, hindi na ikaw yung babaeng nakilala ko noon. I thought that you are over me, I felt that I am still not enough so I pursued Victoria again. Inisip kong kapag ginawa ko iyon ay maibabalik ko ang dati kong nararamdaman para sa kanya. You're with Stan at that time. Mas bagay kayong dalawa, alam mo ba iyon. Magkapantay kayong dalawa, mas kaya kang protektahan ni Stanley—"
"Ano bang sinasabi mo Nathaniel!" sigaw ko na. Ngumiti si Athan at hinaplos ang aking pisngi.
"I want to be a man worthy of a great woman Leria. I want to be your man." Lumuluha niyang sabi. Tumango ako at hinalikan siya. Sinagot ni Athan iyon, malalalim at masuyong halik. Punong puno ng pagmamahal.
"You are my man." Sagot ko.
"I am yours Leria. Pero dahil sa pag aari mo ako kaya ka nasaktan. Hanggang ngayon, kapag naiisip ko ang sinabi ng kapatid mo sa akin, kung paano kita winasak, para akong pinapatay. Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit ka takot sa ulan. You are afraid with the rain you loved so much. And it is all because of me. Because I am not enough for you."
Humigpit ang hawak niya sa akin habang ako ay niyakap siya ng mahigpit. Ipinatong ko ang ulo ko sa kanyang balikat at pumikit na lamang.
Minsan, ang taong pinakanasaktan, siya pa ang pinakamaaruga. Iyong taong nakaranas ng lungkot ang palaging nagpapasaya sa iba. Iyong taong walang naramdamang pagmamahal ang may pinakamalaking puso. Maybe this happens because this people know the feeling of being worthless, and they don't want others to feel like that. They want to save everybody from that kind of suffering.
But then, who are we to shield everybody? Hindi natin makakayang harangan ang lahat ng sakit para sa mga taong mahal natin. All we can do is to be there for them, through thick or thin. Hindi sa lahat ng oras ay magagawa natin silang protektahan.
You can never force a seed to grow into a tree. We have to let them grow for themselves. Pain is a necessity in life.Hindi natin iyon maiiwasan. Kung may isang bagay man akong natutunan sa lahat ng napagdaanan ko, ito ay ang katotohanang kailangan nating masaktan. Sa ganitong paraan lamang tayo magiging malakas.
People are afraid of pain. That is a reality. But someday, when you have something to fight for, hindi ka na matatakot masaktan. Kahit kailan, God will never give you problems that you cannot handle. Kapag mas mabigat ang problema mo, ibig sabihin noon ay mas malaki ang tiwala Niya sayo. Kaya dapat ay suklian mo ang tiwala na iyon. You have to pass His test.
You don't have to be afraid of the pain. For pain is the best way to be stronger. You should never say never.
"I love you." Bulong ni Athan sa akin. Ngumiti lamang ako at muling humilig sa kanyang balikat.
I will say it again. Find something worth fighting for, and never let go of it, no matter how painful things can be. You have to be strong, because God believes you are strong.
Believe in yourself.
-------------------------
Song Used:
Never Say Never – The Fray
*pen<310
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top