Morales-Falcon
18
Ngumiti siya sa akin habang ang kambal niyang tirintas ay hinihipan ng hangin. Nakaupo lamang siya sa swing habang hinihintay ang fireworks show na gaganapin sa mall.
"Hindi ka pa ba naiinip?" tanong ko. Ngumiti lamang si Leria sa akin bago umiling. Ngumuso ako at pinigilan ang sarili kong mapangiti rin habang nakatingin sa kanya. Pinaglaruan niya ang mga damo sa ilalim ng kanyang paa habang tahimik na kumakanta.
Nag-iwas ako ng tingin at tahimik lamang na naghintay. Sinadya kong umiwas ng tingin sa kanya. Tnagina, napapangiti rin ako ng walang dahilan. Damn her effect on me. Nakakabaliw. Para na tuloy akong gago habang natatawa ng walang dahilan. Ngumiti lamang siya ay nawawala na ang problema ko.
Leria is like a breath of fresh air. Iyong inosenteng anghel na ipinadala para gamutin ang isang demonyong katulad ko. She's my mirror. Siya ang kabaligtaran ko, iyong repleksyon na nagagawa lamang kapag may liwanag na dumating mula sa kadiliman. Truly, it is the possibility of darkness that makes the image of light. Siya iyong liwanag, siya iyong dumating sa buhay ko noong hindi ko na makapa ang sarili ko dahil sa sobrang sakit na naranasan. Nagawa niyang basagin ang salamin na ipinalibot ko sa sarili ko noon. Nagawa niyang makapasok kahit isinara ko na ang pagkatao ko para kay Toryang.
"Shooting star!" sigaw niya at agad na tumayo. Tinuro niya iyong bulalakaw at mabilis na pumikit para iusal ang hiling niya. Ako naman ay nanatiling nakatitig lamang sa kanya. Pinapanood ang bawat galaw niya. Pinagdikit niya ang dalawang palad niya at bumulong. I was left smiling, amused by her childish actions. Hindi ko man alam kung anong hiniling niya, pero ang alam ko lang ay desidido akong tuparin iyon.
God help me, mas matindi pa yata siya kay Toryang. Noong dumilat siya at tiningnan ako ay doon ko nalaman kung gaano na ako kahulog sa kanya. This is not pretense. Hindi na rin ito yung tipo ng puppy love na pinanghawakan ko buong buhay ko. Hindi na rin ito obsesyon o simpleng pagkagusto.
This is something deeper, and scarier. Hindi pa ako sigurado kung ano ba talaga ang nararamdaman ko para kay Leria. Basta ang alam ko lang ay mahalaga siya. At hindi ko siya kayang bitiwan ng ganun na lang.
Tumingkayad siya sa akin at natitigan ko na naman ang singkit niyang mata. "Nag wish ka din?" masaya niyang tanong. Umiling lamang ako bago nag iwas ng tingin sa kanya. Kitang kita ko sa gilid ng aking mata ang pagnguso niya na parang bata. Nameywang siya bago ako tiningnan ng masama.
"Ang sungit mo Falcon." Reklamo niya.
"Ang ingay mo Morales." Ganti ko. Nagtinginan lamang kaming dalawa bago siya tumawa. Iyong mata niya ay kuminang dahil sa kapilyahan na naiisip. Mabilis siyang tumabi sa akin sa punong kinasasandalan ko bago kumuha ng bato at kiniskis iyon sa katawan ng puno.
"Anong ginagawa mo?" tanong ko. Hindi siya sumagot at nanatiling abala sa pagsugat sa balat ng puno. Lumapit ako pero hinarang niya ang kamay niya sa akin.
"Leria." Matigas ko ng sabi. Agad niyang ibinaba ang bato at ipinakita sa akin ang ginawa niya. Pinokus ko ang mata ko sa iginuhit niya sa puno.
"Morales Falcon." Anas ko. Masaya ang ngiti na tumango siya sa akin. Ang pisngi niya ay agad na namula pagkarinig sa mga salita ko.
"Yup. Isn't that great?" tuwang tuwa niyang sabi. Napailing na lamang ako at hinayaan siya sa pangangarap niya. Tinaas niya pa ang kanyang kamay at nagsulat sa hangin.
"Leria Geneva Morales Falcon. When we get married, iyon na ang magiging pangalan ko." Aniya. Hindi ko na napigilan ang aking ngiti. Nagustuhan ng aking pandinig ang pangalan niyang kadugtong ang apelyido ko.
Hindi na ako nagsalita. Umupo na lamang ako sa damuhan at hinayaan siya sa pagdadagdag ng kung ano sa mga isinulat niya sa puno. Ako naman ay nanatiling nag iisip sa pangalan niyang kadugtong ang akin.
Leria Falcon. Maganda nga. Ang tuwa sa dibdib ko noong narinig ko ang marka ko sa pangalan niya ay sobra sobra. Hindi ko napigilan ang pagbaha ng kaligayahan sa pagkatao ko. I have never been this possessive. Ngayon lang. Kay Leria lang. Kaya sisiguraduhin kong yan ang kahahantungan mo. Magiging kang isang Falcon. That will be your finish line. The taming will end there.
-----------------
"Seryoso ka?!" gulat na gulat na sigaw ni August pagkarinig sa sinabi ko. Nagkibit balikat lamang ako at nagpatuloy sa pagtugtog ng aking gitara. Mabilis na kumilos si August at ginuyod ang isang upuan papunta sa akin.
"Gagawin mo yun sa harap ng maraming tao?" tuloy tuloy niyang pagkumpirma. Huminga na lamang ako ng malaim at tumango.
"Oo nga." Sagot ko. Napabuga siya ng hangin at umiling na lang.
"Noong sinabi kong obsessed ka sa kanya, joke lang yun. Pero ngayon.." hindi na niya itinuloy ang kanyang sasabihin. Pinaglaruan na lamang niya ang labi niya at tumingin sa akin.
"Paano kung pagalitan ka niya? Nakakatakot kaya si Leria." Sabat ni Greg sa usapan. Ulit, nagkibit balikat lamang ako. Wala akong balak sagutin ang mga tanong nila. Ang isip ko ay nakapokus sa plano ko para mamaya. This is a win or lose situation. And I am not planning to be the loser. Kaya kong makuha si Leria ulit.
Tumigil si Stanley sa pagtugtog ng drums at hinarap ako. "Wala ka talagang pakialam? Pwedeng lumala ang relasyon ninyo sa gagawin mo." Aniya.
"What do you want me to do? Watch her be miserable?" paghamon ko. Tiningnan lamang ako ni S at sumusukong nagtaas ng kamay.
"Katangahan Athan." Diskumpyadong sabi ni I. Masama lamang ang tingin na ibinigay ko bago tumugtog ulit. Noong nagtaas ako ng tingin ay nakita ko ang kambal ko na pinapanood lamang ang galaw ko. Noong lumayo na si August sa akin ay doon lamang lumapit si Ethan. Umupo siya sa harap ko at kinuha rin ang kanyang gitara.
"Sigurado ka na ba sa balak mo?"aniya. inis ko siyang tiningnan.
"Bakit lahat ba kayo tinatanong kung sigurado ako? Hindi ko ito gagawin kung may duda pa ako sa sarili ko Ethan." Mariin kong sagot. Pinagkrus lamang ng kakambal ko ang tuhod niya at doon ipinatong ang gitara niya.
"Ni isang beses, hindi ka nagkaganyan kay Toryang. Naiisip ko tuloy kung talaga bang minahal mo si Kamahalan?" panunukso niya. Napatahimik ako at umiling na lamang.
Minahal ko si Victoria. Siya ang unang babaeng inilagay ko sa pedestal. Iyong pinipilit kong abutin. Siya iyong hinintay ko ng maraming taon. Siya iyong medalya na pinaglalabanan namin ni Stanley. Sa kompetisyon namin ni S, si Toryang ang premyo.
She's a challenge. Nagmahal ako ng babaeng may mahal na iba. Iyon ang totoo. Ibinigay ko ang lahat dahil nga umaasa akong mananalo sa laro. Na kapag nakuha ko si Toryang ay may mapapatunayan ako sa walang kwenta kong sarili. That I can be someone who is more than the guy who can play the guitar. I am more than a guy in a band. Lahat ng mga taong nangiwan sa akin ay magsisisi kapag nalaman nila kung ano ba talaga ang kaya kong gawin. Na kaya kong burahin ang isang pagmamahal na kasing wagas ng kay Toryang.
Pero dumating si Leria at inihampas lahat ng prinsipyo na inaakala kong tama pabalik sa aking mukha. Her innocence and optimism broke my walls. Her warmth melted my ice. Iyong takot ko noong bata ako ay nawala ng dahil sa kanya. Iyong takot na maiwanang mag isa ulit ay nawala dahil alam kong sa huli, may Leria na maghihintay. May Leria akong babalikan.
She's my fire. Siya iyong tumunaw sa lahat ng naging takot ko. And now I am willing to return the favor. I'll be her heat.
Nilingon ko ang orasan at doon ko napansin na eksakto na ang oras para sa plano ko. Kinuha ko na ang mga gamit at dinala na iyon sa labas. Sumunod naman ang lima at tinulungan akong mag-ayos.
Wala ng tao sa buong parking lot ng Wave. Iyong mga kotse ay napaalis na rin at ang tanging nasa gitna ay ang pares ng speakers at ang mga instrumento namin. Wala na ring tao at kami na lamang AEGGIS ang naroon.
Pinunas ko ang kamay ko sa aking pantalon habang hinihintay ang paglabas niya. Tumingala ako sa langit at doon ko nakita ang isang bulalakaw. Hinintay ko lamang iyong mawala sa paningin ko bago ko inusal ang aking hiling.
I want Leria to be happy again. Gusto kong ibalik ang dating kinang sa mga mata niya. Hindi ko man alam kung ano ba talaga ang nangyari pagkatapos ko siyang iwan noon, alam kong ako naman ang dahilan kung bakit siya nabasag.
"She's here." Rinig kong anunsyo ni August. Agad akong nag-ayos at nagsimula na ang lima sa pagtugtog.
Nilingon ko ulit ang bulalakaw. Kung totoo man nga na may kapangyarihan kang tuparin ang mga kahilingan, then grant my wish. This is my only desire. I want the old Leria back.
'I never planned
to hold out my hand
so take it or let it go'
-------------------------
Napatigil ako sa paglalakad noong makita kong wala ng kahit na isang kotse sa parking lot. Wala ring kahit na isang tao maliban sa AEGGIS na nakatayo sa ilalim ng poste ng ilaw. Humakbang ako sa kanila at lalapit na sana noong bigla silang tumugtog.
'I never planned
to hold out my hand
so take it or let it go'
Gulat na gulat ako ng makita si Athan na dahan dahang naglakad papunta sa harapan. Wala siyang dalang kahit na anong gitara at tanging putting tshirt lamang ang suot niya. Kakanta ba siya? Pero si August at Greg ang may hawak ng mikropono? Anong ginagawa niya?
'if you
you feel it inside
than open your eyes
cause sometimes you never know
The lines are fading
walls come down
and I'll be waiting'
Tiningnan ako ni Athan ng diretsyo sa mata bago niya isinuot ang kanyang cap. Pagkatapos niyon ay humakbang siya ng kaunti at tumalon. Ang bibig kong sarado kanina ay napanganga na lamang habang pinapanood ko siyang sumayaw sa saliw ng kanta ng AEGGIS.
This is my first time to see him dance. He doesn't dance. Alam kong hindi siya sumasayaw dahil ayaw niyang nagiging sentro siya ng atensyon. Pero ngayon ay hindi ko magawang alisin ang tingin ko sa bawat galaw niya, para akong na magnet sa indak na ginagawa niya kasabay ng musika.
'so Let me in
I won't let you fall
Let me in
and we could have it all
cause in our dreams things are better
than what they've been
so let me in...'
Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking baba bago muling sumayaw. Ngayon ay halos hindi na ako makahinga habang pinapanood na siya ng malapitan. Iyong ngisi niya ay malinaw kong nakikita. That kond of smirk that will tell you he is up to no good. The cold boy is up to no good.
"Anong g-ginagawa mo?" nanginginig kong tanong. Tiningnan lamang niya ako. Tumindig ang balahibo ko ng masulyapan ko ang kanyang mata. Those piercing gray eyes. Palagi na lamang ba akong mapapaluhod nun?
'cause in our dreams things are better
than what they've been
so let me in...'
Napahawak ako sa dibdib ko. Hindi na normal ang tibok ng puso ko habang pinapanood ko si Athan sa kanyang ginagawa. Nakagat ko ang labi ko para pigilan ang pagragasa ng emosyon sa akin. Humiwalay siya at pumunta sa AEGGIS bago niya kinuha ang mikropono kay Greg.
'I never planned
to hold out my hand
so take it or let it go
Let me in..'
lumapit muli siya sa akin at tumayo na sa harapan ko. Hinihingal pa at halatang pagod pero nakangiti siya habang nakatingin sa akin.
"I won't let you fall. We can have it all. All our dreams will be better than what we've been, just let me in." patuloy niya sa pagkanta. Maya maya ay may kinuha siya sa kanyang bulsa at naglabas roon ng isang maliit na kahon. Napasinghap ako noong binuksan niya iyon at kinuha ang isang kwintas.
"I am inlove with you Leria Morales. But maybe you are right. Marriage will never fix this. Kumplikado pa ang lahat. Hindi mo pa ako kayang pagkatiwalaan at naiintindihan ko iyon." Dahan dahan niyang sabi. Kinalas niya ang lock ng kwintas at lumapit sa akin.
"I am willing to wait. At habang naghihintay ako ay pipilitin kong makapasok ulit sa buhay mo. I will demolish those walls you built around you. And I will be the wall, your wall. I will protect you from pain. Hindi ka na masasaktan ulit." Aniya. Tiningnan ko ang kwintas at doon ko napansin na singsing ang pendant niyon. Tiningala ko siya at nakita ko ang seryosong tingin niya sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at niyakap ako.
"I am a selfish jerk Leria. Nasaktan kita pero ipinipilit ko pa rin ang sarili ko sayo. I know that is pathetic but I can't control it. If I have to crawl just to gain your trust I will do it. I will do everything for you to let me in again." Bulong niya. Napapikit ako, hinayaan ang boses niyang manuot sa sarili ko.
"At kapag handa ka na ulit, I want you to wear my ring. At doon na natin itutuloy yung pangako mo sa akin noon sa ilalim ng puno. Saka na natin itutuloy ang Morales Falcon kapag suot mo na ang singsing ko." Aniya. Tumulo na ang luha ko at hindi ko na napigilan ang sarili ko.
----------------------
Song Used:
Let Me In – Michael Corcoran
*pen<310
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top