MARRIED TO THE COLD BOY SC#3
Nine Years
Hello po! Ako po si Chantal Eleanor Falcon. I am nine years old. I live at 3107 block 5 Westville Village po. Anak po ako ni Mama at ni Papa. Mahilig po ako sa pink po. May manika po ako, pangalan po niya Chacha. Hihi.
Isa lang po yung kapatid ko. Lalaki po siya. Dapat po siya yung magkekwento ngayon kaso po tinamad po siya. Dati po kasi nung siya yung nagkwento nilagnat po siya. Baka po ikamatay na niya ngayon kapag siya po yung nagnarrate. Kaya ako na lang po ha? Thank you po!
Umupo na ako sa bed ko. Inaantok pa po kasi ako eh. Pero kailangan ko na pong magtrabaho kasi baka pukpukin ako ni Kuya ng Baygon. Masakit po kaya yun. Palagi niya nga po akong inaaway ni Kuya pag wala si Papa. Kahapon po ginupitan niya yung buhok ni Chacha kasi daw po hindi ko inabot yung remote sa kanya. Eh katapat lang naman po niya yun inuutos niya pa sa akin.
Napapapikit pa rin po ako kahit nakaupo na po ako. Inaantok pa rin po kasi ako eh.
Bumukas yung pintuan ng room ko po. Sumilip po si Seven tapos pumasok na agad sa room ko. Nag pout po siya nung makita niya akong nakaupo pa sa kama.
"Gising na bata!" tawag niya sa akin. Dinilat ko yung isa kong mata.
"Di na bata si Chantal!" sigaw ko. Hindi na kaya ako bata. Nine na ako. Natanggal na nga yung tatlo kong teeth eh. Sabi ni Mama matanda na daw ako kaya natatanggal na yung mga teeth ko. Babalik pa kaya yun?
"Bata ka pa kaya." Biro niya sa akin. Hindi na nga kasi po ako bata. Nakakainis na lahat ng kaibigan ni Kuya tinatawag akong bata. Pero nagagalit ako kapag si Seven na nagsasabi nun. Bakit si Ate Illea hindi niya tinatawag na bata? Bakit ako bata? Nakakaasar naman.
"Maghilamos ka na Cha. Ikaw na lang hinihintay sa baba." Utos ni Seven sa akin. Kinuha niya yung manika ko bago sinuklayan. Gusto ko ring suklayan ako ni Seven eh.
"Seven.."
"Oh?" sagot niya. Busy pa rin siyang nagsusuklay kay Chacha. Yumuko na lang po ako at pinaglaruan yung pink kong unan.
Sabi ni Kuya aalis na daw si Seven. Kapag kasi nag 18 na siya, papadala na siya ni Ninong Stan sa ibang bansa para mag aral. Gusto ko sanang sumama kaso hindi naman papayag sina Papa. Gusto kong sumama kay Seven. Gusto kong sumunod sa kanya.
Naiinis ako kasi ang layo ng agwat ng edad namin. Nine years. Kaya bata talaga ako kumpara sa kanya.
"Chantal, bilis na. They're waiting for us." Tawag niya sa akin. Hinila niya ako patayo tapos po ako inaantok pa ring pumasok sa banyo.
"Here." Inabot niya sa akin yung pink kong toothbrush. Tinitigan ko lang yun. I am really sleepy.
"I still want to sleep Seven." Reklamo ko. He held my waist tapos bigla na lang niya akong pinatong sa may sink. I pouted po. I really hate it when he treats me like a child. I just hate it po.
"Come on. Brush your teeth." utos niya. My eyes are still closed and I am still sleepy. I heard him sigh.
"Tinatamad ako."
"Cha naman." Naiinis na siya. I smiled before yawning.
"Open your mouth." aniya. I felt him holding my chin. Sunod kong naramdaman ay ang pagtotooth brush niya sa akin.
"You're really a handful Chantal." naiinis niyang sabi. I smiled while watching him brushing my teeth.
If this is the only way then I will be a handful. Kukulitin kita para kapag umalis ka na, hindi mo ako makakalimutan.
Noong matapos niya akong toothbrushan ay sinuklayan naman niya ako. He took my baby powder tapos nilagyan niya ako sa face ko.
"Do you want to keep your hair down or shall I braid it?" He asked. Opo, taga ipit ko po ng buhok si Seven. Marunong po kasi siya kasi lagi siyang inuutusan ni Ate Serise.
"Braid mo ako ha? Yung waterfall." Nakangiti kong sabi. Bumaba na ako sa sink tapos tumalikod ako sa kanya. Tinitigan ko yung reflection naming dalawa.
At seventeen years old, matangkad na talaga si Seven. Hanggang bandang tiyan niya lang ako eh. Mukha talaga akong bata.
"Done." Nakangiti niyang sabi. I smiled at him tapos hinug ko siya. Nagpaalam na rin si Seven sa akin tapos lumabas na. Noong ako na lang po ay naligo na ako.
Pagkalabas ko po ay may nakalatag ng dress sa kama ko. Lumapit na po ako doon para tingnan ang damit. Pink po iyon na may dark pink na bodice. Hanggang siko yung manggas at may partner po siyang pink na ballet flats.
Inangat ko po yung damit at may nahulog na papel. Pinulot ko iyon at nakita ko ang magulong sulat ni Seven.
'Bihis ka na bata.
- 7'
Niyakap ko yung damit at agad na nagbihis. Balang araw, tatanda na din ako. Hindi na ako tatawaging bata ni Seven.
-----------------------
*pen<310
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top