MARRIED TO THE COLD BOY SC#2
Married To The Cold Boy SC#2
I groaned when Papa pulled Mama closer. Nasa park na kami lahat lahat nakuha pa nilang maglambingan. Nakaupo lang ako sa may kumot tapos si Mama inaayos yung pagkain. Si Papa naman nakayakap lang kay Mama.
Si Chantal? Ayun, pinatapon ko na.
Di, joke lang. Pinatawid ko lang ng kalsada para masagasaan. Hehe.
"Athan, hindi ako makagalaw" naiinis na sabi ni Mama tapos pinalo pa yung kamay ni Papa para bumitiw si Papa. Natawa lang si Papa bago lalong sumiksik kay Mama. Napangiwi na lang ako habang nakatingin sa kanilang dalawa.
"Ria." Tawag ni Papa. Hindi na sumagot si Mama. Kinuha lang niya yung sandok bago pinukpok si Papa sa ulo. Hindi ko naiwasan matawa. Sige pa Mama. Isa pa. Pukpukin mo pa yang si Papa.
"Lumayas ka dito Falcon, nakakabwisit ka na." sabi ni Mama. Nagpout lang si Papa bago bumitaw kay Mama. Mukha tuloy siyang bibe. Kapag malaki na ako, papuputulan ko yang bibig ni Papa. Nababanas ako eh.
Sabi nina Ninongs taong yelo daw si Papa. Poker face daw kaya masarap bugbugin.Pero kapag tinitingnan ko si Papa parang ayaw kong maniwala. Mukha kasi siyang tangang bulate na laging nakapulupot kay Mama. No wonder my sister is a stupid idiot. Manang mana kay Papa.
"Nasaan yung kapatid mo Caius?" tanong ni Papa sa akin. Tinuro ko yung sarili ko. Ako bang tinatanong?
"Bakit may iba pa bang Caius?" tanong ni Papa pabalik. Tumaas lang ang kilay ko.
"Aba hindi ko alam Papa. Malay malay ko ba. Tanong niyo sa nagcecensus baka sagutin kayo." Sagot ko. Biglang lumapit si Papa sa akin para pitikin ang noo ko noong pinandilatan siya ni Mama.
"Nathaniel!" sigaw ni Mama. Lumapit ako kay Mama at niyakap siya ng mas mahigpit. Ano ka ngayon Papa?
"Nasaan ba si Chantal?" si Mama na nagtanong. Siyempre sasagot na ako ng matino.
Ganyan naman kasi diba? Kapag matino kausap mo, matino rin ang sagot mo.
In short. Hindi matino si Papa. Baliw yan. Baliw.
"Cai baby." Tawag ulit ni Mama. Ay oo nga pala. Sasagutin ko siya. Nakakatamad naman kasing sumagot eh.
"Ayun po." Turo ko sa may kalsada. Nilingon ni Mama iyong daan na punong puno ng sasakyan.
"Caius Ezekiel!" sigaw ni Papa. Yung totoo? Palaging kumpleto pangalan ko? Hindi ba pwedeng Caius lang o kaya Cai? O kaya huwag na lang nila akong tawagin para mas masaya diba?
"Pinatawid mo mag isa si Chantal?!" gulat na gulat na sabi ni Mama. Dumiretsyo ako ng upo.
Ang OA nga mga magulang ko. Hindi ko pa naman ipapabundol si Chantal. Hindi pa muna.
"Kasama niya si Seven Mama, nandun sila sa may ice cream shop sa kabilang daan kasama si Ninong Stan. Ang OA niyo po." Sagot ko. Nanlaki ang mata nilang dalawa bago tumango.
Pahiya ka Papa noh?
Napahiya nga si Papa kasi nagpaalam muna sila ni Mama na pupunta sa van para kunin yung iba pang pagkain. Naiwan lang tuloy akong mag isa.
Ang saya. Mag isa ako. Peace at last!
Hihiga na sana ako ulit noong marinig ko na ang sigaw ng dwende kong kapatid. Napapikit na lang ako ng mariin. Matutulog na lang ako. Matutulog ako.
Matutulog ako--- oomph!
Napatayo ako noong parang may bumagsak sa tiyan ko. Takte, nawalan ako ng hangin. Tiningnan ko kung sino yung walang modong umupo sa akin! Bwisit! Kitlan ko ng buhay yan eh---
Mataray na tumaas ang kilay ni Serise sa akin bago niya tinapat yung ice cream sa bibig ko.
"Tss. Dun ka nga. Baboy." Sabi ko bago siya tinulak.
"Bulate." Ganti niya tapos umupo na sa may kumot. Dumating na rin sina Seven na kumakain ng strawberry na ice cream. Pink na naman.
Minsan napapaisip na ako diyan sa taong yan. Ang hilig sa pink eh.
Di kaya?
Di kaya?
Hindi naman siguro. Inaantok na naman ako.
"Yo! Nakita niyo si Illea?" tanong ni Noah na gusgusin na naman. Pupusta ako binugbog na naman yan ni Illea. Tumabi siya kay Serise at inabot ang ice cream nito.
"Noah! That's mine!" sigaw nitong si Montreal. Dinilaan muna ni Noah yung ice cream tapos binalik na kay Serise. Iyon namang isa ay diring diri na. Huwag na kayong magtaka, reyna ng kaartehan yan.
"Nakita niyo si Illea?" tanong ulit ni Noah. Si Serise nakatitig pa rin sa ice cream niya at mukhang shock na shock pa rin sa ginawa sa ice cream niya.
"Tanong mo sa akin Noah." si Rome sabay akbay sa akin. Mabilis kong inalis iyong kamay ng pinsan ko sa leeg ko. Ang bigat kasi eh.
"Ang alin?" tanong naman ni Noah. Ngumuso si Rome.
"Yung tanong mo kanina."
"Alin?"
"Yung tanong mo nga."
"May tinanong ako?" Nagtatakang tanong ni Noah. Nawala iyong ngiti ng pinsan ko.
"Wala. Wala kang kwentang kausap Noah." Sumusukong sabi ni Rome. Nabanas na eh isa din naman siyang sira ulo. Umalis na siya at pumunta kina Seven.
Napahilot na lang ako sa ulo ko. Bakit ba ang bobo ng dalawang ito. Pag untugin ko sila eh.
Hihiga na sana ako ulit noong makita ko si Illea at Matthew na papalapit sa amin. Hawak hawak ni Matt iyong bola niya habang si Illea nakagulong na naman yung sapatos. Lumapit agad siya kay Seven para kunin yung ice cream noong isa.
"Illea Auriel! Saan ka galing?! Yung postcard ko ibalik mo!" sigaw ni Noah bago patakbong lumapit kina Illea. Ngumuso lang iyong isa bago inosenteng tiningnan si Noah.
"Ako ba kausap mo?" tanong noong isa. Ngumuso si Noah. Illea Auriel nga diba? Uso na ngang kinokompleto pangalan dito para wala ng nagkakalituhan. Tss.
"Ay hindi. Si Matthew." Pabalang na sagot ni Noah. Tumitig lang si Illea kay Noah ng matagal. Napapikit na lang ako. Pupusta ako hindi naintindihan ni Illea yan.
Humarap si Illea kay Matthew. "Oy Matt! Tawag ka ni Noah." Anas ni Illea. Napangiwi ako. Seryoso? Poker face pa siya niyan habang kumakain ng ice cream.
"Ano?" tanong ni Matthew kay Noah. Hindi sumagot si Noah na hanggang ngayon ay nakatitig pa rin kay Illea.
"Oy, ano nga." Tawag pa rin ni Matthew. Hindi pa rin siya pinansin ni Noah. Napangisi na lang ako. Lagot ka niyan. Sige lang, bwisitin mo si Matthew.
Sunod ko na lang narinig iyong kalabog sa unahan ko. Panigurado binugbog na ni matthew yang si Noah. Aba dapat lang para mabawasan naman ng tanga itong mundo.
"Y-yung ice cream ko." Naiiyak na sabi ni Serise. Sumisinghot na siyang nakatitig doon sa ice cream.
"Sorry ice cream ha? Insecure lang si Noah. Sorry na baby." Parang tanga niyang sabi.
Hala tama ba yang kausapin ang ice cream?
Nilingon ko iyong mga kasama ko. Si Seven ginagawa ng lipstick yung pink niyang ice cream at tumwang tuwang pinapakita sa kapatid ko. Sina Illea, Matthew, at Noah naman nagbubugbugan na. Si Rome nakatingin sa hita ni Illea na nakikipag away.
Tapos itong katabi kong si Serise kausap itong ice cream.
Pumikit ako. I therefore conclude.
Ano nga kasi pala sinasabi ko? Inaantok na naman utak ko.
Tutulugan ko muna. Kapag naalala ko, babalikan ko kayo ha?
PS.
Huwag kayong kakain ng ice cream. Nakakabaliw.
PPS.
Huwag niyo ding kakausapin yung ice cream. Di yan sasagot. Huwag kayong adik ha?
PPPS.
Nakakatamad pala mag narrate. Naubos energy ko.
-------------------------
Nag eenjoy akong isulat yung mga bata.
*pen<310
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top