MARRIED TO THE COLD BOY SC#1

MARRIED TO THE COLD BOY SC#1


"Mama!"

Napapikit na lang ako noong marinig ko na naman ang sigaw ng bunso namin ni Nathaniel. Sunod kong naramdaman ay ang pagyakap ni Chantal sa aking beywang habang umiiyak.

"Mama! Si Kuya!" iyak niya. Yumuko ako at pinunasan ang luha niya. Mabilis siyang kumapit sa aking leeg bago lalong nag alburoto.

"Ano na namang nangyari?" mahinahon kong tanong. I kept my smile. Chantal...well, she tends to overreact things. Kung gaano ka walang emosyon si Caius ay kabaligtaran naman niya si Chantal. My daughter will cry over the death of an ant.

But then who can blame her? She's just four years old. They are genetically encoded to over react.

"Si Kuya.. si Kuya binigay yung manika ko kay Seven!" sigaw na naman niya. Hindi pa man ako nakakasagot ay pumasok na si Athan kasama si Greg. Kumunot ang noo niya pagkakita sa umiiyak naming bunso.

"Baby what happened?" nagmamadali niayng tanong. Binitiwan ako ni Chan at agad na tumakbo sa Papa niya. Napakamot na lang ako ng batok at sinalubong si Greg.

"Ano na namang nangyari?" tanong ni G sa akin. Hindi na ako sumagot at hinintay na si Chantal ang magkwento sa Papa niya.

Noong matapos ang bata ay humihikbi pa ito. Pulang pula ang mataba niyang pisngi habang iyong kulot niyang buhok ay magulo na. Nakayakap siya ng mahigpit sa Papa niya na para bang imposible ng bumitaw pa siya dito.

"Si Cha Cha Papa ko. Si Cha Cha binigay ni Kuya kay Seven! Kunin mo si Cha Cha Papa!" atungal nito. Cha Cha ang pinangalan ni Chantal sa manika niya. Napangiwi na lang ako habang si Athan ay pasimpleng lumingon sa akin, tahimik na himihingi ng tulong.

"Bakit ang ingay Mama?" biglaang sabi ni Caius na pababa sa hagdan. Kinukusot pa niya ang mata niyang bagong gising.

"You've made your sister cry Caius." Athan pointed out. Nilingon lang siya ni Caius bago tumango at umupo sa may beanbag.

"Titigil din yan Papa." Walang puso niyang sabi. Nakagat ko ang labi ko at agad na nilapitan si Athan.

"Oh, huwag mong papatulan. Bata lang yan." Pagbawal ko. Napailing na lang si Athan bago hinawakan ang beywang ko.

"Ang gulo ng mga anak mo." Bulong niya sa akin. Pinagtaasan ko lang siya ng kilay bago ko nilapitan si Caius. Nakasandal na ito sa bean bag at naiidlip na.

"Bilib din ako diyan kay Caius. Kahit saan masandal, matutulog." Natatawang sabi ni Greg. Napanguso lang ako at hinaplos ang pisngi nito.

"Cai, puntahan mo na si Seven. Kunin mo yung manika ni Chantal." Utos ko. Dumilat iyong isa niyang mata bago tumuwid ng upo. Humikab siya at nag inat bago umiling.

"Mama, pagod po ako." aniya. Nanlaki ang mata ko sa narinig. Anong pagod?! Kakagising lang niya! Ano ba yan.

"Caius Ezekiel Falcon!" iritado ng sabi ni Athan. Umiyak lalo si Chantal habang si Caius naman ay poker face lang na nakatingin sa mag ama.

"Bakit kapag ako yung pinapagalitan buong pangalan tawag niyo sa akin Papa? Bakit kapag si Chantal hindi? Bakit baby pa rin? Ako naman yung panganay diba? Ako yung unang minahal. Bakit mas mabait kayo kay Cha? Try niyo nga Pa tawagin siya sa buong pangalan niya? Chantal Eleanor diba? Bakit kasi ang haba haba ng pinangalan niyo sa amin? Ayan tuloy kapag nagagalit kayo nasasayang laway niyo. Tulog na lang kayo Pa." tuloy tuloy niyang sabi. Napahagalpak ng tawa si Greg sa gilid.

"Manang mana sayo A." naluluhang sabi ni Greg dahil sa kakatawa.. Napailing lang si Athan bago binaba si Chantal. Hinarap ko ulit si Caius na nahuhulog na naman ang mata.

Maybe he is really tired. Mabigat rin naman kasi yung ginagawa nilang pag-aaral sa Music Academy. Caius has been training on the saxophone for seven hours per day. Hindi pa kasama roon ang klase nila para sa general subjects. No wonder he is so beat up.

The AEGGIS wanted the children to become a band someday. Lahat ng mga anak namin ay pinagaaral namin ng musika para kapag dumating ang panahon ay maitatayo na nila ang banda na pangarap ng mga Tatay nila.

I just hope that Caius will be a little bit less of a lazy boy than he is now.

"Kunin mo na kay Seven yung manika ni Chantal ha?" malambing kong sabi sa anak ko. Ngumuso lang ito bago tumayo na. Tiningnan muna niya si Chantal bago ito pinanlisikan ng mata.

"Oy bata. Sumama ka." Utos ni Caius. Sabay kaming napangiwi ni Athan sa ginawi ng anak namin. Noong lumabas sila ay nakasunod kami ng asawa ko.

Tuloy tuloy na pumasok iyong mga walang galang kong anak sa bahay nila Stanley. Magkakatabi lang ang bahay naming anim kaya parang malaking pamilya rin kami. Pero minsan, masyado ng kampante iyong mga bata sa isat isa at halos hindi na marunong kumatok.

"Seven! Yung manika ko!" sigaw ni Chantal kahit nasa pintuan pa lang siya. Binuksan iyon ni Caius para sa kapatid at pumasok na. Sinalubong kami noong apat na anak ni Stan na nasa may sala.

Shawn was watching his favorite anime series. Si Seth naman ay nagbabasa ng kung anong libro habang si Serise ay tutok sa violin niya.

And Seven. My god. Hindi ba sumasakit ulo ni Stan dito?

Nakalabas lahat ng make up ni Tori. Nilalagay ni Seven iyon sa manika ni Chantal. Ngumiti lang sa amin si Serise bago hinarap ulit iyong music score. Halatang nasanay na iyong bata sa araw araw na gulo ng mga kaibigan niya.

"Tingnan mo, tingnan mo Chantal! Pink yung lipstick ni Cha Cha!" nagmamalaking sigaw ni Seven. Tumaas lang ang kilay ni Serise at tiningnan ng masama ang kuya niya.

"Talaga?"manghang sabi ng bunso ko. Tumabi na siya kay Seven at nakalimutan na ang balak na pagbawi sa manika niya.

Nilingon ko si Caius na nakahiga sa tabi ni Shawn doon sa may sofa. Pikit na ang mata nito at halatang tulog na talaga.

Naramdaman ko ang pagyakap ni Athan sa beywang ko bago ako hinalikan sa pisngi.

"Tara Ma? Balikan na lang natin yung dalawa mamaya?" bulong niya sa akin. Tumango na lamang ako at nagpahila na sa asawa ko.

Palabas pa lamang kami ay sumalubong na sa amin iyong mga iba pang anak ng AEGGIS. Napangiwi pa ako noong makita si Illea na punong puno ng sugat at putik habang si Noah naman ay may bukol sa noo pero ngiting ngiti naman.

"Hello po Ninang!" bati nila sa akin bago tumakbo papasok sa bahay nila Stan. Ilang segundo pa lang ay narinig ko na ang sigaw ni Serise para palayasin ang lahat.

Yumakap na lang ako kay Athan bago kami bumalik sa bahay. Dinig na dinig pa rin sa daan ang ingay ng mga bata pero wala na kaming ginawa.

It's a normal thing. Magulo talaga ang mga bata. Magtataka pa ba ako? Magulo rin naman kasi ang AEGGIS kapag nagsama sama hindi ba?

Diba?

----------------------------

MERRY CHRISTMAS!

*pen<310

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top