Like Kindergarten
23
How can something so beautiful feel so painful now? It's been weeks, I don't know, magmula noong nangyari ang insidente sa rooftop. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na nasabi nga ni Nathaniel iyon sa akin. I know there is something wrong, he is hiding something, I can feel it. Kilala ko ang pagkatao niya.
Isang buwan na pero hindi pa rin ako nagsasalita. Ilang beses na akong kinatok ni Daddy pero hindi ako nagkwento. Wala akong gustong pagsabihan. Pero kahit ganon ay alam kong may isang tao rito sa bahay na nakakaalam ng nangyari.
Mahihinang katok ang nagpabangon sa akin. Noong tumayo ako ay si Ate ang sumalubong sa akin. Dahan dahan siyang lumapit sa akin at hinaplos ang buhok ko.
"Do you want to eat?" masuyo niyang sabi. Umiling lamang ako at hindi sumagot.
"Ri, isang buwan na mula nung—"
"Hindi ako nagugutom Georgina." Mahina kong sabi. Huminga lamang ng malalim si Ate. Itinaas niya ang kumot ko at pumasok roon. Sunod kong naramdaman ay ang pagyakap niya sa akin ng mahigpit.
Doon na tuluyang pumatak ang luha ko na pilit kong pinigilan sa loob ng isang buwan. Si Georgina ay mahigpit ang hawak sa akin ay hinayaan akong umiyak lamang. Ang sakit lang kasi eh, kahit ayaw kong maniwala sa lahat ng sinabi ni Athan, parte ko pa rin ang nakumbinsi na talaga ngang mahal niya si Tori. And that nagging part makes me so weak. Ano bang kulang sa akin? why can't he love me the way he loves Victoria? Kaya ko namang baguhin ang sarili ko. Kaya kong palitan ang pagkatao ko.
Why am I not enough?
"May mali ba sa akin Ate?" tanong ko rito. Umupo si Georgina at tiningnan ako. Pinunasan niya ang luha niya bago umiling.
"Wala Leria. Nagmahal ka lang at walang mali doon." Pag aalo niya. Suminghot ako habang si Georgina ay patuloy lang sa pag aayos sa sarili ko.
"Masakit talaga sa una, pero lilipas din yan. Marami pang lalaki sa paligid Ria, hindi siya kawalan. Hindi kawalan si Athan okay? Huwag mo ng ipilit ang sarili mo dahil ibang babae ang minamahal niya, hindi ikaw. Tanggapin mo na lang yun at kalimutan siya." Aniya. Ang boses niya ay pumipiyok habang kinakausap ako.
Tahimik lamang kaming humiga roon. Maya maya lang ay narinig ko na ang pamilyar na tono ng twinkle twinkle. She used to sang that to me noong nasa kindergarten pa ako. Napangiti ako sa ginawa niya kaya mabilis akong tumingala ngunit noong iniangat ko ang ulo ko ay bahagya akong nahilo. Pumikit ako ng mariin, ang ilalim ng tiyan ko ay parang binubungkal.
"Ayos ka lang?" tanong ni Ate sa akin. Tumango lamang ako at hindi na nagsalita pang muli.
"Kung gusto mong kumain, nasa baba lang ako ha? Ipaghahanda kita." Malambing niyang sabi. nilingon ko siya at tumango.
"Love you Sis." Malambing niyang sabi sa akin. Tumango lamang ako at hindi na gumalaw sa kama.
'Say something I'm giving up on you
And I'll be the one if you want me too
Anywhere I would have followed you
Say something I'm giving up on you'
I never knew pain can be this intense. Kaya pala sinasabi ng mga broken hearted na mahapdi ang masaktan. But I know I'm not only broken, I am shattered. Nawala na lahat ng iniingatan ko dahil isinuko ko na iyon sa lalaking may iba namang mahal. I was to childish to even believe that I have the power to melt an ice.
Tumayo ako sa kama, sa simpleng galaw ay ramdam ko ang kakatwang paglindol ng paligid ko. I heaved a breath at nagsimulang magbihis. Noong bumaba ako ay nakita kong tulog si Georgina sa sofa. Wala rin ang mga katulong kaya nagmamadali kong kinuha ang sasakyan ko.
'Say something I'm giving up on you
I'm sorry that I couldn't get to you
Anywhere I would have followed you
Say something, I'm giving up on you'
I drive and drive hanggang sa lumalim na ang gabi. My vision is blurry with tears but I couldn't care less. All I wanted this moment is to die, to escape from this nagging pain. I wanted to go to a place where the lost of Athan will not be so painful.
All I wanted was a happily ever after, I got a nightmare. At gusto ko ng mawala sa bangungot na ito.
'And I, I'm feeling so small
It was over my head and nothing at all
And I, I stumble and fall
I'm still learning to love and starting to crawl'
Pagkarating ko sa tulay ay itinigil ko na ang sasakyan ko. Pumunta ako sa barandilya at nilingon ko ang dagat sa ilalim niyon. Ganito pala ang pakiramdam kapag alam mo ng malapit ka ng mawala. Kapag ang buhay sa pagkatao mo ay nabura na. now I know the definition of pain.
Isinampa ko na ang hita ko sa barandilya, pinapakiramdaman ang hangin sa buhok ko. Pumikit ako ng mariin, my last thoughts are those piercing grey eyes and those cold stares. Nararamdaman ko pa ang init ng mga yakap niya, kung gaano kahigpit ang mga hawak niya.
Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko noong dumilat ako. When I looked up, isang patak ng ulan ang naramdaman ko. Unti unti ay dumami na iyon hanggang sa tuluyan na akong mababad.
Goodbye Nathaniel
"LERIA!"
Napahinto ako sa pagtalon noong narinig ko ang boses ni Georgina. Maputlang maputla siya habang nakatitig sa akin.
"Leria..please, wag mong ituloy." Anas ng Ate ko. I am frozen on my spot habang si Ate ay nakatingin lamang sa akin.
"G-georgina.."
"Please.. wag mo akong iwan. Iiwan mo si Ate? You promised Mom you won't leave me right? Sisirain mo ba yung pangako mo sa puntod niya! Will you throw everything because of that guy Leria Geneva!" umiiyak na niyang sabi. Hindi ko napansin na nakalapit na siya sa akin.
"Masakit Ate.." lumuluha kong sabi, nagpapasalamat dahil mabigat ang buhos ng ulan.
"Oo, oo alam ko masakit. Pero andito pa ako Ri. Ate won't leave you. Just like kindergarten, hindi ba? I'll stay by your side. Sabay tayong lilimot. Sabay tayong gagaling. Don't leave me,please. Umuwi na tayo Leria." Pumipiyok niyang sabi. Ang kamay niya ay humawak na sa pulso ko at dahan dahan na akong hinila palayo sa barandilya.
'Anywhere I would have followed you
Say something I'm giving up on you
I swallow my pride
For the one that I love, I'm saying goodbye'
Noong tuluyan na akong makalayo ay niyakap ako ng mahigpit ni Ate. Ramdam ko ang panginginig niya at alam kong hindi iyon dahil sa ulan. I hugged her back and cried on her arms. I'm sorry Ate, sorry talaga.
Inakay na niya ako pabalik sa kotse. Pinauna niya akong pumasok at siya na rin mismo ang naglagay ng aking seatbelt. Pagkatapos ay pumunta na siya sa driver's seat at pinaandar iyon. Hindi na siya nagsuot ng seatbelt dahil nagmamadali na siyang ilayo ako sa lugar na iyon.
Tahimik lamang kami sa byahe. Sa bubong ng kotse ay maririnig ang patak ng ulan. Nasa ganoon akong posisyon ng bahagya akong manginig dala na rin ng lamig. Georgina noticed it kaya nilingon niya ako.
"Cold?" aniya. Just the adjective made me cringe. Muli ko na namang naalala si Athan sa sinabi niya. Hindi na hinintay ni Ate ang sagot ko. Gamit ang isang kamay sa pagmamaneho, ang isa naman niya ay may kinapa sa ibaba ng kanyang upuan. Yumuko siya ng kaunti kaya maging ako ay tumingin na rin.
"Where's the towel?" bulong niya. Napabuntong hininga na lamang ako at binalik ang tingin sa daan. Tinakpan ko ang mata ko noong masilaw ako sa isang papalapit na truck. Huli na ng marinig ko ang busina nito at ang sigaw mismo ng driver.
"ATE!" sigaw ko. Noong tiningnan niya ako ay kasabay na niyon ang pagkalabog ng aming sasakyan. Ramdam ko pa kung paano umikot ikot at gumewang ang kotse. Para kaming nsa isang roller coaster ride, isang segundo ay nasa taas kami, ilang sandali lang ay nasa baba na kami.
It was the longest ten seconds of my life.
Noong dumilat ako ay nakabitin ako. Mahapdi ang buong katawan ko. Kinapa ko ang ulo ko at doon ko nakita ang ilang bahid ng dugo. Noong tiningnan ko ang tabi ko ay wala roon si Georgina. Fear crept down into my spine. Ang bahagi niya ay sirang sira. Wala na ang pintuan ng kotse. Tanging natitira na lamang ay ang bubog ng mga salamin.
Hindi ko ininda ang sakit sa buong katawan ko. Gamit ang kamay na kaya ko pang igalaw, pinilit kong klalasin ang aking seatbelt. Noong magawa ko iyon ay lumagapak ako. Gumapang ako palabas, iilang mga bubo gang tumarak sa aking katawan. sa unang pagtapak ng kamay ko sa semento ay nakaramdam ako ng basa. Noong tiningnan ko iyon ay nagulantang ako.
The water is red. Ilang beses pa akong kumurap at sinundan ang pinanggalingan ng likido. Ilang talampakan mula sa akin ay ang katawan ni Georgina na nakahandusay. Nagmamadali akong gumapang papunta roon sa kanya.
"G-georgina.." tawag ko sa kanya. Napatakip ako ng bibig noong makita ko ang estado niya. Ang mukha niya ay balot na balot ng dugo. Ang katawan niya ay maraming bali at sugat.
"Ate!" sigaw ko. Luminga ako sa kalye, sa kabilang gilid ay ang truck na aming nabangga, hanggang ngayon ay umuusok pa rin. Bumukas ang pintuan niyon at lumabas ang driver nitong duguan. Noong makita niya kaming dalawa ay mabilis siyang nawalan ng kulay. Tumakbo siya palayo sa aming dalawa.sinubukan ko siyang tawagin ngunit hindi niya kami binalikan.
Ilang beses akong humingi ng tulong pero walang lumapit sa amin. Walang sasakyan na bumabagtas sa tulay ngayon dala na nga rin ng lakas ng bagyo.
"Georgina!" mas malakas kong tawag. Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang hawakan o ano. Nagkukulay pula na ang daan dahil sa pinaghalong dugo at tubig ulan.
"ATE! Tulong! Help us!" desperado ko ng sabi. Halos mapugto na ang hininga ko noong dumaan ang isang pulang Maserati. Sumigaw ako para makuha ang atensyon ng driver. Laking pasasalamat ko na lamang noong huminto ito at bumaba ang may ari ng kotse.
"Leria?" gulat na anas ni Stanley. Ilang beses pa akong napakurap habang siya ay nakatingin lamang sa akin.
"S-si Ate.. tulungan mo si Ate.." pagmamakaawa ko. Gumawi ang tingin niya sa katawan ni Georgina at patakbong lumapit roon. Idinampi niya ang dalawa niyang daliri sa leeg nito bago siya nanigas. Nawalan ako ng hangin sa klase ng reaksyon niya.
No. NO, that can't be true. Hindi doktor si Stanley. Drummer siya at hindi siya doktor. Georgina will not leave me. She promised me. Just like kindergarten. She won't.
"Isakay mo na siya sa kotse mo!" galit kong sigaw. Tiningnan lamang ako ni Stanley bago niya inilabas ang kanyang cellphone at nireport ang nangyari.
"Ano pang hinihintay mo!"
"H-hindi ko pwedeng galawin ang katawan ng Ate mo Leria. I might cause more injuries if I do." Malamig nitong sabi habang nakatingin kay Ate. Itinaas ko lamang ang kamay ko at hinaplos ang pisngi niya.
"Georgina.." iyak ko. Hindi ito gumagalaw. Lalo lamang akong napahagulgol habang si Stanley ay hindi na mapakali. Ilang sandali lamang ay dumating na ang ambulansya at kinuha na si Ate. Ilang medics rin ang lumapit sa akin at nagpumilit na bigyan ako ng first aid pero umayaw ako.
"I want to be with my sister." Madiin kong sinabi. Tumayo ako pero ganon na lamang ang sakit na bigla kong naramdaman. Napasigaw ako sa sobrang kirot sa pagitan ng mga hita ko. Ang isang medic ay hinawakan ako para maalalayan.
"Let me go.." mahina kong sabi. Si Stanley ay nakanganga lamang habang nakatitig sa akin.
"Leria..you're bleeding." Aniya. Hindi ko siya pinansin. Ofcourse, I will bleed. I have my injuries. But I don't care. I can lose all my blood for the worth of hell! Ang gusto ko lamang ay makasama si Georgina.
"Pupuntahan ko si Ate—"
"Y-you're legs.. your legs are bleeding." Turo nito. Noong yumuko ako ay nakita ko ang dugo sa pagitan ng hita ko. Ang kirot na nararamdaman ko ay lalong umigting hanggang sa tuluyan ng magdilim ang paningin ko.
-----------------------
Thank you Clarriza Tibi for the song last chapter.
Song Used:
Say Something – Christina Aguillera ft. A Great Big World (Christina Grimmie Cover)
*pen<310
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top