Last Chance
19
Naghihintay ang tingin na ibinibigay niya sa akin. Nakatunghay lamang siya sa akin habang ako ay hindi makapaniwalang nakatingin sa kwintas na bigay niya. Kinagat ko ang labi ko at tiningnan siya.
"Why?" mababa ang boses kong tanong. Kumurap muna siya bago huminga ng malalim.
"Because I love you—"
"Why?" tanong ko ulit. Nakita ko ang pagguhit ng frustration sa kanyang mukha. Naglapat ang labi niya at pumikit ng mariin. Napipikon ka na ba Falcon? Hindi mo na ba ako maintindihan? Nangangapa ka na rin ba katulad ng pangangapa ko noon sayo?
"What reasons do I have to give you? Leria, mahal kita. Yun lang ang tanging rason ko." Seryoso niyang sabi. Nag iwas ako ng tingin bago natawa na lamang.
"You left me Athan." Anas ko. Pakiramdam ko ay bata siya at kailangan ko pang magdahan dahan para lamang maintindihan niya ako. He left me. Hindi na niya dapat binabalikan ang isang bagay na iniwanan niya na lang basta.
"That was a fucking mistake." Madiin niyang sabi. Tinanggal ko na lang ang pagkakahawak niya sa akin bago ako umiling.
"A mistake? You called me a trash Nathaniel. Iyong basura na itatapon mo kasi nagamit mo na. Iniwan mo ako right after I told you that I am very willing to leave my family for you! Ipinakita mo sa akin kung gaano ako kawalang kwenta sayo and you will tell me it is just a mistake?! That it is just a fucking mistake?! Well, Falcon! Fuck you! I hate you so much!" sigaw ko. Nahulog na ang mga luha ko sa sobrang hinanakit sa kanya. Nanginginig na rin ang kalamnan ko pero pabalya kong pinunasan ang luha ko.
"Iniwan mo ako dahil kay Victoria. Bumabalik ka ngayon dahil natalo ka. Why? Do you still expect I will wait for you, with my arms wide open? Wala ng Leria na naghihintay sayo Falcon." Seryoso kong sabi. Agad akong tumalikod sa kanya at hindi na siya muling tiningnan.
What the hell! Anong inaasahan niya? Na luluhod ulit ako sa kanya dahil sa sumayaw siya sa harap ko? Na matutunaw niya lahat ng ginawa niya dahil sa mga efforts na ipinapakita niya? Anong assurance ko, anong mapangahahawakan ko para maniwala ako sa sinasabi niyang mahal niya ako? Sinabi rin niya yan noon pero anong naging kasunod? Iniwan niya ako.
Sumakay agad ako sa kotse ko at pinasibad iyon. Damn this life! Nakakafrustrate! Umiinit ang ulo ko habang iniisip ko ang ginawa niya. Anong iniisip niya? Na sa simpleng galawan niya ay maibabalik na lahat ng meron kami noon? That is not going to happen.
Huminto lamang ang kotse ko noong makarating ako sa sementeryo. Agad akong pumasok sa musoleo ni Georgina at nagsindi ng kandila. Umupo ako roon at nilinis ang kanyang puntod. Tinanggal ko ang iilang piraso ng mga dahon at sanga bago huminga ng malalim.
"What should I do Ate? He is doing it again. Sinabi ulit niyang mahal niya ako. What should I do?" tanong ko sa kanya. Tumulong muli ang luha ko bago ko niyakap ang dalawang tuhod ko. Kinapa ko ang cellphone ko ng marinig ko ang pagkulog. Mabilis ang naging panginginig ko. Sumilip ako sa pagitan ng mga harang. Madilim na ang langit at mukhang uulan.
Tiningnan ko ulit ang puntod bago nagmamadaling umalis. I can't afford being in the rain while still on the road. Kinuha ko agad ang gamit ko at lumabas na. Naglalakad pa lamang ako noong maramdaman ko na ang patak sa balikat ko. Mas binilisan ko ang paglalakad hanggang sa para na akong tumatakbo.
Kumidlat ulit at napasigaw na ako. Mabilis kong tinakpan ang tainga ko at umupo na lamang sa gitna ng daan. Hindi ko na magawang gumalaw. Nanginginig na ako at hindi na ako makalakad. Sa ulo ko ay bumabalik ang mga boses na matagal ko ng pilit na kinakalimutan.
"You're a trash."
"I hate you."
"Naniwala ka naman? Leria, I am still inlove with Victoria."
"No!No..no!" sigaw ko. Binuka ko ang mata ko at kitang kita ko kung paano nagkukulay dugo ang tubig sa lupa. Kamukhang kamukha ito noong gabing maaksidente kami ni Georgina. Nakikita ko ulit ang dugo niya na dumadaloy sa lupa.
Sumigaw na lamang ako. Basang basa na ako pero wala na akong pakialam. Those memories!! Remove these memories! Please! Tulungan ninyo ako! Kahit sino!
"You're disappointment! Pinatay mo si Georgina! Nang dahil sa katangahan mo!"
"Georgina's dead. And it is all because of you!"
"We're leaving Leria."
"Damn!" Malabo kong narinig ang boses na iyon. Agad may bumalot sa aking jacket bago may bumuhat sa akin. Patuloy pa rin ang panginginig ko at hindi na ako mapigilan. Ang luha ko ay tumutulo pa rin pero wala na akong naririnig.
"Georgina..sorry." bulong ko bago dumilim ang aking paningin.
Nagising na lamang ako na nasa kama na hindi pamilyar sa akin. Dumilat ako at narinig ko ang ilang boses na nag aaway sa kabilang gilid ng kwarto.
"Bakit ayaw mong sabihin sa akin?! I have the right to know!" galit na galit na sabi ni Athan. Narinig ko ang pagtikhim ni Stanley.
"Sinabi ko na nga diba, takot siya sa ulan." Mahinahon niyang sagot.
"She loves the rain! Bakit siya takot ngayon?! Iyon ang hindi ko maintindihan! Tangina Stanley, sagutin mo nga ako ng matino!" frustrated niyang sabi. Kinagat ko ang labi ko at pinilit na tumayo.
"Hindi ko rin alam! Wala akong alam!" bwisit na na sabi ni Stanley. Naglakad ako papunta sa kanila. Doon ko lamang napansin na nasa condo ako ni Athan. Napalitan na rin ang damit ko at suot ko na ang shirt niya.
"Stan." Tawag ko. Sabay silang lumingon dalawa sa akin. Mabilis ang naging galaw ni Athan. Sinapo niya kaagad ang pisngi ko at tinitigan ako.
"Ayos ka na?" nag-aalala niyang tanong. Tumango lamang ako.
"Oo. Salamat." Mahina kong sabi. Umiwas ako ng kaunti at naglakad papunta kay Stanley. Niyakap ko rin siya at inilapit ko ang bibig ko sa kanyang tenga.
"You didn't say anything?" tanong ko. Sinagot ni Stanley ang yakap ko.
"No." aniya. Humiwalay ako sa kanya. Inayos ni Stanley ang shirt niya bago nagpaalam at umalis na. Sumunod ako sa kanya hanggang sa makalabas siya. Hinatid namin ni Athan si Stanley hanggang sa elevator. Noong makababa na siya ay nauna akong bumalik sa pad ni Athan.
"I'll get my things." Sabi ko. Hinawakan ko ang doorknob pero nakalock iyon. Tiningnan ko si Athan at hinintay na ilagay niya ang code.
"07-25-87 Leria." Aniya. Pinindot ko agad iyon pero napatigil ako noong nasa may 5 na ako. Tumaas ang kilay ko at pinagpatuloy ang pagpindot.
Naramdaman ko ang bibig niya sa may balikat ko. Bahagya niya akong niyakap pero agad ding bumitaw.
"Yes, your birthday. My passcode is your birthday babe." Bulong niya. Agad kong ni enter ang mga digits at nagmamadaling pumasok. Kinuha ko ang bag ko at magbibihis na sana noong yumakap sa akin si Athan. Nasa likuran ko siya at mahigpit ang pagkakahawak sa akin.
"What are you so afraid of?" tanong niya. Lumunok ako at umiling. What should I say? Should I deny it? Magmamaang maangan ako?
"Bakit gusto mong malaman?" sagot ko pabalik. Hinarap ko siya habang siya ay nakatingin sa akin.
"I don't want to see you hurting."
"You did this to me."
"That is why I want to get things right Leria. Pagbigyan mo lang ako." Madiin niyang sabi. Tinitigan ko lamang siya at huminga ng malalim. Yumuko ako bago umupo sa kama niya.
"I love you. I know that it is late now, alam kong nasaktan kita pero itatama ko lahat ng mali ko Leria, all I am asking is for a second chance. I want you to be happy again." Masuyo niyang sabi. Hinaplos niya ang pisngi ko at napapikit na lamang ako. Lumapit pa siya lalo sa akin at idinikit niya ang noo niya sa akin.
He wants me to be happy? I don't deserve happiness pero nakakaengganyo ang paanyaya niya. Matagal na akong lunod sa kalungkutan, gusto ko ring maging masaya. Gusto kong sumaya ulit.
But I am scared. Isusugal kong muli ang sarili kong pinaghirapan kong buohin. Paano kung naglalaro lang siya ulit? Paano kung iwan niya ako? Ano na lang ang gagawin ko?
"Everyone deserves to be happy babe. Bigay mo lang sa akin itong pagkakataon na ito and I will never hurt you again. Not anymore." Sabi niya sa napapaos na boses. Tiningnan ko siya, nakaluhod sa aking harapan habang hinihintay ang sagot ko.
Yumuko ako. Napapikit dahil natatakot ako sa gusto ng isang bahagi ng pagkatao ko. A part of me knows it. Gusto ko pa. gusto ko pang sumugal ulit. But a bigger part, the cautious part is telling me to stop. Hindi na dapat ako maniwala.
But I want to try again. But I am scared. Nalilito na ako. What should I do—
"I love you so much Leria Geneva Morales. Please say yes." Sabi niya. Tinitigan ko siya and I saw myself in him. Noong makita ko ang abo niyang mata ay nakita ko ang sarili ko noon. Iyong Leria na nagmamakaawang mahalin niya.
Huminga ako ng malalim. Tinitigan ko siya bago ko pinunasan ang luha ko.
"One chance Nathaniel. Wag mo ng sirain." Seryoso kong sabi. Umaliwalas ang mukha niya bago ako niyakap pabigla.
"Thank you." Umiiyak niyang sabi. Nanatili lamang ang kamay ko sa magkabilang gilid ko.
I did the right thing, didn't I?
-------------------
*pen<310
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top