Lamp Post

15

"Your next album will be released this March, sa tingin ba ninyo ay magiging kasing successful nito ang previous albums ninyo?" tanong sa kanilang lima. Napabuntong hininga na lang ako habang nakatitig kay Athan. God, he is perfection. Muli sa kurba ng panga niya hanggang sa ilong niyang matangos. I am really lucky. Kahit nakabalik na kami mula sa Clark, mula sa pangingidnap ko, nabigyan pa rin ako ng pagkakataon na makasama siya.

Si Greg ang sumagot sa tanong. Ako naman ay nanatiling nanonood sa backstage. Nasa kalagitnaan ako ng pangangarap ng kasal naming ni Athan noong may yumakap sa aking likuran. Noong humarap ako ay agad kong nakita si Georgina. Nakangiti sa akin ang Ate ko at bahagyang humiwalay sa akin.

"So, kamusta naman?" aniya habang iningunguso si Athan. Mabilis ang pagpula ng pisngi ko bago ngumiti na lamang.

I know we still have our deal. Isang buwan siyang makikisama sa akin bago ko tuluyang paalisin si Victoria. But I hope he will like me before I make that girl leave. Ayaw ko mang itaboy si Tori, hindi ko naman kayang tanggihan ang gusto ni Athan.

"Fine, I think. Sumayaw kami." Masaya kong sabi habang naalala ko ang gabi sa plaza. He told me to give him time. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin niya roon. Maybe he is trying to fall inlove with me too. Siguro ay iyon hindi ba? Wala namang masama kung aasa ako na baka may pagkakataon na ako.

"Sumayaw kayo?" paimpit ang tili na sabi ng kapatid ko. Mabilis kong tinakpan ang bibig niya habang nangingiti. Tinanggal niya ang kamay ko sa labi niya at niyakap ako.

I just looked at her habang nagsasaya para sa akin. The taming mission is near success at alam kong natutuwa ang kapatid ko sa balita. Pero gayunpaman ay alam ko ring malungkot siya. Few days ago ay naghiwalay na sila ni Stanley dahil nga kay Victoria, making me hate the girl more. Bakit lahat ng lalaki sa paligid ay siya ang gusto?

Nag-usap pa kami saglit pero naghiwalay rin kami noong matapos na ang interview. Inabangan ko ang galaw ni Athan. Sinuyod niya ang mga tao na para bang may hinahanap. Tinaas ko ang kamay ko at tatawagin na sana siya noong lumawak ang ngiti niya at nilapitan iyong si Victoria. Pabagsak kong ibinaba ang kamay ko habang nakatingin sa dalawa.

May sinabi si Athan dito bago tumango si Victoria. Pagkatapos noon ay naglakad silang dalawa palapit sa akin. Agad akong nagpanic noong makita ko sa malapitan itong si Victoria. Inayos ko ang kambal na tirintas ng buhok ko. Nang matitigan ko siya ay para akong nilamon ng lupa.

Victoria Shayne Ocampo is really pretty. Iyong mata niya ay bilugan at nanghahatak ng kaluluwa. At lalo siyang gumaganda kapag ngumingiti siya. Hindi katulad ko. Kapag ako yung tumawa, nawawala ang mata ko. I hate my chinky eyes while this girl has the most perfect set of almond eyes. Natural pa ang pagkakakulot ng dulo ng mga buhok niya. Napatingin ulit ako sa dalawa kong braid bago tumalikod na lamang. She's effortlessly beautiful.

Naalala ko. Siya iyong babaeng lumapit sa amin noon. Iyong babaeng niluhuran ni Athan noong gabi ng concert nila. This is your girl Nathaniel?

"Hi. Leria hindi ba? Athan's wife?" natatawa niyang sabi,halatang naalala pa ang pakilala ko sa kanya noong aksidente kaming magkita sa concert ng AEGIS. Inilahad niya ang kamay niya sa akin at tinanggap ko iyon. Pagkatapos ay agad na akong tumalikod sa kanilang dalawa. Hindi ko na hinintay na may magsalita pa ulit.

Hindi ko naisip na ganon pala siya kaganda. Noong una ay hindi ko siya pinansin dahil nakapako lang ang tingin ko kay A pero ngayong natingnan ko na siya ng maigi, hindi ko maiwasang manlambot.

Nakarating na ako sa kotse ko at bubuksan na sana iyon ng may biglang humawak roon. Pagkatingala ko ay nakita ko si Athan na nakayuko at tinitingnan ako.

"Saan ka pupunta?"

Huminga ako ng malalim. "Uuwi na." malamya kong sagot. Sumakay na ako sa sasakyan at ganun na lamang ang gulat ko noong sumunod siya sa akin sa loob. Sinuot niya ang seatbelt niya at prenteng umupo roon.

"What are you doing?" takang tanong ko. Tiningnan lang niya ako bago umayos ng upo.

"Sitting." Aniya. Malamang Athan! Pilosopo lang? Hindi ko napigilan ang paglobo ng pisngi ko sa inis sa sagot niya sa akin. Para wala na akong masabing kahit na ano ay nanahimik na lamang ako at nagmaneho.

"Hindi ka ba kailangan doon?" tanka ko sa pagbasag sa katahimikan. But I guess I can't do that. Kapag si Athan na talaga ang kasama mo, palaging tahimik. Hindi naman kasi siya nagsasalita eh. Madalang pa sa ulan sa disyerto ang mga salita sa kanya.

"Hindi. Kaya na nila yun." Simple niyang sagot. Tinitigan niya ako kaya napalunok ako. Geez, A. Wag ganyan. Wag mo akong titigan. Baka mabangga tayo.

"Ipapakilala sana kita kay Toryang. Kaso bigla kang umalis." Kaswal niyang sabi. Ngumuso lang ako at sinulyapan siya.

"Eh.."tangi ko lang nasabi. Ano namang sasabihin ko? Na nainsecure ako sa first love niya? Hindi ko aaminin yan kahit kailan.

Wala ng nagsalita sa aming dalawa pagkatapos nun. We just sat there in silence. Kaya nga noong pumatak ang ilang piraso ng ulan sa bubong ng sasakyan ay agad ko iyong narinig. Tinigil ko ang kotse ko, total ay nasa sixth street na rin kami at wala ng gaanong tao.

Mangha kong pinanood ang tubig na umaagos sa windshield ng sasakyan. Bahagya ko iyong hinaplos at tiningnan si Athan.

"Ang ganda." Sabi ko, tinutukoy ang mga butil ng tubig sa salamin.

"I know." Sagot niya. Hindi na ako muling nagsalita. The rain fascinates me so much. Para sa akin ay ito ang pinakamagandang gawa ng kalikasan. Iyong mga mumunting patak ay parang mga kristal na nalalaglag sa langit. Parang magic lang sila. Ang liliit pero kaya nilang basain ang buong lugar ng ilang segundo lang.

"You really love the rain." Sabi ni Athan sa gilid ko. Ngumiti lang ako at tumango bago ko binuksan ang pintuan ng kotse ko para lumabas. Wala na akong pakialam kung mabasa ako. Pauwi na rin naman ako.

Nagtampisaw ako sa ulan noon. Hindi alintana na gabi na o na may makakakita sa akin at iisping baliw ako. Hinayaan ko lamang ang sarili kong mabasa ng tubig ulan.

"Leria, baka magkasakit ka." Madiin na sabi ni Athan. Lumabas na rin siya at unti unti na ring nababasa.

"Hindi ako tinatalaban. Matibay yata to." Mayabang kong sabi sabay tapik sa dibdib ko. Nakita ko ang pagtaas ng sulok ng labi niya at mabilis na lumapit sa akin. Tumayo siya sa harapan ko at tinitigan ako.

"Leria.."

"Hmmn?" sagot ko. Hinawakan niya ang beywang ko kaya napasinghap ako. Iyong mga alitaptap ko ay nagising na sa simpleng haplos lang na iyon. Bahagya siyang kumilos at sinayaw ako sa ilalim ng ulan.

"Wag mo ng ituloy." Bulong niya sa akin. Bahagya akong humiwalay sa kanya.

"Ang alin?"

Tiningnan niya ako ng diretsyo sa mata. "Wag mo ng paalisin si Toryang. I want her to stay." Aniya. Natigilan ako. Pakiramdam ko ay sinaksak ako ng kutsilyo sa narinig.

"You really love her that much na hindi mo kayang mahiwalay sa kanya?" basag ang boses kong sabi. Ngayon ay nagpapasalamat na ako na umuulan. Natatakpan ang luha na umaagos sa akin dahil sa mga patak.

Hinawakan niya ang baba ko at pinahid ang mga luha. "Listen to me." Utos niya. Tiningnan ko siya at bahagyang suminghot.

"I was inlove with her Morales. Mula noong bata pa lang ako hanggang ngayon." Sabi niya, binigyang diin ang salitang 'was'. Kumurap ako at nag-iwas ng tingin pero pinihit niyang muli ang baba ko.

"But she loves Stan and Stan loves her too. And both of them are my bestfriends. Ayaw kong sirain silang dalawa."

Tumango ako at bahagyang lumayo sa kanya. Humigpit ang hawak niya sa balakang ko at hindi ako pinakawalan.

"I said, you listen Morales." Galit na ang tono niyang sabi. Ngumuso ako. Sadista ka Falcon. Nasasaktan na nga ako, ipinagdidikdikan mo pa.

"I'm listening." Parang bata kong atungal. Tumaas lamang ang kilay niya.

"Naririnig mo lang ako pero hindi ka nakikinig. That's two different things Leria." Pangaral niya. Huminga ako ng malalim at tinulak siya.

"What do you want me to do? Alam mong gusto kita pero heto ka at pinagdidikdikan sa akin na hindi mo makalimutan si Tori? That you love her so much you will even let her go—"

Napatigil ako sa pagsasalita noong dumako ang kamay niya sa batok ko at agad akong kinabig. Naglapat ang mga labi naming habang ako ay gulat na gulat sa ginawa niya. Tanging ang ilaw ng lamppost ang nagbibigay liwanag sa amin kaya hindi ko makita ang ekspresyon niya.

"You talk too much." Magaspang ang boses niyang sabi. Pinagdikit niya ang noo naming dalawa at ramdam ko ang paghihingal niya sa nangyaring halikan.

"I loved her Leria. Pero iba na ngayon." Seryoso niyang sabi. Napakurap ako, lasing pa sa mga halik niya, bago siya tinitigan ng mabuti.

"Ano?" mahina kong sabi. Ngumisi siya at pinadaan niya ang kanyang hinlalaki sa aking labi.

"I think I am starting to like somebody else." Aniya. Kumabog ang dibdib ko sa rebelasyon na binigay niya. Inipon ko ang lahat ng lakas ng loob ko bago nagtanong.

"Who?" sabi ko.

"You." Sagot niya. Pagkatapos ay muli na naman akong hinalikan.

-----------------------

Naalimpungatan ako noong bahagyang kumilos si Athan sa tabi ko. Tinanggal ko ang earphones ko at umayos ng upo. Doon ko lamang napansin na nakaunan na pala ako sa kanya at may nakatabing na na blanket sa akin.

"You're awake?" antok niya pang sabi. Mabilis ang pagkilos ng kamay niya. Inabot ako nito at hinila palapit sa kanya.

"I think so." Anas ko. Kinuha niya ang kamay ko at pinagsalikop iyon sa kanyang palad bago muling pumikit.

Naiwan lamang akong dilat sa buong byahe. Hindi maalis sa isipan ko ang isa na namang parte ng mga alaala ko noon. Hindi ko alam kung bakit bumabalik na naman ang mga panaginip ko. Ang akala ko ay nawala na iyon noon. Nakailang beses na akong pumunta sa mga eks[erto, uminom ng mga gamut at kung ano ano pero walang  nangyari.

I was diagnosed with PTSD. Post traumatic stress disorder? Matapos ng nangyari apat na taon noon, nanatili ako sa isang facility to cope up. Ang akala kong paggaling ko ay mukhang kasinungalingan lang pala. The memories are starting to haunt me again.

Bahagya akong nanginig sa naisip. No, I won't go back there. Ayoko nang maalala.

"Nilalamig ka?" tanong ni Athan sa akin. Siguro ay naramdaman niya ang mga nginig ko. Tumango na lamang ako para hindi siya maghinala. Tinaas niya ang blanket ko at mas lalo pa akong niyakap. Ang ilang mga pasahero sa eroplano ay tulog na rin pero hindi ko na magawang pumikit muli. Natatakot akong bisitahin na naman ng isa pang panaginip.

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Maybe I should visit my doctor again? Siguro ay makakatulong iyon. I will ask for another set of session or what. Kahit ano para lang hindi na ulit ako makaalala.

"Leria?" tawag ni Athan sa akin. Tiningala ko siya. Bahagya lang ang parte ng mukha niya ang naiilawan, katulad na lang noong gabi na sumayaw kami sa ilalim ng ulan. Tanging ang lamppost lang ang liwanag naming noon. And he looks exactly the same way he looked back then.

Napapikit ako ng mariin. Nag-iwas ako ng tingin at lumayo sa kanya. Siniksik ko ang sarili ko sa bintana at nanahimik na lamang.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya sa ginawa kong paglayo. Pero hindi na ako gumalaw. Maybe Athan is one of the triggers kung bakit bumabalik ang mga bangungot ko. With his efforts to unravel my past, unconsciously ay naalala ko rin ang mga ito ulit.

If this is his way of fighting my demons, then he should stop. Ayaw ko ng ungkatin ang nakaraan.

Kinagat ko ng madiin ang labi ko hanggang sa pakiramdam ko ay dumugo na iyon. Ramdam ko ang balisang paggalaw ni Athan sa tabi ko pero hindi ko siya nililingon. I should keep my distance. Hindi na dapat ako lalapit sa kanya. In order to protect myself, iiwasan ko na siya.

Napapikit ako ng dumaan ulit sa alaala ko ang ulan. I remembered how I danced with him under the rain. I remembered the feeling of that kiss under the lamppost near sixth street. I remembered him telling me his feelings for me.

Bahagyang tumulo ang luha ko at mabilis ko iyong pinahid. Damn it, I am getting emotional.

But the rain stopped pouring and I remembered how he turned his back on me. He told me promises but he didn't stay true to his words. I remembered that rainy night.

Hindi na ako nakatulog pang muli. Pagkalapag ng eroplano ay nahihilo na ako dahil sa puyat. Habang naglalakad ay pakiramdam ko ay matutumba ako ng wala sa oras. Mabuti na lamang ay inaalayan ako ng AEGGIS sa paglalakad.

"Need help?"tanong ni Iñigo sa akin. Hinawakan niya ang bagahe ko at siya na ang bumuhat roon. Sa gilid ng mga mata ko ay nakikita ko ang panonood ni Athan sa aming dalawa.

"Thanks." Tahimik kong sagot. Nilingon ko si Iñigo na nakasimangot lang.

"Wala akong pakialam sayo Leria. You can live your life the way you want it. Kung gusto mong maging miserable, gawin mo. Pero wag mong isasama si Athan sayo." Madiin niyang sabi. Nanlalaki ang mga mata ko noong tiningnan siya. "You never lose by trying again Leria. You lose by holding back." Aniya bago nauna ng naglakad sa akin palabas. Napailing na lang ako at sinuot ang shades ko.

You don't understand. No one understand the weight of those memories. I am not holding back. I am just simply protecting myself from being hurt again.

Everytime it rains, I remember everything. I remember how painful it is to be left without a goodbye.

-----------------------

*pen<310

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top