Fix You
13
"Please. Kuya naman." Pagmamakaawa ko. Malamig lamang ang tingin na ibinigay ni Glenn sa akin bago umiling. Namulsa siya at inayos niya ang kanyang scarf bago ako sinagot.
"No. Maayos na si Daddy Leria. Giann and I won't let you near him again." Matigas niyang sabi.Tumalikod siya sa akin pero agad ko lamang hinabol ang kanyang braso. Lumipat ako sa harap niya at hindi natinag sa talim ng tingin niya sa akin.
"Come on Glenn. I flew all the way here para lang makita si Daddy. Please. I won't go.." tumigil ako at bahagyang huminga para maalis ang luha na nagbabadya sa mata ko. "I won't go near him. Sa malayo lang ako. Please, I just want to see if he's okay." Pinagsalikop ko pa ang dalawang palad ko habang nagsusumamo sa kanya. Tinitigan lamang niya ako bago bahagyang itinulak.
"He's okay. At hindi ka kailangan doon. You will just stress him out." Aniya. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa bago napailing na lang.
"I am so disappointed with you Leria Geneva. And I will make sure you will feel that disappointment for the rest of your life." Puno ng galit niyang sabi bago ako tinalikuran na ng tuluyan. Hindi na ako nakaimik pa. Pinanood ko na lamang siya noong sumakay na siya sa kanyang sasakyan at tuluyang humarurot palayo.
I brushed my tears away. Sa lamig ng panahon ngayon sa Paris ay baka tuluyang magyelo ang luha ko. Alam ko ring pinagtitinginan na ako ng mga tao dahil namumula ang mata ko. But I couldn't care less. All I wanted now is to see my father. Kahit sa malayo man lang. Kahit hindi ko na lang siya malapitan.
Mabuti na lamang at nagkaroon ng offer ang AEGGIS ng photoshoot para sa isang clothing line at gagawin iyon dito sa France. Atleast I had an alibi para mapuntahan si Daddy. Pero sa kasamaang palad, sa kalsada pa lang ako ay nakita na ako ng kapatid ko. Magyeyelo na ang impyerno pero alam kong hindi niya ako papalapitan sa ama ko.
"Leria."
Napatingala ako sa nagsalita. Agad namuo ang luha ko when I saw my other brother. Agad hinawakan ni Giann ang braso ko at hinila ako sa isang café.
"Giann. I want to see Dad." Agad kong sabi kahit hindi pa man ako nakakaupo. Huminga lamang siya ng malalim at napailing.
"Please?" tumulo ang isang butil ng luha pero agad ko iyong pinunasan. Napakagat si Giann sa kanyang labi habang nakatingin sa akin.
"Papatayin ako ni Glenn dito Leria." Aniya. Kinuha niya ang cellphone niya at may pinindot doon.
"Hindi kita mapapapunta doon kahit gustuhin ko man. Mahigpit ang security at pina-ban ka ni Glenn. Hindi ka makakapasok." Nanghina ako sa narinig. Inilapat niya ang telepono sa tenga niya at sandali roong may kinausap. Tiningnan niya ako bago niya inabot sa akin ang phone.
"Five minutes. Bilisan mo." Malamig niyang sabi. Agad kong kinuha ang kanyang cellphone at pinakinggan ang kabilang linya.
"D-dad?" nanginginig kong sabi. Narinig ko siyang umungol. Halos mapatalon ako sa upuan ko ng marinig ulit ang boses niya. Kinagat ko ang loob ng aking bibig para hindi mapahagulgol.
"Le.." nahihirapan niyang sabi. Suminghot ako at bahagyang tumawa para marinig niya.
"Yes Dad. How are you?"
Ungol lang ulit ang naging sagot niya. Tuloy tuloy na ang luha ko pero hindi ko na iyon inalintana. Tiningnan ko si Giann na mukhang naiinip na sa pag uusap naming ni Daddy.
"I missed you Dad." Sabi ko. I heard him choke on the other side. Tumayo na si Giann at nataranta na ako. Tinaas ko ang isang daliri ko habang siya naman ay tinuro na ang kanyang orasan.
"Dad, I have to go." Paalam ko. Paimpit siyang sumigaw at halos madurog na ang boses ko sa tono niyang iyon.
"Ri..Leria.." pagtawag niya. Hinawakan na ni Giann ang braso ko at pilit na hinihila ang cellphone sa akin. Tumalikod ako ng kaunti para hindi niya iyon makuha sa akin.
"Love you Dad." Paalam ko. Hindi ko na narinig kung may sinabi pa siya dahil hinila na iyon ni Glenn sa akin. Agad niya iyong binulsa at naglakad na palayo. Hinabol ko siya at pinatigil.
"Thank you." Buong puso kong sabi. Nag-iwas siya ng tingin.
"I did that for Dad." Sagot niya at iniwan na ako. I smiled at him and waved goodbye. Hindi ko alam kung kailan ulit ako makakatapak dito ng hindi nila ako pinagtatabuyan.
----------------------------
"Saan ka nanggaling?" salubong ni Greg sa akin. Hinubad ko ang coat ko at pinagpagan ang snow sa boots na suot ko.
"Sa labas." Sagot ko. Tiningnan lamang ako ng anim kaya pinagtaasan ko sila ng kilay. Dumiretsyo ako sa banyo at naghilamos. Pagkalabas ko ay nandoon pa rin sila.
"May sarili kayong mga kwarto. Bakit nandito kayo?"
"Bigla ka na lang nawala." Akusa ni August. Hinarap ko siya habang hinihintay na mabuksan ang laptop ko.
"We were worried. Umalis ka sa set ng walang paalam." Paliwanag ni Stanley. Nag log in lang ako sa kumpanya bago ko sila tiningnan.
"Sorry. May pinuntahan lang ako." Tumayo ako at kumuha ng unan sa couch. "Now, that I have established that I am safe, makakaalis na kayo. Walang nangyaring masama sa akin. Thanks for the concern." Sabi ko. Tiningnan ko sila isa isa. They looked all convince, well except for one.
Athan's piercing gray eyes bored holes into me. Agad akong nagbaba ng tingin. Isa isa silang lumabas at hinintay kong isara nila ang pintuan bago ako muling tumingala.
"Fuck—"pagmumura ko ng makita ko si Stanley na nakatayo pa rin doon. Lumapit siya sa akin at hinila ang isang upuan sa harapan ko.
"Bakit nandito ka pa?" masungit kong tanong. Ngumuso lang siya at pinatong ang kanyang paa sa lamesa.
"You've been crying." Aniya. Napatanga ako sa sinabi niya. Pasimple akong tumawa at hindi na siya nilingon.
"Why would I cry?"
"I don't know. Why don't you tell me?" hamon niya. Kinagat ko lamang ang labi ko at hindi na siya pinansin. Pinagpatuloy ko na lamang ang pagbabasa ng ilang emails ko. Bahalang mainip yang si Montreal pero hindi ako sasagot. Hindi ko sasabihin sa kanya kung saan ako nanggaling.
"You are a very smart person Leria Morales. Pero sana, maisip mo rin na papasukin yung mga taong gusto kang alagaan diyan sa loob ng pader na binalot mo sa sarili mo." Seryoso niyang sabi. Kinuha niya ang isang piraso ng crackers sa lamesa at tumayo na.
"It's really lonely to be alone." Aniya. Mapait akong ngumiti.
"I know. But it's a lot safer." Anas ko. Tinagilid niya ang ulo niya bilang pagtatanong.
"From what?"
"From pain." Malamig kong sabi. Tumayo na rin ako at tinulak na siya palabas ng kwarto ko sa hotel.
--------------------
Malalim na ang gabi pero patuloy pa rin ako sa pagtatrabaho. Bukas ay babalik na kami sa Pilipinas and I still have tons of works to be done. Nasa ganito akong sitwasyon noong may kumatok sa pintuan ko. Nagtataka man dahil hindi ako nagparoom service ay tumayo na rin ako. Sinilip ko gamit ang peep hole kung sino iyon at nakita ko si Athan na nakatayo sa labas at may dalang cart.
Binuksan ko iyon at tuloy tuloy siyang pumasok. Ako naman ay nakasunod lang sa kanya. Mabilis niyang inilagay ang mga pagkain sa lamesa. Dinagdag niya ang ilang piraso ng kandila at sinindihan iyon. Panghuli niyang inilagay ay ang wine na nasa may ice bucket pa.
"What are you doing?" tanong ko. Tiningnan niya ako bago hinila paupo.
"I cooked for you. Eat now. Hindi ka pa kumakain mula nung dumating ka." Utos niya. Pagkaupo ko ay agad niyang nilagyan ng pagkain ang plato ko. Pinanood ko lamang siya habang abala siya sa kanyang ginagawa. Noong matapos siyang bigyan ako ng pagkain ay ang plato naman niya ang nilagyan niya.
Paupo na siya ay hindi ko pa rin ginagalaw ang pagkain ko. Tumaas ang kilay niya at nagtatanong ang mga tingin na ibinigay sa akin.
"Do you want me to feed you?" inosente niyang tanong. Mabilis na pumula ang pisngi ko kaya't agad akong umiling.
"No." sagot ko. Tinitigan lamang niya ako kaya ang pagkain na lamang ang tiningnan ko. Pero kahit ganon ay ramdam ko pa rin ang mga mata niya na nakatunghay sa akin. Halos palipitin ko na tuloy ang kutsara ko sa sobrang kabang nararamdaman. Damn those gray eyes. Kinakabahan pa rin ako kapag tinitingnan niya ako.
"Here. Try this." Sabi niya habang nilalagyan ang baso ko ng wine. Binigay niya sa akin iyon at agad ko naman iyong tinikman. Nagaabang ang tingin niya sa akin kaya tumango ako.
"Masarap." Anas ko. Ngumiti siya at halos maputulan ako ng hininga ng makita iyon. Pumikit ako at pinilit kong kumalma. Oh please, don't smile. Please don't.
"Ayokong umiiyak ka Leria. And I hate it when I don't even know why you're crying." Biglaan niyang sabi. Frustrated ang tono niya a hindi ako nakaimik agad.
"Naniwala ka naman kay Stanley. Hindi ako umiyak—"
"Walang sinabi si Stanley. Noong pumasok ka pa lang ay nahalata ko na. Bakit? Anong problema?" nag-aalala niyang sabi. Nagkibit balikat lamang ako at nagpatuloy sa pagkain. Huminga siya ng malalim at tumahimik na lang rin.
Noong matapos na ako ay siya pa rin ang nagligpit. Nagpasya na lang akong pumunta sa kwarto at magpanggap na matutulog na para umalis na siya. Nagbihis na ako ng pajamas noong bumukas ang pintuan.
"What the—"
Nakabihis na rin siya ng pantulog noong lumapit siya sa akin. He's just wearing a white shirt and a gray sweatpants. Lumapit siya sa akin at bahagya akong inakay sa kama.
"Anong ginagawa mo?"
"Matutulog. Gabi na." parang bata niyang sabi. Tinaas niya ang kumot at hinintay akong pumasok sa ilalim nun.
"Come on Morales. Magtititigan na lang ba tayo buong gabi? I can do that." Pilyo niyang sabi. Tahimik akong naglakad papunta sa kanya kahit abot abot na ang kaba ko sa nangyayari.
"Bakit hindi ka doon sa kwarto mo?" tanong ko.Hindi pa man ako tuluyang nakakahiga ay agad na niya akong hinila pahiga sa braso niya. Pumulupot agad ang binti niya sa akin at halos hindi na ako makahinga sa sobrang pagkakalapit niya sa akin.
"Ayaw ko. Maingay sina August." Reklamo niya bago pasimpleng hinalikan ang buhok ko. HInaplos niya iyon. Dinampi niya ang ulo ko sa dibdib niya habang tinatpik ang ulo ko.
'When you try your best
But you don't succeed
When you get what you want
But not what you need
When you feel so tired
But you can't sleep
Stuck in reverse'
I stiffened when I heard him sing. Pinilit kong humiwalay sa kanya pero humigpit lamang ang yakap niya sa akin. Ramdam ko na ang tensyon sa mga balikat niya habang nagpipilit na yakapin ako at hindi bitawan.
'When you lose something
You cannot replace
When you love someone
But it goes to waste
Could it be worse?'
"Athan.." tawag ko sa kanya. I cannot. Hindi ko siya kayang pakinggan na kumakanta para patulugin ako. The simple act brings back haunting memories. I just can't. Not now.
"Stop." Mas madiin niyang sabi. Humigpit ang yakap niya sa akin na pakiramdam ko ay hindi na ako makakahinga pa.
'Tears stream down your face
I promise you I will learn from my mistakes
Tears stream down your face
I promise you I will learn from my mistakes'
Tuluyan na akong naluha sa pagragasa ng alaala ko. I bit my lip to stop myself from crying so hard. Pero hindi ko napigilan ang mga luha. Para silang may sariling isip na nagsilabasan sa mata ko. Sunod ko na lamang nalaman ay nasa kandungan na ako ni Athan at humahagulgol sa balikat niya. Siya naman ay yakap yakap lamang ako at hinahayaan akong umiyak.
'Lights will guide you home
And I ignite your bones
And I will try to fix you'
"Just cry babe. Wag mong sarilinin. I'm here. I love you. I'm here." Paulit ulit niyang sabi. Umiyak lamang ako ng umiyak habang siya ay ginawa na iyong mantra.
"I'm here. I love you. I'm here.'
Lalo lamang akong naluha sa narinig. If only that is true Nathaniel. If only.
--------------------
Song Used:
Fix You – Boyce Avenue cover feat. Tyler Ward (Cold Play Original)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top