Fight Your Demons

14

Malakas ang ulan pero hindi ko iyon ininda. Dahan dahan, mahinang mga braso ang ginamit ko para gumapang papunta sa kapatid ko. Malakas ang ulan pero hindi nito naalis ang lakas ng kabog ng puso ko. Inabot ko si Georgina. Marahan ko siyang niyugyog.

"Georgina.."pagtawag ko. Hindi siya gumagalaw. Hinawakan ko ang noo niya para mapasigaw lang sa nakita.

Pulang dugo. Nabalot ang kamay ko ng dugo ng kapatid ko. Ang tubig ulan na dumadaloy sa kalsada ay napintahan na ng kulay pulang dugo. Nanginig ang katawan ko, hindi dahil sa lamig kung hindi dahil sa estado ng kapatid ko.

"Ate.." pauulit ulit kong sabi. Bumukas ng kaunti ang mata niya bago ako binigyan ng maliit na ngiti.

Pagkatapos noon ay pumikit na siyang muli.

"Ria! Leria, wake up!"

Nagising ako sa baritonong boses ni Athan. Pagdilat ko ay ang nag-aalala niyang mukha ang kaagad kong nakita. Nakatunghay siya sa akin at halos wala ng kulay ang pisngi sa sobrang pagkabahala. Agad akong napaupo sa kama at hinilamos ko ang kamay ko sa aking mukha.

That dream. Oh god, that dream again. How can I ever forget? Bago ko pa malaman ay agad na akong binalot ni Athan sa kanyang mga yakap. Nanigas ako sa kinalalagyan ko at hindi ko malaman ang gagawin. Paulit ulit lang niyang hinahaplos ang buhok ko habang hinihintay na mawala ang panginginig ng mga kalamnan ko.

"Ayos na ako." Sabi ko at bahagya siyang tinulak. Narinig ko ang kanyang pagbuntong hininga sa paglayo ko pero hindi ko na lamang iyon pinansin. KInuha ko ang robe ko at sinuot iyon bago lumabas ng kwarto. Nagpunta ako ng banyo at doon nagbihis na ng pang-alis.

Nagparoom service lamang ako bago dumiretsyo sa bintana ng kwarto. The snow is falling so thickly in the streets of Paris. Halos puti na lamang ang nakikita ko sa kalsada. Maging ang bubong ng mga bahay at shops roon ay nababalot ng snow. Bahagya kong hinawakan ang salamin at huminga ng malalim.

"Wanna go out?"

Hindi ko pinahalata ang bahagyang gulat ko sa pagsasalita ni Athan sa likuran ko. Tanging iling lang ang naging sagot ko.

"Come on. Mamayang hapon pa naman ang flight natin. We still have time."

Hinarap ko siya. "It's cold outside." Anas ko bago siya nilampasan. Narinig ko ang pagkatok ng roomservice naming at agad ko iyong pinagbuksan. Noong naayos na ang pagkain ay nilingon ko lamang si Athan na pinapanood ang galaw ko.

"Kain." Alok ko. Parang wala man siyang narinig at nanatili lang na nakatingin sa akin. Nagkibit balikat na lamang ako at kinain ang croissant at kape. Maya maya lang ay naramdaman ko ang pagpasok ulit ni Athan sa kwarto. Hindi ko na lamang siya pinansin. May sarili na naman siyang mundo.

Biglang may tumabong na malaking fur jacket sa mukha ko. Noong tumingala ako ay nakita ko si Athan sa kabilang dulo nun.

"Here." Aniya habang iniaabot sa akin ang jacket. Tumaas ang kilay ko sa ginawa niya.

"Let's go out." Dagdag niya. Muntik na akong mabilaukan sa narinig. Mabilis naman siyang nakalapit sa akin at inabot ang kape ko.

"What?"

"Magbihs ka na. Lalabas tayo." Simple lang niyang sabi. Binaba ko ang tasa at tinitigan siya.

"Saan naman tayo pupunta?"

"Kahit saan." Sagot niya. Tumaas ang sulok ng labi ko at natawa na lamang. Logic mo Falcon, napakabaluktot. Inusog ko ang upuan ko at tumayo na rin.

"A, tanghali ang flight natin. Ayaw kong malate. Isa pa, kailangan nating makabalik ng maaga sa Pilipinas para makapagpahinga kayo. May concert kayo sa susunod na araw. Ang daming kailangangang asikasuhin and—"

"And you can't even spare just one hour being with me, alone?" may hinanakit sa tonong sabi niya. Napatigil ako sa pagsasalita at tiningnan siya.

"Athan.."

Ngumiti siya ng mapait. "Isang oras lang Morales. Too much?" tanong niya. Kinagat ko ang labi ko at pumikit na lamang ng mariin.

"Fine. Isang oras. We'll just walk around the block. Hindi na tayo magbabyahe—" ngumisi siya at agad ng sinuot sa akin ang jacket. Pumulupot agad ang daliri niya s akamay ko at hinila na ako palabas ng kwarto.

"Kailangan pang pilitin.." bulong niyang narinig ko naman. Hindi ko naiwasan ang ngiti ko kaya pinindot ko na lamang ang elevator floor para itago iyon sa kanya.

---------

Noong sinabi kong around the area lang kami, tinupad iyon ni Athan. Hindi nga talaga kami lumayo. Naglakad lang kami at pumunta sa iilang mga tindahan at bumili ng kung ano ano roon.

"Look." Tawag ni Athan sa akin. Itinaas niya ang isang anklet na may maliliit na raindrops bilang palamuti. Nakatitig siya roon at pinaglalaruan ng mga daliri niya ang munting nakasabit.

"You love the rain right?" aniya. Pinilit kong kumalma at lumingon sa orasan ko.

"Let's go." Sabi ko na lang at tumalikod na. Sunod sunod ang pagkabog ng dibdib ko noong binanggit niya ang tungkol sa ulan. Naalala ko na naman ang panaginip kong iyon. Pakiramdam ko ay masusuka akong muli sa naiisip.

Naramdaman ko ang pag-akbay niya sa akin. Huminto kami sa gitna ng daan at hinubad niya ang scarf niya bago isinuot iyon sa akin. Sinakto niya iyon sa pisngi kong alam kong mapula na dahil sa lamig. Habang ginagawa niya iyon ay nakatingin lang ako sa kanya.

"Tigilan mo nga yan." Masungit kong sabi. Tumigil nga siya sa pagsusuot ng scarf sa akin.

"Ayaw mong magscarf?"

Inirapan ko siya."That's not what I meant Athan. I want you to stop..stop that..this.. whatever this is. Tigilan mo na." sabi ko sabay mwestra sa espasyo sa pagitan naming dalawa. Nawala ang ngiti niya at bumagsak ang mukha niya.

Nagkatitigan lang kaming dalawa. Walang gusting magpatalo sa labanan ng tinginan. Galit at matatalim ang mga sulyap niya habang ako ay malamig at walang laman. I won't fall for your trap again Falcon. Hindi ko na uulitin ang nagawa kong pagkakamali.

Naghiwalay lang kami ng tinginan noong nakarinig ako ng ilang tawanan sa gilid ng kalsada. Napasinghap ako ng makita ko ang ice skating rink roon. Wala sa sarili na naglakad ako roon at pinanood ang mga naglalaro sa yelo.

Pinanood ko ang dalawang mag Ate na naghahabulan sa rink. Mukhang nagsisimula pa lang matuto iyong mas bata kung paano magskate at nakaalalay sa kanya ang Ate niya. I smiled at the view. We were like that back then. Tapos nakaabang si Papa at ang mga Kuya ko sa labas ng rink na may hawak na mainit na gatas sa para sa aming dalawa.

Bahagya akong nadikit sa mga harang noong yakapin ako ni Athan mula sa likod.

"Magaling ka rin."aniya. Ang baba niya ay ipinatong niya sa tuktok ng ulo ko. "Bakit ka tumigil magskate? You could have been the best skater."

Hindi ako sumagot. Pumikit na lamang ako at nanatiling tahimik. Ramdam ko kung paanong humihigpit ang hawak ni Athan sa akin. Marahan niyang hinahalikan niya ang buhok ko na para bang isa akong salamin na babasagin.

"I want to see you skate again." Bulong niya sa akin. Napailing ako sa sinabi niya.

"I don't skate anymore."

Huminga siya ng malalim. "You don't skate. Hindi ka na rin kumakanta. You don't smile and you don't wear your hair in pigtails anymore. Ang daming nagbago Leria." Sagot niya. Napasinghap ako ng madapa ang magkapatid sa yelo. Malakas ang pagbagsak nila at naging matunog iyon sa yelo. Napadiretsyo ako ng tayo.

Naging maagap ang Ate niya sa pagtayo at inalalayan niya ang kanyang kapatid. Pinagpagan niya ang tuhod nito at bumalik na sila sa kanilang magulang. Sinundan ko sila ng tingin at napangiti na lamang ng mapait.

"Tapos na ang isang oras Nathaniel. Let's go back." Sabi ko at naglakad na palayo. Hindi pa man ako nakakahakbang ay hinawakan na niya ang braso ko. Mabilis ko siyang hinarap at nagtatanong ang mga tingin ang ibinigay ko.

Lukot ang mukha niya. Kunot ang noo at lapat ang mga labi sa iritasyon. Tinagilid ko ang ulo ko at tiningnan siya.

"Anong—"

"Will you please tell me what the hell is wrong?" frustrated na niyang sabi. Ilang beses akong kumurap at sinubukang magsalita pero walang kahit na anong lumalabas sa bibig ko. Nakalimutan na yata ng utak ko kung paano pagdikitin ang mga letra dala ng sobrang kaba.

"Gusto kitang tulungan Leria. Pero hindi ko alam kung saan magsisimula." Aniya. Nag-iwas agad ako ng tingin.

"There's nothing wrong with me. And I don't need your help. We need to go back Athan. Magbabyahe pa tayo." Sabi ko, trying to divert his attention. Pero nanatili ang titig niya sa akin. Humigpit rin ang hawak niya sa braso ko.

"I'll fight your demons Leria Morales. Hindi ko hahayaang kunin ka nila sa akin. I won't let them change you. I will fight them." Madiin niyang sabi. Tumawa ako at tinapik ang balikat niya.

"I'm fine Falcon. Wag kang magalala." Sabi ko sa kanya. Naiwan ang tingin niya sa mukha ko at alam kong hindi siya naniniwala ni katiting sa sinabi ko.

Hinila ko na ang braso ko at nauna ng naglakad palayo sa kanya. Fight my demons huh? Paano mo gagawin yan Athan? Paano?

Maybe I am a heartless bitch. Nag-aalala ang tao sa akin pero pilit ko siyang tinutulak. Kung may makakakita sa amin, kung may makakakita sa pagmamakaawa ni Nathaniel, baka isipin pa nila na napakawalang puso ko. But they don't know my story. Wala sila sa lugar na husgahan ang trato ko sa mundo dahil walang kahit na sinong may alam ng totoong nangyari.

Every bitch has her own story. Sa kalagayan ko, hindi ko piniling maging ganito. But I have to isolate myself from the world. Ayaw ko ng maging katulad ng Leria dati na sobrang sobra kung magmahal. I don't want to be attached to a person para lang talikuran. Mas maganda ng maging mag-isa, atleast alam kong hindi ako maiiwanan.

The little girl who loves the rain so much is gone.

-----------------------

Mabuti na lamang at hindi na ako ginulo ni Athan noong bumalik kami sa hotel. Hanggang dito sa eroplano ay wala na siyang naging imik. Nasa tabi ko siya, ako ang nasa gawi ng bintana, at walang nagsasalita sa aming dalawa. Tinitingnan ko lang ang langit habang siya ay busy sa pagtulog niya.

Isinuot ko ang earphones ko at pumikit na lang rin. Mahaba ang flight at ayaw kong manatiling gising para lamang makausap si Nathaniel.

'When you feel my heat

Look into my eyes

It's where my demons hide

It's where my demons hide'

Naramdaman ko ang pagbagsak ng ulo ni Athan sa balikat ko. Gumalaw ako ng kaunti kaya dumilat siya. Tinitigan lamang niya ako at sumandal ulit sa akin.

"Ano ba, mabigat." Reklamo ko. Hindi siya natinag, bagkus ay kinuha lamang niya ang kamay ko at hinawakan iyon.

'Don't get too close

It's dark inside

It's where my demons hide

It's where my demons hide'

Dinilat niya ang isang mata niya at hinila ang earphones ko sa isang tenga. Bahagya siyang dumukwang at idinikit niya ang labi niya sa tenga ko.

"I love you, Leria Geneva Morales. I really do." Bulong niya bago humiga ulit sa balikat ko. Napanganga ako at mukhang tanga na tinititigan ang nakapikit niyang mga mata.

Damn it! Pumikit na rin ako at kinalma ang sarili ko sa narinig mula sa kanya. Bwisit talaga! Ano bang nasa isip niya ha? Inis kong sinuot ulit ang earphones at pinilit na makatulog.

'It's where my demons hide

It's where my demons hide

Don't get too close

It's dark inside'

Fight my demons Athan Falcon? How can you do that? Paano mo lalabanan ang sarili mong bakas?

-------------------------------

May epilogue po ang Forgotten Groom.

Song Used:

Demons- Boyce Avenue ft. Jennel Garcia (Imagine Dragons Original)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top