Fangirl
17
Nagkakagulo na sa backstage. Ilang minuto na lamang at magsisimula na ang concert nilang anim. Ako naman ay hindi na mapakali sa kaba. Ganito naman lagi magmula noong ako na ang naghandle sa Wave. Kapag may okasyon ay parang ako ang sinisilaban.
"Ready na ako!" sigaw ni August at nagpapadulas pa sa kanyang skateboard. Mabilis ko siyang nilapitan at tinitigan.
"Tigilan mo yan! Baka masaktan ka pa, hindi ka makakapagperform." Bawal ko. Ngumuso lang siya at inayos ang kanyang suot na white shirt at dogtag. Sumayaw pa siya sa harap ko at ngumisi.
"Got one less, one less problem~" kanta niya bago ako kinindatan. Pinandilatan ko na lamang siya at nagmamadali na siyang umalis sa harapan ko.
"Sungit mo bossing!" sigaw niya at tumakbo na para kunin ang kanyang lapel. Napailing na lamang ako at pinanood ang kanyang panggulo sa floor director.
"Ria."
Napaharap ako kay Athan na nakanguso lang at inaayos ang kanyang necktie. Tumaas ang kilay ko at nilapitan siya. Kinuha ko ang kanyang tie at ako na ang nagtali. Nakasuot siya ng puting polo shirt at gray fitted pants. Ang kanyang lapel ay nasa pisngi na niya. Nakasabit na rin ang gitara sa kanyang katawan at ang buhok niya ay magulo na't kaakit akit.
Binasa ko ang labi ko ng maalala ko na naman ang sinabi niya sa akin noong isang gabi. Sinabi niyang kanya ako at hindi ko napigilan ang sarili kong hindi kabahan sa narinig. Pakiramdam ko ay bumabalik na naman ang dating Leria na lagging lumuluhod sa mga kataga niya.
Ramdam ko ang mga titig niya sa akin habang tinatali ko ang kanyang tie. Maya maya lang ay hinawakan niya ang baba ko at pinilit akong tumingin sa kanya.
"AEGGIS, two minutes." Sabi ng kanilang director. Agad kong tinulak si Athan at lumayo sa kanya. Humawak siya sa beywang ko at hindi ako nakalayo sa kanya. Yumuko siya ng kaunti at dinampian ang labi ko ng mabining halik.
"Mamaya ha?" bulong niya bago lumayo sa akin. Inayos ko ang sarili ko at lumabas na ako papunta sa labas para manuod ng kanilang concert.
Namatay ang mga ilaw at dumilim ang buong entablado. Tanging narinig ko na lamang ang ay sigawan ng mga audience at ang pagkakagulo ng mga fangirls nila. Napangiti na lamang ako at pinanood ang mga banners at tarps na iwinawagayway.
'Do do do d-do do do do do do'
Boses ni August ang pumailanlang sa buong Araneta. Ang akala kong malakas na sigawan ay lalong dumagundong sa loob. Napangiti na lamang ako at hinayaan ang sarili kong marinig ang kanilang mga kanta.
'She's a good girl
She's Daddy's favourite
He's saved for Harvard
He know she'll make it
She's good at school
She's never truant
She can speak French
I think she's fluent'
Hinayaan ko ang sarili kong malubog sa kanilang boses. Parang noon lang. Noong bata pa ako at hindi pa ako naharap sa totoong sakit ng mundo. Back to when I was still a fangirl of AEGGIS.
'She said to me,
"Forget what you thought
'Cause good girls are bad girls that haven't been caught.
So just turn around and forget what you saw
'Cause good girls are bad girls that haven't been caught."'
Sabay sabay kumanta ang mga fans nila at sumunod na rin ako. Nakita ko si Stanley na tanging kay Toryang lang nakatingin habang kumakanta. Iyong braso niya ay nakalitaw muli sa puting sando na kanyang suot. Ang hikaw niya ay kumikinang mula sa mga spotlight habang tumutugtog.
Namatay ulit ang mga ilaw at alam ko na ang susunod. Nagpalit palit na naman ang AEGGIS ng pwesto at si Ethan ang kumuha ng mikropono. Si August naman ang humawak ng bass.
'Everybody's got a dark side
Do you love me?
Can you love mine?
Nobody's a picture perfect
But we're worth it
You know that we're worth it
Will you love me?
Even with my dark side?'
Tinuro ako ni E habang kumakanta. Umirap na lamang ako sa kanya at pinabayaan siya sa mensahe na ipinaparating niya. Yup Vincent, I have a dark side. Kaya ba ng kakambal mong alamin iyon? Kaya ba niyang intindihin iyon?
'If you give up
So don't give up on me
Please remind me who I really am'
I lost my sister, I lost my father, I lost everyone I have because I fell inlove with someone who loves someone else. Nawala ang lahat sa akin. That is my dark side. I have a wound incapable of healing. Nakasangla na sa impyerno ang kaluluwa ko dahil sa sakit at sa mga kasalanan ko.
Natapos ang kanta na hindi ko na namamalayan. Sunod kong nalaman ay ang pagtapik ni Athan sa mic at bahagyang ngumisi habang nakatingin sa akin.
"I'm not good at speaking." Panimula niya. Tumili ang mga babae pagkarinig sa kanyang boses. Ako naman ay nanigas sa aking kinatatayuan. Bahagya niyang kinalabit ang gitara niya at nilingon ang kanyang mga kasamahan.
"AEGGIS is really good at hurting their ladies. That's our brand. Alam kong nasaktan kita, alam kong malalim yung sugat na nagawa ko noong iniwan kita. But if you will give me a second chance, if you will be the girl I knew back then, kung ibabalik mo ang dating ikaw, I promise I won't make that fucking mistake again."
Nag-iwas ako ng tingin at hindi na gumalaw sa kinatatayuan ko. Yumuko na lamang ako at pinakinggan ang pagtugtog nila.
'Beauty queen of only eighteen
She had some trouble with herself
He was always there to help her
She always belonged to someone else'
Tumulo na ang luha ko ng marinig ko ang saliw ng kanta. Huminga ako ng malalim at pinunasan ang aking luha bago ako tumingala. Nakapikit si Athan habang kumakanta habang ang iba ay seryoso rin sa pagtugtog.
'I don't mind spending every day
Out on your corner in the pouring rain
Look for the girl with the broken smile
Ask her if she wants to stay awhile
And she will be loved
And she will be loved'
Napangiti ako ng mapait. You won't love me if you will learn the truth Nathaniel. Baka nga kamuhian mo pa ako dahil sa nangyari. Sapat na sa akin na ako na ang bubuhat ng lahat para wala ng madamay sa mga nangyari. Ako na lang ang magdadala ng sakit. That is my punishment.
Mabilis ang naging pagpapalit ng mga chords. Si Greg na rin ang kumuha ng mikropono pero hindi pa rin iniaalis ni Athan ang tingin niya sa akin. Kitang kita ko ang pagaalala sa mukha niya ng mahalata ang pagkinang ng mga luha sa mukha ko. Agad akong yumuko at pasimpleng nagpunas ng luha.
'Instead of holding you, I was holding out.
I should've let you in, but I let you down.
You were the first to give ,I was the first to ask.
Now I'm in second place, to get a second chance.'
Natapos ang concert. It is successful. Malamang ang pinakasuccessful sa lahat ng naging concert na nagawa nila mula noon. Maraming halos umiyak na mga fans nila dahil sa kaligayahan na makita sila sa stage. Bawat isa na may dalang banners ay nakapagpapirma pa sa kanila. Habang nakatingin sa mga fans ay hindi ko mapigilan ang tuwa. AEGGIS is really number one.
Noong makaalis na sila sa Coliseum ay pinuntahan ko sila. Dala dala ang isang bote ng champagne ay kinongratulate ko ang buong staff at ang AEGGIS. Nagkaroon sila ng after party at sumama ako. Kakaunti na lamang ang media na nandoon.
Umupo ako sa sofa at kumuha lamang ng orange juice habang pinapanood ang anim na magsaya sa tagumpay nila. Nakita ko ang paglingon ni Athan sa akin at napatigil ako sa pagsimsim ng inumin. Mabilis akong tumayo at umalis sa bar ng Wave. Agad akong dumiretsyo sa opisina ko at kumuha ng mga papeles na pwede kong pagkaabalahan.
What the hell! Hanggang kailan ba ako tatakbo? Natatakot ako kay Nathaniel. Lalo pa't nabubuhay na naman ang mga alitaptap ko sa aking tyan. Natatakot ako sa magiging epekto sa akin ng muli niyang paglapit. Paano na lang kapag muli akong nagkamali? Paano kapag iniwan niya ako ulit? I can't afford to be broken again.
"Why are you running away?" malamig ang boses niyang sabi. Napatigil ako sa pangangalkal sa mga papeles. Narinig ko ang pagsara ng pintuan at ang paglapit niya sa akin. Hinawakan niya ang braso ko at pinilit akong humarap. Hinawi ko ang kamay niya at tumama ang aking palad sa kanyang dibdib.
Napasinghap ako ng maramdaman ko ang tigas ng kanyang katawan. Uminit ang aking pakiramdam lalo na sa bilis ng pagdaloy ng kuryente sa aking mga ugat dala ng pagkakalapit niya sa akin. Tiningala ko siya at napalunok ako. I hate his gray eyes. I hate the way it pierces my soul with its stare. Nalulunod ako sa kanyang mga titig at masamang pangitain iyon.
"Leria?" nagtataka niyang tanong. Bumaba ang tingin ko sa labi niyang mamula mula. Nakagat ko ang sarili kong labi habang tumititig. Binasa ko iyon at pinadaan ko ang dila ko noong marinig ko ang pagmumura ni Athan.
"Damn girl." Aniya bago ako hinatak at sinakop ang aking labi. Hinawakan niya ang aking batok at mas lalong pinalalim ang ginagawang paghalik. Mabilis na pumulupot ang kamay ko sa kanyang leeg at tumingkayad para maabot ang labi niya.
This is just a taste. Just one taste. This won't hurt right? Isang beses ko lang pagbibigyan ang sarili ko. Just once.
Bumaba ang mga kamay ko sa necktie niya at agad na kinalas iyon. Siya naman ay naging abala sa pagtatanggal sa zipper ng aking dress. Ang halik niya ay dumako na sa leeg ko. Ibiniling ko ang aking ulo at idiniin ang sarili ko sa kanya.
"Leria.." tawag niya sa pangalan ko. Hinalikan niya akong muli na para bang sinasamba ako. Ang labi niya ay nanunuya na sa bibig ko habang ang kamay niya ay dumako na sa iba't ibang parte ng katawan ko. Napasinghap ako ng maramdaman ko ang kamay niya sa baba, marahan akong kinakalabit.
"Oh god.." impit kong tili. Kinagat ko ang labi ko, nag-aalalang baka may makarinig sa aming dalawa.
"I love you. I am so inlove with you. I love you." Paulit ulit niyang sabi habang hinahalikan ang buong katawan ko. Naramdaman ko na siya sa akin. Pumwesto na siya bago ako tinignan ng diretsyo sa mata. Hinawakan niya ang aking mukha at tiningnan ako.
"I'm sorry." Basag ang boses niyang sabi. Tumulo ang isang luha sa kanyang mga mata at agad niyang pinunasan iyon. Idinikit niya ang noo niya sa noo ko at bahagyang nanginig.
"I shouldn't have left. Hindi dapat ako naniwala sa kanila. Hindi dapat ako nakinig. Fuck, but I got scared Leria." Anunsyo niya. Bawat kataga ay pumipiyok ang kanyang tinig. Nababasa na rin ang braso ko sa mga luha niya habang siya ay humihigpit ang hawak sa akin.
"I got scared. Akala ko hindi ka totoo. Akala ko walang totoo sa ating dalawa noon. I'm sorry, nasaktan kita." Pagpapatuloy niya. Hinila ko ang kanyang mukha at hinalikan siya sa labi.
I don't want to hear your apologies Falcon. I just want to feel you. Gusto ko, kahit ngayong gabi lang ay mapagbigyan ko ang sarili kong maniwala na maayos lang ang lahat sa pagitan naming dalawa. Gusto kong ibalik ang pagiging inosente ko at mapagmahal. I want to be the same fangirl who fell for you back then.
Maiinit na haplos ang ibinigay niya sa dibdib ko bago tuluyang kumilos at inangkin ako. Habang gumagalaw siya ay patuloy siya sa pagsasabing mahal niya ako, na humihingi siya ng tawad sa ginawang pang iwan sa akin.
Sa bawat salita niya ay isang bahagi ko ang nagising. Iyong bahagi na matagal ko ng inilibing. Tumulo na rin ang luha ko ng maalala ko lahat ng mga kanta niya kanina. Yung mga bagay na ginawa niya. Yung mga salitang sinabi niya. If only those efforts can change the past. Kung bakit ngayon lang niya ginawa ang mga yan?
Bakit ngayon lang Nathaniel? Why now? I am so broken. Hindi na ako sigurado kung maayos na ako. And if you will try to fix me, you will get hurt too. I am so shattered, my pieces will only wound you.
Bumilis ang galaw niya at alam kong pareho na kaming may inaabot dalawa. Kinagat niya ang aking braso habang dumidiin at bumibilis siya.
"I love you.." bulong niya noong tumigil na ang bagyo sa pagitan naming dalawa. Nanatili lamang siya sa loob ko habang pinapayapa naming dalawa ang hinihingal naming mga paghinga.
"I have my demons, how can you love me?" natatawa kong sabi. Bahagya akong gumalaw at ang koneksyon naming dalawa ay nawala na.
"You loved me then. Anong kaibahan nun Leria? Bakit ba pinagbabawalan mo akong gawin ang matagal ko ng gustong gawin?" may hinanakit niyang sabi. Dinampot ko ang mga damit ko at mabilis na nagbihis.
"Gusto mo lang gawin yan dahil wala na si Victoria—"
"Tangina Leria Morales!" sigaw niya. Gulat akong napatingin sa kanya. "This is not about Victoria. This is about you! This is about me losing you! This is about me so fucking scared!" frustrated niyang sabi. Nag-iwas ako ng tingin at nanahimik na lamang.
"You have your demons? Fine. Nasa impyerno ka dahil sa nagawa kong pangiiwan? Okay. I get it. Ganyan ka dahil sa akin." Aniya. Humakbang siya at pinilit akong tumingin sa kanyang mga mata.
"Isasangla ko sa demonyo lahat ng mayroon ako Leria, kahit kaluluwa ko matubos ka lang." bulong niya bago ako hinalikang muli.
--------------------
Songs Used:
Good Girls - 5 Seconds of Summer
Dark Side -Kelly Clarkson
She Will Be Loved- Maroon 5
Second Chance- Faber Drive
*pen<310
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top