Do Not

11

"Barrie!" sigaw ko pagkakita ko pa lamang sa kaibigan ko na nakatayo sa may bukana ng pintuan ng aking opisina. Agad niyang binuksan ang braso niya at sinalubong ang yakap ko.

"Hey." Nakangiti niyang sabi. Agad niyang ibinaba ang luggage niya sa may gilid at tinitigan ako.

"How are you?Kailan ka ba bumalik? How's Sue?" tuloy tuloy kong tanong. He just laughed at me at ginulo ang aking buhok. Napanguso ako sa ginawa niya pero tumawa lang ito ng malakas.

"Always eager for information Ria." Sabi niya sa kanyang accent na briton. Lumapit ako sa kanya at kumapit sa braso niya.

"How's my Dad?" tanong ko sa seryosong tono. Hinarap niya ako at ngumiti siya. Pakiramdam ko ay nabunutan ako ng tinik sa ngiti niyang iyon. Hindi kaagad siya sumagot at umupo lamang sa sofa ko habang ako naman ay hindi na mapakali para sa balita.

"He's fine. Perfect actually I may say. I think after his therapy, he can finally walk. Your brothers are taking good care of him, don't worry. And he can move his hands now." Pagkekwento niya. Hindi ko napigilan ang luhang tumulo sa mata ko sa narinig. Agad ko naman iyong pinunasan at ngumiti.

"I'm glad to hear that." Anas ko. Tinitigan lamang niya ako at naghintay na may sabihin pa ako. Noong hindi ako nagsalita ay kinuha niya ang kamay ko at marahan iyong pinisil.

"It's been four years Ria. Why don't you try talking to your brothers again? They might let you see your Dad."

"You know that's not possible." Agad kong pagpigil sa sinasabi niya. I know my brothers. They hate me. They won't let me near my father again. Never.

I miss my Dad so much. Just the thought of him made my eyes wet with tears. Agad akong hinila ni Barrie at dinala sa tabi niya. Pumulupot ang braso niya sa gilid ko at niyakap ako ng mahigpit. HInagod niya ang likuran ko at hinintay akong tumahan.

"Everything will be fine dear." Bulong niya sa akin. Tumango lamang ako at tiningnan siya. Yumuko siya at marahang pinunasan ang mga luha ko. Nag-iwas ako ng mukha at lumayo sa kanya.

"Ria--"

"Bossing--"

Sabay kaming napatingin ni Barrie sa bumukas na pintuan. Doon ay nakita ko ang buong AEGGIS na nakatayo roon. Hawak hawak ni August ang pintuan habang ang lima ay nasa loob na at nakatangang nakatingin sa amin. Agad akong tumayo at sumunod naman si Barrie sa akin.

"Boyfriend mo?" masungit na tanong ni Iñigo. Naglakad siya palapit sa amin at sumunod sa kanya ang iba.

"Um, he's.."

"..Barrie Wellesley. Nice to see you again." Sagot ni Athan at agad na hinila ang braso ko. Pinagdikit niya kaming dalawa habang si Barrie ay nakatingin sa aming dalawa.

"Do I know you?" nagtataka ring tanong ng kaibigan ko. Tiningnan niya ako at nagkibit balikat lamang ako. Nilingon ko si Nathaniel na nakatiim ang bagang na nakatingin sa kanya. Lapat ang labi niya habang nagtatagis ang kanyang bagang kay Barrie.

"No. But I know you." Mariin nitong sabi. Hinawakan ni Nathaniel ang beywang ko at mas lalo pa akong inilapit sa kanya.

Napataas ang kilay ni Barrie sa inasta ni Athan. "I-I think I'm going. See you later dear." Paalam niya sa akin at kinuha na ang kanyang luggage. Noong mawala siya ay agad kong tinanggal ang mga braso nito sa beywang ko at hinarap ang buong AEGGIS.

"Why?" I asked no one in particular. Si Greg ang sumagot.

"It's Lana's birthday tomorrow. May party siya. Surprised actually." Aniya. Pinilig ko lang ang ulo ko at hinintay ang susunod niyang sasabihin. "She doesn't have that many friends so, I was thinking if you can go. With us. Kung okay lang sayo. Para sa barkada na rin. Bonding time." Nakangiti niyang sabi. Natawa lamang ako at tinitigan siya.

"I'll check my schedule." Sagot ko. Namulsa lamang silang anim at hindi pa rin umalis sa opisina ako.

"Sige na Bossing." Si August ang nagsalita. Pinagsalikop niya ang dalawa niyang palad at tinitigan ako.

"Sumama ka na Ria." Ani Stanley. Huminga ako ng malalim at tinaas ang kamay ko.

"Fine. I'll go." Pagsuko ko. Sabay sabay silang nag-apiran dahil sa pagpayag ko. Binigay lang ni Greg sa akin ang ilang detalye tungkol sa birthday party ni Lana bago sila umalis. Well, most of them. Naiwan pa si Athan sa opisina at mataman akong tinititigan.

"Susunduin kita." Pinal niyang sabi. Tiningnan ko lang siya bago umiling.

"You don't have to."

"But I want to."

Tinalikuran ko lamang siya at inasikaso ang mga reports na galing sa iba't ibang department ng Wave. Inabala ko ang sarili ko roon at hindi pinansin si Athan sa aking likuran.

Binabasa ko ang ilang impormasyon tungkol sa mga bagong recruits noong tinukod ni Athan ang dalawang braso niya sa magkabilang gilid ng lamesa ko. Bahagya niya akong idiniin sa mesa habang ang bibig niya ay nasa may tenga ko.

"A-athan--" nanghihina kong sabi. Darm this Falcon! Hindi ko mapigilang hindi manginig sa lapit niya sa akin ngayon. Pakiramdam ko ay mabubuwal ang mga binti ko sa sobrang lapit niya sa akin.

"Keep pushing me away Morales. Keep on doing that. But you have to remember.." napasinghap ako ng kinagat niya ng marahan ang puno ng tenga ko at nagpatuloy. "I'm your dog. Kahit iligaw mo ako, babalik at babalik ako sayo."

Lumayo na siya sa akin pagkatapos niyang sabihin iyon. Napalunok ako at hinarap siya.

"I have my own car Mr. Falcon. I can go to Greg's without your help." Pagtataray ko. Pilit kong kinukunot ang noo ko para maipakitang galit ako. Halakhak lang ang naging sukli ni Athan sa akin.

Nagkibit balikat lamang siya. "I don't give a damn about your car Leria. I want to be with you. Then I'll be with you." Humakbang siya palapit sa akin at yumuko. "I'll be with you, whether you like it or not babe."

Ginawaran niya ng halik ang tungki ng ilong ko bago lumayo sa akin. Ngumisi lamang siya at naglakad na palayo sa akin. Ako naman ay naiwan lamang na nanunuod sa kanyang paglalakad. Pilit kong kinalma ang sarili ko sa nangyari at inasikaso ang mga papeles na kailangan ng atensyon ko.

----------------------

"Akala ko ba susunduin ka ni Athan?" nagtatakang tanong ni Tori pagkaparada ko pa lamang sa sasakyan ko. Nauna siyang lumabas kay Stanley na hanggang ngayon ay nasa loob pa rin ng kanilang bahay at inaasikaso ang regalo kay Lana.

"Nope. Nauna na ako." Sagot ko at pinasadahan siya ng tingin. Tori's gorgeous. Kaya nga hindi na ako nagtataka na marami ang nahumaling sa kanya. She's smart, pretty and sweet. Napakabait pa. And she has this big brown eyes na nanghihila ng pagkatao. Minsan naiinggit ako sa mata niya. I have chinky eyes. Kapag ngumingiti ako ay nawawala iyon.

"He'll get mad at you." Parang bata niyang sabi. Tumawa lamang ako at agad siyang nilapitan. Kumapit si Tori sa aking braso habang nagkekwento ng tungkol kay Shawn.

Ilang beses akong lumilingon sa likod ko. pakiramdam ko ay ilang segundo lang ang hihintayin ko bago ko maririnig ang makina ng Mercedes ni Athan. I bet he's furious now. Pero bahala siya sa buhay niya. I have to keep my distance. The cold boy's like a fire. The closer you get, the hotter it burns. And I can't be burned again.

Lana's party is just simple. Kaunti lang ang mga imbitado. Aside from the whole band, tanging ako, si Avvi, si Tori, ang kapatid ni Stan and some noisy girl which is named Iris ang naroon. I haven't seen Lana before, but when I saw her, I was awestruck. Baliw talaga itong si Greg. The girl is simply a goddess. Bakit hindi pa ito itali ni Greg?

Bumaba ang tingin ko sa umbok sa tyan noong si Lana. Hindi pa iyon halata sa luwang ng damit niya, pero hindi ito nakatakas sa mga mata ko. Agad kong nilingon si Greg. Does he know about this?

"Tori!"

Sabay kaming napalingon ni Tori kay Avvi na kumakaway sa amin. She's with Shana and Iris sa may chocolate fountain. Lumapit kaming dalawa sa kanila.

"Iris, she's Tori. Stan's wife." Pagpapakilala ni Avvi. Dumako ang daliri niya sa akin at itinuro ako. "And she's Leria."

Nilahad ko ang kamay ko kay Iris pero agad lamang niya akong hinila at binalot ng yakap. Noong humiwalay siya sa akin ay humagikhik siya.

"Ang pretty mo. Nagpapa Belo ka ba?" tanong niya. Natawa lamang ako at umiling. Maya maya ay lumapit sa amin si Lana at nagpakilala. I smiled at her but then napatingin ulit ako sa tiyan niya. Ngumiti na lamang ako at mas piniling hindi na magsalita. It's her personal business. Hindi na dapat ako makialam.

Nagpaalam rin agad si Lana para tingnan ang niluluto niya at sumunod sa kanya si Avvi at Tori. Iris just kept on talking to me and Shana at nakinig naman ako sa mga kwento niya. I learned that she grew up in an orphanage and spent most of her growing years there.

"Hoy."

Natigil kaming tatlo sa pag-uusap ng lumapit si Iñigo sa amin. Napanguso ako ng tinitigan nito ng matalim si Iris.

"Nagugutom ako. Kuhanan mo nga ako ng pagkain." Utos nito. Napasinghap ako at nilingon ang pobreng katabi ko.

"Bakit ko naman gagawin yun?" mataray nitong sagot. Nagkatinginan kaming dalawa ni Shana at lihim na lang na napangiti. The girl has guts. Lumalaban siya kay Iñigo huh? That's new.

Ngumisi lamang si I at namulsa. "Bakit nga ba Iris?" naghahamon nitong sabi. Nawala ang ngiti ni Iris at padabog na lumayo sa fountain.

"Ito na nga. Bwisit." Bulong niya sa huling salita bago nagmartsya papuntang kusina. Naiwan naman si Iñigo na sinusundan ito ng tingin habang nangingiti.

"Oh my gosh. Did you smile?" nagtatakang tanong ni Shana rito. Agad nabura ang ngiti sa mukha ni Iñigo at umiling.

"Hindi." Masungit niyang sabi at tinalikuran rin kami. Natawa lang ako at hinarap si Shana.

"Athan's still not here." Aniya. Nagkibit balikat lamang ako at kumuha ng ilang side dish sa gilid.

"Kailan kasi ang alis mo papuntang France?" I asked. Shana smiled at me.

"Next month pa. I will really miss everyone." Malungkot niyang sabi. Tumango naman ako. Inaya ko siya sa may tabi ng pool at agad naman siyang sumunod. Umupo kami sa may gilid at pinanood ang mga ilaw sa tubig.

"August will miss you too. Don't worry." Tukso ko. Nasamid siya sa narinig.

"I won't miss him."

"Yah?" natatawa kong sabi. Indenial pa itong isang ito. She's blushing for pete's sake. Inayos niya ang buhok niya bago umiling.

"I'll miss Greg. But I won't miss August. Never." Madiin niyang sabi. Tumango na lang ako kahit hindi kumbinsido.

"Hindi ko naman talaga siya mamimiss."

Hindi na ako nagsalita pagkatapos niyon. Maya maya lang ay dumating na ang ibang babae at umupo sa tabi namin ni Shana.

"Where are the guys?" tanong ko. Avvi stretched her arms out wide.

"Cooking barbeque. Nasa may front lang." sagot niya. Tumango lamang ako at tinitigan ulit ang tubig. Kinagat ko ang labi ko at pinigil ang sariling itanong ang gusto kong itanong.

"He's here." Si Tori na ang sumagot. Tiningnan ko lamang siya at malawak ang ngiti niya rin akong tiningnan.

"Athan's here. Nakikigulo sa may barbeque." Dagdag niya. Hindi na lamang ako nagsalita.

Kinalabit ako ni Iris. "Kayo ni Athan?" tanong niya. Agad akong namula at marahas na umiling.

"No."

"So ex?" pangungulit niya. Umiling ulit ako pero naroon pa rin ang malisyoso niyang tingin.

"May past kayo?" si Lana naman ang nagtanong. Nanlaki ang mata ko at hindi agad nakasagot. Humalakhak siya at tiningnan ako.

"Psychologist ako Leria. You can't lie. May past kayo diba?" sabi ulit niya. Yumuko lamang ako at hindi na sumagot.

"Wala." Malamig kong sagot. I looked at everyone and I knew they didn't believe me. Huminga na lamang ako ng malalim at nanatiling tahimik. Nang hindi ako makatiis ay tumayo na lamang ako. Tiningnan ko ang lima and smiled.

"Come on. Baka nagsunugan na yung mga yun." Pagbibiro ko. Sabay sabay naman silang tumayo at sumunod sa akin. Si Iris ay titig na titig sa akin kaya huminto ako sa paglalakad. Ngumiti siya sa akin at tiningnan ako.

"Ang hirap talagang mag move-on girl." Sabi niya sabay tapik sa balikat ko bago ako nauna na sa may garden.

Noong makarating ako sa hardin ay nandoon na ang lahat. Tori is beside Stan, they were both eating barbeque. Pinagtatanggal ni Stanley ng stick ang mga kinakain ni Tori na laman. Avvi and Ethan was busy doing the sauce. Nagpupustahan pa ang dalawa kung kanino ang mas magiging masarap. Si Iñigo naman ay abala sa pang uutos kay Iris nang kung ano anong mga bagay.

"Ayaw ko! Kuya oh!" sigaw bigla ni Shana sa isang gilid pero hindi siya pinansin ni Stanley. Halakhak ni August ang narinig ko bago niya hinila si Shana pasakay sa kanyang skateboard.

"Subukan mo lang." alok ni Augustine.

"Pagod ka na?" si Greg ang nagsalita at niyakap niya ang beywang ni Lana na abala sa pagsasandok ng kanin. Ngumiti lamang si Lana at umiling. Greg just settled in between Lana's neck.

Mala bakal na kamay ang pumulupot sa beywang ko at agad akong napasinghap. Hinila ako ni Athan paharap sa kanya. Hindi pa man ako nakakapagsalita ay agad na niyang sinakop ang labi ko sa mapagparusa niyang halik. Napasinghap ako at agad niyang kinuha ang oportunidad na iyon para palalimin ang halikan naming dalawa. Noong lumayo siya sa akin ay nakita ko kung gaano siya kagalit.

"Wag na wag kang aalis ng walang paalam Leria. Kapag sinabi kong darating ako, maghintay ka. Wag ka na lang biglang nawawala. Mababaliw ako." Hingal niyang sabi bago ako muling hinagkan ulit.

----------------------

*pen<310

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top