Clean My Mouth
12
Nakaupo na kami ngayon sa isang long table sa garden. Unfortunately, Athan sat beside me. Hawak hawak niya ang kamay ko at umaastang may karapatan siyang gawin iyon. Nakakabanas lang ang asta niya. Damn this guy.
"God. That's awful." Biglaang sabi ni Lana. Napatakip siya ng bibig pagkakita pa lamang sa hipon na niluto ni Tori. Kaagad siyang tumayo at aktong masusuka.
"Lan." Ani Greg. Tinaas lamang ni Lana ang kanyang kamay at pinagbawalan siyang sundan ni Greg. Bumalik na lamang si Greg sa kanyang upuan kahit nag-aalala ito.
"Kailan ninyo balak magpakasal?" si Tori ang nagsalita. Napanganga si Greg bago niya itinuro ang sarili.
"Kami?" aniya.
"Greg naman. Hihintayin mo pa bang lumaki yung tiyan ni Lana?" masungit nitong sabi habang pinagkukuha niya ng ulam si Stanley. Tahimik lamang akong pinapanood ang dalawa na nag-uusap.
"Buntis si Lana?" si August ang nagsalita. Tiningnan siya ni Tori bago tumango. Nalaglag ni Greg ang kanyang tinidor at gulat na gulat na tiningnan ang pintuan na nilabasan ni Lana.
"Wag mong sabihing hindi mo alam." Sabi ko. Tiningnan niya ako at umiling. Namumutla siya at kitang kita ko ang panghihinayang sa mukha niya. Nagkatinginan kami ni Tori, siguro ay pareho kami ng iniisip.
Maybe, Greg's not the father.
"Walang boyfriend si Lana. How can you be so sure she's pregnant?" tanong nito. Umayos ako ng pagkakaupo at kumain na lamang. Hinayaan ko na lamang si Tori ang magpaliwanag ng mga simptomas. Ni hindi ko man nga alam na nahalata rin pala ni Tori ang umbok sa tiyan nito.
"It takes one to know one Greg." Pagtatapos ni Tori. Bumukas ulit ang pintuan at lumabas roon si Lana. Umakto kaming lahat na hindi namin siya pinagusapan noong wala siya. Pero hindi ko maalis sa paningin ko ang pagkabalisa ni Greg sa nalaman.
Tumayo ako at kukuha sana ng maiinom ng hawakan ni Athan ang braso ko.
"Saan ka pupunta?" tanong niya. Inirapan ko lamang siya at hinila ang braso ko. Narinig ko ang pag-atras ng upuan niya at ang mga yapak niyang sumusunod sa akin sa loob ng bahay. Mabilis akong kumuha ng malamig na tubig mula sa ref. Hindi ko alintana na nasa likuran ko lamang siya at hinihintay akong matapos.
"Ang tagal mo namang uminom." Reklamo niya. Hinarap ko siya at agad na pinagtaasan ng kilay.
"Then go. Hindi kita pinipilit na hintayin ako." Pagsusungit ko. Shiz Athan. Kung bakit kasi kailangang nandito ka pa. Nasa labas si Victoria. Doon ka. Doon mo naman gusto hindi ba?
"I know. Hindi naman ako napipilitan." Aniya.
"Bakit nandito ka pa rin? Umalis ka na nga. Nakakaimbyerna yang pagmumukha mo." Dagdag ko pa. Nilampasan ko siya at babanggain sana ang balikat niya pero hindi man lang siya natinag. Taeng muscles yan. Bakit ang tigas? Hindi naman yan ganyan noon ah?
Muntik pa akong matumba sa ginawa kong pagbangga. Mabuti na lamang at nahawakan niya agad ang braso ko at naiwasan ang pagbagsak ko. Kitang kita ko ang pagngisi niya bago ako inakbayan.
"Gotcha." Masaya niyang sabi bago ako hinila palabas at pabalik sa garden. Hindi na ako nakaangal dahil para na niya akong sinasakal sa pagkakaakbay niya. Sa tangkad ba naman kasi nitong lalaking ito, mahihirapan talaga akong magpaakbay.
"Makaakbay lang A. Parang pag-aari mo si Bossing ah." Natatawang sabi ni August habang nakasakay sa kanyang skateboard. Naramdaman ko ang tensyon sa mga braso ni Athan sa narinig. Ngumisi lamang siya at nagkibit balikat.
"Akin naman talaga August." Sagot niya at hinila ako pabalik sa upuan namin. Nilagyan niya ng cake ang platito ko. Nilagay rin niya ang slice niya sa aking plato.
"Share na lang tayo." Seryoso niyang sabi. Dahan dahan siyang naghiwa ng cake bago iniambang sa bibig ko iyon.
"Ako na." sabi ko at pilit na inaagaw ang tinidor sa kanya pero iniiwas lamang niya iyon. Tinitigan niya ako at ngumuso. Nanlaki agad ang mata ko sa ginawa niya.
"You pouted!" sigaw ko bago natawa ng malakas. Agad nawala ang pagnguso niya at nagseryosong muli.
"What?! No! Of course not." Madiin niyang sabi. Pumula ng bahagya ang mukha niya kaya mas lalo lamang akong natawa. Ilang beses siyang kumurap habang nakatitig sa akin. Doon ko lamang napansin na nakatingin na ang halos lahat sa akin. Umubo si Stanley at tiningnan si Athan.
"It's good to see you laugh again Ri." Sabi ni S bago hinila si Tori paupo sa kanyang kandungan. Agad akong tumigil sa pagtawa at nag-ayos ng sarili.
"It's really good." Bulong ni Athan. Humarap ako sa kanya at magsasalita na sana noong bigla niyang ipinasok ang cake sa bibig ko. Hinawakan niya ang baba ko at pinilit akong ngumuya.
"Chew, Morales." Utos niya. Umismid lang ako pero ngumuya pa rin. Mahirap na, baka mabilaukan pa ako. Noong makalunok ako ay agad kong pinalis ang kamay niya sa may baba ko. Tiningnan ko siya ng masama habang siya ay parang walang pakialam na nakatungo lang sa akin.
"Ang sungit." Natatawa niyang sabi bago iniambang muli ang panibagong cake sa bibig ko. Tumawa lang siya at sinubuan ulit ako.
"Leria.." tawag niya sa akin habang ako ay nag-iiwas ng tingin. Nilingon ko siya at nakita kong seryoso siyang pinapanood ako.
"Ano--"
"I am so inlove with you." Madamdamin niyang sabi. Pakiramdam ko ay nayanig ang buong mundo ko sa narinig at hindi na ako nakapagsalita kaagad.
--------------------------
"What?!" pasigaw kong tanong. Kami na lang mga babae ang nasa labas. Ang mga lalaki ay nasa loob at nageensayo para sa gig nila bukas.
"Artificial lang? Hindi talaga kayo nag-ano ni Greg?" si Shana ang nagsalita. Tumango si Lana at napakagat ng labi.
"So, kaninong.." Iris said, still speechless. Napatingin si Lana sa amin bago sa loob ng bahay.
"Kay Greg."
Tuluyan na akong nagtaka sa sagot niya. Paanong nangyari iyon? Hindi ko talaga makuha ang ibig niyang sabihin.
"Hindi ko naman alam na sa kanya galing yung sperm. Kung alam ko lang sana hindi ko na tinuloy diba? I mean, he's my ex. May past kami at kung pwede lang, hindi ko na gustong bumalik sa kanya but now I have his child and I don't know how to tell him that I am pregnant." Tuloy tuloy niyang sabi. Ngumuso na lamang ako at biglaan niya akong tiningnan.
"Help me. You're the smart one right?" sabi niya. Nanlaki ang mata ko at tiningnan ang iba.
"Tell Greg." Simple ko lang sabi. Bumagsak ang mukha niya at nanlulumo akong tiningnan.
"Just tell him the truth. Mas magandang habang maaga pa magkaroon na kayo ng maayos na set-up. Isa pa, ninakawan mo na siya ng sperm. Wag mo na siyang nakawan ng karapatan sa bata." Sabi ko. Napapalakpak si Iris sa narinig.
"Ay, ang smart mo!" hagikgik niya. Ngumiti lang ako at niligpit na ang gamit ko. Tumayo na ako at naglakad palabas. Naramdaman ko ang pagagapay ni Tori sa akin kaya nilingon ko siya.
"Why?"
Hinila niya ako palayo sa may bandang ilalim ng punong mangga na madalas akyatan ni August.
"I want to talk to you." Seryoso niyang sabi. Agad akong tumango. Maybe she needs something. She's my friend. It's my responsibility to help.
"About what?"
Matagal siyang hindi nagsalita. Akala ko ay wala na siyang sasabihin ng bigla niyang hinawakan ang braso ko.
"About Athan." Aniya. Hindi agad ako nakapagsalita sa narinig.
"Tori naman. Siya ang kausapin mo, wag ako." Sagot ko. Why would she talk to me about him? I won't waste my time for that. Marami pa akong kailangan gawin.
"Leria, ilang beses na siyang nasaktan ng dahil sa akin." pagsisimula niya. Napapikit ako.
I know that.
"Hindi ko nasagot yung nararamdaman niya para sa akin." pagpapatuloy niya.
I know that too.
"All I wanted is to see him happy Leria. Alam mo, sa kanilang anim, sa kanya ako pinaka nagaalala. He's too quiet. Bihira siyang magsalita. But when you're around, he changes. You can make him happy." Sabi nito. Tumawa lang ako ng kaunti at kinuha ulit ang purse ko.
"No. That's not true." Sabi ko at lalampasan na sana siya.
"Leria.." tawag niya sa akin. Nagmamakaawa ang tono niya.
"Look T. Athan loves you okay. Hanggang ngayon. Kaya wag mo akong pakiusapan na maging panakip butas niya because, I'm done with that." Nakangiti kong sabi. Pero sa kaloob looban ko ay nasusuka ako. I want to spit so bad now. Kapag naalala ko ang kagagahan ko ay naiirita lamang ako.
"He loves you Leria."
Tumawa lang ako at umiling. Tiningnan ko ang loob ng bahay na para bang makikita ko siya roon.
"You know, back then, I wished sana mahalin niya ako. Shooting stars, wishing wells, magic coins, lahat pinatulan ko Tori. But it never happened so I've decided to move on. That's life diba?" umiling ako at tiningnan ulit siya.
"So, if you're telling the truth, that Athan loves me, na nakalimutan ka na niya, then I'm sorry. But that won't change anything now. I don't feel anything for him. Katrabaho ko na lang siya and that is all." Dirediretsyo kong sabi. Nakatitig lamang si Tori sa akin at matigas ang ekspresyon ng kanyang mukha.
"I'm sorry T--"
"You're a great liar Leria. Outstanding." Inis niyang sabi bago ako naglakad palapit sa akin. noong malapit na siya ay tumayo siya sa harapan ko at tiningnan ako ng diretsyo sa mata.
"He's only asking for a second chance. Bakit ang damot mo?" basag ang boses niyang tanong. Tumawa lamang ako ng walang laman. Tiningnan ko rin siya at nagkibit balikat.
"Alamin mo kung anong nangyari sa akin Victoria. Kapag nalaman mo, saka mo sabihing madamot ako. Saka mo sabihin na dapat ko pang pagbigyan si Athan." Matapang kong sabi. Kinagat ni Tori ang labi niya at umiling na lamang.
"How can we know? You never talked about what happened. Kahit si Tan Tan walang alam. Sinarili mo lahat Leria. Kaibigan mo kami, why can't you tell us?"
"Kasi tapos na lahat ng nangyari Victoria. There's no use digging an old corpse. Mangangamoy lang." anas ko. Kinuha ko ang kamay niya at hinawakan iyon ng madiin.
"Thank you for the concern. But I'm fine. As for Athan.." tumigil ako at pinilit na kalmahin ang sarili ko bago tiningnang muli si Tori. "Tell him to find someone else. You're already taken and he better move on now."
Tuluyan na akong nagpaalam sa kanya at maging sa iba pa. noong pumasok ako ay agad kong nahuli ang tingin ni Athan. Hindi na siya nagpaalam sa ibang AEGGIS. Sumunod kaagad siya sa akin palabas.
"Uuwi ka na?" tanong niya. Tumango lamang ako. Agad niyang kinuha ang susi ng sasakyan ko.
"Athan! Akina yan!"
"Ihahatid na kita." Seryoso niyang sabi. Binuksan niya ang pintuan ng aking kotse at hinintay akong makapasok.
"Kaya kong magdrive mag-isa." Masungit kong sabi. Tumango lang siya pero alam kong hindi naman niya ako naiintindihan.
"Hindi pa ako baldado Nathaniel. Give me those fucking keys now."
Lalong lumawak ang ngisi niya. "You have a very dirty, dirty mouth Morales. Isa pa, wag mo akong pakialam. Gusto kitang pagsilbihan." Sagot niya. Pinilit niya akong tinulak papasok bago siya sumunod sa akin sa loob.
"Ah! Damn you! Ass!" sigaw ko habang pilit na inaagaw ang susi ko. Agad lang niyang isinuot sa akin ang seatbelt at hinigpitan iyon. Ngumiti lamang siya at tinapik ang tungki ng ilong ko.
"Wag kang magmura. Lilinisin ko yang bibig mo!" natatawa niyang sabi. Pinandilatan ko lamang siya. Inayos ko ang upo ko at hindi na muling nagsalita. Tangi ko lamang naririnig ay ang pagtawa niya.
"Tangina, challenging mo." Natatawa niyang sabi. Suminghap ako at tiningnan siya.
"Nagmura ka!" sabi ko. Tumaas ang kilay niya bago ako sinulyapan.
"Clean my mouth then." Aniya.
----------------
*pen<310
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top