Can I Have This Dance?

10

"Yang, aalis na ako---"

Umikot na lamang ang mata ko sa sobrang pagkaclingy ni S kay Tori. Agad kong hinila ang kwelyo niya at malakas siyang sinigawan.

"STANLEY PHILIP MONTREAL! ISARA MO NA NGA YANG PINTO!" nanlaki ang mata ni Stan sa sigaw ko habang si Tori ay natatawa na lamang sa labas ng sasakyan. Nagmamadali si Stanley na isinara ang pintuan bago siya tuluyang umupo ng maayos. Noong umandar na ang makina ay muli niyang binuksan ang bintana.

"Yang! Alis na ako!" sigaw niyang muli. Napamura na lang ako sa kakulitan ni Montreal. Hindi pa niya isinasara ang bintana hanggang hindi nawawala si Victoria sa paningin niya.

Damn obsessed Montreal.

Nakangusong sumalampak si Stanley sa upuan at agad na kinuha ang cellphone niya. Hindi na ako nagtaka nang ilang sandali lang ay kausap na niya ang kanyang asawa sa kabilang linya.

"You're too possessive dude. Wala namang aagaw kay Sungit." Natatawang sabi ni August. Tumaas lang ang kilay ni Stanley at hindi ito pinansin. Noong matapos siya sa tawag ay agad niyang hinarap si August at sinapok.

"Wag kang makialam." Masungit niyang sabi dito. Tumawa lang si August at ako naman ang nilapitan.

"Nainlove ka na ba boss?" seryoso niyang tanong. Tumahimik ang buong van sa inosenteng tanong na iyon ni August. Tiningnan ko siya bago ngumiti lamang.

Ofcourse, hindi niya alam. Hindi naman ipagsasabi ng ibang AEGGIS ang tungkol sa nangyari sa pagitan namin ni Athan. Isa pa, wala namang ibig sabihin iyong nakaraan naming dalawa. It's just an experience. Walang kahit na anong importansya roon. Mas maganda na lamang na ibaon ang lahat sa alaala.

"Umupo ka nga ng maayos."

"Sagutin mo muna kasi." Parang bata niyang sabi. Nilingon ko ang iba na nagiiwas ng tingin sa akin. Tanging si Athan lamang ang diretsyo ang titig sa mga mata ko at hinihintay ang susunod kong sasabihin.

Huminga ako ng malalim at tiningnan si August ng matalim. Binuka ko ang bibig ko at magsasalita na sana noong dumaldal na naman ito.

"Kasi alam mo, tingin ko hindi ka pa nainlove. You know, Ice Queen. Masyadong malamig." Tumigil siya at hinimas ang kanyang baba. "O baka nainlove ka na noon kaso nasaktan ka lang ng sobra. Alin ba sa dalawa?"

Habang sinasabi niya iyon ay pasimpleng tinitingnan ni August si Athan sa kanyang likod. Napailing na lamang ako dahil kami na naman ang napagtripan nitong gunggong na ito. Alam kong may naamoy yang kakaiba sa amin ni Nathaniel kaya nangungulit na yan. Ayaw kasi niyang naout of place. Baliw talaga.

"Both." Simple kong sabi. Napanguso siya at lalo niyang inilapit ang mukha niya sa akin. Narinig ko ang pagtikhim ni Athan sa likuran pero hindi ko siya pinansin.

"Anong both? Hindi pwede yun--"

"The Leria before is different from the Leria now August. Yes, nainlove ako noon. Yes, malamig na ako ngayon. Satisfied?" masungit kong sabi. Ilang beses kumurap si August habang nakatingin lang sa akin. Nilingon niya si Athan bago ako muling tiningnan.

"That's bad." Malungkot niyang sagot bago umupo ng maayos. Napahinga na lamang ako ng malalim noong tumigil siya sa kakatanong sa akin. Sana nagpulis na lang itong si August. May future siya. Ang kulit kasi.

Sumandal na lamang ako sa upuan ng van at pumikit. Malayo pa ang byahe namin at ayaw ko ng guluhin pa akong muli ni August kapag nabored na naman siya. Nagkunwari na lamang akong tulog para magkaroon ako ng katahimikan.

---------------------------------

"We're wet." Reklamo ni Athan habang pababa kami sa burol. Tumawa lang ako at pinitpit ang buhok kong basang basa dahil sa ulan.

"Atleast nag-enjoy tayo." Katwiran ko. Tiningnan lang ako ni Athan bago naunang naglakad pabalik sa golf cart na dala namin. Dahil sa laki ng mga hakbang niya ay tumakbo ako palapit. Sakto namang humarap siya sa akin at mabilis na hinubad ang kanyang suot na shirt.

Napanganga ako noong makita ko kung paanong gumalaw ang mga muscles niya sa braso at balikat. Pakiramdam ko ay natuyuan ako ng lalamunan lalo pa't nanampal ang abs niyang illegal. Hinawakan ko agad ang tiyan ko dahil maging ang mga alitaptap ay nagwawala na sa loob.

"Sasakay ka ba o iiwanan kita?" masungit niyang tanong. Nag-iwas ako ng tingin at umakyat na rin sa cart. Pinilit kong hindi madikit sa kanya dahil baka ano pang magawa ko.

Ang hot ng taong yelong ito.

Mabilis lamang kaming nakarating sa resort. Unang pumasok si Athan sa loob habang ako naman ay pumunta na rin sa aking kwarto. Nagbihis na ako ng tuyong damit bago ako nag-ayos sa harap ng salamin.

I opted for my favorite hairstyle, twin pigtails, bago ako muling bumaba. Rinig ko na ang tugtog mula sa plaza dito sa Clark. Agad kong hinanap si Athan at nakita ko siyang nakaupo sa isang gilid at tumutugtog ng kanyang gitara. Umupo ako sa sofa malapit sa kanya.

"Gusto mong pumunta sa plaza?" nakangiti kong tanong. Nilingon lamang niya ako bago umiling.

"Pagod na ako. Let's just stay here." Malamig niyang sabi. Napanguso na lamang ako dahil gusto kong panuorin ang mga performance ngayon doon. Pero ito namang si Athan, tinatamad. Ang hirap talagang pagalawin nito.

"Pero masaya dun." Dagdag ko. Hindi pa rin niya ako nililingon mula sa pagtugtog. Napanguso na lamang ako habang sinusundan ko ang daliri niya sa string.

Kung sana gitara na lamang ako. Masaya na siguro ako nun.

"Masaya din naman dito."

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo. "Ako na lang pupunta."

Narinig ko ang pagbagsak ng kanyang gitara. Noong humarap ako ay nakatayo na siya sa aking tabi. Namulsa kaagad siya bago niya isnuot ang kanyang jacket at walang sabi sabing nauna na sa pintuan.

"Ano? Akala ko ba gusto mong umalis?" masungit niyang tanong. Napangiti na lamang ako at agad na umagapay sa kanya palabas ng resort.

Nagsisimula na ang street party pagkarating namin sa plaza. Marami na ring tao at malakas na ang tugtugin. Kaliwa't kana ang mga tinda habang sa bawat gilid ay may mga photobooth at tent. Kinuha ko agad ang kamay ni Athan at hinila siya papunta sa gitna kung saan naroon ang mga taong sumasayaw.

"Leria." Tawag niya sa akin. Hindi ko siya pinansin hanggat hindi kami nakakapwesto sa gitna. Noong naroon na kami ay agad kong sinukbit ang mga braso ko sa leeg niya. Hinawakan niya iyon at akmang tatanggalin noong lalo ko lamang hinigpitan ang pagkakahawak ko sa kanya.

"Athan naman. Sige na, please. Sayaw tayo." Nagmamakaawa kong sabi. Lumingon siya sa mga tao na wala namang pakialam sa aming dalawa. Ngumiti ako at tinitigan siya.

"I don't dance." Aniya.

Nagpuppy eyes ako. "Please. Sway sway lang." natatawa kong sabi. Ang cute kasi ng itsura niya ngayon. Kunot na kunot ang noo niya at nakalabi pa. Para siyang bata na hindi alam ang susunod na gagawin.

'Take my hand, take a breath

Pull me close and take one step

Keep your eyes locked on mine,

And let the music be your guide'

Napatingin kami sa DJ noong biglaang nagpalit ng kanta. Napatawa ako ng malakas at agad iyong sinabayan habang si Athan naman ay nakanganga lamang at pinapanood ako.

"Come on. Madali lang naman." Pagpipilit ko. Kinuha ko ang kanyang mga kamay at inilagay iyon sa aking beywang. Bahagya akong gumalaw kaya napilitan siyang sumunod.

'Won't you promise me (now won't you promise me, that you'll never forget)

We'll keep dancing (to keep dancing) wherever we go next'

Sumandal ako ng bahagya sa dibdib niya at pinakinggan ang tibok nito. Pumikit ako at binilang ang bawat tugtog ng puso niya.

I hope. I really do hope he'll fall for me. Bago niya pa hinggin sa akin ang pagdisband ng AEGIS, sana ay mahulog na siya sa akin. Sana mabura ko na si Victoria sa sistema niya. Sana ako na lang.

'It's like catching lightning the chances of finding someone like you

It's one in a million, the chances of feeling the way we do

And with every step together, we just keep on getting better

So can I have this dance (can I have this dance)

Can I have this dance'

Alam kong kapag hindi niya ako nagawang mahalin, mawawasak ako. Siya lang ang lalaking nagparamdam sa akin ng ganito. Kahit pinipilit ko lamang siyang makasama ako ay masaya pa rin ako sa bawat sandaling nasa tabi ko siya. He's my dream come true.

"When will you fall in love with me?" hindi ko naiwasang itanong. Nanigas siya sa kinatatayuan at hindi ako sinagot. Tiningala ko na lamang siya at doon ko napansin na nakatingin lamang siya sa langit.

'Oh no mountains too high and no oceans too wide

'Cause together or not, our dance won't stop

Let it rain, let it pour

What we have is worth fighting for

You know I believe, that we were meant to be'

Napasinghap ako ng makakita ako ng bulalakaw. Agad akong kumalas sa kanya at pumikit ng mariin.

"Shooting star!" excited kong sabi. Huminga ako ng malalim bago ko humiling.

Please, make him love me. Please. Usal ko. Noong dumilat ako ay nakatingin si Athan sa akin na para bang may apat akong mata. Pinilig ko ang ulo ko at tinitigan din siya.

"Why?"

"Naniniwala ka sa shooting stars?" natatawa niyang sabi. Inirapan ko lamang siya at tiningnan ulit ang mga bituin. Malay mo Ria, may isa pang bulalakaw na maligaw. Magwiwish na lang ulit ako para double ang effect diba?

"What did you wished for?" tanong niya. Hindi ko siya sinagot. Nanatili lamang akong nakatingala.

Naramdaman ko ang pag-ikot ng kanyang braso sa beywang ko at biglaan akong hinila palapit sa kanya. Napasinghap naman ako sa gulat. Tiningnan ko siya at may pilyong ngiti na nakaguhit sa mukha niya.

"You're too innocent." Bulong niya sa akin. NAramdaman ko ang pag-akyat ng dugo sa mukha ko habang nakatingin siya sa akin.

'Take my hand, I'll take the lead

And every turn will be safe with me

Don't be afraid, afraid to fall

You know I'll catch you through it all'

"Is that a bad thing?" nauutal kong tanong. Ngumiti lamang siya bago umiling. Niyakap niya ako palapit sa kanya kaya kumapit na lamang ako.

"No. I want my girl to be innocent." Sagot niya. Nanlaki ang mata ko at titingnan sana siya ngunit hindi niya ako binitiwan. Niyakap niya ako lalo kaya ramdam ko ang dagundong ng puso niya. Or was it mine?

"Just give me time Leria Morales."

'It's like catching lightning the chances of finding someone like you

It's one in a million, the chances of feeling the way we do

And with every step together, we just keep on getting better

So can I have this dance (can I have this dance)

Can I have this dance'

Hiniwalay niya ako sa kanya bago niya ako tinitigan. Tumango ako sa kanyang sinabi kaya lalong lumawak ang ngiti niya sa mukha.

'So can I have this dance (can I have this dance)

Can I have this dance'

---------------------------

Song Used:

Vanessa Hudgens and Zac Efron - Can I Have This Dance?

*pen<310

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top