Butterfly
30
I sighed loudly. Sa ginawa ko ay bigla akong nakarinig ng pag-ubo sa gilid ko. Noong humarap ako ay nakita ko si August na nakaupo sa may plantbox, nililingon ako.
"That was deep." Komento niya. Hindi ko siya pinansin at nilapitan na lamang siya. I sat beside him. Tiningnan ko iyong pinapanood niya. I saw a cocoon entwined in a branch. May maliit na iyong butas at ang pakpak ng paro paro ay nagpapakita na.
I reached out to force the cocoon to open when August held my wrist.
"Hayaan mo siya."
"Nahihirapan na yung butterfly. Baka mamatay." Anas ko. Nilingon lamang ako ni August bago siya lalong sumalampak sa may semento. Pinanood lang niya iyong butterfly na nahihirapan lumabas.
"Mamatay siya kung tutulong ka. Just let it be." Sabi niya sa akin. Ngumuso lamang ako at tiningnan lamang siya ng masama. I can't understand him. Hindi ba at mas mamatay ang paro paro kung pababayaan ko lang?
"There was once a farmer, nakakita siya ng cocoon sa mga tanim niya. Katulad nito, nakakita siya ng maliit na butas sa coccon. Doon napansin niya iyong butterfly na nagpupumilit lumabas. Ilang oras din siyang nanuod na maghirap yung butterfly hanggang sa huli, tumigil na yung paro paro sa pagpipilit makalabas."
Kumuha siya ng iilang dahon at tiningnan ako.
"The butterfly died, ofcourse. Dapat ay tinulungan siya noong farmer." Komento ko. Umiling si August sa sinabi ko.
"Yes. The farmer did help the butterfly. Binuksan niya iyong cocoon at pinalabas iyong butterfly. Pero noong makita niya iyong paro paro ay nagulat siya. Maga ang katawan nung insekto, yung pakpak niya ay sira at mahina. Pagkatapos ng ilang minuto, namatay yung butterfly."
"You and me sitting here spinning gears
We're like a stolen car
Hand in mine, feeling like this is right
But it's just not ours'
Noong marinig ko iyon ay nagulat talaga ako. Hindi ko inaasahan na maririnig ko iyon. Pinanood kong muli iyong butterfly na hanggang ngayon ay nagsisikap na makalabas sa cocoon nito.
"Iyong cocoon ang paraan para matanggal lahat ng sobrang tubig mula sa katawan ng butterfly para maging handa siya sa paglipad. Kailangan nilang pagdaanan lahat ng sakit at hirap na yan para mabuhay sila. So that they can fly." Dagdag niya. Hinawakan ko ng marahan iyong cocoon habang iniisip ko pa rin lahat ng sinabi ni August.
"The greatest pretenders forget to remember
the lies
We're falling forever, we're far from together
Tonight'
"Pain is a necessity in life Leria. Hindi sa lahat ng oras ay may shortcut na pwede tayong daanan. Hindi pwedeng madaliin lahat ng bagay dahil mahirap na. Minsan, we tend to nag about the pain we experience, but then we never realize that maybe, pain is what we need. Baka kailangan nating masaktan kasi kailangan nating maging mas malakas."
"Alam ko, sa lahat ng tao dito sa Wave ngayon, ikaw ang pinakamakakaintindi sa sinasabi ko. The most painful lesson in life is the lesson about pain. You cannot be the farmer and try saving the butterfly from the pain Ria. Darating ang araw na hindi mo magagawang protektahan si A. Sooner or later, he will learn the truth. At kahit na anong gawin mo, masasaktan at masasaktan siya. He needs to get hurt Ria. He needs to be strong."
Hindi agad ako nakapagsalita sa sinabi ni August. Nanatili lamang siyang nakaupo habang ako ay napatayo na. Hindi ko namalayan na dumudugo na pala ang labi ko mula sa pagkakakagat ko.
"Shana left me and never told me about the deal she made with her Dad. Umasa siyang sa ganoong paraan ay hindi ako masasaktan sa gagawin niyang pag alis. But guess what, mas nasaktan ako Ria. The only thing to survive pain is knowing the truth Ria. Wag mong gayahin si Shana. Tell Athan the truth." Utos niya. Nanlaki ang mata ko sa narinig. Tumayo na rin siya kaya tiningala ko na siya.
The light at the tunnel is a runaway train
The stars that we wish on are only airplanes
The love that we're chasing is a heart break away
'Cause we're picture perfect in a broken frame'
"Bakit ang dami mong alam?" nanginginig kong sabi. Ngumiti lamang siya at nagkibit balikat.
"Nasa ospital ako noong gabing nakaaksidente kayo ng Ate mo. Nagkadengue si Pamela noon kaya kinonfine siya. Doon kita nakita Ria. I saw how your family left you. I saw myself in you when my family left me. I am seeing myself in you now. Leria, listen to me. If you don't want to waste everything, then tell Athan the truth. Don't treat him as your butterfly." Aniya. Napayuko ako at hindi na sumagot. Hanggang sa makaalis na si August sa tabi ko ay wala pa rin akong sinasabi.
What should I do? What should I saw? How should I start? Alam kong tama si Augustine. Pain is a necessity in life. But.. but then, I have been through much. I have been hurt too much. How can I let Athan experience that too?
Paano na lang kung iwanan ako ni Nathaniel kapag nalaman niyang nailaglag ko ang anak namin? What should I do then? I cannot afford being left behind again. I cannot.
Hanggang sa makababa ako at makarating sa opisina ay lutang ako. Hindi ko na nga namalayan na naghihintay si Ethan sa akin sa loob.
"Busy ka Boss?" tanong niya. Bahagya pa akong nagulat bago umiling na lamang.
"May kailangan ka?"
"Ah," nagkamot siya ng batok. "Yung kapatid ko kasi nababaliw na naman. Umuwi siya ng lasing, may problema ba sa inyo?" tanong niya. Bigla akong napatingin sa kanya at namutla.
"Wala." Sagot ko. Sumalampak si Ethan sa aking sofa bago pinaglaruan ang aking flowervase.
"Leria.."
"Yes?" sabi ko habang pinipilit na tawagan si Nathaniel.
"Hanggang kailan mo ipaparamdam sa kapatid ko na hindi mo siya kapantay? You make him feel so worthless Ria." Aniya. Kahit na hindi ako nakatingin ay ramdam ko ang galit sa boses ni Ethan. And it very rare for him to get mad.
"I never made him feel worthless." Sansala ko sa sinabi niya. Ngumisi lamang siya bago umiling.
"Bullshit. Hindi mo alam kung anong pinagdaanan ni Athan para lang sayo." Wika niya. Iyong daliri kong pumipindot sa aking cellphone ay napatigil sa narinig mula sa kanya.
"What?" bulong ko. Niluwagan lamang ni Ethan ang necktie niya bago natawa na lamang.
"Blame me. Ako ang may kasalanan kaya ka niya iniwan. I am a selfish jerk. Kahit sa kakambal ko ay madamot ako." Nanghihina niyang sabi. Ibinaba ko na ang cellphone ko at agad na lumapit sa kanya.
"What do you mean?" I asked him. Tiningnan ako ni Ethan bago siya umiling.
'The greatest pretenders forget to remember
the lies
We're falling forever, we're far from together
Tonight'
"Your uncle hates us. Kahit ang mga Kuya mo ay ayaw sa amin." Panimula niya. Pakiramdam ko ay nasakal ako sa narinig. Anong kinalaman nila Uncle?
"You are inlove with Athan. Ikaw ang magmamana ng Wave." Dagdag niya. Kumuyom ang kamao ko sa paunti unting pagsasalita ni Ethan. Gusto ko na siyang yugyugin at saktan dahil sa pabitin bitin niyang pagsasalita.
"Ethan—"
"My Mom was dying." Aniya. Natigilan ako at tinitigan lamang siya. Pakiramdam ko ay masasabugan ako ng bomba sa susunod niyang sasabihin.
"Your uncle offered us help. Mabubuhay si Mama kapag iniwan ka ni Athan. And I forced my twin to leave you Ria. Because I am selfish." Narinig kong sabi niya. Hindi ko na napigilan pa ang kamay ko. Ang palad ko ay agad na dumapo sa pisngi ni Ethan habang nanginginig ang katawan ko sa galit.
'The light at the tunnel is a runaway train
The stars that we wish on are only airplanes
The love that we're chasing is a heart break away
'Cause we're picture perfect in a broken frame'
——————————-
Song Used:
Broken Frame – Alex & Sierra
*pen<310
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top