Broken..Bent and Fixed

32


"Where are we going?" nagtataka kong tanong kay Nathaniel. Ngumisi lamang siya sa akin at inalalayan akong makalabas ng kanyang sasakyan. Hawak hawak niya ang aking siko habang ako ay sapo ang aking may kalakihan ng tiyan. Caius is already five months old. Naeexcite na ako.


"Just there." Simple niyang sabi. Inipon niya ang buhok ko bago iyon inilagay sa ilalim ng sombrero na dala niya. Kinabitan rin niya ako ng jacket bago ako inakay sa kung saan man niya ako binabalak dalhin.


"Where is that just there Falcon? Napapagod na akong maglakad." Pagmamaktol ko. Humarap si Nathaniel sa akin bago kinuha ang braso ko at kinarga na lamang ako. Hindi ko napigilan ang mapatili.


"Put me down A!" sigaw ko habang hinahampas ang braso niya. Athan just grinned at me, parang wala lamang sa kanya ang pagkarga sa akin kahit na kasing bigat na yata ako ng elepante.


Sinilip ko kung saan niya ako dinadala. Noong mapansin kong nasa may gitna kami ng parke ay nagtaka na ako. Pinaupo ako ni Nathaniel sa monoblock na nakahanda doon bago siya namulsa at dahan dahan akong nilapitan.


"I should just simply say that I am so inlove with you Leria Geneva Morales, pero kahit na ganoon ay hindi pa rin sapat iyon para malaman mo kung hanggang saan ba itong nararamdaman ko para sayo." Aniya. Lumapit sa kanya si Ethan at inabutan siya ng isang bungkos ng bulaklak bago lumapit sa akin.


Sa gilid ng café ay sumindi ang isang spotlight. Doon ay lumabas si August at Greg habang kumakanta.


"Athan?" gulat ko ng sabi. Nagsimula na kaming palibutan ng mga tao. Pumaikot sila sa aming dalawa ni Athan at hindi ko na alam kung ano ang nangyayari.


'If we crawl

Till we can walk again

Then we'll run

Until we're strong enough to jump

Then we'll fly

Until there is no winds

So let's crawl, crawl, crawl

Back to love, Yeah

Back to love, Yeah'


"For every girl with a broken heart is a boy with a glue gun." Natatawa niyang sabi bago nilingon ang kanyang kambal. Ethan smiled before doing thumbs up.


"Ethan taught me that. Alam kong corny." Iritado niyang sabi.


"Pabebe lang yan si Athan, siya talaga nakaisip niyan Ria!" sigaw ni Stanley sa isang gilid. Natawa ako bago binalikan ng tingin si Athan na nakasimangot na sa banda.


"Shut up S." si iñigo ang nagsalita at muling sumandal sa pader bago sinapok si Stanley na nag iingay pa rin sa gilid. Napailing na lamang ako at hinilot ang aking sentido. Ang gulo ng AEGGIS, sa totoo lang.


I laughed. "Anong gulo ito?" tanong ko habang nakatingin kay Nathaniel. Ngumisi lamang siya at lumapit sa akin. Lumuhod siya sa harapan ko bago ako tinitigan.


"I love you. And I want to fix you Leria. Gusto kong ibalik sayo lahat ng naiwala mo noong mahanap mo ako. I love you, so I will be your glue gun. Or paste, or tape or whatever adhesive. I will put back your broken pieces together again. Ibabalik ko ang babaeng minahal ko noon, the girl with the pigtails and the piggy band aid." Mahaba niyang sabi. Napangiti na lamang ako at hinalikan ang tuktok ng kanyang buhok.


"I love you too. And I am already fixed Nathaniel. Noong pinatawad kita at tinanggap kong hindi ko na mababago ang nakaraan ay naayos na ako. Mahal kita, and we have Caius, iyon lamang ang importante para sa akin." sinsero kong sabi. Tumango si Athan kasabay noon ay ang pagsabog ng iilang fireworks sa kalangitan. Napasigaw ako sa sobrang ganda ng mga iyon habang nakatingin lamang sa taas.


"Athan, it's pretty." Namamangha kong sabi. Maya maya ay naramdaman kong itinatayo ako ni Athan, ang mga taong nakapalibot sa amin ay naglinya at nagbigay ng daan sa gitna.


'So where

Do we go from here

With all this fear in our eyes

And where

Can love take us now

We've been so far down

We can still touch the sky'


Naiyak na ako noong ang mga tao ay nagsindi ng kanikanilang kandila, sa dulo ng linya ay isang maliit na altar ang nakahanda. Natutop ko ang bibig ko noong maintindihan ko ang nangyayari.


"Oh god!" iyon lamang ang nasabi ko. Hinarap ko si Athan.


"We're getting married?" tanong ko. Tumango siya.


"As in now?" napapatalon ko ng sabi. Ngumuso si Athan bago ako pinatigil sa kakatalon.


"Stop jumping. Nayuyugyog si Caius natin." Protective niyang sabi. Tumango lamang ako at niyakap siya ng mahigpit.


"Oh, god I love you Nathaniel Falcon!" sigaw ko. Sinagot niya ang aking yakap at hinalikan ang aking buhok.


Noong binitawan niya ako ay dumiretsyo na siya sa altar. Iniabot ni Toryang sa akin ang belo bago niya inilagay iyon sa buhok ko.


"Congratulations for your fairytale Leria." Naiiyak na sabi ni Tori. Pinunasan ko ang luhang tumulo sa pisngi ko noong maalala ko ang ganitong eksena noong si Stanley naman ang nagpropose ng kasal. I remembered telling her that I am very happy to witness her fairytale. She told me I can have my own too at hindi ako naniwala.


But then, looking at the guy in the aisle, I know now that Tori is right. I can have my own fairytale. For a bitch like me, I still have a happily ever after with my prince.


Iniwan niya ako at maglalakad na sana ako sa altar noong atakihin akong muli ng lungkot. Nilingon ko ang mga tao bago napangiti na lamang. Perpekto na sana ang lahat. Kung sanang narito si Papa para ihatid ako kay Athan, then maybe everything will be perfect.


'You're the best thing I never knew I needed

So when you were here I had no idea

You the best thing I never knew I needed

So now it's so clear, I need you here always'


Tiningnan ko si Athan na nakatingin lamang sa akin. Ngumiti ako sa kanya at nagsimula ng humakbang. My footsteps were steady, strong. Of all the things that I have experience, I am now reborn. Hindi na nga siguro maibabalik ang kainosentihan na naiwala ko noon. I am no longer the girl who wears pigtails and believes in wishing wells and shooting stars. I am someone who is more than that.


Iniabot ko sa kanya ang kamay ko noong makarating na ako sa altar. Athan grinned at me before tucking me closer to him.


'My accidental happily

(Ever after)

The way you smile and how you comfort me

(With your laughter)

I must admit you were not a part of my book

But now if you open it up and take a look

You're the beginning and the end of every chapter'


"We are gathered here today, to witness the union of Nathaniel Falcon and Leria Geneva Morales.." anunsyo noong pari. Suminghot ako at ang kamay kong nanlalamig dahil sa pinaghalong kaba at kasiyahan ay nanginig. Pinaglaruan ni Nathaniel ang mga daliri ko bago kami nagharap dalawa.


Huminga ako ng malalim bago natawa na lamang. "I did not prepare any vow." Nagpapanic kong sabi. Tumawa ang mga tao sa biglaan kong pagsasalita.


"Okay lang yan Boss. Speak from the heart. Puso lang Boss, puso." Makulit na sabi ni Augustine. Tumawa lamang ako at hinarap ang naghihintay na si Nathaniel.


"I.." natawa ako ulit, naghahanap pa rin ng mga tamang salita na dapat gamitin. Noong tiningnan ko si Nathaniel ay doon ko nalaman kung ano ba ang dapat kong sabihin. Simple lang naman dapat, walang kahit na anong mabulaklak na salita o pangakong hindi naman kayang abutin ng realidad. All I have to tell him is this.


"I love you. At ayaw kong mangako sayo, na pagkatapos ng araw na ito ay mapupuno na tayo ng glitters at confetti. Hindi ko rin ipapangako na araw araw ay magiging masaya tayo dahil malabong mangyari yan. I won't promise you a perfect relationship without arguments or issues because that will never happen. All that I can promise you is this, as long as you promise me that you will try, I will stay with you, forever. Huwag mo lang akong sukuan, huwag mo lang tayong bitawan."


Pinunasan ko ang luha ko at tinitigan si Nathaniel na tahimik na nakikinig sa akin. Ang gilid ng mga mata niya ay naluluha na rin pero hindi niya iyon pinahahalata.


"I know I can be bossy sometimes. Makikialam ako sa mga ginagawa mo kahit hindi dapat. Guguluhin kita kapag gumagawa ka ng kanta o di kaya ay dadagdagan ko ng gatas ang kape mo dahil nalulungkot ako kapag nakakakita ako ng black na kape kasi ang dark-oh what am I saying? Ikaw kasi, hindi ako nakapaghanda ng vow." Hagulgol ko na. Tumawa ng malakas si Nathaniel bago ako hinatak at niyakap ng mahigpit. Noong makalma na ako ay bumitaw ako sa kanya at pinunasan ko ang luha ko.


"All I wanted to say is, please don't leave me again. Because even though things will get tough and I will bleed again because of it, I will still hold on. Hinding hindi na ako bibitaw dahil natatakot ako sa anino ng nakaraan. I will be brave. I will love myself. I will love you so much." Anas ko. Tumango si Nathaniel bago pinunasan ang aking pisngi.


Lumapit si Ethan, ang kanyang bestman bago nag abot ng mikropono sa kanya. Ngumiti lamang si Nathaniel bago niya hinawakan ang aking kamay.


"I knew I loved you before I met you. I think I dreamed you into life. I knew I loved you before I met you. I have been waiting all my life" Panimula niya. Hindi ko napigilan ang kilabot sa aking katawan noong marinig ko ang kantang iyon. Panibagong grupo ng luha ang muling tumulo sa mata ko habang kumakanta si Athan.


Matapos ng nangyari, palagi ko na lamang hinihiling na sana ay makalimutan ko na ang nakaraan. Tinakbuhan ko iyon at hindi tinanggap dahil sa takot ko. Pero ngayong pinapakinggan ko si Nathaniel, iisa lang ang nasa isipan ko.


You just have to learn how to accept the past. Hindi dapat dumipende ang kaligayahan mo sa mga desisyon mo sa nakaraan. Happiness should not be postponed because of your mistakes. You just have to learn from the past, live for the present, and prepare for the future.


"I am not deserving of you. Iyon naman talaga ang totoo Leria. But for every pain that I gave you, you gave me love. At gago na lang ako kung papakawalan pa kita. Because, surely, I can't do that. Ang isipin ko pa lang na wala ka, para na akong mamamatay. So you have to live with it. Live with a pest like me. Pagtiisan mo ako dahil hinding hindi na ako hihiwalay sayo." Natatawa niyang sabi. Tumango lamang ako.


"I may not be the guy you were thinking when you wished for love from the shooting star, but God help me Leria, I will be more than that dream guy of yours. Araw araw ay nagpapasalamat ako na dumating ka sa buhay ko. You made me see things in a different light. Kung hindi dahil sayo, siguro ay nawawala pa rin ako. Maybe up until now, I am still the untamed cold boy of AEGGIS." Basag ang boses niyang sabi. Yumuko siya at inayos ang aking buhok. Ngumiti siya sa akin bago lumayo at bumaba ng altar. Nangunot ang noo ko at sinundan ang pinuntahan niya.


Noong makita ko ang ginagawa niya ay tuluyan na akong nanlambot. Mabuti na lamang at naroon si Stanley sa aking tabi at mabilis na nakaalalay.


Hindi ako makapaniwala sa nakikita. Is this just a dream? An illusion? Hallucination? Totoo ba itong nakikita ko?


"I am not good with words, but didn't I tell you? I will fix you Leria." Anas ni Nathaniel habang itinutulak ang wheelchair niya. Napatakbo ako pababa ng altar at agad na yumakap sa kanya.


"Papa ko!"


"Leria." Umiiyak na sigaw ni Papa. Niyakap ko siya ng mahigpit bago tiningnan si Nathaniel.


"Thank you." Anas ko at niyakap muli si Papa. Noong naramdaman ko ang pagsagot niya ay alam ko na, kumpleto na ako.


I am already complete. Thanks to my cold boy.


Hinaplos ni Athan ang aking buhok at ngumiti sa akin. "Congratulations Leria, you have tamed the cold boy." Aniya.


-------------------

MARAMING SALAMAT SA SUPORTA!


Songs Used:

Crawl - Chris Brown

Never Knew I Needed - Ne Yo ft. Cassandra Steen

I Knew I Loved You - Savage Garden

*pen<310

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top