Boys

26

*To Ms. Jah Jah Fajardo, maraming salamat sa pagko-compose ng Leria's song. Mwaah mwaah :D*

------------------------

"Tumigil ka na!"galit kong wika kay August na walang ginagawa kung hindi ang tumunghay sa salamin at palobohin ang bubblegum sa kanyang bibig.

"Nakakaenjoy pala magpaputok."nakangisi niyang sabi habang patuloy sa pagnguya.

Umirap na lamang ako at umupo sa gitna. Iyong AEGGIS ay nasa harapan ko na kasama ang kanilang manager.

"Anong agenda?" Tanong ni Greg. Kinuha ko ang isang folder mula sa aking attaché case at tiningnan iyon.

Pinakita ko ang tentative cover para sa kanilang upcoming album.

"Oooh.. album. Ano ngayon?" daldal pa rin ni August. Sinamaan ko na lamang siya ng tingin dahil hindi pa rin siya

"Manahimik ka nga Augustine. Ang ingay." Pagsusungit ni Iñigo. Ngumuso lamang si August at ngumuya na lamang.

Huminga ako ng malalim. Sometimes, AEGGIS can be a handful. Mga pinaghalo halong immature,temperemental at walang pakialam sa mundo na mga lalaki sa iisang grupo ang banda nila. Kahit sino ay sasakit ang ulo kapag nagsimula na ang away ng anim.

Kinuha kong muli ang album at nagpatuloy sa pagpapaliwanag.

"This will be your ninth album so far--"

"We know that. Marunong naman kaming magbilang Leria." Sabat ni Stanley. Busy ito sa pagtipa sa kanyang cellphone. Pupusta akong si Tori na naman ang kanyang katext kaya nagmamadali siyang matapos ang meeting na ito.

"Anak ng kutong lupa Stanley, masyado kang obsessed kay kamahalan." Sabat ni Ethan. Tumawa din si August at sabay pa silang nagapir dalawa.

"Shut up. Ganito ka rin naman kay Lily noon E." Wala sa loob na sagot ni Stanley. Napatahimik si Ethan sa narinig.

"I heard she's back." Kaswal na sabi ni Greg. Narinig ko ang pagtikhim ni Iñigo na lalong naging mukhang iritable.

"Sino si Lily?" Tanong ni August kay Ethan. Walang sumagot sa kaniyang tanong.

"Yo? Sino nga si Lily? Sinoooo?!" Patuloy niyang pangungulit. Magsasalita pa sana siyang muli pero mabilis ang ginawang pagbato ni Iñigo rito ng tissue.

"Shut up." Malamig nitong sabi. Ngumuso lang si August bago napahalulipkip.

"Ang daya naman." Bulong nito. Napahinga na lamang ako ng malalim at nagpatuloy.

I opened my mouth to talk again noong biglang bumukas ang pintuan ng meeting room. Doon ay iniluwa ang aking Tito na mukhang aburido sa mga naririnig.

"Akala ko ba meeting ito? Bakit puro daldalan ang naririnig ko?" Masungit nitong sabi. Mabilis akong tumayo at sinalubong siya.

"Welcome back Tito." I greeted before kissing his cheeks. Binigyan lamang niya ako ng tipid na ngiti bago hinarap ang banda.

Huminga si Tito ng malalim. "What should I expect frome these.." itinaas baba niya ang kanyang kamay sa direksyon ng AEGGIS, naghahanap ng tamang salita.

"..brats." pagtatapos niya. Diskumpiyado ang boses habang kumukuha ng kanyang mauupuan.

"Ang sinasabi ng pamangkin ko bago ninyo siya istorbohin sa kanyang pagsasalita ay ito. I want an image makeover for the AEGGIS." Paliwanag nito. Tumaas ang kilay ng anim bago ako binalingan.

"What my uncle is saying, limang taon na ang AEGGIS at gusto ng mga sponsors ninyo to drop the 'boy' image ng bawat isa sa inyo. Start being more mature and daring." Dagdag ko. Napailing si Stanley sabay ng iba sa narinig.

"We do music for everyone, not just for adulta. Kung babaguhin ninyo kami ay parang binabago na rin ninyo ang buong AEGGIS." Katwiran ni Ethan. Napatango ako ng lihim. Pasimple kong tiningnan si Tito na napatiim bagang.

I love the innocence of AEGGIS. But my uncle hates it. Gusto niyang ibahin ang imahe ng anim dahil hindi na siya makontento sa ibinibigay ng banda sa Wave.

"Kung gayon wala na akong magagawa. This season Wave will start training other talents, form another band. Siguro ay makakahanap naman ako ng mga taong may ibubuga naman talaga, hindi iyong puro mukha at kayabangan lang ang ibinabato sa madla. We will disband AEGGIS for real this time." Banta nito.

Tahimik na ang buong kwarto dala na nga rin ng tensyon na bumabalot sa pagitan ng AEGGIS at ng tiyuhin ko. Wala ni isang nagsasalita sa kanila.

"Tito, maybe they are right about--"

"I won't conceed with this. Kung gusto ninyong manatili sa Wave ay magpapalit kayo ng imahe. Kung magmamatigas kayo, bukas ang pintuan namin para sa pag alis ninyo. I won't tolerate this company having six whiny brats under its roof--"

Marahang ibinaba ni Stanley ang kanyang cellphone sa lamesa.

"Tapos ka na sa monologue mo tanda?" Mayabang niyang sabi. Tumaas ang kilay ni Tito sa ginawa ni Stan.

'What?"

"You think we give a damn about you firing us?" Si Iñigo na ang nagsalita. Napapikit na lamang ako. Harsh words will start spilling now.

"Tito please."pagmamakaawa ko. Hinawakan ko na ang kamay niya para kumalma. Tiningnan ko rin ang AEGGIS at tahimik na nagmakaawang lumabas na muna sila.

Bumitaw ako kay Tito noong mawala na ang anim.

"Noon ko pa sinabi sa Daddy mo, hindi na namin dapat tinanggap ang mga iyon. Those boys will only cause us deep shit problems!" Sigaw nito. Tumayo ako at nilock ang pintuan.

"Hindi mo dapat sinabi iyon." Galit kong sabi. Tumawa lamang si Tito bago napailing.

"Oh trust me Leria. Wala pa sa kalahati ang nasabi ko kanina. Those boys are nothing but just good faces." Aniya bago ibinagsak ang palad sa lamesa.

"Limang taon na pero wala pa ring nagbago. Those boys are still boys." Nahihirapan niyang sabi. Sumandal ako sa may pintuan bago umiling.

"Mababait sila Tito."

"Hindi ko kailangan ng bait. I need substance. Magmula noon ay wala na talaga akong tiwala sa banda na iyan. Gusto kong patunayan nila ang sarili nila sa akin pero anong ginagawa nila? Puros yabang ang mga puta!" Galit nitong sabi. Napailing na lamang ako sa sinasabi niya.

"Hindi ganyan ang AEGGIS na kilala ko Tito. They are the most passionate band that I know. Ano bang ikinagagalit mo?"

Hindi na nagsalita si Tito. Nanatili lamang siyang tahimik habang umiiling.

"Walang kwenta. Iyon ang tingin ko sa kanila Leria Geneva. Those boys are worthless."

Hindi na ako umimik. Walang paalam na lumabas na lamang ako sa meeting room at hinayaan si Tito mag isa.

------------------

*pen<310

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top