Alitaptap

3

Hindi ko mapigilan ang mga hagikgik ko habang tinitingnan ang boxers ni Athan sa kamay ko. Wala rin akong pakialam kung nagmumukha na akong tanga rito sa kwarto ko habang pinaglalaruan ang piraso ng damit niya. Noong wala akong magawa ay isinuot ko ang boxers sa manika na kamukha niya at tinitigan iyon.

Agad akong pinamulahan ng mukha ng maalala ko ang itsura niya noong lumabas siya ng banyo at nakita na hawak ko ang kanyang underwear. Napangiti na lamang ako at halos mapatili sa kilig. Pakiramdam ko ay kinukuryente na ako sa sobrang saya.

Geez. I got it bad.

Tumayo ako at kinuha ang memopad ni Daddy. Tiningnan ko ang schedule ng AEGIS roon at kung saan ang sunod nilang gig. Wala silang nakasched ngayong araw pero bukas ay pupunta sila sa Bohol para kumanta roon. Napanguso na lamang ako dahil malayo ang sunod nilang gig. Hindi ko tuloy alam kung paano ako magpapaalam kay Daddy at kung anong klaseng alibi ang pwede kong gawin para lamang makatakas ako at makapanood sa kanilang gig.

Linggo naman bukas at wala rin kaming pasok sa Lunes dahil foundation day ng aming school.Maluwag ang aking sched kaya pwede naman akong pumunta sa Bohol para manuod.

Nagbihis ako bago ko sinundan si Georgina paalis. Habang nasa kotse ay panay ang ayos ko sa pigtails ng aking buhok. Sinundan ko sila sa unit nila Athan pero napatigil ako ng makita ang isang babae na kasama ng buong AEGIS. Mukhang nagaaway sila kaya lumapit pa ako para makinig.

"Si Toryang yan. Kakauwi lang niya kahapon." Sagot ni Stanley, ang boyfriend ni Ate. Nakita ko kung paano nainis si Georgina habang nakatingin doon sa babae.

Napanguso ako. She is pretty. Iyong inosenteng mukha niya ay talagang maganda. Bilugan ang kanyang mata habang ang buhok niya ay natural ang pagkakakulot. Pero kapag ngumiti siya o di kaya'y nagtaas ng kilay ay nahahalata mong hindi siya basta bastang babae.

Ilang beses pang nagkasagutan bago tuluyang naiwan si Georgina at Stanley sa may hallway. Walang nagsasalita sa kanilang dalawa habang ako naman ay nagtago ng mas maigi sa likod ng mga plastic na halaman na disenyo roon.

"Wag ka na ulit makikipag-usap sa kanya ng ganon Georgina." Madiin na sabi ni Stanley bago tinalikuran ang kapatid ko at tuluyang umalis. Hindi na ako nagdalawang isip. Agad akong tumakbo pabalik sa kotse para sundan silang lahat.

---------------------------

Halos mabasag ko na ang binoculars ko habang tinitingnan ko kung gaano kaspoiled iyong babaeng Toryang ang pangalan. Naiinis ako dahil ang buong AEGIS ang nakapalibot sa kanya. At mas lalo lang akong naiinis noong sikupin ni Athan ang buhok nito para lamang maitago sa ilalim ng cap na dala nto.

Sheez! Nakakaiinggit. Gusto ko rin ng ganun! Nakakabwisit naman eh! Hindi ba pwedeng ako rin ang alagaan mo Athan? Sige na please?

Sunod lang ako ng sunod sa kanila hanggang sa tuluyan na silang makauwi. Ako naman ay dumiretsyo sa unit ni Athan bago kumatok. Ilang sandali lang ay bumukas iyon at bumulaga sa akin si Iñigo, ang kanilang keyboardist.

"Sino ka?" suplado nitong tanong. Napangiwi na lamang ako at winagayway ang hintuturo ko.

"Ang harsh mo I." natatawa kong sabi. Tumaas lang ang kilay niya bago lumingon sa loob at may kinausap roon. Maya maya ay narinig ko ang boses ni Athan kaya nagstanding ovation na naman ang mga alitaptap ko sa dibdib.

Kalma lang mga alitaptap. Boses pa lang yan. Wala pa ang mukha niya. Shocks! Geez! Oh my!

"Ano na naman?" bungad niya sa akin. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin ng matalim sa akin. Iyong matalim at malamig na titig. Nakakapangilabot. He's so hot when he is cold. I don't even know if that is possible at all.

"Hi." Bati ko. Hindi siya sumagot kaya agad na akong nagpatuloy bago pa siya magsungit ulit.

"I'm sorry about what happened..uhm..noong nakaraang araw." Anas ko. Tinitigan lang niya ako bago huminga ng malalim.

"Are you stalking me?"

Napapikit ako noong marinig ko na ang masungit niyang tono. Sinarado niya ang pintuan niya sa kanyang likuran at tuluyan ng lumabas para harapin ako.

"Go away." Madiin niyang sabi. Napasinghap na lamang ako bago ko tuluyang nahamig ang sarili ko. Lumapit ako sa kanya at nagalburoto na naman ang mga alitaptap sa dibdib ko dahil sa pagkakalapit naming dalawa. Naalala ko tuloy iyong abs niya noong nakita ko siyang naliligo.

Sinful abs. Fuck.

Para akong baliw na nangingiti sa naalala ko. Ilang beses ko pang nakagat ang labi ko habang kinikilig ako. Siya naman ay nanatiling nakatingin sa akin at pinapanood lamang ang bawat galaw ko.

"Ang sungit mo." Natatawa kong sabi. Lalong nanliit ang mata niyang tinitingnan ako ng matalim.

"Ang tigas ng ulo mo." Sumusuko na niyang sabi. Humalakhak na lang ako at pinanood siyang galit na galit na nakatingin sa akin.

"Nakakairita ka. Umalis ka na nga." bwisit niyang sabi bago ako tinalikuran at tuluyan ng pumasok sa kanyang unit habang ako ay naiwan namang nakatayo lamang sa harap ng kaniyang pad.

Napahawak ako sa dibdib ko at pinakiramdaman ang mga alitaptap na unti unti ng kumakalma. Shocks, Athan. Nakikita mo ba ang epekto mo sa akin? You're lifethreatening to my fireflies.

Grabe lang. inlove na ako sa taong yelo. Oo, desperada ako. Pero ako ang desperada na tutunaw sa yelo mo Athan Falcon. Makikita mo, mahuhulog ka rin sa akin.

------------------------------------------------

4 years later

Ininom ko ang panghuling shot ng JD's sa aking baso bago kumuha ulit ng panibago. Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Gusto kong malasing dahil ayaw kong kainin ako ng inggit habang nakatingin sa bagong kasal na si Tori at Stanley.

Nakakainis. Habang dumadami ang alak na iniinom ko ay lalo lamang nagiging malinaw ang alaala noong mga panahong baliw pa ako kay Athan. Nakakakulo ng dugo kapag naalala ko ang lahat. Bwisit lang.

Kung alam ko lang na ganon ang mangyayari, hindi na sana ako sumugal sa laro niya. Nahulog ako sa patibong na gawa niya. Naniwala ako sa kanya. Tingnan ninyo kung saan ako dinala ng tiwala na iyon?

Ininom ko ulit ang isang baso bago ako dumiretsyo kila Stanley para magpaalam. Lasing na ako at nahihilo na rin ako. Kailangan ko ng makauwi para makapagpahinga na. Dumiretsyo ako sa lamesa nilang dalawa.

"Stan..una na ako." Paalam ko. Nakita ko ang pagtaas ng kilay ni bad boy. Alam kong alam niyang lasing ako at nakikita kong hindi niya ako papayagan na umuwi sa ganitong sitwasyon. But hell, I will not budge. Kaya ko ang sarili ko.

"Tatawagan ko ang driver namin. Lasing ka na RI."

"Stan's right. Kung gusto mo, sasabihan ko ang ibang AEGIS na ihatid ka." Dagdag ni Tori. Wala pa man ay umiiling na ako.

"I can manage. Hindi naman ako masyadong nahihilo." Katwrian ko. Nanliit lamang ang mata ni Stanley. Bago pa man siya makapagsalita ay tinalikuran ko na sila at nagpunta sa exit. Habang nasa daan ay kumuha ulit ako ng isang baso at nilagay malapit sa aking bibig.

"You already had seven glasses Morales."

Ibinaba ko ang baso ng marinig ko ang boses niyang iyon. Natigilan ako dahil sa pamilyar na lamig at talim na naroon. Kilalang kilala ko na ang tono niya na kahit hindi ako humarap ay alam kong siya na iyon.

Lumapit siya sa akin at inagaw ang baso na hawak ko bago binalik iyon sa waiter. Hinarap ko siya at pinagtaasan ng kilay.

"Don't start Leria. Kanina pa ako nagtitimpI sayo." Naiinis niyang sabi. Pinagkrus ko lamang ang braso ko sa tapat ng aking dibdib. Wala akong pakialam kung lalong nakita ang cleavage ko sa ginawa. Hindi ko naman kasalanan na malaki lang talaga ang hinaharap ko. at wala rin akong pakialam na mas lalong nagliyab sa galit ang tingin ni Athan sa akin dahil sa ikinilos ko.

"Fuck." Mura niya at hinila pababa ang mga braso ko. Hinubad niya ang cuit niya at isinuot sa akin iyon. Ako naman ay pilit iyong tinatanggal.

"Ano ba, mainit!" naiirita kong sabi. Tiningnan niya ako ng matalim bago iyon ipinilit sa akin. sa huli ay wala rin akong nagawa. Hinuli niya ang kamay ko at hinila ako palabas.

Tahimik kaming naglakad papunta sa parking lot hanggang sa aking chevvy. Tumayo siya roon at tiningnan ako.

"Give me your keys." Utos niya. Tiningnan ko siya para siguraduhin kung tama ba ang narinig ko.

"What?"

"Give me your keys. I'll take you home." Mas mapwersa niyang sabi. Tumawa lang ako at tinulak siya palayo sa aking kotse bago ko binuksan ang sasakyan. Papasok na sana ako noong bigla niyang hinila ang siko ko at hinarap ako sa kanya.

"Give me your damn keys Leria. Lasing ka na."

Pinanood ko ang paggalaw ng muscles sa kanyang panga habang nanggagalaiting nakatingin sa akin. Taas baba ang dibdib niya at hinihintay na gumalaw ako. Tinitigan ko lamang siya bago napailing na lamang.

"Geez Athan. Ano naman ngayon kung lasing ako? If I die because of that then so be it. kung mamamatay ako, mamamatay ako. You don't have to give a fuck about that." Paghamon ko. halos mapatili ako ng idiniin niya ako sa kotse at hinawakan niya ang dalawang braso ko ng mahigpit.

"Damn it Morales. Don't push me. Give me your keys."

"Bakit hindi mo na lang ako pabayaan?! Asshole!" sigaw ko at tinulak siya ng pilit pero hindi naman siya natinag.Nahilo ako dahil sa ginawa kong pamemwersa. Damn alcohol. Umikot na ang paligid ko habang pilit na kumakawala sa kanyang hawak.

"Bitiwan mo nga ako!" patuloy ko pa ring panlalaban. Bumibigat na ang mata ko at alam kong malapit na akong mawalan ng malay. But I won't give up hanggat hindi niya ako binibitawan. Bahala siya sa buhay niya.

"Ang tigas ng ulo mo." Anas niya. Tinitigan ko lamang siya ng matalim bago natawa na lamang. Napailing na lang ako at tuluyan ng umiyak.

Sinabi rin niya sa akin iyan noon. Noong mga panahon na kahit gaano pa kasakit ang pananalita niya sa akin, buong puso ko pa rin iyong tinatanggap. Wala na akong pakialam kahit sumusobra na ang pananalita niya, basta ang sa akin lang, sapat nang mapansin niya ako.

"Bitaw." Nanghihina kong sabi. Naramdaman ko ang paninigas ng katawan niya noong marinig niya ako. Inilagay ko ang braso ko sa dibdib niya bago natawa ng walang laman.

"Leria.."

"What?!" I snapped. Hindi ko na mapigilan ang pag-init ng ulo ko habang dumadagsa ang libo libong alaala ko noong kasama ko siya. Marahas kong pinunasan ang luha ko at hinintay ang susunod niyang sasabihin.

Namulsa siya at bahagyang lumayo sa akin.

"Bakit may pregnancy test ka sa bag mo? Buntis ka ba?" diretsyo niyang tanong. Napanganga na lamang ako at hindi agad nakasagot. Tumaas ang sulok ng labi niya bago sinara ang distansya sa pagitan naming dalawa.

"Paano mo nalaman--"

"Stan told me. yung ginamit ni Toryang na PT kit ay galing sayo. Now, tell me. Buntis ka ba?" tanong ulit niya. Matagal ko siyang tinitigan bago napailing na lamang. Dumilim ang mukha niya. Dumako ang kamay niya sa may beywang ko at hinapit ako palapit. Inilagay niya malapit sa aking tenga ang kanyang bibig.

"You're pregnant. I like that." Bulong niya. Nanigas naman ako sa kanyang ginawa. Bumilis ang paghinga ko at ang mga alitaptap na sumasamba sa kanya ay muling nabuhay.

"I-im not." Pagpupumilit ko. Tumawa lang siya bago hinalikan ang pisngi ko.

"But soon you will. So give me your damn keys now and let me take you home. We need to make a baby.And when I get you pregnant, I'm sure as hell will marry you."

----------------------------------

Babalik din tayo sa flashbacks. Hindi muna ngayon. :)

Alam kong magulo pa. Aayos din yan. Tiwala lang.

*pen<310

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top