Chapter 1
August 18, 2016
"Let's divorce Gerry." Agad na sabi ng babae pagkaupo na pagkaupo niya sa table na nasa loob ng isang Jollibee Store. Napatigil ang kasama niyang lalaki sa pag-upo sa katapat na upuan at nagtatakang napatingin sa kanya. Hindi niya alam kung tama ba ang narinig niya mula sa asawa o naghahalusinasyon lang siya.
"Anong sinabi mo Mahal?" Ahh...siguro nga nabibingi lang talaga siya dahil na din sa katandaan.
"Ang sabi ko, mag divorce na tayo." Nakasimangot na ang kanyang asawa at halatang iritang-irita sa hindi niya alam na dahilan. Dapat magulat siya sa sinabi nito pero katuwaan ang pumuno sa puso niya. Hindi niya tuloy maiwasan ang ngumiti. Umupo siya sa upuan na katapat nito at tiningnan ito nang mabuti. Nakita niya itong umismid at lalo siyang napangiti.
"After 50 years?" Amuse na tanong niya sa asawa. Yes, they've been married for 50 years. Fifty blissful and happy years and never in his life did he regret his decision. Marrying her was the best decision he'd made in his life. Yun nga lang hindi niya alam kung bakit bigla bigla na lang naisip ng asawa niya ang divorce. Ang mga babae talaga, bata man o matanda, fickle minded pa din.
"Yes. I've just have enough of you." Gertrude hissed at her husband. Lalong naningkit ang mga mata niya pagkakita sa naging reaction nito sa sinabi niya. Nakangiti lang ito na para bang aliw na aliw sa mga nangyayari sa kanilang dalawa. Hindi niya maintindihan kung ano ang nakakaaliw sa sitwasyon. Makikipaghiwalay siya at mukhang natutuwa pa ito. Hindi kaya hinihintay lang nito na siya ang unang magsabi tungkol sa diborsiyo? Hindi kaya matagal na nitong gustong makipaghiwalay sa kanya? Hindi kaya may itinatago itong ibang babae sa kanya? Lalong uminit ang ulo niya dahil sa naisip. Wag lang itong magkakamali na mambabae at lalong wag lang itong magkakamali na ipaalam sa kanya dahil kapag nalaman niya, maghahalo talaga ang balat sa tinalupan.
"Ahh...masarap malaman na napupunan ko ang lahat ng pangangailangan mo at sobra sobra pa. Isang malaking achievement para sa isang lalaking kagaya ko ang malaman na enough ako para sa aking asawa." Lalong lumaki ang ngiti ni Gerry kay Gertrude na halos mag usok na ang ilong sa galit. Noong mga bata pa sila, isa sa mga kinaaliwan niya ay ang makita itong nagagalit. Namumula ang pisngi pati ang ilong. Naniningkit ang mga mata at lalo itong gumaganda.
"Alam mong hindi yan ang ibig kong sabihin Gerry!" This man is insufferable. Mula noon, hanggang ngayon ay hindi nagbago ang ugali nito. Hindi nga niya lubos maisip kung bakit napagtiisan niya ito sa loob ng fifty years. Nagtaka siya kung bakit hindi man lang siya naubusan ng dugo dahil sa konsumisyon dito. Sa loob ng limampung-taon hindi nito kailanman sineryoso ang mga sinabi niya. Well, except when she's announcing her pregnancy. Pero kahit kailan, hindi siya nito sineseryoso kapag nagagalit siya. Parang tuwang tuwa pa ito kapag kumukulo na ang dugo niya sa galit.
"O sige, sabihin mo sa akin, bakit ka makikipagdiborsiyo?" Mabuti naman at mukhang naintindihan na nito ang mga sinabi niya at sa wakas sineryoso na siya.
"Dahil hanggang ngayon, wala ka pa ding taste!" She blurted out. Nakita niya ang panlalaki ng mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Nakita din niya na bigla itong lumungkot. Para tuloy gusto na niyang bawiin ang sinabi niya.
Bumuntonghininga ito nang ilang ulit at hinawakan ang kamay niya na nakapatong sa mesa. Tiningnan din nito ang mga mata niya ng mataman. Bakit ba hanggang ngayon, pagkatapos ng napakaraming taon, parang nalulunod pa din siya sa mga titig nito? Hindi man lang siya nasanay!
" Gertrude, mahal ko, wag ka namang masyadong harsh. Nasasaktan ako sa mga sinasabi mo. Wag mo naman masyadong insultuhin ang sarili mo. Tandaan mo na ikaw ang pinili ko dahil para sa akin ikaw ang pinakamaganda, pinakaseksi, pinakamasarap. Your beauty is timeless, katulad ng mga pagkain dito, habang tumatagal, lalong sumasarap. Kaya wag mong sabihin na wala akong taste dahil parang sinasabi mo na rin na hindi ka maganda dati, hindi ka seksi dati at hindi ka masarap da...hanggang ngayon." Iniba niya ang dapat sabihin dahil malakas ang pakiramdam niya na tatama ang malapit na upuan sa pagmumukha niya kapag tinuloy niya ang dapat sabihin. Women...you really have to understand them through and through if you want to survive this lifetime.
"Wag mong masyadong laitin ang sarili mo mahal. Maganda, seksi at kaakit akit ka sa tingin ko hangga't may chicken joy at gravy ang Jollibee." Kumindat siya sa asawa at nakita niya ang panlalaki ng mga mata nito.
"Hindi ko pinipintasan ang sarili ko at lalo na ang mga pagkain dito Gerry. Pero sana naman, sa araw na ito, sa araw ng 50th anniversary natin, sana man lang nagcelebrate tayo kasama ang mga apo at mga anak natin. Sana man lang dinala mo ako sa isang five star hotel..." Napatigil siya sa pagsasalita nung marinig ang malakas na halakhak nito. Nagtatakang nakatingin lang siya habang tumatawa ang asawa. Kapagkuwan ay tumigil din ito sa pagtawa at masuyong tumingin sa kanya. That familiar stare that until now, never fails to make her heart flutter.
"Ahh.. you miss my lovin' baby?" He said full of mischief at ngumiti pa ito ng nakakaloko sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ng asawa. She nearly fainted at his words and the idea that it conveys. Inalis niya sa isip ang mga imaheng unti unting nabubuo. Seriously, this is not the time nor the place to imagine those things. Isa pa, matatanda na sila.
"Utang na loob Gerry! Hindi yun ang ibig kong sabihin." Naeeskandalo siya sa sinabi nito pero may isang emosyon na pilit niyang sinusupil.
"Sabi mo hotel..." He said suggestively. What a dirty old man...
"Mandiri ka, matanda ka na!" She hissed at him.
"Hindi ko ramdam mahal, age is just a number." Pagpapatuloy nito sa panunukso sa kanya habang nakangiti.
Nakita ni Gerry ang pagngiwi ng asawa dahil sa mga sinasabi niya. Tuluyan na siyang naaliw dahil sa kanilang usapan at sa reaksiyon nito. Hanggang ngayon, hindi talaga nito masakyan ang mga kalokohan niya. Seryoso ito at siya ay maloko, napakalayo ng pagkakaiba ng kanilang ugali pero alam niyang iyon din ang dahilan kung bakit sila nagtagal ng ganito. Ang pagkakaiba nila ang dahilan kung bakit naging exciting ang buhay mag asawa nila. Sa loob ng fifty years, kailanman ay hindi siya nabagot. There's always something new to discover with Gertrude. Marrying her is a lifelong adventure and he loved adventure. He simply loves her.
"Basta, gusto ko ng divorce!" Iniba na nito ang usapan. Hindi na ata nakayanan ang panunukso niya. Sa pagkakatanda niya, ilang beses na itong umungot ng divorce. Fifty times to be exact. Every year during their anniversary. Hindi naman siya tumatanggi dahil papaano niya tatanggihan ang isang Gertrude Hailey Clark Villegas? Isa pa, nakalimutan ata nito na kahit mag diborsiyo sila, kasal din sila sa Pilipinas kung saan walang diborsiyo. Pero sa ngayon, parang gusto niya itong tanggihan, para maiba naman.
"Hindi ako makakapayag Gertrude." Nanlaki ang mga mata nito dahil sa sinabi niya. Bakit hindi? Ito ang unang beses na tinanggihan niya ito. She's not used to being turned down. Sanay itong nakukuha ang lahat ng gusto. Sinanay niya ito. Indulging her is such a joy and he will indulge her for as long as he can.
"Hindi ka papayag?"
"Hindi. Pagkatapos kong ibenta ang lupain namin sa Cubao para lang matustusan ang pagtatanan at pagpilit mong pakasalan kita sa Amerika, gusto mo ng diborsiyo? Hindi naman ata makatarungan yun Gertrude." The expression on her face almost made him guffawed. Bakit nga ba palagi niyang nakakalimutang magdala ng camera sa mga ganitong pagkakataon? Marami na sana siyang pang blackmail sa asawa.
"Hindi kita itinanan at mas lalong hindi kita pinilit na pakasalan ako Gerry! Wag mo akong pagpaniwalain sa press release mo sa mga anak at mga apo natin!"
"Talagang matanda ka na mahal. Hindi mo ba naalala kung paano mo pinakita ang legs mo sa akin?" Napanganga ito sa sinabi niya. This is getting more exciting by the minute. Katulad pa din ng dati, walang nakakabagot na oras kapag kasama niya ang asawa. He is one lucky bastard, indeed.
"You seduced me! Inakit mo ang kaawa awa at mahina kong puso kaya wala na itong nagawa kundi ang sumamba sa legs...sa'yo pala." Tumikhim siya para mapigilan ang tawa.
"How dare you..." Dinuro na siya nito pero ngumiti lang siya. He remembered something really interesting. Hinamon din niya ito dati kaya napilitan itong sagutin siya pagkatapos ng napakaraming pambabasted. Nung nakipaghiwalay ito sa kanya, hinamon din niya itong agawin siya sa kunyaring girlfriend niya para magkabalikan sila.
Si Gertrude ang klase ng babaeng hindi umaatras sa isang hamon. He'd exploited that trait to his full advantage without her knowledge. Like now...
"I dare you to remember! Remember the days when you used to ogle at me. Alalahanin mo ang mga panahon na halos patayin mo ako sa tingin dahil may kasama akong ibang babae. Alalahanin mo ang iyak mo nung may pinatulan akong iba pagkatapos ng pang dalawampu't dalawa mong pagbasted sa akin. Alalahanin mo mahal, alalahanin mo kung gaano natin kamahal ang isa't isa..."
Parang namalikmata naman si Gertrude dahil sa sinabi ng asawa. Hindi niya napigilan ang magbalik tanaw. Hindi niya napigilang alalahanin kung paano nga ba niya minahal si Gerry, kung paano siya nito minahal.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top