Chapter 7
CHAPTER 7
Proposal
“Miss Franz,dumating na po ang damit na isusuot mo mamayang gabi. ”
Mula sa salamin ay tiningnan ko ang maid na pumasok sa kuwarto. Bitbit niya ang isang kahon na naglalaman ng isusuot ko mamayang gabi.
Hindi ko talaga alam kung bakit kailangan pa ng bonggang damit, ipakikilala lang naman ako sa mga employee ro’n sa resort. Mas lalo tuloy nadagdagan ang pagdududa ko sa mangyayari mamaya. May kutob na ako kung ano ’yon, pero ayaw ko na lang isipin.
“Sige, pakilapag na lang sa kama ko,” sabi ko at agad naman siyang sumunod.
Tumunog ang phone ko na nakapatong sa tukador kaya agad ko iyong kinuha. Napangiti ako nang makita ang pangalan ni Trixie sa caller’s I’d.
“Hello, Trixie! Are you coming here tonight?” I asked her.
Alam kong hindi nila palalampasin ang mga ganitong event sa buhay ko. Palagi silang nariyan sa bawat celebrations na ginaganap namin sa bahay.
“Of course, Franz. We are invited! No one wants to miss this kind of event!”
Just what I thought.
“Simple event lang naman ang mangyayari mamaya bakit parang napaka-excited n’yo naman yata?” pang-uusisa ko.
Sinusubukan ko lang na kumuha ng impormasiyon sa kanya. Baka sakaling may alam siya at masabi niya sa ’kin nang biglaan.
“I’m sorry but I don’t want to spoil you. Just wait, there will be a big surprise.”
I sighed. “Fine…hindi kita pipilitin na magsabi. Basta bilisan n’yong magpunta rito. I missed you na! See you later, Trixie.”
“We missed you, too. See you later!”
The call ended and I sighed again. Napakunot ang noo ko nang may maalala.
Bakit kaya hindi pa tumatawag si Brandon? Busy pa ba siya? Aish! Ako na nga lang ang tatawag.
I dialed his number and I waited for him to answer. Ilang segundo lang ay narinig ko na ang pagkamatay ng linya ng tawag.
Pinatayan ako? Anong nangyari ro’n? Kahit gaano siya ka-busy, never niya akong pinatayan ng tawag.
Nag-try ulit ako na tawagan siya pero ’di ko pa rin ma-contact kaya hinayaan ko na lang. At dahil mahaba pa ang oras ay bumaba muna ako at nagpasyang tumambay sa garden.
Papalapit pa lang ako sa swing nang may nakita akong lalaking nakatayo habang may hawak na isang bungkos ng bulaklak. Kumunot ang noo ko at dahan-dahang lumapit sa taong ’yon.
Nakatalikod siya sa gawi ko kaya hindi ko makita ang mukha niya. Teka, aakyat ba ng ligaw ang isang ’to?
Natawa ako sa naisip ko. Sinong aakyat ng ligaw dito sa mansyon? At sino namang liligawan nito? Isa ba sa mga maid namin?
Lumingon sa ’kin ’yung lalaki at nagulat ako nang mamukhaan kung sino ’yon.
“Glenn?” tanong ko.
Oo, siya nga iyong lalaki na may dalang bulaklak. Nakatingin lang siya sa ‘kin at hindi nagsasalita. Mukha na nga siyang estatwa roon sa kinatatayuan niya.
“Huy! Anong nangyari sa ’yo? Natulala ka yata?” tanong ko at doon lang siya napakurap.
“Señorita Franz, anong ginagawa mo rito?” tanong niya.
Kumunot ang noo ko at luminga sa paligid.
“Ahm, nagpapahangin? Ikaw anong ginagawa mo rito? May hinihintay ka ba?” tanong ko rin at isinenyas ang bulaklak na bitbit niya. “Aakyat ka ng ligaw?”
Bumaba rin ang tingin niya sa hawak niyang bulaklak.
“Tama ka. May hinihintay nga ako—
“Si Trisya ang hinihintay mo ’no?” putol ko sa sagot niya.
“Hindi—
“Sus, kunwari ka pa. Kaya ka nga may dalang bulaklak ’di ba? Ibibigay mo sa kanya?” pang-aasar ko pero mukhang hindi naman siya natawa.
May mali ba sa sinabi ko? Tama naman ako ‘di ba? Ibibigay niya kay Trisya ang bulaklak. Aamin na siya sa nararamdaman niya sa babaeng ’yon.
“Hay naku Glenn, huwag ka ngang torpe, umamin ka na kasi sa kanya,” sabi ko pa. “Gusto mo tulungan kitang umamin sa kanya?”
Lumapit ako sa kanya. Pansin ko ang pagiging tensyonado niya. Natawa ako pero agad ko ring pinigilan.
“Una, dapat maayos ang itsura mo para presentable.” Inayos ko ang buhok niya pati na rin ang kuwelyo ng damit niya. “Pangalawa, dapat maging confident ka sa pag-amin mo sa kanya. Pangatlo—
“Franz?”
“Glenn?”
Sabay kaming napalingon doon sa mga nagsalita at nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ang dumating.
“Brandon?” gulat na tanong ko.
Agad akong lumayo kay Glenn at tumakbo papalapit kay Brandon. Mahirap na baka magselos pa siya at kung anong isipin. Sinalubong niya ako nang mahigpit na yakap.
“I’ve been looking for you babe, nandito ka lang pala,” sabi ni Brandon sabay tingin sa nag-uusap na sina Glenn at Trisya.
Tumango ako. “Ah oo. Nagpapahangin lang ako,” sagot ko.
Binigyan niya ako nang mapanuring tingin.
“Nagpapahangin? With him? At gano’n talaga kalapit?”
Hinawakan ko ang braso niya. “No, babe. It’s not like that. Tinutulungan ko lang siya na maging presentable sa gagawin niyang pag-amin kay Trisya, iyon lang. Don’t tell me nagseselos ka?” Ngumisi ako at sinundot ang pisngi niya.
“Of course, not. Alam ko namang hindi mo ako ipagpapalit. At saka malapit ka nang mapasa’kin nang tuluyan,” sabi niya na bahadyang nagpagulat sa ’kin.
“What do you mean babe?”
“It’s a surprise. Let’s get back inside now. Gusto kang makita ng parents ko,” sabi niya at iginiya na ako papasok sa loob ng mansyon.
Kahit na naguguluhan ay pumasok na rin ako. Ngayon sigurado na talaga ako na may mangyayaring nakagugulat mamaya. Sana lang ay huwag iyong iniisip ko ang mangyari. Dahil hindi pa ako handa. Hindi ko alam kung anong gagawin.
“Thank you very much for coming to this event. We are all here to celebrate the opening of two branches of Isla Reâl in Visayas and Mindanao!”
Umalingawngaw ang malakas na palakpakan ng mga tao sa sinabi ni daddy. Maging ako ay hindi maawat sa pagngiti dahil sa achievement ng negosyo ng pamilya namin.
Maraming mga bisita ang naririto ngayon at halos lahat ay mga kilalang tao sa politika man o sa telebisyon. Talagang pinaghandaan at siniguradong magarbo ang okasyon na ito.
“And also, I would like to use this event to finally introduce to you our beloved Unica Hija. Let’s welcome, Franzinne Eunice Guevarra!”
Nang tawagin ni daddy ang pangalan ko ay agad akong tumayo mula sa upuan. Inalalayan ako ni Brandon paakyat ng stage at inabutan ako ni daddy ng mikropono.
Iginala ko ang paningin sa buong paligid. Nagtama ang paningin namin ni Glenn, nasa tabi niya si Trisya na may ibinubulong sa kanya.
May kumirot sa puso ko ngunit hindi ko na iyon pinansin. Itinuon ko na lang sa mga bisita ang atensyon ko.
***
“By the way Franz, ang dami namang gwapo rito. Ipakilala mo ko, ah,” biro ni Chesca kaya napailing ako.
Nasa iisang table na kami ngayon. Lumapit na ako sa kanila pagkatapos akong ipakilala kanina sa mga bisita. Puro na kasi negosyante ang kausap nila dad at mom kaya na-out-of-place na ako. Mas gusto ko rito sa table naming magkakaibigan.
“Ikaw talaga Chesca, basta usapang pogi gumagala agad ang mga mata mo,” sabi ko.
I sipped on my wine glass while listening to my friends’ conversation. Basta usapang lalaki, active ang mga ’yan. Palibhasa, mga walang lovelife.
“Basta ako ayos na ako roon sa lalaking nakita ko sa garden. He’s so hot for goodness sake! Kilala mo ba ’yon Franz?” tanong naman sa ’kin ni Thanalia.
Kumunot ang noo ko at napaisip. Hindi naman siguro si Glenn ang tinutukoy niya, ’no?
“Oh my gosh! Oh my gosh! There he is!” Impit na tili ni Thanalia habang nakaturo sa lalaking pumasok sa mansyon.
Lumingon ako ro’n at nakita si Glenn. Simpleng kaswal na damit lang ang suot niya pero ang lakas ng dating. Kahit yata basahan ang ipasuot sa kanya, hindi siya magmumukhang pulubi.
I sighed. “Si Glenn ’yan,” sabi ko.
“And?” muling tanong ni Thanalia.
I raised an eyebrow. “And what?”
“Is he single? Taken? Married?”
Nagtawanan kaming lahat sa tanong niya. Nababaliw na ang kaibigan ko. Mukhang nahulog na agad kay Glenn. Ibang klase rin talaga ang lalaking ’yon.
“Bakit ba si Franz ang tinatanong n’yo? Alam n’yo namang na kay Brandon lang ang atensyon niyan,” sabi ni Trixie.
At kasunod n’on ay mga asaran na. Sanay na ako sa mga ugali ng mga kaibigan ko. Minsan sinasabayan ko na lang ang trip nila. Palagi nila akong inaasar kapag si Brandon ang usapan.
“Excuse me, may I have your attention, everyone?”
Napahinto sa tawanan nang may magsalita sa stage. Lumingon ako ro’n at natanaw ko si Brandon.
“Speaking of Brandon,” sabi ni Trixie.
Ano naman kayang gagawin niya? Wala naman siyang nabanggit sa ’kin na may speech din pala siya sa event na ’to. Unless, ito ’yung tinutukoy niyang surprise?
Bigla akong kinabahan nang dahil doon. Nanlamig ang mga kamay ko at bumilis ang tibok ng aking puso.
Kalma, Franz. Hindi mo pa alam kung anong gagawin ni Brandon. Baka may importante lang siyang i-a-announce.
“Good evening, everyone. First of all, I would like to congratulate the Guevarra Family for the successful opening of the Isla Reâl and also, I would like to take this moment to do what I want to do for a long time. Franz babe, p’wede ka bang umakyat dito sa stage?”
Napuno ng hiyawan at asaran ang paligid. Todo cheer sa akin ang mga kaibigan ko. Habang ako,walang kaalam-alam sa nangyayari at mas lalong kinakabahan.
Umakyat ako sa stage kahit na lutang ang isip ko. Buti na lang at hindi ako nadapa dahil sa panginginig ng aking tuhod. Mas lumakas at bumilis ang tibok ng puso ko. Kinakabahan talaga ako sa mangyayari.
Hinawakan ni Brandon ang kamay ko habang ang isang kamay ay may hawak na mikropono.
“Franz, we’ve been together for almost five years. We grew up together, we shared a lot of memories with each other. Palagi tayong nasa tabi ng isa’t isa sa tuwing may problema ang isa sa atin. Nagkakasundo tayo sa lahat ng bagay. Masaya ako sa piling mo at alam kong masaya ka rin kapag magkasama tayo. I want to spend more time with you—
“Brandon, what is this?” bulong ko para hindi marinig ng mga bisita.
Ngumiti lang si Brandon at pinisil ang kamay ko.
“I already asked the permission of your parent. Now all I want to hear is your answer.” Lumuhod siya at may kinuha sa bulsa. “Franzinne Eunice Guevarra, I love you and I want to spend the rest of my life with you. Will you marry me?”
Natutop ko ang aking bibig habang sunod-sunod na pumatak ang mga luha ko. Ito na ang kinatatakutan ko. Umasa ako na hindi pa mag-po-propose si Brandon pero nangyari na nga.
Hindi ko maawat ang mga luha mula sa mata ko. Ito ba ang tinatawag na tears of joy? Pero bakit parang wala akong maramdaman na kasiyahan. Bakit…nalulungkot ako?
Lumingon ako sa mga tao. Lahat sila nanonood. Lahat umaasa na tanggapin ko ang alok ni Brandon. Pero parang may pumipigil sa ’kin…hindi ko alam kung ano o sino. Hindi pa ako handang magpakasal. Hindi ko pa kaya. Ang dami ko pang gustong patunayan sa buhay ko. Marami pa akong planong gawin. At hindi pa kasama ro’n ang pagpapakasal.
“Brandon…”
I don’t know how to say this. I don’t know how will I reject him…I don’t want to hurt him pero ayaw ko rin siyang lokohin. Ayaw kong pumayag sa alok niya gayong hindi pa talaga ako handa.
“What is your answer Franz? I’m waiting,” muling tanong ni Brandon.
Halata sa kanya na nag-aalala rin siya sa magiging sagot ko. Maging ako ay natatakot sa sagot ko.
“I-I… I can’t. I’m sorry. Hindi ko pa kaya,”
Natahimik ang lahat sa naging sagot ko. Napayuko si Brandon at pagtingala niya ay may tumulong luha sa mga mata niya.
“I’m sorry, Brandon…hindi pa ako handang magpakasal…I’m sorry—
Napahagulhol ako dahil sa nagi-guilty ako nang sobra. Pakiramdam ko nasaktan ko si Brandon nang dahil sa sinagot ko.
“Sshhh, it’s okay…I understand…handa naman akong maghintay kung kailan handa ka na,” sabi niya at niyakap ako.
Mas lalo lang akong napaiyak nang dahil sa sinabi niya. Palaging ganito si Brandon. Palagi niya akong iniintindi. Palagi siyang nag-a-adjust para sa ’kin…gano’n niya ako kamahal. I don’t know if I ever deserve his love.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top