Chapter 6
CHAPTER 6
Worried
Kanina pa ako palakad-lakad dito pero hindi ko talaga alam kung saan ako pupunta. Basta sinusundan ko lang ang palayan na nasa magkabilang gilid ko. Baka sakaling matahak ko ang daan pabalik sa mansiyon.
Nang mapagod ay naupo muna ako saglit sa isang tabi. Hindi ko alam kung nasaan na ba ako. Wala rin akong makitang ibang tao rito sa kinaroroonan ko.
Hindi na gaanong mataas ang araw pero mainit pa rin. Nasulyapan ko ang aking braso at napasinghap nang makitang namumula na talaga ang balat ko. Hindi pa ako nabilad sa araw nang ganito katagal sa buong buhay ko. Ngayon pa lang! At dahil ’yon kay Glenn!
Kainis na Glenn ’yon! Hindi talaga ako sinundan ah? Ang sabi niya babalikan niya ako pero nasaan na siya? Kung tutuusin puwede niya pa akong maabutan sa paglalakad ko kung binalikan niya talaga ako. But knowing Trisya, siguradong hindi niya pinayagang umalis si Glenn.
“I HATE HIM! I HATE THEM SO MUCH!” inis kong sigaw habang pinagsisipa ang maliliit na bato.
Naghintay pa ako nang ilang sandali, umaasang may dumaan man lang kahit isang tao rito. Pero wala talaga. Nangingilid na ang luha ko sa kaba at takot na baka tuluyan na nga akong naligaw.
Ano nang mangyayari sa ’kin? Makauuwi pa ba ako? Paano kung hindi na? Magiging pulubi na ba ako?
Naglakad-lakad ulit ako dahil nag- uumpisa nang lumubog ang araw. Hindi ako puwedeng abutan ng dilim dito sa daan. Baka mamaya may kung anong mababangis na hayop akong masalubong dito. Ayaw kong maging hapunan ng gutom na hayop, ’no!
Kumalam ang sikmura ko sa gutom kaya muli akong napahinto sa paglalakad. Kaninang almusal pa ang huling kain ko. Papalubog na ang araw habang pataas nang pataas naman ang kabang nararamdaman ko.
Muli akong naupo sa tabi ng daan at niyakap ang aking tuhod. Unti-unting dumaloy ang luha mula sa mga mata ko.
Natatakot ako rito. Wala akong kasama. Hindi ko alam kung nasaan ako at kung paano ako uuwi. Sobrang yabang ko pa kanina. Ang sabi ko makauuwi ako nang mag-iisa pero hindi ko naman pala kaya.
Biglang kumulog nang malakas kaya napatakip ako ng tainga.
“Seriously?! Ngayon mo pa talaga naisipang umulan?!—AAH!” Napasigaw ako nang muling kumulog.
Agad akong tumayo at nag-umpisang maglakad hangga‘t hindi pa umuulan. Habang naglalakad ay may narinig akong kaluskos sa kabilang bahagi ng kalsada. Talahiban kasi ro’n at hindi ko na makita kung may tao o kung anong nagtatago ro’n.
“Sino ’yan? May tao ba diyan?” tanong ko, naghihintay ng may sumagot.
Pero kaluskos lang ulit ang narinig ko. Hanggang sa may nakita akong tao sa ’di kalayuan. Agad akong tumakbo papalapit sa kanya. Muling kumulog kaya napatakip ako ng tainga at bahagyang napayuko.
Nang kumalma na ulit ang langit ay saka ako lumapit doon sa lalaki.
“Buti na lang at tao ka.” Huminga ako nang malalim. “Puwedeng magtanong?” tanong ko sa kanya.
Kumunot ang noo ng lalaki bago tumango. “Ano iyon?” sagot niya.
“Alam mo ba kung saan ang daan papunta sa Mansyon de Guevarra?” tanong ko.
Mas lalo siyang nagtaka sa itinanong ko. Pinagmasdan niya muna ako. “Bakit hinahanap mo ang mansyon ng mga Guevarra?Anong kailangan mo roon?” tanong niya.
I mentally rolled my eyes. Hindi ba puwedeng sabihin niya na lang? Dami pang tanong.
“Well kung hindi mo ho ako kilala, ako si Franzinne Eunice Guevarra at doon ako nakatira,” sagot ko.
Nanlaki ang mga mata niya. “Naku, pasensya na ho, Miss Franz. Hindi ko po kayo nakilala. Nawawala ho ba kayo?” tanong niya.
“Oo, e. P’wede mo ba akong samahan pabalik sa mansyon? Babayaran na lang kita pagdating doon.”
Agad naman siyang tumango. “Sige ho, Miss Franz. Tamang-tama may dala ho akong sasakyan. Tara na po,” sabi niya at sumunod naman ako patungo sa sasakyan niya.
Nakahinga ako nang maluwag nang dahil doon. Makauuwi na rin ako. Hindi ako magiging pulubi. Hindi ako tuluyang mawawala.
Medyo malayo ang naging biyahe namin kaya sobrang dilim na nang makarating kami sa mansiyon. Malayo pa lang ay natatanaw ko na ang napakaabalang mga tao sa mansyon. Parang lahat sila ay natataranta.
Anong nangyayari?
Pansin ko rin ang mga bodyguard at security guard sa paligid. Halos karamihan sa kanila ay may kaniya-kaniyang kausap sa telepono.
Wait…tauhan nila mom and dad ’yon, ha? Ibig sabihin nandito na sila? Dumating na ang parents ko ngayon?
Huminto ang sasakyan sa harap ng gate namin at agad akong bumaba. At tama nga ako, nandito na ang parents ko. Naabutan ko sila sa sala na parehong hindi mapakali.
“Mom! Dad!” sigaw ko at lahat ng tao sa loob ay lumingon sa akin.
Tinakbo ko ang distansiya namin at niyakap silang dalawa.
“Franz! Where have you been? Nag-alala kami sa ’yo ng daddy mo,” sabi ni mommy at niyakap ako pabalik.
“Franzinne, bakit ka ba kasi umaalis ng mag-isa? Alam mo bang halos tawagan ko lahat ng guards dito sa isla mahanap ka lang?” nag-aalalang tanong ni daddy.
Now I know kung bakit ang daming tao sa labas ng mansyon. Nalaman pala nila na nawawala ako.
“I’m sorry, mom and dad. Nawala kasi ako. Hindi ko alam kung anong lugar ang napuntahan ko kanina tapos wala pang tao roon,” sabi ko.
“Where’s Glenn?” tanong ni dad.
“Po?” takang tanong ko.
Bakit niya hinahanap si Glenn? Ano namang kailangan nila kay Glenn at hatinggabi na ay hinahanap pa rin nila?
“Sinabi ni Mang Caloy na nagpunta ka raw sa bahay ng mga Baltazar. It means siya ang huli mong kasama. Nasaan siya?” tanong ulit ni dad.
Oh, I almost forgot, iniwan ko nga pala sila ni Trisya. Hindi pa niya ako sinundan. Nakakainis pa rin siya! Paniguradong nandoon pa iyon sa bahay nila at sinasamahan si Tris—
“Nandito na ho ako.”
Naputol ang iniisip ko nang marinig ko si Glenn. Nilingon ko siya at mukhang nanggaling pa siya sa malayong lakaran. Hinihingal pa kasi siya at pinagpapawisan. Diretso ang tingin niya kay daddy. Ni hindi niya ako tinapunan ng tingin. At kasama niya pa si Trisya.
Oh-oh…kapag nalaman ni dad na ako ang may kasalanan kung bakit ako nawala, siguradong panibagong punishment na naman ang aabutin ko. Baka hindi na ako payagang lumabas ng mansyon nito.
“Bakit pinabayaan mo si Franz? Paano kung may nangyaring masama sa kanya?” malumanay pero mariin na tanong ni dad.
“Wala pong kasalanan si Glenn—
“Pasensya na ho, Sir Matthew,” pagputol ni Glenn sa sinasabi ni Trisya.
“Sir Matthew, si Miss Franz po ang kusang umalis kanina—
“Trisya,” may pambabanta sa boses ni Glenn kaya natahimik si Trisya.
Nagkatinginan kaming dalawa at tinaasan ko siya ng kilay. May balak talaga siyang isumbong ako, ah? Gusto niya talaga akong mapagalitan.
Nagpalipat-lipat ang tingin ni daddy sa kanilang dalawa bago siya bumuntong-hininga.
“Ayoko nang mangyari ulit ’to. Gusto kong ’laging ligtas ang anak ko habang nandito siya sa isla. Maaasahan ko ba iyon, Glenn?” tanong ni dad.
Napairap ako nang dahil doon. Bakit ba kasi kay Glenn niya ako binibilin? Wala bang ibang p’wedeng sumama sa akin dito? ’Yung tipong walang selosang kaibigan na aalalahanin?
“Maaasahan n’yo po Sir Matthew,” sagot ni Glenn.
Pagkatapos ng pag-uusap na iyon ay pinauwi na ni daddy ang mga taong tumulong sa paghahanap sa ’kin. Pinasalamatan sila ng parents ko dahil naabala pa sila sa paghahanap sa ’kin.
Umakyat na ako sa kwarto para makapagpalit nang sumunod sa akin si Trisya. Agad ko siyang hinarap pagpasok niya sa kuwarto ko. Namumutla pa rin siya at halatang may sakit pero ang tapang ng awra niya ngayon.
“Bakit ’di n’yo ho sinabi ang totoo?” tanong niya sa ’kin.
Nagtataka ko siyang tiningnan. “Anong totoo?” tanong ko rin sa kanya.
“Kayo ho ang kusang umalis kanina kaya kayo nawala. Bakit si Glenn ang sinisisi n’yo?” pigil inis na sabi niya.
“Wala akong sinisisi. Siya ang umako sa kasalanang iyon. Bakit ba sa ’kin ka nagagalit? Kung sinundan niya sana ako kanina e ‘di sana hindi ako nawala,” sagot ko.
“Kung naghintay lang ho sana kayo ro’n, hindi ka sana mawawala. Nagsabi si Glenn na babalikan ka niya pero umalis ka pa rin. Tapos ngayon, kay Glenn pa naibunton ang sisi.”
Pumikit ako sa inis at bumuntong-hininga. “Anong gusto mong gawin ko? Akuhin ko ang kasalanan? Fine! Lalabas ako ro’n ngayon at aaminin ko kay daddy ang lahat. Masaya ka na?”
Napalingon kami sa may pintuan nang may kumatok. Agad na binuksan iyon ni Trisya at bumungad si mommy.
“May narinig akong sigawan mula rito. Nag-aaway ba kayong dalawa?” tanong ni mommy habang palipat-lipat ang tingin sa amin ni Trisya.
Tumingin ako kay Trisya na mas lalong namutla ngayon. Natatakot siguro siya na baka sabihin ko kay mommy ang ginawa niyang pagsigaw sa ’kin. Paniguradong hindi ’yun palalampasin ng parents ko.
Umiling ako. “Hindi po, Mommy. Nag-uusap lang kami. Ano po palang ginagawa n’yo rito?”
Matamang tiningnan ni mommy si Trisya bago nagkibit-balikat. “I just want to talk to you. Puwede ka nang umuwi Trisya. Thank you,”
Agad na lumabas mula sa silid si Trisya at sinarado ni mommy ang pinto. Naupo ako sa kama at tumabi naman sa ’kin si mommy.
“What is it mommy? Mukhang importante po yata ang sasabihin n’yo,” sabi ko.
“May gaganaping party rito sa mansyon bukas. Bukod sa i-ce-celebrate ang magandang feedback ng mga customer sa resort natin, ipakikilala ka na rin namin sa lahat. Matagal-tagal ka na rin nilang hindi nakikita,” sabi ni mommy.
Kumurap ako at napakunot ang noo. “Ipakikilala po? Kailangan pa po ba talaga ’yun? Makikilala rin naman nila ako kapag nagtrabaho na ako sa resort.”
“Of course, kailangan ’yon. Kailangang gawing pormal ang lahat para makuha mo ang respeto nila. That’s why, you should get ready for tomorrow.”
I sighed and nodded. “Yes, Mommy. Ihahanda ko po ang sarili ko.”
She smiled. “That’s great. Oh and by the way, Brandon and his family will be here tomorrow. Alam kong ma-e-excite ka sa sinabi ko. Pero matulog ka, okay? Have some beauty rest.”
“Noted, Mommy. Good night.”
“Good night, sweetheart,” she replied before kissing my forehead and leaving me alone.
There is something on her voice that I can’t determine. Hindi ako na-excite sa sinabi ni mommy, kinabahan ako. Iyon ang totoo. Parang may mangyayari bukas na hindi ko alam. Kung ano man iyon, sana magustuhan ko.
Come to think of it. Bakit kailangang magpunta rito ng parents ni Brandon? Ni hindi naman sila kasosyo nila dad sa negosyo kaya anong kinalaman nila sa party bukas?
Ipinilig ko ang ulo at pinilit na alisin sa isip ang mga senaryong nabubuo ko. Hindi. Hindi pa mangyayari ’yun. Sana hindi.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top