Chapter 40

CHAPTER 40
Eternal


Magkahawak-kamay kami ni Glenn habang naglalakad papasok sa mall. Balak naming mag-date ngayon. Ito ang bagay na hindi namin nagawa noong nasa isla pa lang kami. Pareho kasi kaming abala sa trabaho at nagkakasama lang kami kapag free time namin.

“Where do you want to go first?” he asked.

Nag-isip ako saglit. “Let’s watch a movie. May gusto akong panoorin na palabas. Nakita ko lang sa commercial noong nakaraan,” sagot ko.

“Okay, then let’s watch a movie.”

Umakyat kami sa ikatlong palapag ng mall kung nasaan ang sinehan. May dalawang bodyguards na nakasunod sa amin dahil iyon ang gusto ni Glenn. Sobrang protective niya na sa akin ngayon lalo pa at dalawang buwan na akong buntis.

“Maraming tao ro’n, Franz.  Ako na lang ang bibili ng ticket. Dito ka lang,” bilin sa akin ni Glenn.

Marami ngang tao sa labas ng sinehan at hindi makabubuti kung makikipagsiksikan ako sa pila kaya pumayag akong magpaiwan kasama ang dalawang bodyguards.

Agaw pansin naman ako dahil nga sa dalawang bantay na kasama ko. May ibang nakakakilala sa ‘kin pero hindi na lumapit.

‘Ano ba ’yan, manonood lang ng sine may bodyguards pa’

‘Oo nga akala mo naman VIP siya dito’

‘Uy ‘di ba ‘yan iyong girlfriend no’ng hot na architect?’

‘Balita ko pangit ang ugali niyan, e’

Wala pa ‘yan sa kalahati ng mga narinig ko. Hindi ko alam kung bakit galit sila sa akin. Mga tao nga naman, ang hilig mangealam sa buhay ng iba. Pake ba nila kung may bodyguards ako? Sila ba ang nagpapasuweldo?

Nakahinga ako nang maluwag nang dumating na si Glenn dala ang ticket at may pagkain pang bitbit.

“Mahaba ang pila ah, ang bilis mo naman?” nagtatakang tanong ko.

Hindi pa kasi umuusad ang pila tapos nakabalik na agad si Glenn.

“I used my charm Franz, ayaw kitang paghintayin nang matagal,” sabi niya kaya napailing na lang ako.

Kinuha ko sa kanya ang popcorn and juice. His hands found its way to my waist. Nakita ko naman kung paano nanlaki ang mga mata ng mga nakatingin sa amin. May ibang umirap pa. Nginitian ko lang sila, iyong ngiting mapang-asar.

Pumasok na kami sa sinehan at naupo sa bandang itaas. Mas maganda kasi doon hindi masakit sa leeg manood.

It is a romance movie. Mabuti nga at napapayag ko si Glenn na manood nito. Ang alam ko hindi naman siya mahilig sa mga ganitong palabas.

Sa umpisa ay nagmamakaawa ang babae na balikan siya ng lalaki pero sumama ito sa kanyang bagong babae. Hindi alam ng lalaki na buntis si girl at siya ang ama. Umalis si boy at nagpunta sa states. Naiwan si girl at napuno ng galit sa puso. Wala siyang kaalam-alam na kaya umalis si boy ay dahil may sakit ito.

Inalis ko ang paningin ko sa screen at nilingon si Glenn. Kanina pa kasi siya tahimik at nilalaro lang ang buhok ko. Naabutan ko siyang nakatitig sa akin.

“Glenn, nandoon sa screen ang movie, wala sa mukha ko,” biro ko.

Natawa siya at ipinagpatuloy ang paninitig sa ‘kin. Lagi siyang ganiyan. Madalas ko siyang mahuli na nakatitig sa akin na para bang ako ang pinakamagandang babae sa mundo.

Habang tumatagal sa loob ng sinehan ay mas lalong lumalamig. Sleeveless kasi ang suot kong dress kaya naman ramdam ko talaga ang lamig.

“Nilalamig ka? Here,” sabi ni Glenn at hinubad ang suot niyang jacket bago ipinatong sa balikat ko. Hindi pa siya nakontento at itinaas niya ang armrest ng upuan at hinapit ako papalapit sa kanya para yakapin ako. Sumandal naman ako sa dibdib niya.

Buong panonood ko ay umiiyak ako. Nakakadala kasi ’yung palabas. Namatay ’yung boy nang ‘di man lang nalaman ni girl ang tungkol sa sakit niya. Dapat kasi sinabi niya na lang. Mas masakit kaya iyong biglang mawala ang taong mahal mo nang hindi mo alam ang dahilan.

I know, ginawa ko rin iyon kay Glenn noon. At alam kong sobra rin siyang nasaktan.

“Hey, stop crying na. Tapos na ‘yong movie,” sabi ni Glenn pagkalabas namin ng sinehan.

Umiiyak pa rin ako kasi hindi ako maka-move on. Pinagtitinginan na nga ako ng mga tao rito. Pakealam ba nila? Sobrang sakit ng palabas, e!

“Kasi naman, namatay ’yung boy doon sa movie.. Hindi sila happy ending. Kung alam ko lang na gano’n ang ending no’n, hindi ko na sana pinanood,” sagot ko.

Niyakap ako ni Glenn at hinalikan sa noo. “Don’t worry, hindi naman mangyayari ’yon sa atin. Gagawin ko ang lahat para hindi tayo magkahiwalay,” pang-aalo niya.

He never failed to make me happy. That’s why I love him, so much.

Naglakad-lakad kami sa loob ng mall habang nagtitingin ng mga gamit. Napadaan kami sa isang baby garments store. Hindi ko alam kung bakit parang gusto kong pumasok doon. Hindi ko pa naman alam ang gender ng baby namin.

“Glenn, puwede ba tayong pumasok doon?” tanong ko sa kanya.

He nodded. “Sure.”

Pagpasok pa lang ay namamangha na ako sa iba’t-ibang gamit na para sa baby. Nilapitan ko iyong mga damit at na-cute-an ako dahil ang liliit ng mga iyon.

Gaano kaya kalaki ang baby ko pagkalabas niya?

“Glenn, anong gender ang gusto mong maging panganay natin?” tanong ko.

Tinignan din ni Glenn iyong mga damit.

“Hmm…I want a boy. Para siya ang poprotekta sa mga kapatid niyang babae. Pero ayos lang din naman kung babae. Kahit anong gender Franz, basta tayo ang bumuo ayos na sa akin,” pilyong sagot ni Glenn kaya hinampas ko siya sa braso.

Pagkatapos naming magtingin-tingin doon ay umalis din kami. Masiyado pang maaga para mamili ng mga gamit ni baby.

“Mauna ka na sa resto Glenn, magbabanyo lang ako,” paalam ko.

“Sige, bilisan mo. Take care,” he said.

Sinabihan ko na rin ang bodyguards na huwag nang sumama sa akin dahil malapit lang naman ang CR. Ang OA naman kung susunod pa sila doon.

Pagkapasok ko sa banyo ay dumiretso ako sa dulong cubicle. Narinig kong may pumasok sa loob ng banyo at mukhang may pinag-uusapan.

“Hindi ka maniniwala sa nakita ko, si Architect Glenn nasa loob ng baby garments store kanina,kasama yata ’yung rumored girlfriend niya.”

“Really? Baka magwala niyan ang mga shippers ni Architect Glenn and Althea kapag nalaman nilang magkaka-baby na sila ng girlfriend niya.”

“Sinabi mo pa, baka nga sugurin pa ng mga warfreak fans iyong babae.”

Lumabas na ako ng cubicle at naabutan ko ‘yong dalawang babaeng walang ibang ginawa kundi pagchismisan ang buhay namin. Lumapit ako sa sink at naghugas ng kamay pero ang paningin ko ay nasa dalawang babaeng nasa tabi ko.

“Oh, the rumored girlfriend is here,” sabi mg isang babae.

Tumaas ang isang kilay ko. “Correction.It is not rumored ’cause it’s true. I am the girlfriend—oopss…let me rephrase that, I am his fiancee,” I said calmly but deep inside I really want to slap these two bitches.

“Masiyado ka namang mayabang. Hindi nakakaganda ‘yan,” sagot naman ng isa.

I laughed sarcastically. “Why? Nakagaganda ba ‘yang pangengealam n’yo sa buhay ng iba? I guess…no. Hanggang ngayon ang pangit n’yo pa rin, e,” pang-iinsulto ko.

Bigla na lang niya akong sinampal at hindi ako agad nakabawi.

“How dare you to insult me?!” inis niyang sigaw matapos akong sampalin.

“No! It’s how dare you to slap me? Baka gusto mong makatikim ng mag-asawang sampal?” sigaw ko.

“Totoo nga. Ang pangit ng ugali mo! Sana mamatay na rin yang baby sa tiyan mo!”

Nagpantig ang tainga ko sa narinig. Biglang kumulo ang dugo ko.

“Wala kang karapatan na sabihin ’yan! Gusto mo talaga ng gulo, ah,” sigaw ko at agad siyang sinugod.

Hinablot ko ang buhok niya at inginudngod ang mukha niya sa sink.

“’Yan ang bagay sa ‘yo. You insecure bitch! Dapat ipinanglilinis sa lababo ang mukha mong magaspang!” sabi ko.

Nabitawan ko lang siya nang hilahin din ako ng isang kasama niya. Dalawa sila, isa lang ako.

“Matapang kayo kasi dalawa kayo. Pero hindi ibig sabihin no’n matatakot na ’ko sa inyo!”

Akala ko ay susugod pa sila ulit pero lumabas na sila ng CR. Huminga ako nang malalim at nagpakalma bago ako lumabas.

Pupunta na sana ako sa resto kung nasaan nandoon si Glenn pero nasalubong ko na siya.

“Ang tagal mo naman. Akala ko may nangyari ng masama sa ’yo,” nag-aalalang bungad niya sa akin.

Ngumiti ako. Hindi magandang sabihin sa kanya ang nangyari dahil masisira ang mood niya.

“Sorry. Medyo marami kasing tao kaya natagalan ako,” pagsisinungaling ko. “Halika na.”

“Franz, bakit parang hindi pantay ang pula ng pisngi mo?” tanong niya.

Shit! Napansin niya pa ‘yon? Medyo malakas nga ang sampal ng pesteng babaeng ‘yon. Hindi ko na napansin kanina sa CR ang itsura ko.

“Ah, hindi ko yata napantay ang blush on kanina nang mag-retouch ako,” kalmadong sagot ko.

Mukhang naniwala naman siya. “Okay, let’s go,” sabi niya at hinawakan ako sa braso

I flinched. Napansin iyon ni Glenn kaya bumaba ang tingin niya sa braso ko. Maging ako ay nagulat ng makitang may kalmot pala ako doon.

Nakuha ko yata ito nang hinila ako no’ng babae at nakalmot niya ako.

“Where did you get this?” Glenn asked seriously.

Napayuko na lang ako. I don’t know if I should tell him the truth. Pero sa sitwasiyon ko parang wala ng pagkakataon pang magsinungaling.

“Franz, where did you get this?” he asked again, more intense than the first.

“I g-got into fight,” nauutal kong sagot.

Narinig ko siyang bumuntonghininga. Inangat niya ang mukha ko at sinalubong ang aking tingin.

“Sinong nakaaway mo?” tanong niya.

“Hindi ko sila kilala. Pero mukhang fans sila ni Althea. Shipper n’yo,” paliwanag ko.

Mas lalong napakunot ang noo niya. “Fans? So, hindi lang isa ang nakaaway mo?”

“Dalawa lang sila—

“I don’t care kung ilan sila. Paano kung napahamak ka? Paano kung naitulak ka nila tapos may mangyaring masama kay baby?”

Napayuko ulit ako. Yes it’s my fault. I’m so careless.

“I’m sorry. Hindi ko lang nagustuhan ang sinabi nila sa baby natin,” sabi ko.

“I will make sure na magbabayad ang may gawa sa ‘yo niyan. They can’t run away after their mess,” seryosong sabi niya.

Hindi na kami tumuloy sa resto. Nag-take out na lang kami ng pagkain. Nasa loob ako ng kotse habang si Glenn ay may kausap sa phone niya sa labas.

Seryosong-seryoso ang mukha niya. Nakakunot pa ang noo. Pero kahit gano’n, ang gwapo niya pa rin. He is illegally handsome.

Sumandal ako sa backrest ng upuan at nagkunwaring tulog nang makita kong tapos na siyang makipag-usap. Hanggang sa makatulugan ko na nga ang pagpapanggap.

Naalimpungatan ako nang maramdaman kong parang lumulutang ako. Dumilat ako at saktong inilapag ako ni Glenn sa kama.

“I enjoyed our date. Thank you,” I whispered.

It’s true. I really enjoyed it. Kahit na hindi maganda ang pagtatapos ng date namin.

“Anything for my señorita,” he said and slowly leaned in.

I felt his soft lips pressed into mine. It was just a brief sweet kiss. After that we both went to sleep.

The silence of the night embraced us. Our hearts are connected, our love is eternal.

...
Author’s Note:
The next chapter will be the Epilogue. Brace yourselves for Glenn’s POV. Thank you for reading!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top