Chapter 38

CHAPTER 38
Positive




“Miss Franz, napapadalas po yata ang pagkahilo at pagduwal ninyo. Buntis po ba kayo?”

Pinunasan ko ang bibig ko bago nilingon si Fely. Buntis? Bakit ba hindi ko iyon naisip? Hindi pa ako dinadatnan.

Ilang linggo na rin mula nang may mangyari sa amin ni Glenn. Hindi ko maalalang gumamit siya ng proteksyon kaya posible ngang buntis ako.

Agad akong nagtungo sa banyo sa kuwarto namin ni Glenn. Naalala kong may nakatagong pregnancy test doon sa first aid kit. Binasa ko ang instruction kung paano ito gamitin.

Ilang minuto ang lumipas at hindi na ako mapakali sa puwesto ko. Palakad-lakad ako at matindi ang kaba. Hindi ko pa tinitingnan ang resulta dahil natatakot ako. Natatakot akong mabigo. Pero wala namang mangyayari kung hindi ko titingnan ’di ba?

Lumapit ako sa maliit na bagay na iyon na nakapatong sa lababo.

Two-red lines. Ang sabi sa instruction. Two means…positive.

Buntis ako? Buntis ako! Magkaka-baby na kami ni Glenn.

Tears of joy started to flow from my eyes. Napahawak ako sa tiyan ko kahit na wala pa itong umbok. May buhay na naninirahan sa sinapupunan ko. Buhay na binuo namin ni Glenn.

‘Baby…I promise that I will take care of you. Ngayon pa lang…mahal na mahal ka na ni mommy…’

Wala rito si Glenn at gusto ko sana siyang sorpresahin. Kaya naisipan kong puntahan na lang siya sa opisina niya.

Nagluto ako ng tanghalian para kay Glenn bago ako nagtungo sa trabaho niya.

Walang pagsidlan ang kasiyahan ko. Na-e-excite na akong ibalita sa kanya iyon. Paniguradong matutuwa rin siya kapag nalaman niyang buntis ako. Pagdating sa trabaho niya ay agad akong sumakay sa elevator at nagtungo sa opisina ni Glenn.

“Hi, where’s Glenn?” tanong ko sa secretary niya.

“Good morning, Miss Franz. May lunch meeting po si Architect Glenn with Miss Althea,” sagot nito sa akin.

Napawi ang ngiti ko nang dahil doon. Wala namang nabanggit sa akin si Glenn na magkikita sila ni Althea.  Ang akala ko tapos na ang designs ng bahay ng babaeng ‘yon? Bakit nagkikita pa rin sila?

Bumuntonghininga ako at tumingin sa pagkaing hawak.

“Ahm, sa ’yo na lang itong lunch na niluto ko,” sabi ko sa sekretarya ni Glenn. “Don’t worry, masarap ’yan.”

Alanganin man ay tinanggap pa rin niya ang pagkain. Dapat lang, masama raw tumanggi sa grasya.

Pumasok ako sa opisina ni Glenn, doon ko siya balak hintayin. Baka mayamaya ay bumalik na siya.

Ilang minuto na ang lumipas pero wala pa rin siya. Ilang beses na ring pumasok dito ang secretary niya para alukin ako ng juice pero tinanggihan ko.

Nang mabagot ako sa kahihintay ay nag-login na lang muna ako sa mga social media account ko.

Napakunot ang noo ko nang makita ang isang litrato na i-p-in-ost ng isang showbiz site.

Architect Glenn and Actress Althea caught having a lunch date.  Are they really dating? Si Architect nga ba ang tinutukoy ni Althea sa recent posts niya? Well, based on the photos, they look like a couple…”

Muntik ko ng ibato ang phone ko. Trending sa social media ang picture nilang dalawa. Iyong una ay papasok sila sa isang restaurant, ang pangalawa naman ay nag uusap sila habang kumakain. Parang enjoy na enjoy nga sila sa pag-uusap nila, e! At iyong huli ay parang may binubulong si Althea kay Glenn.

Pakiramdam ko ay kumukulo ang aking dugo ngayon. Para akong sasabog sa galit. Kaya naman pala hindi pa siya nakakabalik! Abala siya sa pakikipag-date!

“I enjoyed it. Thank you so much.”

Napaangat ako ng tingin nang biglang bumukas ang pinto ng opisina ni Glenn. Nagtatawanan sila habang papasok at mukhang nagulat sila pareho sa presensya ko.

“Franz, what are you doing here?” Glenn asked. Nakakunot ang kanyang noo.

Nag-init ang sulok ng aking mga mata pero kinalma ko ang sarili ko. Hindi dapat ako umiyak.

Tumayo ako at kinuha ang aking bag.

“Paalis na rin naman ako. Baka nakakaistorbo pa ako sa inyo. Tabi!” sabi ko at lalabas na sana ng opisina pero nakakailang hakbang pa lang ako ay hinigit na ni Glenn ang braso ko.

“Oh, I think I should go,” sabi ni Althea kaya inirapan ko siya.

Ginamit ko ang pagkakataon ba iyon para tuluyang makalabas ng opisina. Mabilis akong nahabol ni Glenn.

“Franz, halika sa loob. Kanina ka pa ba?” kaswal niyang tanong at sinubukan akong igiya pabalik sa loob pero hindi ako gumalaw.

Nanatili ring nakaiwas ang paningin ko.

“Uuwi na ako Glenn. Bitawan mo ’ko,” sabi ko at sinubukang alisin ang pagkakahawak niya sa akin pero hindi rin nagtagumpay.

Hinawakan niya ang magkabilang-balikat ko at mataman akong tinitigan.

“Galit ka ba?” tanong niya.

Gusto kong matawa sa tanong niya. Pero pinanatili ko ang seryoso kong mukha. Hindi ako natutuwa kung gaano sila ka-close ni Althea. Hindi ako natutuwa na palagi silang nagkikita.

“May dapat ba akong ikagalit? Nagpunta lang naman ako rito para dalhan ka ng lunch at sorpresahin ka. ’Yun lang naman. So, wala akong dapat na ikagalit,” sarkastikong sagot ko.

He sighed. “You didn’t text or call me…”

“Tanga ka ba? Surpresa nga ’di ba? E ’di malamang hindi ako magsasabi. Pero ako ang nasorpresa. Dating na pala ang status n’yo ng babaeng ’yon. Kumusta ang date n’yo? Nag-enjoy raw siya, ikaw ba? Sobrang nag-enjoy ka ba?”

Nakita ko ang pagkagulat niya sa biglaang pagsabog ng galit ko.

“Sa loob tayo mag-usap—

Umiling ako. “No! Uuwi na ako!”

“Franz, mag-uusap tayo sa loob or else…bubuhatin kita papasok,” pagbabanta niya.

“Ayoko nga! Bakit ba ang kulit mo? Wala na tayong dapat pag-usapan!” Itinulak ko siya at naglakad na ako palayo pero nasundan na naman niya ako.

“Franz, don’t be like this.”

Galit ko siyang binalingan ng tingin. “Don’t be like what? Ikaw na nga itong laging lumalabas kasama ang babaeng ’yun kahit wala naman na kayong project tapos ako pa ang mali? How could you do this to me, Glenn!” I shouted.

“Franz, wala akong relasyon kay Althea. Trust me, okay. Hindi kita lolokohin. I’m sorry if I made you wait.  Huwag ka nang magalit,” panunuyo niya at hinaplos pa ang aking pisngi.

I looked away from him. Masama pa rin ang loob ko at wala na ako sa mood para ituloy ang surprise ko sa kanya.

“I want to go home. Nasayang lang ang pagpunta ko dito,” sabi ko.

“Franz…”

Unti-unti kong tinanggal ang kamay niya sa braso ko. At nang tuluyang magawa ay tumalikod na ako at naglakad palayo.

Maybe this is not the right time to tell him about the good news.

Pagkauwi sa bahay ay nagkulong agad ako sa kuwarto. Ang akala ko ay nakasunod sa akin si Glenn pero ilang minuto na ang lumipas ay hindi pa rin siya umuuwi.

Mas lalo tuloy sumama ang loob ko. Ni hindi niya man lang ako sinundan para manuyo. Samantalang kapag siya ang galit, halos lumuhod na ako para lang suyuin siya.

Magsama sila ng Althea na ’yon! Kainis!

Nang mabagot sa kahihintay ay binuksan ko na lang ang telebisyon para manood ng palabas. Nasa news channel ang telebisyon at ililipat ko na sana nang biglang may nag-flash na pictures.

‘NEWSFLASH: Architect Glenn Arthur Baltazar, involved in a car accident…’

Naibagsak ko ang remote na hawak ko dahil sa balita. Si Glenn…naaksidente. Nanginig ang kamay ko habang nakikita ang litrato ng kotse niya na wasak na wasak.

Oh God, no!

Mabilis akong bumaban at muli akong sumakay sa kotse. Nagtungo ko sa hospital na binanggit ng reporter kahit na sobra na akong kinakabahan.

“Nurse, nasaan ang kuwarto ni Glenn Baltazar? Iyong naaksidente?” tanong ko doon sa nurse na nasa front desk.

“Kaano-ano n’yo po ang pasyente?”

“I’m his girlfriend!” I shouted.

“Nasa E.R. po siya. Diretsuhin—

Hindi ko na siya pinatapos at agad na nagtungo sa E.R. Nakasarado iyon at hindi naman ako puwedeng pumasok sa loob kaya sa labas na lang ako naghintay.

Glenn, don’t leave me please. Huwag mo kaming iwan ng anak mo…Hindi ko kaya…’

Hindi ko na mapigilang umiyak. Pakiramdam ko kasalanan ko kahit hindi naman ako ang bumangga sa kanya. Hindi pa kami nagkakaayos noong umalis ako sa opisina niya tapos ganito ang mangyayari.

Sana pala, hindi na ako umalis agad. Sana pinatawad ko na lang siya. Baka nagmamadali siyang umuwi kaya siya naaksidente.

‘Lord…kinuha niyo na po ang mga magulang ko,huwag niyo naman po sanang kunin si Glenn…mahal na mahal ko po siya…’

“Miss, I suggest na doon na lang po kayo sa waiting area maghintay,” sabi ng isang nurse.

Hindi na ako nagreklamo at nagpunta ako doon sa waiting area. Umupo ako at yumuko.

Dumaan ang isang oras pero hindi pa rin ako tinatawag ng doktor kaya tumayo na ako at nagtungo sa isang nurse.

“Nasaan na ang boyfriend ko? Bakit hindi pa rin lumalabas ang doktor? Malala ba ang lagay niya?” naiiyak kong tanong.

“Miss, sasamahan na kita. Ang akala ko po kasi ay umuwi ka na. Kinokontak na namin ang ibang kamag-anak ng pasyente,” sabi niya at iginiya ako sa kung saan.

Nagtataka man ay sumunod na lang din ako. Doble-doble ang kabang nararamdaman ko ngayon. Lalo na nang huminto kami sa tapat ng isang pinto. Halos gumuho ang mundo ko nang makita ang sign ng silid na iyon.

Morgue.

Umiling ako. “No! Wala diyan si Glenn! Wala siya diyan! Hindi pa naman siya patay, ’di ba?” tanong ko sa nurse.

Nanlaki ang mga mata niya at mukhang nataranta.

“Si Architect Glenn po ba ang boyfriend mo?” tanong niya.

“Hindi ba obvious?!” naiinis na tanong ko sa kanya pabalik.

“I’m sorry, Miss. Nagkamali po ako. Dadalhin na po kita sa kuwarto ni Architect Glenn,” sabi niya at muli akong iginiya sa kung saang silid.

Pinigilan ko ang sarili ko na sampalin siya kaliwa’t kanan. Nakakainis! Pinakaba niya ako nang sobra!

Pumasok ako sa isang kuwarto at nagtaka kung bakit madilim. Napaigtad ako nang biglang sumarado ang pinto.

Bigla ulit akong kinabahan. Naalala ko tuloy iyong mga napapanood ko sa horror movies. ’Yung biglang may hahatak sa ’kin at papatayin ako.

Kinakabahan man ay kinapa ko pa rin ang switch ng ilaw at nagulat nang makitang puno ng iba’t ibang dekorasyon ang kuwarto.

Anong nangyayari? Baka maling kuwarto na naman ang pinagdalhan sa akin ng nurse!

Lalabas na sana ako ulit pero lumabas si Glenn mula sa isa pang pinto. May dala siyang isang bungkos ng bulaklak. May benda ang kanang braso pero ang ngiti ay abot tenga.

Lumapit siya sa akin at hindi naman ako makagalaw. Nag-uunahan na namang tumulo ang mga luha ko.

Nag-umpisa siyang kumanta habang hindi pinuputol ang tinginan naming dalawa.

Maganda ang boses ni Glenn. Masarap sa pandinig at hindi nakakasawang pakinggan. Nasa kanya na talaga ang lahat. Para bang siya lang ang paboritong anak ng may likha.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko siya.

“Akala ko nawala ka na sa ’kin. Hindi ko kakayanin ’yun, Glenn. I’m sorry. Hindi na dapat ako umalis sa office mo. Hindi dapat ako naging immature at iniwan ka na lang bigla. Hindi sana mangyayari ’to—

“Sshh, it’s okay. Hindi ako mawawala sa ’yo. Balak din kitang sorpresahin kaya lang may nangyaring aksidente. Kaya naisipan kong ituloy na lang dito ang sorpresa ko sa ’yo,” paliwanag niya.

Humiwalay ako sa yakap at tiningnan siya. Inabot niya sa akin ang bulaklak na tinanggap ko naman. May dinukot siya sa kanyang bulsa.

He took out a red velvet box and my eyed went wide. Is he going to propose to me?

Lumuhod si Glenn at hinawakan ang kamay ko.

“Franz, mula noong unang beses kitang nakilala sa Isla Real, nakuha mo na agad ang puso ko. Ikaw lang ang nag-iisang senyorita na nais kong makasama habang buhay. Mahal na mahal kita, Franz at ayaw ko nang mawala ka pa sa ’kin. Gusto kong tumanda kasama ka, kasama ang magiging anak natin. This is my question for you…” Binuksan niya ang box at nakita ko ang isang napakagandang singsing. “Will you marry me?”

Natutop ko ang bibig bago tumango. “Yes, Glenn. I’ll marry you,” I told him.

He slid the ring on my finger and immediately hugged me tight.

“I love you so much, Franz. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon. Pangako, palagi kitang pasasayahin. Hindi kita sasaktan,” bulong niya.

“Mahal na mahal din kita, Glenn.”

Sabay kaming napalingon sa may pintuan nang may marinig kaming pumapalakpak. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino iyon. Humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ni Glenn.

Oh, no. Sa tingin ko hindi maganda ang kalalabasan nito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top