Chapter 37
CHAPTER 37
Crave
Sa mga nakalipas na linggo, mas naging abala si Glenn sa trabaho. Gano’n siya kapursigido sa ginagawa niya. Lagi ko naman siyang pinapaalalahanan na huwag magpapalipas ng gutom.
Mayamaya ay biglang tumunog ang telepono. Si Fely ang lumapit dito para sagutin ito. Sino naman kaya ang tumatawag?
“Miss Franz, gusto ka raw pong makausap,” sabi ni Fely.
Tumayo ako at kinuha ang telepono sa kanya.
“Hello, Franzinne Guevarra speaking. Who is this?” I said and there was a moment of silence. “Hello?”
“Franzinne,”
Kumunot ang noo ko. “Yes? Who’s this?”
“Hindi na importante iyon. Magpunta ka sa address na ibibigay ko sa ’yo.”
I scoffed. “At bakit naman ako pupunta doon? Killer ka ‘no? At balak mo akong patayin? O kaya balak mo akong kidnap-in, I’m sorry pero hindi ako naniniwala.”
“Hindi ako killer. Baka nga pasalamatan mo pa ako pagkatapos nito,” sabi nito kasunod ng pagtawa.
“Sa tingin mo susundin kita?”
“Oo naman. Lalo pa kung sasabihin kong si Glenn ang aabutan mo doon. ‘Yon nga lang may kasama…”
Napatayo ako nang tuwid sa sinabi niya. Kilala niya rin si Glenn? Sino ba talaga siya?
“Sino? Sinong kasama niya sa hotel?” tanong ko.
“It’s for you to find out. 8th floor, Room 365,”
“Hey wait—”
Inis kong binagsak ang telepono dahil pinatayan niya ako ng tawag. Sino ba iyon? At sino naman ang kasama ni Glenn sa hotel? Bakit kailangang makita ko iyon? Mahalaga ba talaga?
“Miss Franz, ano pong sabi?” tanong ni Fely.
Hindi ko siya magawang sagutin dahil maraming tanong sa isipan ko. Pupuntahan ko ba si Glenn?Magtitiwala ba ako sa lalaking tumawag dito? Ni hindi nga siya nagpakilala sa akin.
In the end, curiosity won. I grabbed my purse and immediately went to my car and drove to the address that the caller sent to me.
Sa Makati naka-locate ang hotel na nasa address. Wala namang nabanggit si Glenn sa akin na may kliyente siya sa ro’n. Baka may ka-meeting?
Grabe ang kaba sa dibdib ko nang pumasok ako sa hotel. Dumiretso ako sa elevator at nagtungo sa 8th floor.
Room 365 ang hahanapin ko.
Maglalakad na sana ako sa hallway nang matanaw ko si Glenn. Agad akong tumalikod at nagkunwaring may kausap sa phone.
‘Please, sana ‘di niya ako makilala…’
At natupad ang hiling ko. Nilagpasan niya lang ako at pumasok sa isang kwarto.
Room 365. Iyan ang nakalagay na sign doon. Tama nga iyong sinabi ng tumawag sa akin. Ibig sabihin, hindi siya nagsisinungaling.
Lalapit na sana ako nang may marinig ulit akong paparating. Kumunot ang noo ko nang mapagtanto kung sino iyon.
What the fuck? Anong ginagawa ni Althea rito? Don’t tell me…
Pumasok din siya sa kwarto kung saan pumasok si Glenn. Kahit anong pilit ko na huwag mag-overthink pero isa-isang pumasok sa isip ko ang mga senaryo.
Tears immediately formed in my eyes. What are they doing in one room? Don’t tell me it’s all about business? Sa kuwarto talaga? Silang dalawa lang ba ang nandoon?
Shit! Hindi ko alam ang gagawin ko sa oras na malaman kong niloloko ako ni Glenn!
Tumalikod na ako at sumakay ulit sa elevator. Nanatili akong nakayuko.
“Is that Franz?” Napalingon ako sa sumigaw at nagulat ng may kumpol ng media na lumapit sa ‘kin.
“Nanggaling ka ba sa itaas? Have you seen Architect Glenn and Althea together?”
“What are you doing here, Franz?”
“Is it true that you and Glenn are in a relationship?”
“Are you spying on them?”
Sa dinami-rami ng tanong nila wala akong ni isang sinagot. I hate reporters! They are invading my privacy. At bakit ba nila ako dinudumog? Bakit sa akin sila nagtatanong ng tungkol kila Glenn at Althea?
Mas lalo ko lang nakukumpirma ang lahat.
“Hey, huwag ninyong dumugin si Franz.” Napatingin ako kay Brandon na bagong dating.
Nakahinga ako nang maluwag. Thank God he came!
Itinaboy niya ang mga reporters at agad akong hinila palabas ng hotel.
“What are you doing here, Franz?” tanong ni Brandon habang naglalakad kami papunta sa kotse ko.
I shrugged. “Ahm, may binisita lang akong kaibigan,” sabi ko.
Tumingin siya sa ‘kin na parang hindi siya naniniwala. “Are you spying on Glenn?” tanong niya kaya umirap ako.
“Why would I? May tiwala ako sa kanya. Hindi niya magagawa ang mga bagay na sinasabi ng mga reporter na ’yon,” sagot ko.
Hindi ko alam kung si Brandon ba ang pinapaniwala ko o pati ang sarili ko. Naguguluhan ako sa lahat ng nangyayari. Gusto kong alamin kay Glenn ang totoo. Iyon ay kung aamin ba siya.
“Okay, if you said so. Ingat ka pauwi,” sabi niya at nginitian ko siya.
Binuksan ko ang kotse at hindi ko alam kung bakit parang biglang dumoble ang paningin ko. Napahawak ako sa gilid ng kotse bilang suporta.
“Franz, are you okay?” nag-aalalang tanong ni Brandon.
I tried to open my eyes. “I feel dizzy.”
“Do you want me to take you home?” rinig kong tanong niya.
Ayaw ko man ay pumayag na rin ako dahil baka maaksidente pa ako sa daan. Mas mabuti nang siya ang maghatid sa akin.
“Masama pala ang pakiramdam mo bakit dinalaw mo pa ang friend mo?” tanong ni Brandon habang nagmamaneho.
“Okay naman ako kanina. Bigla-bigla lang akong nahihilo,” matamlay kong sagot.
Nitong mga nakaraang araw ay madalas akong mahilo. Hindi ko alam kung kulang ba ako sa dugo o sadyang stress lang talaga ako?
“Baka kailangan mo ng magpa-check up,” suhestiyon ni Brandon kaya umiling ako.
“No need, ipapahinga ko lang ’to,” sagot ko.
Pagdating sa bahay ay medyo maayos naman na ang pakiramdam ko. Nginitian ko si Brandon.
“Thank you sa paghatid,” sabi ko pagbaba ko ng kotse. Bumaba na rin siya dahil uuwi na rin. Nakasunod sa ’min ang driver niya dala ang kanyang kotse.
“You’re always welcome. Get well,” sabi nito bago sumakay sa kotse niya.
Pumasok na ako sa loob ng bahay at nagtaka pa kung bakit bukas ang main door. Hindi naman kasi binubuksan ito ni Fely lalo na kung wala kami ni Glenn.
“Totoo nga ang nakarating na balita sa ’kin. Nagli-live-in na kayo ni Glenn.”
Napahinto ako sa paglalakad nang bumungad sa harapan ko ang nanay ni Glenn. Matagal ko na siyang hindi nakikita. Sa sobrang tagal ay muntikan ko nang hindi siya makilala. Noong araw na dapat ikakasal kami ni Glenn ay wala siya.
“Tita, good evening po,” sabi ko at makikipagbeso sana sa kanya pero umiwas siya.
“Alam ba ni Glenn na ganitong oras ka na umuuwi dahil nakikipagkita ka pa sa dati mong nobyo?” mariing sabi niya.
Hindi ako nakasagot. Ngayon lang naman ako ulit umalis ng bahay at ngayon lang din ako hinatid ni Brandon.
“Tita, it’s not like that—
“Ang kapal din naman pala talaga ng mukha mo ‘no? Matapos mong iwan ang anak ko noon, babalikan mo siya ngayon dahil ano? Dahil mapera na siya?” galit na galit na sabi niya.
Hindi ko alam kung saan niya hinuhugot ang galit niya sa akin. Gusto kong ipagtanggol ang sarili ko pero ayaw kong bastusin ang ina ni Glenn. Wala akong magawa kun’di umiyak.
Bakit ba lahat sila iniisip na pera lang ang habol ko kay Glenn? Mahal ko na siya noon pa lang kahit wala pa siyang yaman. Mahal ko na siya kahit na simpleng tao pa lang siya. At mas lalo ko siyang minahal noong nagpursige siya para makamit ang mga pangarap niya.
“Tita hindi po ‘yan totoo, mahal ko po si Glenn—
“Kung mahal mo siya e ’di sana hindi ka umalis noon.”
I sobbed. “Tita, you don’t know what I’ve been through. Namatayan ako ng magulang. Kailangan ko munang hanapin ang sarili ko bago ako bumalik.”
“Alam mo, maayos naman na nung umalis ka. Nagkakamabutihan na sina Althea at Glenn pero bakit umepal ka pa? Pinapairal mo ’yang ugali mong, kapag gusto mo dapat nakukuha mo—
“Tita…no—
“Huwag mo akong puputulin kapag nagsasalita ako!Bastos ka talaga ‘no? Ito ang tatandaan mo…hindi ko hahayaang maitali sa ‘yo ang anak ko!”
“Tita…”
“Na-disappoint ako. Akala ko pa naman si Althea ang aabutan ko rito. Isang demonyita pala.”
After saying those words, she left.
Napahagulhol na lang ako. Bakit ba sa tuwing nagiging mabait ako, saka naman nila ako sinasaktan? Hindi naman ako mukhang pera. Wala naman akong pake sa yaman ni Glenn kahit noon pa man.
“Miss Franz, samahan ko na po kayo sa kwarto n’yo,” sabi ni Fely at inalalayan akong umakyat.
Patuloy lang ako sa pag iyak kahit nasa kwarto na ako. Si Glenn kasama si Althea ngayon, tapos ’yung nanay niya, galit sa ’kin.
I don’t know what to do anymore. Nakisabay pa itong sikmura ko na parang may humahalukay.
Sa sobrang kakaiyak ko ay hindi ko namalayan na nakatulog na ako. Nagising na lang ako nang naramdaman kong lumubog ang kabilang side ng kama. Hudyat na dumating na si Glenn.
Nagpanggap akong tulog. Naramdaman kong niyakap niya ako. Dahil na rin sa sama ng pakiramdam ko ay nakatulog ulit ako.
Sana naman bukas ayos na ako…para may lakas akong komprontahin si Glenn.
Nauna akong nagising kay Glenn dahil kagaya kahapon parang bumabaliktad ang sikmura ko. Hindi ko na muna siguro siya kokomprontahin dahil wala ako sa mood. Kasalukuyan akong kumakain ng almusal nang bumaba si Glenn.
“Good morning, Franz,” sabi niya at hinalikan ako.
Agad ko siyang itinulak nang may maamoy akong mabaho. Para akong nahilo sa amoy ni Glenn.
“What’s that smell?” tanong ko habang kinukusot ang ilong.
Kumunot ang noo niya. “Huh? Wala naman akong naaamoy,” sabi niya.
Inamoy ko siya at muling napangiwi. Siya talaga ’yung mabaho!
“Ang baho mo Glenn! Huwag kang lalapit!” utos ko sa kanya.
“What? Kaliligo ko lang, ano bang sinasabi mo?” hindi makapaniwalang tanong niya.
“Maligo ka ulit. Dali!”
Tinulak-tulak ko pa siya para lumayo siya sa akin. Hindi ko talaga kaya ang amoy niya.
“Franz naman, pinagti-trip-an mo ba ako?”
“Hindi, ang baho mo talaga, maligo ka do’n,” masungit kong sabi.
Hindi na siya nagreklamo at umakyat na ulit sa kuwarto para maligo. Ilang minuto lang ang lumipas at bumaba na siya. Bagong ligo. This time, sa kabilang side siya ng table umupo.
“Bakit diyan ka nakaupo?” pagtataray ko.
“Baka kasi mabahuan ka ulit sa ‘kin,” sagot naman niya.
Umirap ako. “Dito ka na sa tabi ko. Wala naman na akong naaamoy.”
Ngumiti siya at tinabihan ako. Nagtimpla siya ng kape at hindi ko alam kung bakit parang bumaliktad na naman ang sikmura ko. Agad akong tumayo at nagduwal sa kusina.
“Ayos ka lang?” tanong ni Glenn.
Nahihilo na naman ako. Ano bang nangyayari sa akin?
Tumangk ako. “Hindi ko lang nagustuhan iyong amoy ng kape.”
Bumalik kami sa dining table pero hindi na ako kumain. Nakayakap lang ako kay Glenn.
“Glenn…”
“Hmm?”
“Gusto ko ng green apple and nutella.” Inaantok kong sabi.
Bigla akong nag-crave doon. All I want to eat is that. Iniisip ko pa lang, naglalaway na ako.
“Green apple? Why so sudden?” tanong niya.
“Basta, I want it,” I murmured.
“Sige, ibibili kita.”
“Glenn?”
“What is it?”
“Gusto ko paggising ko nakabili ka na.”
Hindi ko na narinig ang sagot niya dahil nakatulog na ulit ako. Nagising na lang ako sa kuwarto at wala si Glenn. Lumabas ako bago nagtungo sa kusina.
“Fely, nasaan si Glenn?” tanong ko nang maabutan siyang naglilinis.
“’Di ba po pinabili n’yo kanina. Hindi pa po bumabalik e,” sagot nito.
Napanguso ako. Ang sabi ko sa kanya, dapat nakabili na siya pagkagising ko. Bakit wala pa rin siya? Ano ba ’yan!
Naupo ako sa sala at doon siya hinintay. Ang tagal naman niya, nagugutom na ako. Ayaw ko namang kainin iyong ibang pagkain sa ref dahil ang pangit ng lasa. Gusto ko ay iyong apple at nutella.
Baka may ibang pinuntahan si Glenn kaya ang tagal niya? Baka kasama niya na naman ang Althea na ’yon! Baka nandon na naman sila iisang kwarto.
Hindi ko alam kung bakit bigla akong naiyak sa inisip ko. Baka iwan na ako ni Glenn.
“Franz.”
Nilingon ko si Glenn na kararating lang. Agad akong lumapit sa kanya at niyakap siya.
“Bakit ka umiiyak?” tanong niya habang hinahaplos ang likod ko.
“Akala…ko kasi…iniwan mo na ako. Akala ko sumama ka na kay Althea,” himihikbing sagot ko.
“Bakit mo naman naisip ‘yon?”
“Kasi…nakita ko kayo kahapon. Pumasok kayo sa iisang kuwarto. Ano bang ginawa n’yo doon?”
Natigilan siya sa sinabi ko. I caught him off-guard. Hindi niya inasahan na nakita ko sila kahapon.
“We just had a meeting—
“Meeting? Kayong dalawa? Sa iisang kuwarto?” putol ko sa sinasabi niya.
“Franz, hindi lang kaming dalawa ang nasa kuwartong ‘yon. Nandoon ang lola ni Althea at ‘yong engineer nila,” paliwanag ni Glenn.
Tiningnan ko siya sa mga mata. Inaalam kung nagsasabi ba siya ng totoo. At nang mapagtantong seryoso siya ay napayuko ako.
“I’m sorry,” sabi ko.
“Nagiging emotional ka these past few days. Ayos ka lang ba talaga?”
I nodded. “Yah, I’m fine. By the way, nabili mo na ba? Nagugutom na kasi ako.”
Pinakita niya sa akin ang isang paperbag na may lamang green apples and nutellas. My mouth watered at the sight of it. Agad kong dinala ito sa kusina at hiniwa.
“Hmm! This is so delicious,” I said while eating.
Napansin kong nakatitig sa ’kin si Glenn kaya nginitian ko siya.
“Gusto mo ba? Dali tikman mo,” sabi ko at itinapat sa bibig niya ang pagkain.
Agad siyang umiling at tila ba nandidiri. “No, thanks. Mukhang kulang pa sa ’yo ’yan.”
Napanguso naman ako. Bakit ayaw niya? Ang sarap kaya.
He sighed. “Fine, I’ll eat it,” sabi niya kaya agad ko siyang sinubuan.
“I knew it! You can’t resist me,” I said happily.
“That is because I love you. Ayaw kong malungkot ka,” sabi niya at hinalikan ako sa noo.
“I love you, too…” Humikab ako at narinig ko ang pagtawa ni Glenn.
“Inaantok ka na naman?”
Tumango ako. “Kinda, pero gusto ko pang kumain kaya mamaya na lang.”
Muli kong nilantakan ang pagkain habang si Glenn naman ay tahimik akong pinapanood. Kung anong nasa isip niya? Hindi ko alam. Siguro nagagandahan siya sa ’kin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top