Chapter 34

CHAPTER 34
Trauma


“Sige tumakbo ka! Hahabulin kita!”

Hinihingal na ako sa katatakbo dito sa walang katapusang gubat. Hindi nila ako puwedeng abutan. Dapat makatakas ako mula sa masasamang lalaki na iyon.

Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa luha na nagmumula sa aking mga mata. Bumibilis ang tibok ng puso ko kasabay ng pagbilis ng takbo ko palayo sa mga lalaking humahabol sa akin.

“Huli ka!”

“AAH! BITAWAN MO AKO! BITAWAN MO AKO!!”

“Akala mo makakatakas ka ah. Yari ka ngayon!”

“Please! Bitawan n’yo ako! Pakawalan n’yo ako!”

“Franz, wake up! Nananaginip ka. Come back to me, wake up, please.”

Narinig ko ang boses ng isang lalaki kasabay nang pag-alog nito sa balikat ko na parang ginigising ako. Dumilat ang aking mata at bumungad sa akin ang mukha ng isang lalaki.

Agad akong kinabahan. Malabo ang imahe niya kaya hindi ko siya mamukhaan. Nahuli ba nila ako? Anong ginawa nila sa ’kin? Pinagsamantalahan ba nila ako?

Hinawakan niya ang aking kamay kaya agad ko iyong iwinaksi.

“Lumayo ka sa ’kin! Huwag mo akong hawakan! Pakiusap, pakawalan mo ako!” Pinilit kong tumayo pero pinipigilan ako ng lalaki sa aking gilid.

“Franz, ako ‘to. Si Glenn.”

“Huwag kang lalapit! Pease…huwag mo ’kong hahawakan…” pagmamakaawa ko habang humihikbi.

Natatakot ako. Natatakot ako na baka saktan niya rin ako kagaya ng ginawa ng mga lalaking ’yun sa ’kin. Sa tuwing hinahawakan niya ako, bumabalik sa aking alaala ang lahat ng nangyari.

Napansin kong may pinindot siya sa gilid bago muling lumapit sa akin kaya itinulak ko siya. I need to escape from them. I need to leave this place.

Hinugot ko ang dextrose na nakakabit sa kamay ko at tumakbo sa sulok ng kwarto.

“Franz, calm down!”

Lumapit ulit siya kaya niyakap ko ang sarili ko. Umiyak ako nang umiyak. Takot na takot ako.Ayaw ko na. Gusto ko nang matapos ’to.

“Hush now baby, nandito na ako. Wala nang mananakit sa ’yo,” bulong nito sa akin.

Niyakap niya ako nang mahigpit at wala na akong lakas para manlaban.

“Please…bitawan mo ako. Huwag mo akong sasaktan.”

Dumating ang mga nurse at may itinurok sa braso ko. Unti-unti akong hinila ng antok at nawalan ng malay.

Nagising ako at ramdam kong may humahaplos sa buhok ko. Agad akong binalot ng kaba pero kumalma rin naman nang makitang si Glenn ’yon.

Nilibot ko ang paningin sa paligid at napagtantong nasa hospital ako. Bumalik na naman isip ko ang nangyari. Yumakap ako kay Glenn sa sobrang takot. Hindi ko na naman maiwasang umiyak.

“G-Glenn…don’t leave me please,” I muttered.

“I won’t. Hindi na ulit kita iiwan,” bulong niya.

Ramdam ko ang sakit ng mga sugat na tinamo ko mula sa mga lalaking ’yun. Mabuti na lang at nagawa kong matakasan sila. Mabuti na lang at naisalba ko ang pagkababae ko mula sa pambababoy nila.

Napaiyak ulit ako. Mga walanghiya sila!

“Sshh, it’s okay I’m here. Ano bang nangyari? Sabihin mo sa ’kin? Paano ka napunta sa lugar na ’yon?” tanong ni Glenn.

“I almost got rape. Sinaktan nila ako…I could still feel their dirty hands and kisses on my skin. Takot na takot ako, Glenn. Hanggang ngayon naririnig ko pa rin yung mga tawa nila. Glenn…natatakot ako.”

Nakita kong kumuyom ang kamao ni Glenn. Madilim ang kanyang mukha at parang anumang oras ay makakapatay siya.

He was like a predator in front of his prey. Dangerous.

I can see the anger in his eyes. But he still manage to control it.

Isang pikit lang ay bumalik sa pagiging maamo ang mukha niya. Gano’n kadali para sa kanyang magpalit ng emosyon sa maikling panahon.

“Let me replace those kisses they gave to you,” sabi niya at hinawakan ang pisngi ko bago ako hinalikan.

His kisses were slow and caring. It sent shiver on my spine. Pero kahit anong kagustuhan kong mag-focus sa halik ni Glenn ay hindi ko magawa.

Sige lang gumapang ka paatras, hahabulin pa rin kita..’

‘Wala ng tutulong sa ’yo..’

Humigpit ang kapit ko sa braso ni Glenn na halos bumaon ang kuko ko sa balat niya. Tumigil siya sa paghalik sa ’kin.

“Are you okay?” he asked.

As much as I want to say yes, I can’t. Tears formed in my eyes and started to fall again. I know deep inside, I’m not fine. Hindi ko alam kung kailan ulit ako magiging maayos. Sobrang trauma ang nakuha ko mula sa kanila. Pero gagawin ko ang lahat para maka-recover ako. Hindi ko hahayaang mabuhay ako sa takot.

“I told you, I’ll be fine here. Nandito naman si Fely at saka may mga guard na magbabantay. Huwag ka nang um-absent sa trabaho mo,” pamimilit ko kay Glenn.

Simula nang makalabas ako sa ospital tinotoo nga ni Glenn na hindi na siya aalis sa tabi ko. Kulang na nga lang samahan niya ako sa pagligo. Gano’n siya ka-worried na baka may mangyaring masama ulit sa ’kin to the point na nag-file siya ng leave sa trabaho niya.

Naka-leave din kasi ako sa trabaho. Nakakahiya nga dahil magdadalawang-buwan pa lang ako doon ay nag-leave agad ako. Pero naiintindihan naman daw ni Stacey ang nangyari at walang kaso sa kaniya kung hindi muna ako pumasok.

Itong si Glenn ang hindi ko alam kung valid ba ang rason para mag-leave. Alam kong maraming kliyente na naghihintay sa kanya pero pinili niya pa rin na samahan ako.

“Franz, the work can wait. Sasamahan na muna kita,” sabi niya naman.

I sighed in defeat. Nothing and no one can change his decision.

“Unless…”

I raised an eyebrow. “Unless what?”

“Isasama kita sa trabaho,” pagpapatuloy ni Glenn sa kanyang sinasabi.

I looked at him in disbelief. This man is really something. Nakakagulat minsan ang mga desisyon niya. Ni hindi ko nga naisip na isasama niya ako sa trabaho para lang mabantayan ako.

“Fine, magbibihis lang ako. Mukha namang hindi na ako makakatanggi,” sabi ko at umakyat na sa kwarto para magpalit ng damit.

I wore a black button-down sleeveless jumpsuit and I matched it with my white sneakers. Itinali ko lang paitaas ang aking buhok pagkatapos ay kinuha ko na ang aking bag bago lumabas ng kuwarto.

Nauna na si Glenn sa labas ng bahay dahil ihahanda niya pa ang kotse. Naabutan ko siyang inaayos ang manggas ng kanyang damit.

Pinasadahan niya ako ng tingin at nag-init ang pisngi ko. Gano’n pa rin ang epekto ng bawat titig niya sa akin.

“Let’s go,” he said before opening the door for me.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top