Chapter 33
CHAPTER 33
Danger
TRIGGER WARNING: HARASSMENT
“You’re working? Nabanggit ni Fely sa akin.”
Tumigil ako sa pagnguya nang magtanong si Glenn. Isang linggo na rin mula nang tanggapin ko ang trabahong inalok ni Stacey sa akin. Hindj ko pa iyon nababanggit kay Glenn dahil hindi pa naman kami nakakapag-usap nang matagal mula nang gabihin siya ng uwi noong nakaraan.
I nodded. “Yes, I’m working as an administrative assistant. Hindi ko na nasabi sa ’yo kasi palagi kang busy,” sagot ko.
“Franz, you don’t have to work—
“I have to, Glenn. I need to earn for myself. Ayaw ko namang umasa sa ’yo kapag naubos na ang ipon ko. By the way, this coming Friday may reunion kami ng college batchmates ko. Ini-inform lang kita, hindi ako nagpapaalam,” sabi ko at narinig ko ang pagbuntonghininga niya.
“Okay, we’ll go,” he said that made me look at him.
Tinaasan ko siya ng kilay. “Did I hear you right? Sasama ka? Hindi ka ba busy?”
He shrugged. “I don’t want you to go there alone. Isang araw lang naman iyon kaya puwede kitang samahan.”
Hindi na ako umangal pa. Aaminin ko, natutuwa ako nang dahil sa sinabi niya. Sasamahan niya talaga ako. Akala ko kasi ay hahayaan niya akong mag-isa.
Mabilis na lumipas ang mga araw at sumapit ang katapusan ng buwan. I am wearing a black puffed-sleeves jumpsuit. I put on a light makeup before I wore my black stilettos. Nang matapos mag-ayos ay lumabas na ako ng kuwarto at naabutan ko si Glenn sa sala. Inaayos niya ang kuwelyo ng kanyang damit.
Sa Manila Hotel gaganapin ang reunion at dahil medyo malayo sa bahay ni Glenn iyon ay mag-che-check in na lang kami dito.
Hinawakan ni Glenn ang kamay ko at naglakad na kami papasok. Marami akong nakita na pamilyar na mukha. Iyong iba ay hindi ko na maalala ang mga pangalan.
“Franz!” Nilingon ko ang tumawag at nakita ko si Stacey sa kabilang table.
Nagtungo kami ni Glenn doon at nakihalubilo sa kanila.
“Hi guys, nice to meet you again. It’s been so long,” I told them.
Ipinaghila ako ni Glenn ng upuan kaya nginitian ko siya. Naupo siya sa akin tabi at pansin kong inililibot niya ang tingin sa paligid.
Pansin ko, mula pa nang pumasok kami dito sa venue ay napapalingon na sa kanya ang halos lahat ng tao. Hindi ko alam kung nai-intimidate ba sila sa aura niya o sadyang humahanga sila sa kaguwapuhan ni Glenn?
“Bakit hindi mo ipakilala sa amin ang kasama mo, Franz?” sabi ni Jane.
Nilingon ko si Glenn na nakatingin na rin sa akin. His left hand rested on my thigh.
“This is Glenn Baltazar, my boyfriend,” I told them and they started introducing theirselves to him.
Glenn nodded and flashed a smile. “Nice to meet you all.”
Nagpatuloy ang kuwentuhan at may naglapag ng champagne sa table namin. Puro throwbacks lang ang nangyari. Pinag-usapan nila ang mga kalokohang nagawa nila noong college pa lang kami. Napuno ng tawanan ang buong paligid. Sobrang saya talagang magbalik-tanaw sa mga alaala namin noon.
“Don’t drink too much,” Glenn whispered.
Sasagot pa sana ako nang may bagong dumating. Nilingon sila ng lahat at binati.
“Hello guys! Are we late already?” Althea greeted with her wide smile.
Beside her is Brandon. Nang makita ako ni Brandon ay agad siyang lumapit sa akin at nakipagbeso.
“Hey Franz, how’s life? Ang sabi ko ’di ba, gagala tayo? Hindi pa rin natutuloy hanggang ngayon,” parang nagtatampo na saad ni Brandon.
I laughed. “We’re both busy, Brandon. Next time, promise. Pero mukhang hindi na kita kailangang samahan.”
Naramdaman ko ang kamay ni Glenn sa beywang ko at ang paglalaro niya sa aking buhok. He is in his possessive move again.
“Hi there, Architect Glenn.”
Napalingon ulit ako kay Althea nang batiin siya ni Glenn. Ni hindi man lang siya tinapunan ng tingin ng boyfriend ko.
Pasimple akong nagpigil ng tawa. Napahiya tuloy si Althea. Buti nga sa kanya.
Nakasali na rin silang dalawa sa table namin at muling umingay ang paligid. Nakikinig lang ako sa kuwentuhan nila habang umiinom ng alak. Nakasandal ako sa dibdib ni Glenn at nakaakbay naman siya sa akin.
“I still remember, Brandon and Franz sweet moments at the campus. Akala mo hindi na sila mapaghiwalay,” natatawang sabi ni Althea.
Kumunot ang noo ko pero pinabayaan ko na lang din. It seems like she is intentionally making the scene awkward. Napansin kong tumayo si Brandon at may kausap sa phone.
Pagbalik niya ay halatang nagmamadali siya. “Ah guys. I’m sorry but I have to go. I have some errands to run. It’s nice meeting you all again. Enjoy the party!”
Ayaw pa sana siyang payagang umalis pero sa huli ay hinayaan na lang dahil importante naman ang dahilan niya.
Lumipas ang ilang oras at may mga nagsiuwi na rin. Kaunti na lang kaming natitira at halos may mga tama na rin sa alak.
Maging si Althea ay lasing na lasing na rin. Ang dami ba naman kasi kung uminom ng alak. Akala mo tubig ang nilalagok niya.
“Gabing-gabi na, kailangan na rin naming umuwi,” sambit ni Kaycee habang nag-aayos ng gamit.
“Pero paano si Althea? Hindi na iyan makakapagmaneho. Sinong maghahatid sa kanya?”tanong ni Jane.
Nilingon ko si Althea at mukhang tulog na ito. Nakadukdok na kasi sa mesa ang ulo niya. Hayst, parang hindi siya artista sa kilos niya.
“Sino bang nakakaalam ng bahay ni Althea?” tanong ng isa.
Walang sumagot ni isa. Mukhang wala siyang closed friends dito. Kawawa naman. Note the sarcasm, please.
“Bakit ‘di na lang siya mag-check-in dito?” tanong ko at nagsitanguan naman ang iba.
“No! Kailangan kong umuwi.” Nagulat ako nang magsalita si Althea. Nakaangat na ngayon ang ulo niya pero nakapikit pa rin.
I crossed my arms. “E, hindi mo nga kaya.”
“I’ll take her home.”
Hindi makapaniwalang nilingon ko si Glenn. Nagkatinginan kaming dalawa.
“What? Bakit ikaw? Puwede naman siyang mag-taxi,” kalmado kong sabi pero sa loob ko ay nagngingitngit na ako.
Gano’n na ba talaga sila ka-close at siya pa ang maghahatid sa kanya pauwi?
“Alam ko kung saan siya nakatira. She’s my client after all,” he said.
Napapikit ako at bumuntong hininga. Ayaw ko namang maging kontrabida dito kaya papayagan ko na lang.
“Fine! Take her home. I’ll be waiting here,” I said half-heartedly.
Tutal magche-check in naman kami dito kaya hindi na ako sasama. Hinatid ko sila hanggang sa parking lot. Inalalayan ni Glenn si Althea papasok sa kotse niya bago siya lumapit sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko.
“Ihahatid ko lang siya. Mabilis lang ’to promise. Pumasok ka na sa loob,” sabi ni Glenn at hinalikan ako sa noo.
“Sige na. Ihatid mo na siya para makabalik ka agad,” sagot ko.
Sumakay na siya sa kotse at pinagmasdan ko itong umandar papalayo. Nanatili pa ako ng ilang minuto sa parking lot dahil ayaw ko pang umakyat sa kuwarto namin.
“Ang suwerte ni Althea ’no? Isang Architect Glenn Baltazar ang naghatid sa kanya pauwi.”
Kumunot ang noo ko nang may marinig na nag-uusap. Lumingon ako sa tatlong babaeng nasa kabilang side ng parking lot.
“Paniguradong hindi na siya makakabalik. Ang ganda kaya ni Althea, hindi makakatiis si Architect sa kanya.”
“Ay sigurado ‘yan.”
Sumiklab ang pinaghalong galit at selos sa puso ko dahil sa mga narinig ko. Hindi yata nila alam na nandito ako, ang girlfriend ni Glenn!
Calm down, Franz. Trust him, he will never cheat. Mahal na mahal ka niya.
Nang dahil sa pag-iisip ay hindi na talaga ako umakyat sa unit namin. Hihintayin ko na lang siya rito sa parking lot.
Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na ba akong naghihintay kay Glenn. Basta ang alam ko madaling araw na.
Nag-uunahang tumulo ang mga luha sa mata ko. Hindi naman siguro ako niloloko ni Glenn ‘di ba? Hindi niya magagawa sa akin ’yun!
Nanghihina akong napaupo sa gilid. Sa tuwing pumipikit ako, ang imahe nila Glenn at Althea na magkasama sa kama ang nakikita ko.
Shit! Subukan mo lang talagang magloko Glenn!Mararamdaman mo kung paano ako magalit!
“Uy, may umiiyak na magandang chicks doon, o!”
Napatingin ako sa nagsalitang lalaki. Nakaturo siya sa ‘kin at tumatawa ang mga kasama niyang lalaki. Lima sila at puro malalaki ang katawan.
Bigla akong nakaramdam ng kaba kaya tumayo ako at naglakad palayo. Akala ko ay hindi nila ako sinundan pero nagulat ako nang may humigit sa braso ko.
“Saan ka pupunta? Kinakausap ka pa namin,” sabi ng isang lalaki na humigit sakin.
“Bitawan mo ako! Tul-hmp!” sisigaw sana ako pero agad niyang tinakpan ang aking bibig. Binusalan ako ng kasama niya gamit ang panyong hindi ko alam kung saan galing.
Mas lalo akong naiyak sa takot. Kumakabog nang malakas ang puso ko. Sinubukan kong magpumiglas pero sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa ’kin.
Oh God! Someone help me, please!
Doon ko lang napagtanto na dapat pala ay sa tapat ng hotel na lang ako naghintay. Bakit ba kasi dito ko naisiping maghintay sa parking lot?
Nagtawanan sila at kita ko ang bakas ng pagkatuwa sa kanilang mukha. Nakakakilabot at nakakapanindig balahibo. Para silang mga demonyo na nagkatawang tao.
Nagpumiglas ako nang binuhat ako ng lalaki at dinala sa kung saan. Hinampas-hampas ko ’yung lalaki at mukhang napikon ito.
“HMPP!” Namilipit ako sa sakit nang suntukin niya ako sa sikmura.
Nanghina ako sa sobrang sakit na halos ‘di na ako makahinga.
“Ayaw sana kitang saktan kaya lang ang kulit mo,” sabi nung lalaki at tumawa na naman.
Isinakay nila ako sa kotse at dinala sa kung saan. Hindi na ako nakapalag pa dahil sa panghihina.
“Baba!” sigaw ng lalaki at tinutukan ako ng kutsilyo. Dahil nanghihina pa ako ay hindi ako agad nakagalaw.
“’Pag sinabi kong baba, baba!” sigaw ulit niya at hinila ako nang malakas kaya bumagsak ako sa lupa.
Tinanggal na niya ang panyo sa bibig ko at doon na ako nagsimulang mag-ingay.
“PAKAWALAN N’YO AKO PLEASE! TULOOONNGG!GLENN—
Napasubsob ako sa semento nang sampalin niya ako nang malakas. Kumawala ang hikbi sa aking bibig.
“Kahit anong sigaw mo wala nang tutulong sa ’yo!”
Sinubukan ko ulit tumayo pero muli lang akong natumba. Nanginginig na nang sobra ang buong katawan ko.
“O, sino gustong mauna?” rinig kong tanong ng lalaking sumampal sa akin.
Shit! Kailangan ko nang makalayo sa kanila!
“Ikaw na, boss. Manonood na lang muna kami.”
Napagapang ako paatras nang may humawak sa aking binti. Sinipa ko ang kamay na iyon pero muli lang ding hinawakan ang binti ko.
“No! Pease don’t!” I begged while shaking my head. “Ano bang kailangan n’yo? Pera? Puwede ko kayong bigyan—
“Manahimik ka! Ikaw ang gusto namin at hindi ang pera mo. Sige lang, gumapang ka paatras. Hahabulin pa rin kita.”
Umiling ako at mas binilisan pa ang pag atras.
“AAH!” Napasigaw ako nang bigla itong pumatong sa akin at pinunit ang damit ko.
Niyakap ko ang aking sarili. Nagpumiglas ako hanggang sa makakaya ko. Hindi ako makakapayag na dumihan nila ang pagkababae ko. Mga walang hiya sila!
“BITAWAN MO AKO! PARANG AWA N’YO NA PLEASE—
Wala akong magawa kun’di ang umiyak. Naramdaman kong hinahalikan niya ako sa leeg kaya pinilit kong umiwas.
“Huwag kang malikot!”
“No please…don’t…”
Pilit niyang hinahalikan ang bibig ko pero itinikom ko ito. Nandidiri ako sa ginagawa niya sa ’kin.
“Aah!” Muli akong napasigaw ako nang kagatin niya ng husto ang labi ko. Nalasahan ko na ang dugo doon.
“BITAWAN MO ’KO! GLENN!”
“Sino ba ’yang Glenn na tinatawag mo? Boyfriend mo? Siya ba ang iniiyakan mo kanina!!”
Tumayo ’yung lalaki at agad naman akong bumangon para makatakbo. Dinampot ko iyong medyo malaking bato at nang akmang lalapitan niya ako ay hinampas ko iyon sa mukha niya.
“Putangina kang babae ka! Habulin n’yo siya!”
Kahit masakit ang tuhod ko ay tumakbo ako papuntang main road. Kailangan kong makalayo sa kanila. Kailangan kong iligtas ang sarili ko dahil walang ibang gagawa no’n para sa ’kin.
Tanging sarili ko lang ang maaasahan ko. Bagay na ngayon ko lang napagtanto. Sa oras ng kagipitan, sarili ko lang ang palagi kong kasama.
Hindi ako tumigil sa pagtakbo hanggang sa nakarinig ako nang busina. Hindi ko na nagawang lingunin ang kotseng paparating dahil nawalan na ako ng malay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top