Chapter 32
CHAPTER 32
Sorry
Nakatulog ako kagabi nang hindi katabi si Glenn at nagising ako nang wala pa rin siya sa tabi ko. This is the our everyday scenario. Kaunti na lang ay masasanay na ako.
Nasa Manila kami ngayon sa isa pang bahay ni Glenn. Isinama niya ako rito dahil tinanggap niya ang offer ni Althea. Siya ang magdidisenyo ng bahay na pinapatayo nito sa Makati.
Ilang araw na ring maagang umaalis si Glenn at gabi na rin siya umuuwi. Gano’n siya kabusy na minsan ay nakakalimutan niyang kumain.
Bumangon ako at lumabas ng kwarto. May mga kasambahay din naman dito kaya hindi ako mag-isa. Baka mabaliw ako kapag mag isa lang ako dito sa bahay. Mas mabuti na ring may makakausap ako.
“Good morning Miss Franz, nakahanda na po ang almusal,” sabi ni Fely.
Ngumiti ako at nagtungo sa dining table. Wala akong ibang ginagawa rito sa bahay ni Glenn. Nababagot na nga ako. Siguro dapat maghanap din ako ng trabaho para naman may pinagkakaabalahan din ako.
“By the way Fely, wala bang nabanggit si Glenn kung anong oras siya uuwi ngayon?” tanong ko habang naglalagay ng pagkain sa plato ko.
“Wala naman po, Miss Franz. Tawagan n’yo na lang po kaya siya.”
Oo nga naman, may punto siya. Bakit hindi ko naisip na gawin iyon?
I get my phone and dialed his number. Medyo matagal bago niya ito sinagot.
“Hello, Franz?” bungad niya sa akin.
“Glenn, anong oras ka uuwi mamaya?” tanong ko bago humigop ng juice.
“I don’t know yet. I’ll just call you later,”
I sighed. “Hmm, okay. I’ll cook something for dinner. Hihintayin kita.”
“Sige. I love you.”
“I love you, too.”
The call ended and I sighed again.
Pagkatapos mag-almusal, nagpunta ako sa grocery store para bumili ng ingredients sa lulutuin ko mamaya. Napangiti ako. Para na kaming mag asawa ni Glenn, kasal na lang ang kulang.
“Franz?”
Napalingon ako sa tumawag sa akin at nanlaki ang mata nang makilala ko siya.
“Stacey? OMG! Is that you? I missed you!” hindi makapaniwalang tanong ko habang niyayakap ang aking kaibigan noong kolehiyo.
“Ako nga, ang ganda-ganda mo pa rin, Franz. I missed you, too!” she said while hugging me back. “By the way, mag-isa ka lang? Bakit ikaw ang nag-gro-grocery?”
I shrugged. “Wala akong magawa sa bahay kaya ako na lang ang gumawa nito. Gusto mo bang mag-lunch muna? My treat!”
“Sure! Marami tayong pagkukwentuhan!’
Sabay kaming pumasok sa isang restaurant. We used to eat in the restaurant before every lunch break. Nakakatuwa lang na nagkita ulit kami. After college kasi ay nagtungo na siya sa ibang bansa para i-manage ang family business nila.
“So Franz, nabalitaan kong wala na pala kayo ni Brandon. Sino naman ang ipinalit mo?” pang uusisa niya.
She is always like that.Full of curiousity. Idagdag mo pa ang maalong buhok niya na nagba-bounce kapag nagsasalita siya. Ang cute pa rin.
“Ahm, I don’t know if you know him. Glenn Baltazar,” I told her.
Nakita ko kung paano nanlaki ang mata niya at kung paano bumagsak ang panga niya sa narinig. Kumapit siya sa balikat ko at marahang inalog.
“Glenn? You mean the hot Architect Glenn?” hindi makapaniwalang tanong niya.
Kita mo nga naman. Sikat na talaga ang boyfriend ko.
“Yes, the one and only,” I said, proudly.
“Oh my ghad, Franz! Ang haba ng hair mo ah. Buti natagalan niya ang pagiging maldita mo?”
Natawa ako bago nagkibit-balikat. “Well, he tamed me,” I joked.
“So, what are you doing now? May pinagkakaabalahan ka ba? O baka naman ayaw ka nang pakilusin ng boyfriend mo,” natatawang sabi ni Stacey.
Actually, hindi naman namin napag-uusapan ni Glenn ang tungkol sa setup namin ngayon. Ang perang ginagastos ko ay iyong naipon ko noon sa pagmo-modeling. Kapag magkasaman naman kami ni Glenn, palagi niyang ini-insist na siya ang gagastos kaya pinapabayaan ko na lang.
But as much as possible, gusto ko ring magtrabaho ulit. Pero hindi na iyong pagmomodelo dahil siguradong hindi papayag si Glenn.
“I’m planning to look for a job. After all, I’m a business administration graduate. Puwede ring magbukas ako ng business. Depende sa maiisip ko,” sagot ko sa kanya.
Tumango-tango siya. “Actually, hiring kami ngayon ng administrative assistant sa company. Baka interested ka, puwede kitang kunin.”
“Really? That’s great. Aayusin ko muna ang resume ko then mag-a-apply ako sa inyo,” masayang sabi ko.
“No need. I trust you and your performance, Franz. Hired ka na agad.”
Nanlaki ang mga mata ko nang dahil doon.
“Pero, Stacey, hindi ba magiging unfair iyon sa iba? I mean, I’m sure may iba ring applicants for that job. Baka may mas deserving pa kaysa sa akin,” sabi ko ulit at bumuntonghininga siya.
“Basta, you’re hired na. Magkita na lang tayo sa Monday sa company namin, I’ll send you the address. Oh and by the way Franz, balita ko may reunion ang batch natin this coming Friday. Pupunta ka ba?” tanong niya kaya naudlot ang pag-inom ko ng tubig.
Reunion? Hindi ko alam iyon ah. It means nandoon ang mga college friends ko. I’m sure na masaya iyon.
Napanguso ako. “Not sure. Itatanong ko muna kay Glenn. Baka kasi may iba rin siyang plano that day.”
She looked at me in disbelief. It was like I said something shocking.
“Gano’n ba siya kahigpit sa ’yo? Dati naman basta may party, go ka palagi,” she said while chuckling.
“Hindi naman siya mahigpit. Gusto ko lang talaga na i-inform muna siya bago ako pumayag. Though, nasa akin pa rin ang huling desisyon.”
After chatting with her, I continued to roam around the mall. Nang mapagod ay umuwi ako agad. Wala pa si Glenn pero ayos na rin dahil magluluto pa ako.
Saktong alas-sais y media ako nag-umpisang magluto. Tinulungan ako ni Fely dahil mas sanay naman siyang maghiwa ng mga sangkap. Ilang minuto pa ang lumipas at natapos din kaming dalawa. Ihinanda ko na ito sa lamesa at naglagay na rin ako ng mga plato at kubyertos.
Sana maaga siyang umuwi.
Umakyat muna ako sa kwarto para maligo kasi amoy ulam ako. Pagkatapos ay nag-ayos na rin ako bago bumaba. Hinintay ko si Glenn sa sala habang nanonood ako ng telenovela sa telebisyon.
Lumipas na ang isang oras pero wala pa rin si Glenn. Baka na-traffic lang? O kaya nag-overtime?
Naghintay pa rin ako sa kanya. Siguro naman malapit na siya. Natapos ko na lahat-lahat ang palabas sa t.v. ay wala pa rin si Glenn.
“Miss Franz, darating pa po ba si sir Glenn?Lumalamig na po yung niluto n’yo,” sabi ni Fely nang maabutan niya akong nasa pintuan habang inaabangan si Glenn.
“Darating din iyon baka natraffic lang. Matulog ka na, ako na ang maghihintay sa kanya,” sabi ko.
Tumango naman siya. “Sige po, Miss Franz. Kapag may kailangan po kayo, tawagin n’yo lang ako.”
Nangawit ako sa kahihintay sa pintuan kaya isinarado ko na iyon at bumalik sa sofa. Ilang oras pa ang lumipas pero walang Glenn na kumatok sa pintuan. Dinadalaw na rin ako ng antok. Nag-uumpisa na rin ang kirot na nararamdaman ko sa puso ko.
Nasaan na ba si Glenn? Ni hindi man lang siya tumawag. Ang sabi niya tatawagan niya ako kung pauwi na siya.
Dahil sa nainip ako ay binuksan ko ang champagne at nagsalin sa baso. Nilagok ko iyon lahat habang namumuo ang luha sa aking mata.
Naiiyak na ako. Daig ko pa ang babeng naghihintay sa asawa niyang hindi na uuwi dahil nandoon sa kanyang kabit.
Pero baka gano’n nga. Baka hindi na siya uuwi. Baka mas gusto na niyang kasama si Althea. Baka ipagpalit na niya ako.
I don’t know what will I do if he leaves me. I’m afraid that one day, I’ll lose him.
Kinuha ko ang phone ko at sinubukan siyang tawagan.
“The number you have dialed…”
Ilang beses ko pa ulit siyang tinawagan pero ni isa ay hindi sinagot ni Glenn. Hindi gano’n si Glenn. Palagi niyang sinasagot ang mga tawag ko kahit nasa gitna siya ng trabaho. Pero anong nangyari ngayon?
Tears started to fill my eyes. My vision became blurry. I bit my lips to stop myself from sobbing.
Pinagpatuloy ko ang pagtawag sa kanya. Kada isang tawag na ‘di niya sinasagot umiinom ako ng wine.
Calm down, Franz. Baka parating na siya. Pero hindi ko talaga kayang kumalma. Ibinato ko ang wine glass na hawak ko.
“Miss Franz, ayos lang po ba kayo?” tanong ni Fely.
Pumikit ako at sumandal sa sofa. Sobrang naiiyak ako na kahit nakapikit ay tumutulo ang luha ko.
“Leave me alone,” I said coldly.
Unti-unting umepekto ang alak sa sistema ko kaya agad akong nakatulog. I hope to dream about Glenn. Para naman hindi ako gaanong mangulila.
“Franz?” Nagising ako nang may bahagyang tumatapik sa balikat ko.
Dumilat ako at naaninag ko si Glenn. Agad akong bumangon at tumingin sa orasan. Ala-una na ng madaling araw.
Nasapo ko ang aking ulo dahil bigla itong kumirot. Muli kong sinulyapan si Glenn.
“Saan ka galing? Bakit ngayon ka lang? Ganito ba talaga ang uwi ng mga arkitekto?” sunod-sunod na tanong ko.
“I’m sorry Franz, may tinapos lang talaga ako sa trabaho,” namumungay ang kanyang mata habang sinasabi iyon.
I sighed. “Ayos lang. Kumain ka na ba? Nagluto ako ng hapunan kaya lang baka lumamig na ‘yon.”
“Kumain na ako sa trabaho kanina. I’m so—
“Ayos lang. Ayos lang talaga,” putol ko sa sinasabi ni Glenn.
Huwag kang iiyak Franz. Ipakita mong hindi ka nasasaktan. Don’t be such an emotional girlfriend. Inintindihin mo siya! Iyon ang dapat mong gawin! Hindi dapat makitid ang utak mo, Franz!
“Franz, uminom ka ba?”
“Kaunti lang naman. Nainip kasi ako sa paghihintay sa ‘yo e,” sagot ko at pilit na ngumiti.
“Sor—
“Ayos lang…” sabi ko ulit. Naramdaman kong namumuo ang luha sa mga mata ko kaya agad akong tumalikod para punasan ito. Humarap ako sa kanya nang nakangiti. “Ayos lang, Glenn. Ayos lang sa akin kahit na palagi kang busy sa trabaho mo. Alam ko namang sobrang dedicated ka sa ginagawa mo. Naiintindihan ko ’yon. Ayos lang sa ’kin kahit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko, dahil baka hindi mo lang napansin o baka lowbatt ka. Ayos lang sa ’kin kahit ‘di mo kainin ang niluto kong dinner para sa ‘yo. Basta ba kumain ka na. Ayos lang din sa ’kin kahit gabi ka na umuuwi. Baka nga ayos lang din sa ‘kin kahit huwag ka nang umuwi. Sino ba naman kasi ako para mag-demand ng time sa ’yo? Ang magagawa ko lang ay ang intindihin ka.”
Hindi ko napagilan at humagulhol ako sa iyak. Ang bigat ng dibdib ko dahil sa sama ng loob.
“Franz, girlfriend kita. You can tell me everything. Sorry kung nawawalan ako ng oras sa ’yo. I’m sorry,” sabi niya at hinawakan ang kamay ko.
Binawi ko ang kamay ko at tumayo.
“Ayos lang, naiintindihan ko. Siguro nabo-bored lang ako rito kaya ganito ako. Sorry. Matulog na tayo,”sabi ko at naglakad na pero nawalan ako ng balanse mang dahil sa medyo lasing na ako. Buti na lang at nasalo ako ni Glenn.
“I’ll carry you to bed, ” he whispered.
Hindi ako nagpumiglas. Hinayaan ko siyang buhatin ako. Wala na rin kasi akong lakas para lumaban.
Inilapag niya ako sa kama at nanatili akong nakapikit. Ramdam ko ang titig niya sa akin. Akala siguro niya tulog na ako.
“I’m sorry, Franz. I love you,” bulong niya at hinalikan ako sa noo.
Sometimes, I’m getting tired hearing sorry from him. Alam ko naman sa sarili ko na kahit hindi siya mag-sorry,mapapatawad ko siya pero minsan,parang nagsasawa na rin ako. Paulit-ulit na lang kasi. Hindi naman gano’n kahaba ang pasensya ko. Pero kakayanin ko para sa kanya. Gano’n talaga,mahal ko siya e. Mahal na mahal.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top