Chapter 31

CHAPTER 31
Client



One week have passed and our vacation is now over. Throughout our stay here, we did so many things. Sobrang nakaka-enjoy talaga ang bakasyon namin ni Glenn. Ang sabi pa niya, kapag nagkaroon na ulit siya ng mahabang break sa trabaho ay babalik daw ulit kami rito.

Pagkalabas ko ng banyo ay nakaabang na sa akin si Glenn. Nakaayos na ang mga gamit namin kanina pa para hindi na magahol sa oras pag-uwi.

“Ready? Halika na,” pagyaya ni Glenn bago hinawakan ang kamay ko.

Lumabas na kami mula sa hotel room at nag-checkout. Magkahawak-kamay kaming naglalakad papuntang port kung nasaan ang yate na sasakyan namin pabalik nang may babaeng lumapit sa amin.

“Architect Glenn? Is that you?” tanong ng babae at mukhang tuwang-tuwa na makita si Glenn.

Huminto si Glenn sa paglalakad at tinignan ’yong babae.

“Hey, nice to see you again, Althea,” pormal na bati ni Glenn.

Kumunot ang noo ko. So, magkakilala sila?

Tinignan ko ’yung babae mula ulo hanggang paa. She has a coca cola body type. Kitang-kita iyon dahil naka two piece lang siya. Maputi at matangkad din itong si Althea. Well, maganda siya pero mas maganda ako.

“Thank you nga pala ulit sa pag-design ng condominium building ko, ah. Nagustuhan ko talaga. And I’m planning na magpatayo ng bahay sa Manila, gusto ko sanang ikaw rin ang magdisenyo no’n,” sabi ni Althea.

“No need to thank me. Trabaho ko ’yun. And ofcourse, I can make another design for your house,” sagot ni Glenn.

I crossed my arms and stared at them. Wala yatang balak si Glenn na ipakilala ako. Nag-e-enjoy pa yata sila sa pag-uusap. Mukhang napansin ni Althea ang paghalukipkip ko kaya lumingon siya sa akin.

“Franzinne?” gulat niyang tanong niya.

I raised an eyebrow. “Do I know you?”

She laughed as if I said something funny. Pati pagtawa niya, napakaarte. Pakainin ko kaya siya ng buhangin?

“Nakalimutan mo na ako? I’m Althea Madrigal, we were college classmates. Imbitado pa nga ako sa debut mo,” sabi niya at itinuro pa ang sarili.

Napaisip naman ako. Now I remembered. Siya nga pala ang babaeng hinahabol ng mga lalake no’ng college kami. Naalala ko na nagkagusto rin pala siya kay Brandon noon pero kahit kailan ay hindi naman siya pinansin nito. At ngayon ko lang din naalala na isa na siyang artista.

I smiled, fakely. “I’m sorry, Althea. Madali ko kasing makalimutan ang mga taong hindi naman importante sa buhay ko.”

Mukha siyang na-offend at sumulyap pa kay Glenn. What now, bitch? Magpapakampi ka ba sa boyfriend ko?

“It’s funny cause the last time I saw you, you were with Brandon and then now you are with Architect Glenn. By the way, ang cute n’yo ni Brandon doon sa isang magazine,” sabi ni Althea.

Mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Magazine? Agad kong nilingon si Glenn at napansin kong kumunot din ang noo niya.

“Anong magazine?” takang tanong ko.

“Don’t tell me nakalimutan mo na rin? ’Di ba nag-cover kayo ng magazine last two years ago. Akala ko nga kayo pa rin, kasi ang daring at sweet ng theme ng magazine.”

Dammit! Hindi pa alam ni Glenn ang tungkol sa pagmomodelo ko kasama si Brandon doon sa New York. Hindi ko naman kasi alam kung kailangan ko pa bang banggitin iyon.

“Oh, that one? Hindi naman kami sweet doon. May mali lang yata sa mata mo—

“I don’t think so. Basta ang sweet n’yo lalo na ro’n sa isang photo. You two were kissing! That was so awesome.” Naikuyom ko ang kamao at nanlamig ang buong katawan ko. Ni hindi ko na magawang lingunin si Glenn ngayon. “By the way, mukhang paalis na kayo. Architect Glenn, I’ll just call you okay? Ingat sa biyahe n’yo,”sabi ni Althea.

“Yes, sure,” sabi ni Glenn.

Agad na naglakad si Glenn patungong yate kaya sumunod na rin ako. Hindi siya kumikibo at wala naman akong mabasang emosyon sa kanyang mukha.

Habang nasa biyahe ay hindi pa rin niya ako kinakausap kaya nag-alala na ako. Galit kaya siya? Iniisip niya bang nagkabalikan kami ni Brandon noong nasa states pa ako?

Umakyat ako sa top deck at nakita ko siyang nakaupo sa isang bench. Tinabihan ko siya pero may maliit na distansya sa pagitan namin.

“Ang ganda dito, ‘no? Balik tayo ah,” masayang sabi ko, umaasang makakatanggap ako ng tugon mula sa kanya.

Wala siyang sinabi. Ni hindi nga niya ako sinulyapan man lang.

I sighed. Kaya mo ’to Franz. Suyuin mo lang siya. He can’t resist your charm.

“Sana sa susunod mapuntahan natin ’yung ibang isla dito. Tapos mas matagal pa,” sabi ko ulit pero katulad kanina ay wala akong natanggap na sagot.

Napanguso ako sa pagkabigo. Galit nga yata talaga siya. Hindi ako sanay na ako ang sumusuyo dahil kadalasan siya ang gumagawa no’n.

Napangisi ako nang may maisip na magandang paraan para pansinin niya ako. Bumaba ako sa lower deck at nagbihis ng two piece. Kinausap ko iyong kapitan na bagalan ang pagpapatakbo ng yate. Umakyat ulit ako at gano’n pa rin ang posisyon ni Glenn pero pansin ko ang pagkunot ng noo niya.

Tumungtong ako sa barandilya ng yate at tumalon sa dagat. Sumisid ako sa pinakailalim na parte bilang paghahanda sa gagawin ko.

Pinagaan ko ang sarili ko para lumutang ako at magmukhang nalunod.Lagi ko itong ginagawa dati kaya na-master ko na. S’yempre para mas kapanipaniwala ay pasimple kong sinugatan ang palad ko gamit ang bato na nakuha ko sa ilalim ng dagat.

Napangiwi ako sa hapdi nang malagyan ng tubig-alat ang sugat ko.

Shit! Ang sakit pala nito. Tiisin mo, Franz! Ginusto mo ’yan, e!

At gaya ng inaasahan ko ay may narinig akong bumagsak sa tubig. Mayamaya lang ay may humapit sa aking beywang at iniahon akong muli sa yate.

I mentally smiled. Hindi nga niya ako natiis. Alam ko namang kahit gaano siya kagalit sa akin ay sasagipin niya pa rin ako.

“Franz! Wake up!” nag-aalalang sabi ni Glenn at naramdaman kong binibigyan niya ako ng hangin.

I opened my eyes and laughed. “Gotcha!”

Kumunot ang noo niya at nang mapagtantong na-prank ko siya ay bigla siyang tumayo bago ako iniwan. Bumangon din ako pero napaaray rin nang maitukod ko ang palad ko na may sugat.

“Glenn—

“I’m so worried Franz tapos prank lang pala iyon? You almost gave a heart attack,” he cut me off.

Napanguso ako at agad na nakonsensya. Hindi dapat ako nagbiro nang gano’n. Anong magagawa ko, hindi niya ako pinapansin.

“E kasi ayaw mo akong pansinin. Para akong tanga kanina na nagsasalita tapos walang sumasagot,” naiinis na paliwanag ko.

Napatingin siya sa ’kin bago bumaba ang tingin sa kamay ko.

“You’re bleeding,” he said and was about to reach for my hand but I shook my head.

Tinignan ko ang kamay ko at walang tigil ang pag-agos ng dugo doon.

“Don’t mind this. Galit ka pa ba?” tanong ko at itinago ang kamay ko sa aking likuran.

“Franz, kailangan magamot niyang sugat mo—

“Hindi ko ’to gagamutin hangga’t galit ka pa,” panghahamon ko.

“Franz, baka ma-infection ang sugat mo…akin na,” sabi niya pero yumuko lang ako.

Galit talaga siya. Mamaya ko na nga siya susuyuin. Tinalikuran ko siya at nagtungo ako sa kuwarto namin.

Nagbihis ako at nahiga sa kama. Ang hapdi ng sugat ko pero mas mahapdi ang puso ko kasi galit sa akin si Glenn. Hindi ko naman ginusto iyong kissing part sa photoshoot namin ni Brandon. Siya ang humalik at hindi ako.

Nakatulugan ko na lang ang sama ng loob. Pagkagising ko ay napansin kong nakabenda na ang sugat sa aking kamay. Kahit nagtatampo ay napangiti pa rin ako.

Ginamot niya ako habang natutulog. Hindi man lang ako nagising!

Lumabas ako mula sa kuwarto at hinanap si Glenn. Hindi naman ako nahirapan maghanap dahil nandon lang siya sa lower deck. Nakatalikod siya sa ’kin kaya niyakap ko siya mula sa likod.

“Glenn, bati na tayo please,” sambit ko.

Parang sinaksak ang puso ko nang kalasin niya ang yakap ko pero agad ding nawala nang humarap siya para yakapin ako pabalik.

Mataman niya akong tinitigan sa aking mga mata. “Hindi naman ako galit. Nagselos ako,pero hindi ko kayang magalit sa ’yo.Kaya huwag mo nang gagawin yung ginawa mo kanina. You really scared me,”

I nodded. “Basta papansinin mo na ako. Ayaw ko kasi ng ginagamitan mo ako ng silent treatment,” nakangusong reklamo ko. “And about doon sa magazine—

“Sshh. You don’t have to explain it to me. Alam ko naman iyon. You worked as a model with Brandon. Ang hindi ko lang alam ay ang tungkol doon sa kissing part,”

Pinanliitan ko siya ng mga mata. “So, you’re stalking me?”

“Not that much. Nakita ko lang accidentally ang magazine na kayo ang cover. So, bumili na rin ako,” paliwanag niya.

I stared in to his eyes and I can’t help but to feel lucky. Nagpapasalamat talaga ako na hindi niya ako kinalimutan agad. Nagpapasalamat ako na hinintay niya akong bumalik.

“I love you, Glenn,” I told him.

He smiled. “I love you, my señorita,” he whispered.

Gabi na nang makauwi kami sa mansyon. Dumiretso ako sa kwarto at siya naman ay may kausap sa phone. Mukhang kliyente ang tumawag dahil nagtungo siya sa opisina niya.

Ang busy na niya masiyado. Pero ayos lang atleast nabibigyan niya pa rin ako ng oras. Never siyang nawalan ng oras sa akin. Napakasuwerte ko sa kanya.

May tiwala ako kay Glenn pero ‘di ko rin maiwasang magselos kapag may nakakasama siyang ibang babae. Lalo na kung si Althea ’yun. Pakiramdam ko hindi ako dapat magtiwala sa babaeng ’yun. Lalo na at gustong-gusto niyang kunin si Glenn na magdisenyo ng bahay niya.

It means, may araw na magkakasama sila sa bahay ni Althea? Oh no!







Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top