Chapter 3
CHAPTER 3
Jealous
Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa balat ko. Dahan-dahan akong bumangon bago ko inilibot sa paligid ang paningin. Doon ko napagtanto na nasa kuwarto na ako rito sa mansyon.
Nakapagpalit na rin ako ng damit kaya kumunot ang noo ko sa pagtataka.
Sinong nagdala sa akin dito? Sinong nagbihis sa ’kin? Ang huli kong naaalala ay nasa cottage kami ni Glenn bago ako nawalan ng malay.
“Gising na ho pala kayo.”
Napalingon ako kay Trisya na kapapasok pa lang sa kuwarto ko. May bitbit siyang tray ng pagkain at inilapag iyon sa side table.
“Anong nangyari? Sinong nagbihis sa akin? Paano ako nakauwi?” sunod-sunod kong tanong.
Tumingin siya sa ’kin. “Dumating po si Glenn dito sa mansyon kagabi. Buhat-buhat niya ho kayo. Sobrang taas po ng lagnat n’yo dahil sa tinik ng sea urchin. Buti na lang po at natawagan agad ang doktor. Si Lola Lydia po ang nagbihis sa ’yo.”
Dahan-dahan akong tumango habang pinoproseso ang sinabi ni Trisya. Si Glenn nga ang naghatid sa akin dito. Kung hindi dahil sa kanya baka namatay na ako doon sa cottage. Nagkaroon pa tuloy ako ng utang na loob sa kanya.
“Kumain na ho kayo habang mainit pa itong sopas,” sabi ni Trisya kaya naputol ang pag-iisip ko.
Inabot niya sa akin ang mangkok na may lamang sopas. Inamoy ko iyon at agad na kumalam ang sikmura ko. Amoy pa lang, parang masarap na.
Susubo pa lang sana ako nang may kumatok sa pinto. Binuksan iyon ni Trisya.
“O Glenn, akala ko ba sasamahan mo si Mang Caloy?” tanong ni Trisya kaya napalingon din ako sa kanila.
Nagtama ang paningin namin ni Glenn. Pag-iwas ko ng tingin ay saktong nasulyapan ko si Trisya na palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa. Pinagtuunan ko na lang ng pansin ang sopas na nasa harapan ko.
“Gusto ko lang kumustahin si Señorita.”
Kumunot na naman ang noo ko dahil sa tinawag niya sa akin. Hindi ba Franz na ang tawag niya sa ’kin kagabi? Bakit nag-iba na naman? O baka naman guni-guni ko lang na tinawag niya akong Franz?
“Ah sige, pasok ka. Kumakain siya,” sabi ni Trisya at agad kong dinampot ang kutsara upang umpisahan na ang pagkain.
Lumapit sa akin si Glenn at akala ko ay tatayo lang siya doon pero bigla niyang kinapa ang noo ko. Napailag ako at agad na tinabig ang kamay niya. Nabitawan ko rin ang kutsarang hawak ko dahil sa pagkabigla.
“Don’t touch me!” I exclaimed.
Nagulat siya sa reaksyon ko at maging si Trisya ay nagtatakang tumingin sa akin. Napahinga na lang ako nang malalim. Lumunok ako at nag-iwas ng tingin. Bigla kasi akong nakaramdam ng kuryente mula sa kamay niya kaya nagulat ako. Bumilis din ang tibok ng puso ko dahil doon.
“Pasensiya na. Mukhang may sakit ka pa yata,” sabi ni Glenn at tumayo nang diretso.
Lumapit din si Trisya sa amin at mataman akong tiningnan. Muli akong napaiwas ng tingin dahil pakiramdam ko umiinit ang aking pisngi.
“Ayos ka lang, Miss Franz? Namumula ka yata.”
Nagkunwari akong nagulat at kinapa ko ang aking pisngi. “Ah ano, mainit kasi ’yung sopas,” pagdadahilan ko.
Nanlaki ang mga mata ko nang damputin ni Glenn ang kutsara at tinikman ang sopas. Nang malasahan iyon ay palihim siyang tumawa. Mas lalong uminit ang pisngi ko.
Nagamit ko na ang kutsarang iyon tapos ginamit niya rin. Hindi ko alam kung naisip niya bang para na rin kaming nag-indirect kiss n’on!
“Why are you laughing?” I asked him.
Nagkibit-balikat siya. “Hindi naman kasi masyadong mainit ’yang sopas.”
Inirapan ko siya. “Mainit nga e! Ano bang pakealam mo? Saka bakit mo kinainan ang pagkain ko? Hindi mo ba alam na…”
Hindi ko maituloy ang sasabihin ko dahil sa hiya. Paano ko ba sasabihin iyon nang hindi napapahiya? Bahala na nga! Mukhang wala rin naman siyang pake ro’n.
“Hindi ko alam na ano?” tanong niya.
Nag-iwas ako ng tingin. “Wala! Umalis ka na nga!”
Narinig kong muli ang bahagya niyang pagtawa. Para bang natutuwa siya na napipikon ako ngayon nang dahil sa kanya.
“Masusunod, Señorita.”
“It’s Franz!” sigaw ko sa kanya pero hindi niya na ako pinansin at lumabas na ng kuwarto.
Padabog akong sumandal sa headboard ng kama at pinagkrus ang aking braso. Nasulyapan ko si Trisya na may inaayos na doon sa may coffee table.
“Are you okay?” I asked and she stilled.
Lumingon siya at ngumiti na alam ko namang peke. “Opo, Miss Franz.”
I rolled my eyes. She wasn‘t good in lying. Halata sa mga mata niya. At hindi siya mapakali. Napakadaling malaman kung anong iniisip ng babaeng ‘to.
“You’re jealous,” I stated and her eyes widened.
“Naku hindi po. Bakit naman ako magseselos? May dapat ba akong ikaselos, Miss Franz?”
I smiled before shaking my head. “There’s no reason to be jealous. I have a boyfriend and I’m loyal to him. Actually, suportado kita para kay Glenn. Alam kong malaki ang chance na maging kayo,” sabi ko.
Napakamot siya sa noo at nahihiyang ngumiti. Mukha namang nabuhayan siya sa sinabi ko.
“Salamat po, Miss Franz.”
Ngumisi ako habang may gumaganang ideya sa aking isip. Sisiguraduhin kong mas magiging malapit sila sa isa’t isa.
Ganiyan din kasi ako kay Brandon noon. Akala ko wala akong pag-asa pero tingnan mo naman, naging boyfriend ko na siya.
“Trisya, gawan mo nga ako ng meryenda then pakidala doon sa garden,” sabi ko kay Trisya at agad naman siyang sumunod.
Lumabas ako ng mansyon at nagtungo sa pinakagilid kung saan hindi ako mapapansin agad. Tinatanaw ko si Glenn na may inaayos doon sa mga halaman.
Ang plano ko ay palabasin na para kay Glenn ang meryenda na inihanda ni Trisya. Ngayong araw ang umpisa ng plano ko. Ang Oplan Paglapitin sina Trisya at Glenn!
“Glenn! Samahan mo nga muna ako doon sa kabilang farm. May kukunin lang tayo.”
Nasapo ko ang noo nang biglang dumating si Mang Caloy. Pagkaalis nilang dalawa ay siyang paglabas naman ni Trisya mula sa mansyon.
“Miss Franz, bakit po kayo nandyan sa gilid? Ito na po ang meryenda ninyo,” sabi ni Trisya kaya napairap ako sa inis.
Wala na akong choice kun’di kainin itong meryenda! Wrong timing naman kasi si Mang Caloy. ’Di bale, may ibang pagkakataon pa naman.
Kaya naman sa sumunod na araw ay ako na mismo ang lumapit kay Glenn para sa plano ko.
“Ahm, Glenn,” tawag ko sa kanya nang lumabas siya mula sa isang kuwadra.
Tumingin siya sa akin habang nagpupunas ng kamay. Tinaasan niya ako ng kilay.
“Ano ’yun? May kailangan ka ho ba?” tanong niya.
Ngumiti ako. “Magpapasama sana si Trisya sa ’yo sa palengke. Medyo marami kasi siyang bibilhi,” sabi ko.
Kumunot ang noo niya at alanganing tumango. Mukhang hindi pa siya sigurado sa pagpayag niya pero sumunod din naman.
“Great! Halika, nandoon siya sa kusina. Paalis pa lang kasi siya,” sabi ko at agad siyang hinila papasok ng mansyon.
Pero halos pumutok ang ugat ko sa inis nang malamang nakaalis na si Trisya. Nagpasama na pala siya kay Mang Caloy!
“Bakit ba lagi na lang umeepal si Mang Caloy?” inis kong bulong sa sarili.
“Ano ’yun? Tinawag mong epal si Mang Caloy?”
Nanlaki ang mata ko at nilingon si Glenn. Nakalimutan kong nandito rin pala siya sa kusina. Bumaba rin ang tingin ko sa kamay kong nakahawak pa pala sa braso niya. Agad ko iyong binitiwan.
“H-ha? Hindi ’no. Bakit ko naman sasabihin ’yun? Umalis na pala si Trisya. Sige, bumalik ka na doon sa kuwadra,” sabi ko bago siya iniwan doon sa kusina.
Bumalik ako sa kuwarto habang nag-iisip ng bagong plano.
I didn’t know that being a matchmaker was such a hard work! Wala pala akong talent pagdating sa ganito! Lahat na lang palpak.
“Anong iniisip mo, Miss Franz?”
Napaigtad ako nang biglang sumulpot si Trisya sa tabi ko. Nilingon ko siya bago ako ngumiti. Hindi ko namalayang nakabalik na pala si Trisya.
“Wala naman. Bakit nandito ka? Ang bilis mong mamalengke. By the way nagkita ba kayo ni Glenn?” tanong ko.
Tumingin sa malayo si Trisya at napabuntong-hininga.
“Miss Franz, napapansin ko po na sinasadya n’yong magkalapit kami lalo ni Glenn. Hindi n’yo dapat ginagawa ’yun.”
I immediately pouted. “Why not? I know that I’m not a good matchmaker but trust me. Gagana naman ang iba kong plano—
“Basta huwag n’yo nang gagawin ’yun. Kung talagang may gusto sa akin si Glenn dapat siya mismo ang gumawa ng paraan. Pero dahil sa ginagawa n’yo, mas lalo ko lang nakikita na wala akong pag-asa sa kanya.”
Napakurap ako at hindi makapaniwalang tiningnan siya. Hindi ko akalaing ganito siya kadaling sumuko.
“You know what? If you really want Glenn, then you have to do something. Huwag kang umasa lang na papanain siya ni Kupido para lang magkagusto sa ’yo,” prangkang sabi ko sa kanya.
“Hindi naman ako umaasa sa bagay na imposible. Kaya please lang Miss Franz, tigilan n’yo na ang mga plano n’yo.”
Naiinis ko siyang tiningnan pero dahil sa seryoso siya sa sinabi niya ay napabuntong-hininga na lang ako.
“Okay, fine. I will not meddle with your love life anymore.”
Gusto ko lang naman siyang tulungan dahil may nakikita akong chance. Pero kung ayaw niya talaga, hindi na ako mamimilit.
Ayaw ko pa naman sa lahat ’yung minamasama ang pagtulong ko. Bahala na siya sa buhay niya. Kung maghihintay lang siya na magustuhan siya ni Glenn, para lang siyang naghihintay na pumuti ang uwak.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top