Chapter 28

CHAPTER 28
Baby



Lumipas ang isang Linggo at dumating na nga ang araw ng kasal namin ni Glenn. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Oo, mahal ko si Glenn pero parang may kulang…parang may mali. Siguro dahil kaya niya lang ako inalok ng kasal ay dahil sa mansyon. At hindi dahil sa mahal niya ako.

Ano pa bang iniinarte mo, Franz? At least, mababawi mo ang mansyon! Huwag mo munang isipin ang sarili mo.

“Miss Franz, kanina pa po kayo umiiyak. Nakailang retouch na po ako sa make up n’yo,” sabi ng baklang makeup artist ko.

“Sorry, tears of joy lang,” sagot ko kahit alam kong hindi iyon totoo.

Sana nga tears of joy na lang ‘to. Sana nga hindi ito luha ng kalungkutan.

Isang simpleng white long gown lang ang suot ko. Tutal civil wedding lang naman ito. I wonder kung sino-sino kaya ang mga imbitado? Nandito kaya ang pamilya ni Glenn? Ang mga kaibigan niya? Si Trisya?

Dumating na nga ang oras ng kasalan. Habang pinagmamasdan ko ang mga tao sa paligid, doon ko napagtanto na hindi nga ito ang kasal na pinapangarap ko. Wala akong masyadong kilala.

Wala ang pamilya ko. Wala ang mga kaibigan ko. Pakiramdam ko mag-isa ako kahit na may mga tao naman sa paligid. Kahit na nandito naman si Glenn.

Pigilan ko mang lumuha ay patuloy pa rin ito sa pag-agos mula sa aking mga mata. Siguro ang iniisip ng iba ay tears of joy ito. Pero para sa ’kin, dulot ito ng kalungkutan.

Sana nandito ang mga magulang ko. Sana kasama ko sila.

“Attention everyone. This wedding is now cancelled.”

Napalingon kaming lahat kay Glenn nang sabihin niya iyon. Cancelled? Bakit biglang nagbago ang isip niya? Naisip niya bang hindi na talaga mag-wo-work ang relasyon naming dalawa?

Sabay kaming umuwi ng mansyon pero hindi ko pa rin alam kung bakit kinansela niya ang kasal namin. Siguro may iba na talaga siyang mahal.

“I cancelled the wedding because I can’t bare seeing you crying like hell. Pakiramdam ko ayaw na ayaw mong ikasal sa akin at ginagawa mo lang ’yon para sa mansyon. Don’t worry ibabalik ko na sa ’yo ang mansyon. Hindi mo na kailangang magbayad. Sa ’yo na nakapangalan iyon.”

Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. ’Yon ang akala niyang dahilan kaya ako umiiyak? At ibabalik niya sa ’kin ang mansyon kahit ’di ko na ito bayaran pa?

Oo, masaya ako nang dahil sa sinabi niya pero hindi ko maiwasang mapaisip. Paano kung may ibang binabalak si Glenn? Bakit niya naman ibibigay sa akin nang basta-basta ang mansyon?

Lumapit siya sa ’kin at hinawakan ang pisngi ko. Kay tagal kong hinintay ang araw na ’to. Ang araw na muli niya akong mahawakan. Ang araw na muli ko siyang malapitan nang ganito.

“Hindi mo na kailangan pang maghirap, sa ’yo na ulit itong mansyon. Aalis na ako,” sabi niya at tumalikod na para lumabas ng mansyon.

“Glenn,” pagtawag ko sa kanya.

Huminto siya at lumingon sa ’kin.

‘I love you,’

“Thank you,” tanging nasabi ko. Muntik ko nang kutusan ang sarili.

Hindi ko alam kung saan ako lulugar sa buhay ni Glenn. Ayaw ko namang magpadalos-dalos dahil baka marami na ngang nagbago. Wala pang sinasabi si Glenn tungkol sa nararamdaman niya kaya maghihintay na muna ako.

Aakyat na sana ako ng hagdan pero biglang bumalik si Glenn. Kunot-noo ko siyang nilingon.

“Bakit ka bumalik? May naiwan ka ba?” tanong ko.

“May nakalimutan lang akong gawin,” sabi niya bago ako hinapit sa bewang at hinalikan.

I was stunned at the moment our lips collided. It was just a brief kiss but my heart pounded so hard in my chest. Para bang nahulog na ito sa aking sikmura at hindi ko na alam kung paano ko ibabalik.

Nang humiwalay siya sa akin ay hindi pa rin ako makakilos. Nanatili akong nakatitig sa kanya nang may nagtatanong na mga mata.

He kissed me. He kissed me again just like before. So, it means, he still have feelings for me?

Relax, Franz. Paano kung isa lang ’to sa mga tactic niya para umasa ka tapos sa huli, gagantihan ka lang pala niya? Sa huli, iiwan ka rin niya katulad nang pag-iwan mo sa kanya noon.

“Magpahinga ka na,” sabi niya.

“Bakit hindi ka na lang dito matulog?” tanong ko bago ko pa mapigilan ang aking sarili.

Ngumiti siya at umiling. “As much as I want to stay here, I can’t. I have something important to do. Magkita na lang tayo bukas.”

Hindi na ako kumibo at hinayaan na siyang lumabas ng mansyon. Napabuntonghininga na lang ako. Kahit na ngumiti siya sa akin, ramdam ko pa rin ang kakaiba sa palikitungo niya.

Kung totoo mang may balak lang siyang gantihan ako, tatanggapin ko. Kung nagpapanggap lang siyang mahal niya pa rin ako para saktan ako huli, ayos lang. Maiintindihan ko. Basta makasama ko siya. Kahit na pagpapanggap lang.

Kinabukasan ay nagising ako nang may matanggap akong text mula sa isang unknown number.

Unknown number:
Magkita tayo sa may burol, señorita.

Kahit na hindi siya magpakilala ay alam kong si Glenn iyon. Siya lang naman ang tumatawag ng ‘señorita’ sa akin. Nakapagtataka lang kung saan niya nakuha ang number ko? Hindi na kasi ito ang luma kong number dahil nagpalit ako ilang taon na ang nakalilipas.

Mabilis akong naligo at nagbihis. I wore a white square neck sleeveless top and a pair of black pleated shorts. Tanging itim na sneakers lang ang isinuot kong sapatos.

Hindi ko maipagkakaila na na-e-excite ako sa pagkikita namin ni Glenn. Ano kayang gagawim namin doon? Bakit doon pa kami magkikita? May sorpresa ba siya sa ’kin?

Lahat ng tanong sa isip ko ay isinantabi ko na muna. Nagtungo ako sa burol at pagdating doon ay wala pa si Glenn. Habang naghihintay ay tumanaw muna ako sa ibaba ng burol. Nakaka-miss talaga ang lugar na ’to. Ang tagal kong nangulila sa ibang bansa at ngayong nandito na ulit ako, masaya na ulit ang puso ko.

“So, totoo ngang bumalik na ang señorita.”

Napalingon ako sa nagsalita at si Trisya ang nakita ko. Ngayon ko na lang ulit siya nakita. At masasabi kong medyo tumaba siya.

Kinunutan ko siya ng noo. “Trisya? Anong ginagawa mo rito?” tanong ko.

Pagak siyang natawa. “Ha! Ikaw ang dapat na tinatanong ko niyan. Ano na namang ginagawa mo rito? Bakit bumalik ka pa? Matapos mong iwan si Glenn noon, babalik ka bigla? Ang kapal naman talaga ng mukha mo! Dahil ba mayaman na siya?” galit na sigaw niya.

Hindi ko alam kung saan niya hinuhugot ang galit niya. Ni hindi ko nga alam kung paano niya naisip na bumalik ako dahil mayaman na si Glenn. Masyado siyang affected sa ginawa ko noon na para bang siya ang nasaktan ko. Oh I forgot, may gusto nga pala siya kay Glenn.

I sighed. “Trisya, kung ano mang nagawa ko kay Glenn, napag-usapan na namin iyon at labas ka na ro’n. Bakit ba galit na galit ka sa ’kin? Don’t tell me, hindi ka man lang pinatulan ni Glenn noong mga panahong wala ako—

Nanlaki ang mata ko sa biglaang pagsampal niya sa ’kin. Sobrang lakas n’on at pakiramdam ko ay mamamaga ang pisngi ko nito. Tinapunan ko siya nang masamang tingin at nag-umpisa nang kumulo ang dugo ko sa babaeng ’to.

“How dare you?! Wala kang karapatan na sampalin ako!” singhal ko bago siya sinugod.

Hinila ko ang buhok niya at gano’n din ang ginawa niya sa akin. Kahit kailan ay hindi pa ako nakipagsabunutan. Kahit noong teenage years ko! Ngayon pa lang at nagagalak ako na si Trisya ang unang babaeng masasabunutan ko.

Malakas niyang hinila ang buhok ko at parang matatanggal na ito sa anit ko. Hinila ko rin nang malakas ang buhok niya.

Hindi ako magpapatalo!

“Walang hiya ka, Franz! Dapat hindi ka na bumalik!”

“Wala kang pakealam kung bumalik ako. Hindi naman ikaw ang binalikan ko dito!”

Nakabitaw siya sa buhok ko at ginamit ko ang pagkakataon na iyon para itulak siya.Natumba siya at tatakbo na sana ako nang sumigaw siya.

“Aaah! Ang baby ko!” Nanlamig ang buong katawan ko nang makita kong may umaagos na dugo sa binti niya.

What the hell?

Hindi ako makakilos. Buntis siya, buntis nga siya.

Hindi ko alam ang gagawin. Nanginginig akong lumapit sa kanya. Natutuliro ang isip ko sa kaba at takot. Hindi ko alam… Oh God! Anong nagawa ko?

Hahawakan ko na sana siya pero hinawi niya ang kamay ko. “Lumayo ka sakin! Aahh...kapag may nangyaring masama sa baby namin ni Glenn, malalagot ka!”

Para akong nabingi sa sinabi niya. Mas lalo akong naestatwa sa kinatatayuan ko. Totoo ba ang narinig ko? Baby nila ni Glenn? Magkakaanak na sila?

Pero…pero bakit ako hinalikan ni Glenn? Ibig sabihin totoo ang kutob ko? Nagpapanggap lang si Glenn sa harapan ko? At hindi ko pa malalaman iyon kung hindi ko nakita si Trisya rito sa burol.

“Trisya!” Biglang dumating si Glenn at lumapit kay Trisya.

Alalang-alala siya habang pinagmamasdan ang sitwasyon ni Trisya. Isa-isang nagbagsakan ang mga luha ko. Halo-halong emosyon na ang nararamdaman ko ngayon. Sakit, kaba, takot at pagkabigo.

“Glenn…iligtas natin si baby…” Humihikbing saad ni Trisya habang nakakapit sa braso ni Glenn.

Tumango naman si Glenn. “Oo, ililigtas natin siya,” sagot nito bago ako nilingon gamit ang malamig niyang mga mata. “Anong ginawa mo, Franz?!”

Napalunok ako bago umiling. “I-I… don’t know. Hindi ko sinasadya,” nauutal kong sagot habang nanginginig ang mga kamay.

“Dadalhin na kita sa ospital,” sambit ni Glenn bago niya binuhat si Trisya at dinala sa sasakyan.

Naiwan ako sa tuktok ng burol habang magulo ang isipan. Kahit na hindi kumpirmahin ni Glenn sa harapan ko ay alam ko na. Kitang-kita ko ang reaksyon niya at kung gaano siya kagalit sa akin nang tanungin niya ako.

Magkakaanak na sila ni Trisya. Iyon ang katotohanang kailangan kong tanggapin. At nasa panganib ang anak nila nang dahil sa akin. Hindi ko alam kung mapapatawad pa ako ni Glenn sa oras na mapahamak ang baby nila.

Dammit! Wala na talaga kaming pag-asa. Matagal na kaming natapos at tanga lang ako para umasang maibabalik ko pa sa dati ang lahat.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top