Chapter 27

CHAPTER 27
Cold


“Pakasalan mo ako.”

Nalaglag ang panga ko sa narinig.

Gano’n lang ’yon? Uutusan niya akong pakasalan siya para lang maipangalan din sa akin ang mansyon? Oo, mahal ko pa rin siya pero hindi ko pa naririnig sa kanya kung mahal niya pa rin ako. Gusto kong maikasal ng dahil sa pagmamahal.

‘Franz, think about the mansion. Kailangan mong bawiin ito…’

Siguro kung ibang sitwasyon ito, malamang pumayag na ako.

“What?” iyan lang ang tangi kong nasabi dahil hindi ako makapag-isip nang maayos. Idagdag mo pa na hindi nakatutulong ang distansya ni Glenn sa akin ngayon.

Amoy na amoy ko ang pabango niya at talagang nagwawala ang sistema ko nang dahil doon.

“Kapag ginamit mo ang apelyido ko, mapapasa’yo ang lahat ng sa akin. Kabilang na ang mansyon,” sagot niya at bumalik na ulit sa kanyang upuan.

Suminghap ako. “Pero ang mansyon lang naman ang gusto ko.”

Wala naman akong pakealam sa ibang kayamanan ni Glenn. Gusto ko lang mabawi ang mansyon. Gusto kong tuparin ang ipinangako ko kay daddy.

Ipinagsiklop ni Glenn ang kanyang kamay. “Huwag kang mag alala. The wedding is only good for one month. Kapag nag-work, itutuloy natin pero kapag hindi mag-fa-file tayo ng annulment.”

One month? Ano ’to? Gusto niyang gawing free trial ang kasal namin? Na puwedeng i-cancel anytime kapag hindi na gusto? Ha! Parang gusto kong umiyak, hindi na siya ang Glenn na minahal ko. Nagbago na siya.

Huminga ako nang malalim at pumikit nang mariin. Pagmulat ng mata ko ay saka ako tumango.

“Sige, payag na ako,” sabi ko at mukhang nagulat siya pero ngumisi rin naman kalaunan.

Para sa mansyon, gagawin ko. Magpapakasal ako sa kanya. Kahit na alam kong mas lalo lang akong masasaktan sa sitwasyong pinasok ko.

“Gusto mo talagang mabawi ang mansyon?” Umiling siya. “Anyway, civil wedding lang muna ang gagawin natin. Then, after one month kapag nag-work ito t’saka tayo magpapakasal sa simbahan.”

Iyon na ‘yon? Hindi man lang ba niya ako tatanungin kung bakit ako umalis? Bakit iniwan ko siya? Bakit ngayon lang ako? Hindi man lang ba siya manghihingi ng paliwanag? O baka, wala na talaga siyang pakealam?

Pagkatapos naming mag-usap ni Glenn ay lumabas siya ng opisina niya. Ang sabi ng maid ay ibinilin daw ako sa kanila ni Glenn. Ang utos daw ni Glenn ay sa dating kuwarto ko ako mananatili.

Ang sabi rin daw kasi ni Glenn, iisang kwarto na lang ang gagamitin namin tutal ikakasal na kami next week agad-agad. Nakakapanibago ang pagiging malamig niya sa ’kin. Hindi na siya gano’n ka-sweet. Minsan nga naiisip ko na baka pinaglalaruan lang niya ako. Baka talagang may iba na siyang mahal. At hindi na ako iyon.

He is slowly torturing me. At kapag nagtagal ang ganitong sitwasyon namin baka ’di ko makayanan.

Narinig kong namatay ang shower sa banyo hudyat na tapos na siyang maligo. Hindi ako lumingon, nanatili akong nakahiga patagilid upang hindi niya rin ako makita.

Kahit na narinig ko ang mga yabag niyang papalapit ay hindi pa rin ako tumingin. Nasasaktan kasi ako kapag nakikita ko ang panlalamig sa mga mata niya. Pero hindi ko naman siya masisi kasi kasalanan ko rin naman.

“I believe you have lots of explaining to do. Let’s start sa kung bakit ka umalis no’ng araw na iyon nang hindi nagpapaalam? Bakit ang tagal mong bumalik?” tanong niya.

’Yan na ang hinihintay kong sabihin niya. Gusto kong ipaliwanag sa kanya kaya lang baka hindi ko kayanin. Baka mag-breakdown ako. Natatakot ako na baka kapag umiyak ako hindi na siya ang dating na Glenn na yayakapin ako at susuyuin.

Bumangon ako ngunit nanatiling nakatalikod sa gawi niya. Para kung sakaling umiyak man ako ay hindi niya agad makikita.

“Noong umagang ’yon, tumawag si daddy. Sabi niya may cancer si mommy at kailangan nila ako roon sa USA, nag-alala ako nang sobra.”

Suminghap ako bago nagpatuloy. “Mahal na mahal ko ang parents ko kaya agad akong nagpunta sa states. Hindi na ako nagpaalam kasi ayaw kong makita kang malungkot at nasasaktan. Nalaman namin na malala na ang kalagayan ni mommy, ginawa namin ang lahat, halos maubos ang pera namin pero hindi pa rin naka-survive si mommy. Namatay siya. Pakiramdam ko namatay na rin ang kalahati ng pagkatao ko. Na-stress si daddy sa pagkawala ni mommy. Araw-araw siyang lasing at umiiyak. Hanggang sa nagkasakit din siya…Ubos na ang pera namin sa bangko kaya ibinenta ko ang mansyon kahit na importante ito sa amin.”

Tumigil ako saglit upang pigilan ang paghikbi ko.

“Pero katulad ni mommy, n-namatay rin si daddy. I…I was so devastated that time. Nasaktan ako nang sobra. I was broken that I committed suicide. Uminom ako nang napakaraming gamot para ma-overdose ako hoping na sana mamatay na ako. Pero anong nangyari? Nagising pa rin ako. I’m sorry kung ’di ako nagpaalam. I’m sorry kung natagalan ang pagbabalik ko. Hindi ko alam na mangyayari ’to… I’m sorry,”

Isinubsob ko sa aking palad ang mukha ko at doon umiyak. Hindi ko alam kung anong reaksyon ni Glenn sa mga sinabi ko.

“You should have told me. Hindi naman kita pipigilan kung iyon ang ikinatatakot mo. Hindi naman gano’n kakitid ang utak ko, Franz. Maiinitindihan kita, hindi iyong nagmukha akong tanga rito na naghihintay sa pagbabalik mo. Pakiramdam ko wala akong kuwenta dahil wala ako sa tabi mo noong kailangan mo ako.”

Mas lalo akong naiyak sa sinabi ni Glenn. Pinaghalong sakit at galit ang nasa tinig niya. Hindi ko siya magawang tingnan. Wala akong mukhang maihaharap sa kanya.

“I’m sorry kung nagpaka-selfish ako,” bulong ko.

Malaki ang kasalanan ko sa kanya. At kung may kaakibat na parusa ang kasalanang iyon, tatanggapin ko. Mahal ko si Glenn. Ayaw kong mawala siya sa ’kin.

Naramdaman kong tumayo siya kaya lumingon ako.

“Saan ka pupunta?” tanong ko at nang lumingon siya ay napayuko na lang ako ulit.

“Marami pa akong gagawin. Matulog ka na,” malamig niyang sabi.

Lumabas siya ng kwarto at naiwan ako. Galit siya. Alam ko ’yon. Hindi ko naman siya masisisi.

Miss na miss ko na ang dating Glenn. Gusto ko na siyang yakapin pero alam kong hindi puwede. Hindi ko alam kung magkakaayos pa ba kaming dalawa.

Hindi rin naman ako makatulog. Itanggi ko man, alam kong sa puso ko ay hinihintay kong bumalik si Glenn.

Hindi pa ba siya tapos sa ginagawa niya? Hatinggabi na, ah. O baka naman wala talaga siyang balak na matulog dito? Hindi niya matiis na makasama ako.

Bumangon ako at dahan-dahang naglakad palabas ng kwarto. Lumapit ako sa opisina niya pero may narinig akong tumutugtog sa may veranda sa sala dito sa second floor.

Hindi niya ako napansin. Pinapanood ko siya habang nagpapiano at kumakanta. Nakapikit ang mga mata at dinarama ang kanta.

Huminto siya sa pagtugtog pero nakapikit pa rin ang kanyang mga mata. Kailangan ko nang bumalik sa kwarto baka makita pa niya ako. Tumalikod ako at naglakad paalis nang magsalita siya.

“Alam kong nandiyan ka. Bakit hindi ka pa natutulog?” rinig kong tanong niya.

Dahan-dahan akong humarap at napansin kong hindi nagbago ang posisyon niya. Nakatalikod pa rin siya kaya napakunot ang noo ko.

Kailan pa siya nagkaroon ng mata sa likod?

“H-Hindi kasi ako makatulog. Kukuha lang sana ako ng tubig. Napadaan lang ako rito kasi may narinig akong…kumakanta,” palusot ko.

Umusog siya nang kaunti sa inuupuan niya at tinapik ito.

“Tumabi ka sa ’kin,” utos niya.

Hindi agad ako nakakilos sa kinatatayuan ko. Did I heard him right? He wants me to sit beside him?

“Gusto mo bang ulitin ko ang sinabi ko? Umalis ka lang nabingi ka na.”

Tinignan ko siya nang masama bago naupo sa tabi niya. Makatawag sa akin ng bingi akala mo naman bati na kami!

“Kantahan mo ako,” utos niya ulit at agad akong umiling.

“Ayaw ko nga. Kailan mo ba ako narinig na kumanta?” pagsusungit ko.

Ayaw ko naman talagang kumanta dahil hindi ako handa. At saka, matagal na rin mula nang huli akong kumanta. Baka ang pangit na ng boses ko.

“Just one song, please.”

Labag man sa loob ko ang pagkanta ay ginawa ko na rin. Para kahit papaano ay mapagbigyan ko si Glenn. Sa dami ng kasalanan ko sa kanya, gusto kong bumawi sa pamamagitan ng pagkanta ko.

“Feeling used, but I’m still missing you…”

Pumikit ako habang kumakanta para hindi ako mailang sa pagtitig ni Glenn sa akin. Nang matapos ay saka ako dumilat at nagtama ang paningin naming dalawa.

Bumaba ang tingin ko sa kanyang labi at naalala ko iyong mga araw na malaya akong mahalikan ang mga iyon.

I badly want to feel his lips again. Pero pipigilan ko muna ang sarili ko ngayon. This is not the right time for this.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top