Chapter 23

CHAPTER 23
Mourn

Nothing is more powerful than a mother’s love. At napatunayan ko iyon sa buong buhay kong kasama si mommy. She never failed to make me feel loved. She always made sure that I’m happy. Kahit minsan nag-aaway kami, siya ang unang sumusuko. Siya ang unang lalapit sa ’kin.

Totoo nga ’yung isang kasabihan na, kayang tiisin ng anak ang kanyang magulang pero hindi kayang tiisin ng magulang ang kanyang anak.

Kung alam ko lang na kukunin siya ni Lord ng ganito kaaga, sana naging mas mabait akong anak. Sana ipinaramdam ko sa kanya na mahal na mahal ko siya.

‘Mommy, kung nasa’n ka man ngayon, sana alam mong mahal na mahal kita. Nandito ka palagi sa puso ko…I will miss you mommy.’

“Daddy, it’s already late. Let’s go home,” sabi ko kay daddy.

Ngayong araw namin ipina-cremate ang labi ni mommy. Gusto kasi ni daddy na mabibitbit namin ang abo niya kung sakaling umuwi na kami sa Pilipinas.

Pero itong si daddy, dinala pa ang abo rito sa may simbahan. Mukhang ayaw niya pang umuwi.

“I really love your mother. Do you know the story of how we met each other?” tanong ni daddy at umiling lang ako.

“Once upon a time, there was a knock on my door. I opened the door and then I saw a beautiful lady. I thought may naligaw na diwata sa bahay ko pero no’ng sinabi niyang siya iyong bagong maid sa bahay, natawa na lang ako,”

Nangingiti si daddy na para bang sinasariwa niya sa kanyang isipan ang alaala nila ni mommy.

Hindi ko alam ang tungkol doon. Si mommy ay isang maid?

“Shy was a terrible liar. Nagpanggap siyang maid dahil daw sa isang dare. I admit, nagalit ako sa mommy mo noon. Pero dahil mahal ko siya, nagtiwala ako sa kanya sa pangalawang pagkakataon. We’ve been through hard times. Nandiyan iyong palaging may pinagseselosan ang mommy mo. And then one day, umalis siya. Nagpunta rito sa New York. Nawalan kami ng communication. Akala ko pinagpalit na niya ako. ’Yon pala nagka-amnesia siya dahil sa isang aksidente.”

Suminghap si daddy habang hinahaplos ang jar kung nasaan ang abo ni mommy.

Umiiyak na naman siya. Walang araw na hindi umiiyak si daddy. Nasasaktan ako para sa kanya.

“Daddy, I’m sure masaya na si mommy kung nasaan man siya ngayon. No pain, no sickness, just pure happiness,” sabi ko habang niyayakap si daddy.

“Bakit ang aga naman niya kunin sa atin ang mommy mo? B-Bakit kailangan sa ganitong paraan pa?”

Naaawa ako kay daddy. Wala akong magawa para pagaanin ang loob niya. Dahil maging ako, nagluluksa sa pagkawala ni mommy.

Sana bangungot na lang ang lahat ng ito. Sana hindi ito totoo. Sana magising na ako.

Sinubukan kong kurutin ang sarili ko. Pero nang hindi ako magising ay napagtanto kong totoo nga. Wala na si mommy.

“Daddy, we have to let her go. Hindi gusto ni mommy na makita tayong ganito. Umuwi na po tayo,” muli kong pagyaya sa kanya pero hindi siya kumilos.

Diretso ang tingin niya sa altar.

“Kung kasama mo man siya ngayon, sana masaya siya. Pakisabi na rin na, mahal na mahal namin siya. At darating ang araw na magkikita ulit kaming dalawa,” sabi ni daddy habang humihikbi.

At tila nakikisabay ang panahon sa nararamdaman namin dahil biglang bumuhos ang ulan. Tila ba nagluluksa rin ang kalangitan.

It feels like torture seeing him like this. If I could only bring my mother’s life back I will do it in an instant.

Pagdating sa bahay ay dirediretso lang si daddy sa kuwarto niya. Hinayaan ko na lang. Maybe he needs space and time. Ibibigay ko sa kanya iyon.

Nagpunta ako sa rooftop ng bahay namin. Doon ako tumatambay kapag gusto kong mag isip. May transparent roof ito kaya hindi ako mababasa sa ulan.  Kumakalma ako habang pinagmamasdan ang ulan na pumapatak.

Sa ganitong pagkakataon, gusto ko sana kasama ko si Glenn. Alam kong kaya niyang pagaanin ang loob ko. Siya lang ang taong makapagpapakalma sa akin.

Sana nakatingin tayo sa parehong bituin. Sana nalalanghap natin ang parehong hangin. Sana nandito ka. Sana nandito ka para sabihin sa ’kin na makakaya ko ang lahat ng ito.

‘Glenn, wait for me. Babalik ako. I love you.’

Pumikit ako. Umaasang makararating sa kanya ang mensaheng iyon. Sa sobrang pangungulila ay umaasa na akong mangyari ang mga imposible.

***


Napabangon ako nang makarinig ng nabasag na mga gamit. Agad akong nagtungo sa kusina at naabutan ko si daddy.

Ilang linggo na siyang ganyan. Araw-araw lasing. Hindi makausap. Umiiyak at nagbabasag ng gamit.

“Daddy, lasing ka na. Matulog ka na—

“Leave me alone.”

At ’yan din ang palaging sinasabi niya sa akin. Leave him alone. Noong una ay hinahayaan ko lang siya dahil alam kong ’di niya pa matanggap na wala na si mommy, pero ngayon hindi na puwede iyon. Naiintindihan ko si daddy pero hindi niya kailangan makulong sa sakit at kalungkutan.

“Daddy, nakakasama po sa kalusugan n’yo ang araw-araw na pag-iinom,” sabi ko.

“I said leave me alone!”

Napaigtad ako sa biglaang paghagis ni daddy sa boteng hawak niya. Nangilid ang luha sa aking mata kaya agad akong tumalikod. Ayaw kong makita niya akong umiiyak.

“Dad, sana po malaman n’yo na hindi pa katapusan ng mundo. I’m still here. I can be your strength. I hope you’ll learn how to move on eventually,” sabi ko at umakyat muli sa kwarto ko.

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko kay daddy. Hindi na siya katulad noon. Siguro nga nagbabago ang tao kapag nasasaktan. Pain changes people. But I don’t want that pain to make me a heartless person. Ayaw kong magbago at tuluyang mawalan ng pakealam sa lahat ng bagay.

Papunta ako ngayon sa pictorial sa modeling agency na pinagtatrabahuan ko kung saan kasama ko si Brandon. Ilang linggo rin akong nawala dahil nagluluksa kami ni daddy. At ngayon, medyo maayos na ako kaya papasok na ulit ako sa trabaho.

“Good morning, Franz! Welcome back!” bati ni Brandon sa ’kin.

“Good morning,” I greeted back.

Nagpunta na ako sa dressing room at naabutan ko ro’n si Madam Angelou.

“Good morning, Madam Angelou.” Napalingon siya sa ’kin at agad na nanlaki ang kanyang mga mata.

“O.M.G! What happened to your face? Your eyebags are very visible and you already have pimple marks. You can’t be like that in our pictorial!” inis niyang bungad sa akin.

Napahawak ako sa mukha ko. Gano’n na ba ako ka-stress? Hindi na ako masiyadong nakakapag-ayos nitong mga nakaraang araw dahil abala ako sa bahay. Ni hindi ko nga napansin na tinubuan na ako ng pimple. Aish!

“I’m sorry, Madam,” I told her.

Umiling siya bago binalingan si Jhenny. “Jhenny, I want her to look fresh again. And you Franz, don’t stress yourself too much,” sabi niya bago lumabas ng dressing room.

Bumuntong hininga ako bago umupo ako sa upuan na nasa harap ng salamin. Madam Angelou was right. I really look so haggard.

Inumpisahan na akong ayusan ni Jhenny at dahil magaling siyang makeup artist ay nagawa niyang maitago ang eyebags ko. Maging ang pimple marks sa aking pisngi ay hindi na gaanong nakikita. Mukha na ulit akong fresh.

“Napagalitan ka na naman ni Madam kanina,” sabi ni Brandon.

Katatapos lang ng photoshoot namin at nag-aya si Brandon na mag-mall na muna kami. Ililibre niya raw ako para mabawasan ang stress ko. Pumayag na lang din ako para kahit papaano ay malibang ko ang sarili.

“It’s okay, kasalanan ko naman. Napabayaan ko ang sarili ko,” sabi ko habang nagtitingin ng mga damit.

“Kumusta na pala si Tito Matthew?”

Napayuko ako sa tanong niya. “As usual, palaging tulala. Naglalasing at umiiyak. I don’t know what to do anymore, Brandon. Gusto ko siyang tulungan na maka-move-on pero mukhang ayaw talaga ni daddy,” sabi ko.

“Maybe you need to consult him to a doctor. Baka may therapy na makatulong para tuluyang maka-move-on ang daddy mo.”

“How will I do that? Ni hindi nga niya ako kinakausap? He keeps on pushing me away. Wala akong magawa,”  sabi ko at nasapo ang aking noo.

Niyakap ako ni Brandon. “Sshh. Siguro nasaktan lang talaga ang daddy mo. Just wait, darating din ang araw na magiging masaya ulit si tito. Kailangan mo lang siyang tulungan,” sabi niya.

Another months have passed, and we’ve been staying here for more than a year now. Si daddy? Wala pa ring pinagbago. Kahit noong dumaan ang pasko at bagong taon, ni hindi man lang siya lumabas ng kuwarto niya.

Pakiramdam ko hindi lang si mommy ang nawala. Pati na rin si daddy. Hindi ko na maramdaman ang presensya niya.

Tumunog ang phone ko senyales na may tumatawag. Tiningnan ko ang caller’s I’d at nakitang si Tita Emily ang tumatawag.

“Hello, Tita Emily,”

“Hi, Franz! So, kumusta na si Kuya Matthew? May improvement ba?”

I sighed. “Gano’n pa rin tita. Ayaw niyang makinig sa akin. Kapag sinasabihan ko na huwag nang uminom ng alak, nagwawala.”

“Grabe talaga si kuya, kahit kailan ang kulit. Pagpasensyahan mo na lang. Alam kong mahirap magpalaki ng magulang na matigas ang ulo,” biro ni Tita kaya natawa na rin ako. “How about you? Kumusta ka na?”

“Ayos lang po. Huwag po kayong mag alala babantayan ko po palagi si daddy. Malakas po yata ’to!”

“I know. Pero pagdating sa kanya mahina ka,”

Natahimik naman ako nang dahil doon. Itong si Tita Emily sobrang diretsahan kung magsalita. Sapul na sapul ako, ah!

“Just kidding. Hanggang ngayon siya pa rin talaga? Well, balita ko lumuwas siya ng Manila no’ng nakaraang taon at isa na siyang ganap na architect. May architect ka na!”

Napangiti ako. “Good for him. Masaya ako na naabot na niya ang pangarap niya.”

“Wow, iyang linyahan mo parang ikaw ang nanay niya tapos proud ka kasi nakatapos na ang anak mo,” sabi ni Tita Emily bago humagalpak ng tawa.

“Of course, I’m proud of him. Ikaw talaga, Tita, mapagbiro!”

“I just want to make you laugh. Anyway, I have to end the call already. Mag-iingat kayo ni kuya riyan. I love you!”

“Yes, Tita. I love you, too.”

I ended the call and I can’t help but smile. I’m happy for Glenn. He managed to achieve his dreams…without me.

Maayos na ang buhay niya nang wala ako. Kaya napapaisip tuloy ako kung tatanggapin niya ba ako ulit? Paano kung kinalimutan na niya ako? Paano kung ayaw na niyang bumalik ako sa buhay niya?

Ako pa rin ba, Glenn? Kasi ako, ikaw pa rin. Hindi nagbago.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top