Chapter 20

CHAPTER 20
Strength

Kanina pa ako gising pero hindi ako bumabangon. Nakatitig lang ako sa mukha ng lalaking nasa tabi ko. I memorized every part of it so that I won’t forget how he looks like. From his eyebrows to his pair of beautiful eyes with long eyelashes. His pointed nose down to his kissable lips. To his angled jaw.

I stared at him like this will be the last time I will see his face. I love Glenn. I really do. And I’m willing to give him my first if he insists. But being gentleman as he truly is, he declined my offer.

Narinig kong nag-vibrate ang phone ko kaya kinuha ko iyon mula sa bedside table. Nakita ko ang pangalan ni daddy sa caller’s I’d kaya agad kong pinatay ang tawag.

Masama pa rin ang loob ko kay daddy. Ayaw ko muna siyang makausap ngayon. Pero muling nag-vibrate ang phone ko.

Napabuntong-hininga ako at dahan-dahang bumangon bago nagtungo sa banyo. Dito ko sinagot ang tawag.

“Hello,” malamig kong bungad sa kanya.

“F-Franz,”

Napakunot ang noo ko nang marinig ang paghikbi ni daddy mula sa kabilang linya.

“Dad, are you okay? Anong nangyari?”

“Ang mommy mo, isinugod sa hospital dahil sa matinding pananakit ng ulo. Ang sabi ng doktor…”

Bumilis ang tibok ng puso ko. “Ano pong sabi ng doktor, Dad? May sakit po ba si Mommy?”

“May cancer ang Mommy mo, Franz. Kailangan ka namin dito. Gusto kang makita ng Mommy mo,”

I covered my mouth to stop myself from sobbing.

“I’ll be there, Dad. Pupuntahan ko po kayo,” sabi ko.

“We’ll wait for you, Franz. Our private airplane will fetch you at the airport. Mag-iingat ka,”

“Yes, Dad. Wait for me. Tell Mom to wait for me.”

I didn’t waste any time. I immediately packed my clothes carefully and quietly. Ayaw kong magising si Glenn. Baka hindi ako makaalis kapag nakita ko siyang malungkot.

After packing my clothes, I went to Glenn.

‘I’ll be back Glenn…wait for me…’

I carefully kissed his forehead before walking out of my room. Hindi ko na rin ginising sila Manang para makaalis na ako agad. Natatakot akong abutan pa ako ni Glenn dito at hindi ko alam kung paano ipaliliwanag sa kanya ang lahat.

Nagmaneho ako papuntang port mag-isa. Wala akong ibang pinagsabihan sa pag-alis ko. Masiyado akong nag-aalala kay mommy at hindi ako makapag-isip nang maayos.

Nakatanaw ako sa unti-unting lumiliit na isla. Nakasakay na ako sa yate na magluluwas sa ’kin pa-Maynila.

Hindi ko alam na darating pala ang araw na to.Ang araw kung saan lilisanin ko ang isla. Ang araw na iiwan ko si Glenn.

Tinalikuran ko na ang isla. Kailangan ko itong iwan dahil mas mahalaga ang pamilya ko.
Maiintindihan naman siguro nila ako. Babalik naman ako, hindi ko nga lang alam kung kailan.

“Miss Guevarra, do you want some juice?” tanong sa akin ng flight attendant dito sa eroplano.

Umiling lang ako. Wala akong ganang uminom o kumain. Kinakabahan ako sa puwedeng mangyari. Nakatulugan ko na nga lang ang pag-aalala. Nang magising ako ay sinabihan ako ng crew na malapit na kaming mag-touchdown. Hindi na ulit ako natulog dahil muli na naman akong kinabahan.

Habang nasa sasakyan papuntang hospital ay hindi na ako mapakali. Gusto ko nang makita at mayakap sila mommy at daddy.

“Daddy,” sabi ko nang maabutan ko si dad sa hallway ng hospital. Nakatukod sa kanyang tuhod ang kanyang siko habang nakayuko.

Nag-angat siya ng tingin sa akin at tinakbo ko ang distansya namin para mayakap siya.

“Si mommy po? Nasaan siya?” tanong ko.

“Kanina ka pa niya hinihintay. Tara sa loob,” sabi ni dad at pumasok kami sa katapat na pinto.

I saw her at the hospital bed. Nakangiti agad siya sa akin. Hindi mo halata na may sakit si mommy dahil napakaganda niya pa rin.

“Mommy,” sabi ko at lumapit sa kanya at niyakap siya.

“Franz, I’m glad you came.”

I nodded. “Yes, Mom and I will never leave your side until you’re fully recovered.”

“Lalabas na muna ako para makabili ng pagkain. Alam kong hindi ka pa kumakain, Franz,” sabi ni daddy bago kami iniwan ni mommy.

Nang maisarado ni dad ang pinto ay muli kong binalingan ng tingin si mom. Nakatingin na rin pala siya sa akin.

“Franz, magkuwento ka naman ng mga karanasan mo ro’n sa isla. Tell me about that man,” she said while smiling widely.

Now that she mentioned it, naalala ko na naman tuloy ang mga iniwan ko sa isla. Lalong-lalo na si Glenn.

“He’s worth the pain mom. I really love him,” sagot ko. “Napamahal na rin ako sa isla at ang hirap nitong iwan.”

“You’re all grown-up, Franz. Does he know that you’re here?”

I looked down and shook my head. “No, Mommy. I left without saying goodbye. I don’t want to see him sad. Ayaw kong magpaalam sa kanya dahil nasasaktan din ako.”

Hindi kumibo si mommy. Akala ko ay nag-iisip lang siya ng sasabihin pero hindi pala. Nang tiningnan ko siya ay nakakunot ang kanyang noo habang nakatingin sa bandang leeg ko.

“Mommy, what’s wrong?” I asked.

“Is that a hickey?”

Nanlaki ang mga mata ko at agad na napahawak sa aking leeg. Naalala ko ang ginawa namin ni Glenn kagabi. Oh gosh! He really left a mark on my neck! That man!

“Mommy, let me exp—

“You two did it?!” Mommy exclaimed and I shook my head again.

“No, Mommy. We just…made out,” I said or more like whispered.

Mukhang kinilig pa si mommy sa sinabi ko. Ang akala ko talaga ay magagalit siya. Pero kapag si daddy ang nakakita nito, lagot na. Baka pauwiin niya pa ako sa Pinas agad.

“What base?”

Nag-init ang tanong ko sa tanong ni mommy. Nakakahiya pa lang pag-usapan ito sa harap ni mommy.

“First only,” I answered shyly.

Napangiwi naman siya. “Ang bagal naman pala—

“Mom! It’s embarrassing,” I cut her off while my face is already burning from embarrassment.

I missed this kind of bonding with mommy. Iyong puro kami biruan at tawanan. Sana, gumaling na siya. Gusto ko pa siyang makasama nang matagal.

“Stage four? Dad, you didn’t even notice that mom is already suffering with brain tumor cancer?” I asked in disbelief.

Kasalukuyan naming kausap ang doktor tungkol sa sitwasyon ni mommy. At nagulat ako nang sabihin nitong may stage four cancer ang mommy ko.

“I don’t know. I’ve been encouraging her to see a doctor but she keeps on saying that she’s fine,” daddy said.

Hinarap ko ulit ang doktor. “Doc, please do everything to treat my mother. We don’t care how much will it cost just treat her please.”

Kahit pa gaano kalaki ang gastusin namin, handa kaming magbayad. Basta ba gumaling si mommy. Hindi na mahalaga kung maubos ang pera namin sa bangko, ang mahalaga mailigtas siya.

“We will do everything that we can,” the doctor said before leaving us.

Nilapitan ko si mommy na natutulog. Hinawakan ko ang kamay niya habang pinagmamasdan siya. Hindi ko mapigilang umiyak. Nasasaktan ako sa kalagayan ni mommy.

Hindi ko matanggap na nangyayari sa kanya ito ngayon. Sa dinami-rami ng tao sa mundo, bakit si mommy pa ang tinamaan ng ganitong sakit? Isang sakit na kakaunti lang ang nakaliligtas.

Mommy please fight for us. We know that you can do it. You will heal immediately, I’m sure…’

Ilang araw ang lumipas at hindi pa rin bumubuti ang kalagayan ni mommy. Pero kahit na gano’n ay hindi pa rin kami pinanghihinaan ng loob. Hangga’t lumalaban si mommy, lalaban din kami para sa kanya.

Pinutol namin ang lahat ng komunikasyon namin sa Pilipinas. Sa ngayon ay si Tita Emily na muna ang nagma-manage ng resort sa Isla Reál. Siya lang kasi ang tanging kamag-anak namin sa Pilipinas.

Pumayag ako roon dahil gusto ko ring mag-focus muna kay mommy at alagaan siya. As much as possible, ayaw kong sumagap ng kahit anong balita tungkol sa isla. Lalo na sa mga tao ro’n.

“Mommy, kain na po kayo,” sabi ko at inihanda na ang pagkain ni mommy.

Ako lang ang kasama niya ngayon dahil may inasikaso pa si daddy. Bukas na rin mag-uumpisa ang chemotherapy niya at alam kong mas kinakabahan siya.

“Franz, thank you for taking care of me,” sabi ni mommy bago hinawakan ang kamay ko.

I smiled while my eyes were clouding with tears. Ayaw ko sanang umiyak sa harapan ni mommy dahil ayaw kong mag-alala siya.

“Mommy, you don’t need to thank me. I am your daughter and I love you that’s why I will do everything just to take good care of you,” I told her.

“Franz, if I didn’t survive, please don’t leave your father—

“Mom! Don’t say that please. You will survive. You are not going to leave us,” putol ko sa sinasabi ni mommy.

“I’m afraid I couldn’t make it. I don’t want you to hope too much. Cancer is one of the most dangerous diseases.” She sobbed.

I blinked the tears away and gasped. “Mommy don’t say that please. Don’t lose hope. We are still here to be your strength.”

“I’m sorry, Franz. Don’t worry I won’t give up. I will fight for you and your dad,”

Niyakap ko si mommy. I don’t want to lose her. Not now. Not soon.

“Franz, I want to tell you something,” sabi ni dad pagkalabas namin sa kwarto ni mommy.

“What is it dad? Is it about mommy’s condition?” tanong ko.

Umiling siya. “No. It is about our company in Manila.”

“What about it? May problema po ba?”

Huminga siya nang malalim at parang hindi alam kung paano sasabihin sa akin ang nais niyang sabihin.

“We…we lost our company, Franz.”

Lost?

Kumunot ang noo ko sa pagtataka. “I’m confused. What do you mean, Dad?”

“Do you remember the day when I told you that you have to go to Isla Reâl? That was the day that I sold our company. That was the reason why you had to leave Manila.”

Natahimik ako sa sinabi ni dad. Another secret unfolded. Hindi totoong nalugi ang kompanya kaya ako pinapunta sa isla kundi dahil ibinenta na ang kompanya. Kung gano’n ang resort na lang ang tanging napagkukunan namin ng pera. Iyon na lang ang pag-asa namin.

“I’m sorry if we didn’t tell you about this. Ayaw lang namin na mag-alala ka pa. Alam kong marami na akong nagawang kasalanana, sana mapatawad mo ako, anak,”

“It’s okay, Dad. It doesn’t matter now. We still have the resort. Two branches pa iyon—

“Actually, we only have one resort left. The one located in Isla Reál,”

Napakurap-kurap ako at napaiwas ng tingin. Too much revelations. Para akong sinabugan ng granada sa nalaman.

“Anong nangyari sa isang resort natin? Bakit hindi ko alam? Wala man lang nagsabi sa akin. Karapatan ko rin namang malaman kasi President ako ng resort, ’di ba?” sunod-sunod kong tanong bago ako napasinghap.

Hindi ko na alam kung paano ipoproseso ang lahat ng nalaman ko. Nakakapanghina ang lahat ng nangyayari ngayon.

“Ibinenta ko ang shares natin sa ibang investors. Kaya ngayon, hindi na tayo ang nagmamay-ari ng  resort sa Visayas. Ginawa ko ’yon nitong nakaraang linggo. Dahil alam kong malaki ang kailangan nating pera—

“That’s it! Malaki nga po ang kailangan nating pera para sa pagpapagamot kay Mommy. Kaya bakit ibinenta n’yo po ang pinagkukuhaan natin ng income?”

“You have to understand. Hindi ko na kayang i-manage nang sabay ang resorts kaya kailangan ko na iyong bitawan. Gusto kong ituon ang buong atensyon ko sa mommy mo. At hindi ko magagawa iyon kapag palagi akong abala sa trabaho,”

Huminga ako nang malalim. Hindi ko na alam ang gagawin. Sa totoo lang natatakot ako. Natatakot ako dahil baka hindi maging sapat ang pera namin para pagalingin si mommy. Natatakot ako na baka dumating ang araw na wala na kaming pambayad sa hospital’s bill.

Paano kapag naubos na ang pera namin? Saan na kami kukuha ng pambayad? Paano na kami mabubuhay? Kahit naman may savings kami, alam kong hindi pa rin iyon sapat.

Bakit ba nangyayari sa pamilya namin ito? Ano bang nagawa naming kasalanan? Do we deserve to suffer like this?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top