Chapter 2

CHAPTER 2
Señorita



Lumipas ang ilang araw at hindi ko na ulit nakita si Glenn. Maybe he was too shy for what he did that was why he was hiding somewhere else. Good for him. He should know that he shouldn‘t mess with me.

Ngayong araw, balak kong magpunta sa dagat para lumangoy. Naiinip na kasi ako rito sa mansyon kaya magpapasama na lang ako kay Trisya.

Speaking of Trisya, nasaan na ba ang babaeng ’yun? Kanina pa siya nagpaalam na may gagawin pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya. Dapat palagi siyang nasa tabi ko lalo na kapag kailangan ko siya.

Padabog akong tumayo mula sa sofa at nagpasyang lumabas na lang ng mansyon. Hahanapin ko na lang si Trisya.

Habang naglalakad ako papunta sa kabilang gilid ng mansyon ay nakarinig ako ng mga boses. Dahil sa kyuryosidad ay mas lumapit pa ako para malaman kung sino ang mga iyon.

“Glenn! Tama na, nababasa ako! Glenn!”

My forehead knitted when I heard Trisya’s voice. She’s calling Glenn so it means they’re together.

At tama nga ako, dahil nang tuluyan akong makalapit sa gilid ng mansyon ay nakita ko sila. May hawak na hose si Glenn at itinatapat niya iyon kay Trisya. May kasama pa silang batang maliit na naglalaro rin ng tubig.

Hindi nila ako napansin pero napatingin sa akin ’yung bata. Akala ko kung anong gagawin niya pero bigla siyang nagsalok ng tubig sa tabo at isinaboy iyon sa akin.

Masiyadong mabilis ang pangyayari at namalayan ko na lang na nabasa na ako.

“Oh. My. Goodness! Bakit mo ako binasa?!” bulyaw ko doon sa bata.

Nanlaki ang mga mata ng bata at namutla ang mukha. Agad siyang nagtago sa likuran ni Glenn pero nakasilip pa rin sa ’kin.

“Miko! Bakit mo ginawa ’yun?” saway rin ni Glenn sa bata.

Inis kong pinagpagan ang damit ko kahit na basang-basa na ito. Malay ko ba kung saan galing ’yang tubig nila. Baka magkasakit pa ako sa balat. Baka ’yan pa ’yung tubig na ginagamit nila sa pagpapaligo ng mga kabayo! Nakakadiri!

“Naku, pasensya na po Miss Franz. Makulit lang po talaga si Miko—

“I don’t care! Why are you splashing water with each other in the first place? Paano kung importanteng bisita ang nabasa n’yo?” Putol ko sa sinasabi ni Trisya.

Nagtinginan silang dalawa ni Glenn bago yumuko si Trisya.

“Pasensya na po talaga. Nakasanayan na po kasi naming maligo rito pagkatapos namin paliguan ang mga kabayo,” paliwanag niya pa kaya hindi ko mapigilang mapairap.

I knew it! Pampaligo sa mga kabayo ang tubig na gamit nila!

Sumulyap ako kay Glenn at nakita ko siyang nakatitig sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay pero nanatiling seryoso ang mukha niya.

“Whatever. Bilisan mo na diyan at sasamahan mo pa ako sa dagat,” pag-utos ko sa kanya.

“Hindi ko po pala kayo masasamahan, Miss Franz. May pinabibili po kasi sa ’kin si Lola,” sabi ni Trisya kaya nasapo ko ang aking noo.

“Sana sinabi mo na agad! Sino nang sasama sa akin papunta ro’n? Ako na nga lang mag-isa—

“Si Glenn po.”

Natigilan ako sa sinabi niya. Maging si Glenn ay napatingin kay Trisya na parang nagulat din. Nagpalipat-lipat ang tingin ni Trisya sa aming dalawa ni Glenn.

“Kabisado po ni Glenn ang daan papunta roon—

“No thanks. Kaya ko na mag-isa,” sabi ko at tumalikod na para umalis.

Halata namang ayaw ni Glenn na samahan ako kaya ako na ang tumanggi. Ayaw ko namang mapilitan siyang gawin iyon dahil lang sa inutusan siya. At saka, ayaw ko rin siyang makasama nang siya lang. Pakiramdam ko may hindi tama. Basta.

“Sasamahan na kita.”

Napahinto ako sa paglalakad at agad ko siyang nilingon dahil sa sinabi niya. Nagtama ang paningin namin kaya tinaasan ko ulit siya ng kilay.

“Kahit huwag na. Next time na lang ako magpupunta doon—

“Sasamahan kita,” sabi niya ulit kaya napairap ako.

Bakit ba ang kulit-kulit niya? Ano bang mapapala niya kung sasama siya sa ’kin? Hindi lang siya arogante, pabida rin pala.

“Okay, fine. Mukhang kahit anong tanggi ko, hindi ka naman magpapapigil,” pagpayag ko at basta na lamang silang iniwan doon.

Mukha namang close na close sila Trisya at Glenn. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na baka nga may gusto rin si Glenn sa kanya. After all, lahat naman nag-uumpisa sa pagkakaibigan, ’di ba?

Napaisip din tuloy ako kung sino iyong babae na gusto ni Glenn. Mas maganda ba ’yun kay Trisya? Mas close ba sila?

Pero bakit ba iniisip ko ’yon? Ano bang pakealam ko sa love life nila? Kung ano man ang mayroon sa kanila, labas na ako ro’n.

Kinahapunan ay nakahanda na akong umalis kasama si Glenn. I am wearing a see-through button down polo shirt tuck in my maong shorts. Simpleng sandals lang ang isinuot ko sa paa dahil maglalakad lang daw kaming dalawa papunta roon.

Paglabas ko ng mansyon ay nandoon na siya sa labas. Nag-angat siya ng tingin sa akin at kumunot ang noo.

I suddenly felt conscious. I hate the way he looked at me.

“Is there a problem?” I asked him.

“Kailangan bang ganiyan ang suot mo?”

Pinasadahan ko ulit ng tingin ang damit ko at wala naman akong napansing mali.

“I can clearly see what’s underneath your top.”

Uminit ang pisngi nang mapagtanto ang sinabi niya. See-through nga kasi ang damit ko kaya nakikita ang black two-piece ko sa loob.

I crossed my arms and rolled my eyes. “Hello! Sa dagat ang punta ko. Kaya normal lang na naka-two-piece ako sa loob ng damit ko. Halika na nga!”

Padabog akong naglakad at nilampasan siya. Hindi pa ako nakakalayo ay huminto na ako dahil hindi ko nga pala alam ang daan papunta sa beach.

Nilingon ko siya at nakitang nakasunod siya sa ’kin.

“Bilisan mo nga! Lead the way!” I shouted.

Mataman niya akong tinitigan bago nagsimulang maglakad patungo sa ’kin. Saka lang ako naglakad ulit nang makalagpas na siya sa kinatatayuan ko. Habang papalapit kami nang papalapit sa dagat ay mas pumuputik ang daan.

“Argh! Nakakainis!” reklamo ko nang muli akong matalsikan ng putik sa aking binti.

Huminto ako at pinunasan iyon bago ako naglakad ulit. Sobrang bagal kong maglakad kaya naman napakalayo na ni Glenn sa ’kin.

“Bakit ba kasi ang putik ng daan? Wala na bang ibang daan papuntang beach?” Naiinis na sambit ko habang pinupunasan ulit ang putik sa aking binti.

Abala ako sa pagpupunas nang may pares ng mga paa na huminto sa harapan ko. Tiningala ko iyon at nakita ko si Glenn na nakatingin sa akin.

Teka, binalikan niya ako? Base sa itsura niya ay mukhang hindi siya natutuwa sa kabagalan ko sa paglalakad. Nakakunot kasi ang kanyang noo at seryoso ang mga matang nakatingin sa akin.

“Bubuhatin na kita. Mas lalo tayong matatagalan kapag paulit-ulit mong pinupusan ang binti mo,” sabi niya kaya agad akong tumayo.

“No way!” I told him before I walked pass by him.

Pero mukhang masiyado yatang mabigat ang naging hakbang ko kaya pagtapak ko pa lang sa maputik na daan ay nadulas na ako.

“Aah!” Napatili ako sa pag-aakalang babagsak ako sa putikan. Pero may pares ng braso na sumalo sa akin.

Hindi ako agad nakakibo nang makita ko ang mukha ni Glenn. Ginamit niya ang pagkakataong iyon para tuluyan akong buhatin in a bridal-style.

Diretso ang tingin niya sa daan kaya malaya ko siyang natitigan. Mula sa makakapal niyang kilay, mapilantik niyang mga pilikmata, matangos niyang ilong at mapula niyang labi.

This man can be a model someday. I’m sure girls will flock on to him. But not me. I have Brandon and I don’t intend to replace him.

Kung ikukumpara silang dalawa, masasabi kong magka-level naman ang kaguwapuhan nila. Iyon nga lang mas seryoso ang mukha ni Glenn. Sa pangangatawan naman, s’yempre mas malaki at matikas ang katawan ni Glenn. Siguro dahil na rin sa mga trabaho niya rito sa isla.

“Baka matunaw ako, Señorita.”

Napaiwas ako ng tingin nang sabihin niya iyon. Pero agad ko rin siyang sinulyapan nang mapagtanto ang itinawag niya sa ’kin.

“What did you just call me?” I asked him.

He smirked. “Señorita. May mali ba r’on?”

“Franz. Call me Franz,” I told him.

“Ayaw ko. Señorita ang itatawag ko sa ’yo. Señorita Franz. Miss Franz din naman ang ibig sabihin n’on,”

Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi niya naman nakikita iyon dahil sa daan siya nakatingin.

“Why are you calling me ‘señorita’?” I asked again.

“Kasi…babae ka. Should I call you señorito, instead?” he sarcastically asked. Sinamaan ko siya ng tingin kaya napangisi siya. “Masungit, palautos, at…”

Pinanlakihan ko siya ng mga mata. “At ano?”

“Maganda.”

Uminit na naman ang pisngi ko nang dahil sa sinabi niya pero hindi ko iyon pinansin. Sinabihan niya akong masungit at palautos! Pampalubag-loob lang iyong ‘maganda’ na sinabi niya.

“Ganyan ba ang tingin mo sa ’kin?! In short, spoiled brat! Ibaba mo na nga ako!” utos ko sa kanya.

“Pfft!”

I immediately punched his chest because he’s laughing at me. “Bakit ka tumatawa?!” Naiinis na tanong ko sa kanya.

“Hindi ako tumatawa.”

“You’re laughing! I saw you! Put me down! I said put me down!”

Nagpumiglas pa ako para lang ibaba niya ako. At nagulat ako nang bigla niya akong ilapag sa putikan mismo.

“Glenn!!! Bakit mo ako ibinaba rito sa putikan!”

Inosente niya akong tiningnan. “Sabi mo ibaba kita. Tapos ngayong sinunod kita, nagagalit ka.”

“Damn you!” I shouted before standing again.

Punong-puno na ako ng putik. Naikuyom ko ang aking kamao bago tumingin sa daanan. Mabuti na lang at malapit na kami sa dalampasigan kaya tinakbo ko na lang iyon.

I immediately removed my polo shirt leaving me with my two-piece and maong shorts.

Lumusong agad ako sa dagat at tinanggal ang mga putik sa balat ko. Nilingon ko si Glenn at nakitang nakatanaw siya sa ’kin. Inirapan ko muna siya bago ako lumipat ng puwesto. Iyong tipong hindi ko siya makikita.

“Nakakainis siya! Kung makaasta akala mo close kaming dalawa!”

Nagtampisaw ako sa tubig hanggang sa papalubog na ang araw. Muli kong nilingon si Glenn pero wala na siya doon sa puwesto niya.

“Nasaan na siya? Iniwan niya ba ako?”bulong ko sa sarili. “Ang kapal naman niyang iwan ako rito. Bahala siya sa buhay niya!”

Muli akong sumisid sa dagat at nang mapagod ay saka lang ako umahon. Bumalik na ako sa dalampasigan at doon na lang pinagmasdan ang buong tanawin.

Ang ganda talaga rito. Kitang-kita ko ang papalubog na araw na tila ba nilalamon iyon ng dagat. Maging ang kalmadong alon na bahagyang humahampas sa kinatatayuan ko. Umihip ang hangin at doon ko lang naramdaman ang lamig.

Naglakad-lakad ako sa dalampasigan habang sinusulit ang kakaunting liwanag na ibinibigay ng papalubog na araw.

“Ouch!”

Bumaba ang tingin ko sa aking paa nang may matapakan akong kung ano. Umupo ako sa buhanginan at ininspeksyon ang paa ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang isang sea urchin ang natapakan ko.

Masiyado yata akong nawili sa nakikita ko kanina kaya hindi ko napansin ang nilalakaran ko.

“Glenn! Glenn!” sigaw ko at hindi mapigilang mataranta nang hindi maawat sa pagdurugo ang paa ko. “Glenn!”

Nasaan ba kasi siya? Narinig niya ba ako? Oh gosh. Mukhang iniwan na nga talaga niya ako! Ano nang gagawin ko?

“Anong nangyari?”

Gano’n na lang ang gulat ko nang bigla siyang sumulpot sa tabi ko. Tiningnan niya ang sugat ko at napaigik ako sa sakit.

“Tsk. Hindi ka kasi nag-iingat,” masungit niyang sabi.

Biglang kumulog nang malakas kaya napatakip ako ng tainga ko. Kung minamalas nga naman, mukhang uulan pa.

Kumidlat na naman kaya napakapit ako kay Glenn. At gaya ng inaasahan, bumagsak ang malalaking patak ng ulan.

“Glenn! Umuulan na!” sigaw ko kaya napailing siya bago ako binuhat.

Dinala niya ako sa cottage at inilapag sa higaan. Basang-basa na kami pareho dahil inabutan na kami ng ulan sa labas.

“Kailangan muna nating hintayin na tumila ang ulan bago tayo makauwi. Lilinisin ko na rin ’yang sugat mo para hindi maimpeksyon.”

Hindi ako sumagot at mas hinigpitan ko ang yakap sa sarili. Nilalamig na ako dulot ng ulan.

May kinuha si Glenn sa may gilid at nakita kong first aid kit iyon. Lumuhod siya sa harapan ko at inumpisahang gamutin ang sugat ko.

“Aray!”

Nadiinan niya kasi masyado kaya napaigtad ako.

“Sorry.” Pumungay ang kanyang mata nang tumingala sa akin.

Umirap ako. “Dahan-dahan lang kasi—Achoo!”

Suminghot ako at pumikit sa inis. Mukhang sisipunin pa yata ako. Para ring unti-unting bumibigat ang pakiramdam ko at hindi ko na magawang idilat ang aking mga mata.

“Franz?”

Naramdaman ko ang paghaplos niya sa noo ko kaya napaiwas ako.

Wait, did he just call me Franz? Pero sabi niya Señorita Franz ang itatawag niya sa ’kin. Baliw rin ang isang ’to.

Gusto ko pa sana siyang tanungin tungkol doon ngunit bumibigat na ang talukap ng mga mata ko. Sinubukan kong labanan ang antok ngunit tuluyan na akong nakatulog.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top