Chapter 19

CHAPTER 19
Tame


Nagmaneho ako ulit patungo sa bahay nila Glenn. I need to ask something to his father. May gusto akong linawin sa kanya.

Naabutan ko sa labas ng bahay nila ang tatay ni Glenn. Mukhang hindi siya nagulat nang makita akong bumalik.

“Miss Franz, nandito ka ulit,” animo’y nagagalak na sabi nito.

“May gusto lang po akong malaman. Ang sabi n’yo kanina, ang magkakatuluyan at ikakasal ay sina Glenn at Trisya. Bakit po parang siguradong-sigurado kayo na sila talaga ang magkakatuluyan? Bakit po parang alam n’yo na wala kaming pag-asa ni Glenn? Alam n’yo po ba na kaming dalawa ni Glenn ay may relasiyon? Bakit ipinipilit n’yo pa rin si Trisya sa kanya samantalang ako ang mahal ni Glenn.”

Halatang nabigla siya sa sinabi ko. Hindi pa talaga niya alam ang namamagitan sa amin ng anak niya. Ayaw ko rin kasing ipaalam dahil alam kong si Trisya ang gusto niya para kay Glenn.

Bumuntong-hininga siya. “Miss Franz, noon pa lang ay ipinagkasundo na silang dalawa. At kung ano man ang mayroon sa inyo ng anak ko, iyon ay dahil sa trabaho ni Glenn. Ayaw kong sabihin ito sa ’yo pero sasabihin ko na rin tutal gusto mong malaman ang totoo. Inutusan ni Sir Matthew si Glenn na bantayan at baguhin ka.”

Para akong pinagsakluban ng langit at lupa dahil sa narinig ko. Ayaw kong isipin na kaya hindi ako magawang sukuan ni Glenn ay dahil binabayaran siya ni daddy. Na lahat ng ginagawa ni Glenn ay trabaho lang. At lahat ng iyon ay may katumbas na pera.

“Si daddy? Bakit niya naman gagawin ’yon?” hindi makapaniwalang tanong ko.

“Alam mo naman siguro na hindi maganda ang ugali mo. Napakasungit at bugnutin mo noong bata ka pa. Maging sila ay hindi ka makontrol. At napansin nilang sinusunod mo lang ang gusto nila kapag may kinalaman kay Glenn ang gagawin mo. Kaya naisip nila na baka makatulong si Glenn para magbago ka. Dahil may gusto ka sa anak ko ay ginamit niya iyon para magawa kang baguhin—

“No! Hindi ’yan totoo! Hindi gagawin ni daddy ’yun!”

“Miss Franz, ’yun ang totoo. Binabayaran si Glenn kaya ka niya sinasamahan—

“That’s not true! Sinasabi mo lang ’yan kasi ayaw mo kaming magkatuluyan! Sinasabi mo lang ’yan dahil makasarili ka at ayaw mo kaming maging masaya ni Glenn!”

Tinalikuran ko siya at agad na nagtungo sa kotse ko. Nag-drive ako pabalik sa mansyon at dumiretso sa aking kuwarto.

I grabbed my phone and immediately called my dad. After three rings, he answered.

“Hello, Franz. Napatawag ka?—

“Daddy, is it true? You paid Glenn to tame me?” I cut him off.

Natahimik si daddy at doon pa lang ay alam ko ng totoo nga.

I heard him sighed. “Sinong nagsabi sa ’yo niyan?”

“It doesn’t matter, Dad! Tell me, is it true? Binabayaran n’yo si Glenn para paamuhin ako?!”

I didn’t receive any answer from him. Isa-isang nagbagsakan ang mga luha ko at hindi ko na mapigilang humikbi.

“Dad! Tell me it’s a lie! Hindi totoo ’yon, ’di ba? Daddy!”

“Franz, it’s true. I paid Glenn—

“Bullshit! Anong tingin mo sa ’kin, Dad?! Mabangis na hayop na kailangang paamuhin?! How could you do this to me?”

“Watch your words, Franz! I’m still your father! Ginawa ko ’yon para sa ’yo—

“I don’t care! Hindi na ako makikinig sa ’yo, Daddy!”

Pinatay ko ang phone ko dahil sa galit. Pinaikot nila ako! Pinaniwala nila ako sa kasinungalingan nila!

Bumaba ako sa kusina at kumuha ng alak mula sa koleksyon ni daddy. Bumalik ulit ako sa kuwarto at ni-lock ko ang pinto.

Sunod-sunod kong nilagok ang alak sa bote. I want to get drunk. I want to get wasted just to forget.

Sana…sana magka-amnesia na lang ako. Gusto kong kalimutan ang lahat ng nangyari ngayon. Sana, bumalik na lang sa dati ang lahat.

“Kung ano man ang mayroon sa inyo ng anak ko, ’yun ay dahil trabaho niya iyon…”

“Inutusan ni sir Matthew si Glenn na bantayan ka o sa ibang salita paamuhin ka…”

“I paid Glenn…”

“AAHH! Pare-pareho kayo! You fooled me!”

Ibinato ko ang boteng hawak at nabasag iyon kaya nagkalat ang bubog sa sahig. Hindi pa ako nakontento at isinunod ko naman ang mga vase na narito sa kuwarto ko.

Gusto kong ilabas ang galit at sakit na nararamdaman ko. Gusto kong sumabog. Gusto kong manakit.

“Franz! Buksan mo ang pinto! Anong nangyayari sa ’yo?!”

Narinig ko ang sigaw ni Glenn sa labas ng kwarto ko pero hindi ko siya pinansin. Ayaw ko siyang makita. Hindi ko kayang makita ang pagmumukha niya. Nanghihina akong napaupo sa sahig.

Find a man who is worth the pain…’

Dear heart, is he still worth the pain? Is my life still worth living for if they all fooled me? Maybe, no. That’s why it’s better if I’ll end my life now.

Dinampot ko ang bubog mula sa basag na bote. Maybe if I die, they’ll see that I’m worth loving for.

Inilapit ko ang bubog sa pulso ko. This is how my life will end. Sa dami ng pinagdaanan ko, dito rin pala matatapos ang lahat.

“Franz!”

Nilapitan ako ni Glenn at inagaw ang bubog. Ni hindi ko napansing nakapasok na pala siya sa kuwarto ko.

“Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?” Kitang-kita sa mga mata niya ang inis, gulat, galit at pag-aalala.

Tiningnan ko siya nang masama at agad na dumapo sa kanyang pisngi ang aking kamay.

“Ang kapal naman talaga ng mukha mong magpakita pa sa ’kin! Matapos mo akong lokohin!”

Mas lalong kumunot ang noo niya na tila ba naguguluhan sa sinabi ko.

“Ano bang ginawa ko? Bakit ka ba nagagalit? At bakit balak mong saktan ang sarili mo? Ano bang nangyayari sa ’yo? May problema ba—

“Oo! Ikaw ang problema! Itong relasiyon natin ang problema! Mahal mo ba talaga ako? O parte lang din ng trabaho mo na paikutin ako sa mga kasinungalingan mo?”

“Ano bang sinasabi mo? Hindi kita maintindihan.” Umiling siya.

Pagak akong natawa sa sinabi niya. “My dad paid you to tame me right? Kaya ka nandito ngayon sa harap ko at umaastang mahal ako ay dahil bayad ka! Ginagawa mo ang lahat ng ito dahil trabaho mo ’yon! Ang paamuhin ako na para bang isa akong mabangis na hayop! And…I saw you! With Trisya…you were kissing each other! There at the market!”

His face remained calm. But his eyes held too much emotions. Emotions that I can’t explain. But above them all, I can see pain.

“Franz…” He reached out but I stepped back.

“Tell me Glenn, tell me the truth. Do you really love me? Or you just want the money?” matapang kong tanong. Pero deep inside natatakot ako. Natatakot ako sa isasagot niya. Natatakot ako na baka tuluyang mawasak ang puso ko, kung hindi pa nga ito nawawasak.

“Franz, I love you.” Hindi ko maitatanggi na may parte sa puso ko na nakahinga nang maluwag dahil sa sagot niya, pero may parte pa rin na nasasaktan kapag naaalala ko kung paano siya halikan ni Trisya.

“Kung mahal mo ako, bakit mo hinayaang halikan ka ni Trisya?!”

“Franz—

“Bakit ’di mo na ako tinatawag na señorita?!”

“Señorita—

“Bakit hindi ko magawang paniwalaan ang sinasabi mo?!”

“Please let me explain first!” Natahimik ako sa ginawa niyang pagsigaw. Ito ang unang beses na sinigawan niya ako. “Walang namamagitan sa amin ni Trisya. Maniwala ka, nabigla rin ako sa ginawa niyang paghalik sa akin kanina pero kung nakita mo lang, itinulak ko siya palayo. Dahil alam kong masasaktan ka kapag nalaman mo ’yun. Alam mo ba kung bakit ko ginawa ’yon? Dahil mahal kita, Franz! Oo, binayaran ako ng daddy mo para bantayan ka at pasunurin, pero nahulog ako! Akala ko no’ng una, na-cha-challenge lang ako sa kasungitan mo pero naramdaman kong iba na. Mahal talaga kita, Señorita, maniwala ka sa akin.”

Hinawakan niya ang mga kamay ko at mataman akong tinitigan sa aking mga mata. Patuloy pa rin sa pag-agos ang luha ko.

“If you really love me…make love with me.”

I don’t know why I said that. Nagulat din ako doon.

“Señorita, lasing ka na. Magpahinga ka na,” sabi ni Glenn at iginigiya ako sa kama pero umatras ako.

“I’m not drunk! Just tell me that you don’t want to do it because I’m not Trisya!”

“Señorita—

“Am I not beautiful? Don’t you want me Glenn?”

“Franz, lasing ka na talaga, hindi ko sasamantalahin ang kalasingan mo. Matulog na tayo. Babantayan kita, pangako.”

“Kahit huwag mo na akong bantayan! Puntahan mo na si Trisya! Kayong dalawa na lang ang magsama! Baka kasi mas magaling siyang humalik ’di ba?!”

Tila napigtas ang kaniyang pasensya. Nang mapansin niya ang paglayo ko ay agad niyang hinila ang palapulsuhan ko.

I bumped to his chest. Mukhang wala namang epekto sa kanya iyon. Umigting ang kanyang panga at hindi ko maiwasang maakit doon. Teka, mukhang umeepekto na nga ang alak sa ’kin.

Binuhat niya ako at agad na dinala sa kama na nagpainit sa pisngi ko.

“Hey!” Nagpumiglas ako pero mas malakas siya sa akin.

“Bakit ba ipinagtutulakan mo ko kay Trisya?” bulong niya at kinilabutan ako.

Tumigil ako sa pagpupumiglas. He was so close to me that I could feel his breath against my skin.

“Dahil siya naman talaga ang gusto mo ’di ba?! Kung trabaho ang iniisip mo, don’t worry sasabihan ko si dad na humanap ng ibang lalaki na magpapaamo sa akin!”

“And then what? Ang lalaking ’yun ang makakasama mo palagi? Siya ang papalit sa puwesto ko? If that’s the case then I won’t leave this fucking job anymore!”

Nagulat man sa pagmumura niya ay hindi ako nagpatalo. Matapang ko pa rin siyang tiningnan.

“Wala ka namang magagawa kapag sinabi ko kay daddy na tanggalin ka na!”

“Really?” he asked mockingly.

“Oo!”sigaw ko at natahimik siya.

He groaned in frustration. Tumingala siya. I saw his adam’s apple moved up and down when he swallowed hard.

“Akala mo ba—

Before I could finished he pulled me closer. His lips touched mine in an instant. It was just a brief kiss. Bumilis ang tibok ng puso ko. Mataman niya akong tinignan. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. How dare he cut me with his kiss?!

“Hindi ko hahayaang mangyari iyon. I’m the only one who will tame you. Ako lang. Kaya please lang huwag mo akong itulak kay Trisya,” sabi ni Glenn habang nakatitig sa labi ko.

“You don’t tell me what to do!”

Nakita kong napapikit siya. Mukhang naiinis sa pagmamatigas ko. Pagdilat niya ay muli niya akong hinalikan.

This time, he kissed me, passionately. I equalled his burning kisses. My arms automatically hooked at the back of his neck to deepened the kiss.

His kisses went down on my neck. I moaned when he slightly sipped my skin there. I’m sure it will leave a mark on my neck.

I feel dizzy. Sigurado akong hindi ito dahil sa alak. Nalalasing ako sa halik niya. I never felt something like this before.

Muling umangat sa labi ko ang labi niya. His lips taste so sweet. And finally, he stopped.

Namumungay ang matang tinignan ko siya. I can’t concentrate. My mind is busy thinking about his red, half-opened lips.

“Stop being so stubborn, sa susunod na hindi mo ako paniwalaan, hindi lang ’yan ang magiging parusa mo,” seryosong sabi niya.

“What? That’s a punishment? Kung ganon lang din naman ang parusa e ’di mas gugustuhin ko ng maging pasaway.” Ganyan sana ang sasabihin ko pero baka lalo siyang magalit kaya hindi ko na itinuloy.

“Nakikinig ka ba?” tanong niya.

“Oo,”

“And please, huwag mong pagdudahan ang pagmamahal ko sa ’yo. Kahit na ano pang humadlang sa atin, hindi kita bibitawan. Mahal na mahal kita.”

Mataman ko ulit siyang tinitigan at nakita ko kung gaano siya kasinsenro sa kanyang sinabi. Bumilis ang tibok ng puso ko.

“Mahal din kita, Glenn.”

“Looks like you were already tamed, my little tigress.” Nangingiting sabi niya.

“Maybe. Maybe not, my master, ” I joked and he chuckled.

I can’t believe that this almost-perfect man beside me is truly in love with me. I can’t believe that his mine. He’s really mine.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top