Chapter 17
CHAPTER 17
Beg
“Señorita, gising na. Nandito na tayo.”
Napadilat ako nang gisingin ako ni Glenn. Tumingin ako sa labas at nasa tapat na nga kami ng mansyon.
Inalalayan niya ako pababa at hawak-kamay kaming pumasok sa loob ng gate.
“Pakiusap ilabas n’yo po si Franz, gusto ko lang po siyang makausap! Nakikiusap ako sa inyo! Franz!”
“Pasensya na ho sir pero wala rito si Miss Franz—
“No! Tinatago n’yo lang siya sa ’kin! Franz!”
Nagkatinginan kami ni Glenn nang makarinig kami ng sigawan. Don’t tell me, may sumugod na naman dito? At mukhang ako na naman ang hanap ng taong ’yon.
Mabilis akong naglakad patungo sa kung saan may nagsisigawan at doon ay nakita ko sila. Si Brandon ay pilit na hinaharang ni Manang Lydia at ng dalawang katulong. Maging ang ibang katulong namin ay nakasilip na sa labas.
“Brandon!” sigaw ko at nakuha ko kaagad ang atensiyon niya.
Mabilis siyang lumapit sa akin at humigpit naman ang paghawak ni Glenn sa kamay ko. Binitawan ko na muna ang kamay niya upang harapin ko si Brandon.
“Franz, saan ka ba galing? Kanina pa kita hinahanap,” sabi ni Brandon.
“Brandon, bakit ka nag-eeskandalo rito? Natatakot na ang mga katulong namin sa ’yo, oh. Ano bang problema?” tanong ko.
Mabilis siyang lumapit at agad akong niyakap. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Hindi ako agad nakakilos.
“I missed you so much, Franz. Nagpunta ako rito para malaman ang sagot mo. ’Di ba ang sabi mo, hindi ka pa handa kaya binigyan kita ng oras. Ngayon, Franz? Handa ka na ba?”
Kumalas ako sa pagkakayakap niya at kunot-noong tiningnan siya. Hindi ko siya maintindihan. Ano bang ipinupunto niya?
“Brandon, nag-usap na tayo ’di ba? Akala ko ba naiintindihan mo na?”
Inayos ko na ang lahat ng sa amin ni Brandon noon. Hindi naman ako papasok sa isang relasyon kung hindi pa kami tapos dalawa.
Umiling siya nang ilang beses at nag-umpisang umiyak. Napaiwas ako ng tingin dahil hindi ko gustong nakakakita ng lalaking umiiyak.
“Hindi ko pala kaya, Franz. Mahal na mahal kita. Please, come back to me. Kahit na hindi ka pa ready magpakasal ayos lang. Hindi kita pipilitin, just please come back to me. Kahit na ’di mo na ako mahal basta kasama kita ayos na ako…masaya na ako ro’n—
“Pero paano naman ako? Hindi ako masaya. Don’t be so selfish, Brandon. I’m sorry but you have to let me go.”
Hinawakan niya ang mga kamay ko. “No! Please, Franz. Don’t do this to me. I can’t lose you. Franz, I’m begging you,”
Naaawa ako kay Brandon. Nasasaktan ako para sa kanya. Ayaw ko naman talaga siyang saktan pero hindi naman maiiwasan.
“Brandon, I’m sorry. Maybe, I’m not the woman for you. Kailangan mo nang mag-move on. Kalimutan mo na ako. Makakahanap ka rin ng babaeng mamahalin ka nang sobra. At hindi ako iyon, I’m sorry,” mahinahon kong paliwanag sa kanya.
Matagal siyang tahimik na nakatingin lang sa akin. Ngumiti siya nang mapait at sumulyap sa likuran ko.
“Siya ba?” tanong niya kaya lumingon din ako sa aking likuran. Nandoon pala si Glenn at kanina pa nanonood sa amin. “Siya na ba ang bago mo? Siya ba ang ipinalit mo sa ’kin? Isang lalaking taga-isla lang?!”
“Brandon—Oh my ghad!”
Napatili ako nang bigla niyang sinugod si Glenn at sinapak ito.
Natamaan sa mukha si Glenn pero agad ding nakabawi. Nagpalitan sila ng suntok kaya mas lalo akong nataranta.
“Stop it! Brandon—Shit! Glenn!”
Kahit sabihin nating mas malaki ang katawan ni Glenn, mas sanay namang makipaglaban si Brandon. Blackbelter kaya siya!
Mas nag-panic ako nang makita kong hindi na lumalaban si Glenn. Puno na ng dugo ang mukha niya ngunit ayaw pa rin siyang tigilan ni Brandon.
“BRANDON! STOP IT! MAAWA KA KAY GLENN! MANANG LYDIA CALL THE SECURITY PLEASE!BRANDON!”
Lumapit ako sa kanila at sinubukang pigilan si Brandon pero itinulak niya ako. Napaupo ako sa semento at napangiwi.
Fuck! My butt hurts!
Mayamaya lang ay dumating ang dalawang security guard na sa tingin ko ay katatapos lang mag-ikot sa paligid ng mansyon. Tuwing gabi ay ginagawa nila iyon sa utos na rin ni daddy para masigurong ligtas ang paligid.
Inawat nila si Brandon at agad kong nilapitan si Glenn para tingnan kung may malay pa ba siya. Hindi ko mabilang ang sugat niya sa mukha at maging sa labi.
Marahan kong tinapik ang kanyang pisngu. “Glenn, halika gagamutin ko ang sugat mo,” sabi ko at tinulungan siyang tumayo.
“Miss Franz, anong gagawin namin kay Sir Brandon?” tanong ng isa sa mga guard kaya napalingon ako sa kanila.
Hawak nila ang magkabilang braso ni Brandon at sinisigurong hindi siya makakawala. Nagtama ang paningin namin ng ex ko at nakita ko na naman ang nagsusumamo niyang mga mata.
“Pakihatid na lang siya sa resort. Tatawagan ko ang staff doon na kuhaan ng kuwarto si Brandon,” sabi ko at agad naman silang sumunod sa inutos ko.
“You still…care for that guy,” Glenn said that made me look at him.
Tinulungan ako ni Manang Lydia na ipasok si Glenn sa loob at inihiga namin siya sa sofa. Pinakuha ko ang first aid kit at inumpisahan nang gamutin si Glenn.
“Ofcourse, I care for him. Alam kong ako ang dahilan kung bakit siya naging gano’n. Nasaktan ko siya at sa tingin ko, valid ang dahilan niya para magalit. Pero ang hindi tama ay ang idamay ka niya. Nasaktan ka pa tuloy nang dahil din sa akin.”
Dinampian ko ng bulak ang sugat niya sa pisngi nang hawakan niya ang kamay ko.
“Ayos lang, mahina naman siya sumuntok e—Aray!” Diniinan ko nga ang bulak sa mukha niya. Puno na nga ng pasa, ang yabang pa rin.
“Hindi ka naman yata nasaktan bahala ka na nga, gamutin mong mag-isa ang sarili mo,” sabi ko at tumayo na pero hinila niya ako pabalik.
Napadapa tuloy ako sa ibabaw niya. Mabilis niyang ipinulupot sa aking beywang ang kanyang braso kaya hindi na ako makaalis.
“Actually, señorita masakit ang pisngi ko, pero sa tingin ko isang halik mo lang mawawala rin ’to,” malambing niyang sabi.
Umirap ako at nagpigil ng ngiti. “Anong tingin mo sa halik ko? Gamot?”
“Oo. Gamot na nakakaadik kapag nasobrahan,” sagot niya.
“You’re cheesy, Glenn. Pero sige na nga.”
Hinalikan ko siya sa pisngi kung saan siya may pasa. At ngumisi naman ang loko.
“Ahm, señorita may sugat din ang labi ko,oh,” sabi niya at itinuro pa ang kanyang labi. “Baka naman…”
Ngumisi rin ako at inabot ang bulak na may alcohol.
“Gusto mo ng kiss?” tanong ko.
“Oo,” sagot niya.
Lumapit ako at umaktong hahalikan siya. Agad naman siyang pumikit kaya idiniin ko ang bulak sa kanyang sugat.
“’Yan! I-kiss mo ’yang bulak. Namimihasa ka, ah!”
“Aray ko naman! Ang sakit n’on, ha! Ang sama mo sa ’kin. Ako na nga ’yong sinuntok ng ex mo,” nagtatampong reklamo niya at agad akong binitawan.
“Huy, nagtatampo ka?” tanong ko.
Pero pumikit lang siya at umastang natutulog. Umayos ako ng pagkakaupo sa gilid niya at tinitigan ang kanyang mukha.
“Huy Glenn, kinakausap kita,” sabi ko pero hindi pa rin siya sumagot.
Mukhang nagtatampo nga. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at hinalikan siya sa labi. Mabilis na halik lang sana ang gagawin ko pero nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang batok ko.
Sa isang iglap ay nasa ibabaw ko na siya. He started to move and I copied the motion of his lips.
Hindi niya yata iniinda yung sugat niya. Talaga bang gamot niya ang halik ko? Daig ko pa pala ang painkillers.
“Ay susmaryosep kayong mga bata kayo!”
Bigla kong narinig ang boses ni Manang Lydia kaya naitulak ko si Glenn paalis sa ibabaw ko. Mukhang nagulat din siya sa nangyari kaya bumagsak siya sa sahig.
“Aww!” daing niya habang hinihimas ang kanyang balakang.
Agad ko siyang tinulungan na umupo sa sofa. Si Manang Lydia naman ay nakapamewang sa harap namin. Hindi naman ako makatingin sa kanya at nag-iinit ang aking pisngi.
This is so embarrasing!
“Kayo talagang mga kabataan ngayon, mapupusok. Hayst, muntik na akong atakihin sa puso sa nakita ko,” sermon ni Manang at nasapo pa ang kanyang noo.
Hindi kami sumagot ni Glenn. Kasalanan niya ’to!
“Mabuti pa Glenn umuwi ka na,” utos ni Manang kaya agad siyang tumayo.
Tumayo na rin ako at hinatid siya sa pintuan ng mansyon. Kinurot ko siya sa tagiliran sa sobrang inis.
“Ikaw kasi, ang harot mo,” paninisi ko sa kanya at nanlaki naman ang kanyang mga mata.
Sumulyap siya sa kung nasaan si Manang bagi ako muling binalingan ng tingin.
“Bakit ako? Ako ba ang humalik?” tanong niya.
Umirap ako. “So, kasalanan ko? Umuwi ka na nga. Agahan mo na lang bukas.”
Lumapit siya sa akin at akmang hahalik na naman nang sumigaw si Manang Lydia.
“Glenn, umuwi ka na! Ikaw talaga!” sigaw ni Manang Lydia.
Napakamot siya sa batok kaya natawa ako. Napakakulit niya talaga.
“Goodnight señorita, bukas na lang. I love you,” he whispered and I smiled.
“I love you, too. Take care,”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top