Chapter 16

CHAPTER 16
Surprise


Nagising ako nang may maramdaman akong nakatitig sa ’kin. Idinilat ko ang aking mata at nakita ko si Glenn na nakahiga at nakaharap sa gawi ko.

“Good morning, Señorita. Nandito na ang almusal mo,” sabi niya habang nakangiti.

Nakatingin lang ako sa kanya. Ayaw kong magsalita kakagising ko lang kaya.

Bumangon ako at nagpunta sa bathroom para mag-toothbrush muna. Napatingin ako sa kalendaryo at napangiti. It is our first month today. Isang buwan na pala mula nang opisyal kaming umamin sa isa’t isa.

“Kumain ka na?” tanong ko sa kanya pagkalabas ko ng banyo.

Nakaupo na siya ngayon sa kama at pinapanood akong magsuklay ng buhok.

Umiling siya. “Hindi pa. Hinihintay kitang magising. Sabay na tayo,” sagot niya.

Napangiti naman ako. Napaka-sweet niya talaga. Sa isang buwan namin bilang magkarelasyon ay naramdaman ko talagang mahal na mahal niya ako. Napakamaalaga niya rin. Palagi niyang sinisiguro na kumakain ako sa tamang oras at palagi akong komportable.

Nag-umpisa na kaming kumain ng almusal. Mabuti na lang at pinahatid niya na rito sa itaas ang almusal namin kaya hindi na namin kailangang bumaba.

“Pagkatapos kumain maghanda ka, may pupuntahan tayo,” bigla niyang sabi kaya kumunot ang noo ko.

Saan naman kaya kami pupunta? At dahil mukhang hindi naman niya sasabihin kaya hindi na ako nagtanong.

Pagkatapos kumain ay lumabas saglit si Glenn ng mansyon at ako naman ay naligo na.

I wore a blue and white stripe asymmetric dress that ended up on my mid-thigh. I tied its ribbon lace on my waist before I curled my hair.

Nang matapos maglagay ng kaunting makeup ay isinuot ko na ang aking putting sneakers.

Bago lumabas ng kwarto ay kinuha ko ang regalo ko para kay Glenn. Pagbaba ko ng hagdan ay saktong pagpasok ni Glenn sa mansyon.

Nakasuot siya ng dark blue polo shirt at maong pants. Pakiramdam ko tuloy ay itinadhana talaga kami kasi magkakulay ang damit namin. Corny, I know.

“Ang ganda mo talaga,” sabi niya at ipinulupot ang braso sa bewang ko.

“At ang gwapo mo,” nakangiting sagot ko bago pinisil ang ilong niya.

He chuckled before kissing my forehead. “Halika na. Malayo pa ang biyahe.”

Ngayon na sinabi niyang malayo ang biyahe ay nasisiguro kong may surpresa talaga siya.

Pinagbuksan niya ako ng sasakyan at inalalayan pa sa pagsakay. Umikot siya sa driver’s seat at ini-start ang kotse.

“Glenn, saan ba tayo pupunta?” tanong ko habang nasa kalagitnaan kami ng biyahe.

Hindi na kasi ako mapakali hangga’t hindi ko nalalaman kung saan kami patungo. Mas lalo lang akong na-e-excite habang tumatagal.

Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan. “Malalaman mo rin mamaya.”

Napanguso na lang ako. Sinasabi ko na e, wala siyang balak na sabihin sa ’kin kung saan kami pupunta.

Hindi niya binibitawan ang kamay ko kahit na nagmamaneho siya. Ilang minuti pa ang nakalipas ng huminto ang sasakyan sa bukana ng gubat.

“Anong ginagawa natin dito?” tanong ko pagkababa ng sasakyan.

Kinuha ni Glenn ang mga gamit sa likod ng sasakyan at muling hinawakan ang kamay ko.

“Secret, tara na,” sabi niya at iginiya ako papasok sa gubat.

Tanging mga kuliglig at hampas ng hangin sa mga dahon ang naririnig ko sa paligid. Medyo kinakabahan pa ako dahil baka may makasalubong kaming mabangis na hayop dito. Pero dahil hawak ni Glenn ang kamay ko ay kumakalma ako.

Ano bang naisip niya at dinala niya ako sa gubat? Sa dami ng lugar na puwede naming puntahan para mag-celebrate ng unang buwan namin, dito pa talaga?

Mahaba-habang lakaran ang ginawa namin bago ako nakarinig ng lagaslas ng tubig. Umihip ang malakas na hangin at hindi ko maiwasang mamangha sa nakikita ko.

“Wow,” tanging sabi ko nang bumungad sa harap ako ang napakataas at napakagandang talon na bumabagsak sa ilog. “Ang ganda rito, Glenn—

Nilingon ko si Glenn pero wala na siya sa likuran ko. Luminga ako sa paligid pero hindi ko siya makita. Mabilis na umahon ang kaba sa aking dibdib.

“Glenn?” Hindi naman siguro niya ako iniwan ’di ba? “Glenn nasa’n ka?!” sigaw ko pero wala pa ring sumasagot.

“Señorita Franz! Nandito ako!”

Napatingala ako nang marinig ko ang sigaw niya at nandoon na siya sa itaas ng talon. Nanlaki ang mga mata ko.

Paano siya nakaakyat doon nang gano’n kabilis?

“Bakit ka nandiyan? Bumaba ka na nga rito!” sigaw ko.

“Sige, bababa na ako!”

Nanlaki lalo ang mga mata ko nang maghubad siya ng pang-itaas at basta na lamang tumalon.

“OH MY GOD! GLENN!”  sigaw ko at agad na lumapit sa ilog upang tingnan kung ligtas ba siyang bumagsak. “Glenn!”

Pinilit kong aninagin ang ilalim ng ilog pero hindi ko siya makita.

Shit! Baka nasaktan siya tapos…baka nalunod na si Glenn. Oh my God! I need to save him.

I removed my dress leaving me in my white tube top and black high waist bikini. Tumungtong ako sa mababang pader na nasa gilid ng ilog. Huminga ako nang malalim bago nag-dive sa ilog.

Hinanap ko si Glenn sa ilalim ng tubig ngunit hindi ko naman siya makita. Hanggang sa kinapos na ako ng hangin at kinailangan kong umahon ulit ay hindi ko siya nakita.

“Glenn! Nasaan ka! Glenn, I swear hindi magandang biro ’to!”

Sumisid ulit ako pero ’di ko talaga siya makita. Umahon ako at tumingin sa paligid. Naiiyak na ako rito. Ako lang mag-isa ang narito at hindi ko alam kung paano o saan hahanapin si Glenn nang mag-isa. Ayaw kong umalis nang hindi siya kasama.

“Glenn!” Umiinit na ang sulok ng aking mata. “Glenn, nasaan ka na—

“BOO!”

“AAH!”

Halos atakihin ako sa puso nang biglang sumulpot si Glenn sa harapan ko.

“Nakakatawa ang itsura mo.” Natatawang sabi niya kaya nainis ako.

Aba’t pinagtawanan niya pa ako?! Bwiset talaga!

Agad ko siyang hinampas sa dibdib. “I hate you! Pinag-alala mo ako! Akala ko nalunod ka na! Akala ko hindi na kita makikita! Nakakainis ka!”

“Aray! Tama na ’yan! Ligtas naman ako—Aray!”

“I hate you! I hate you!” Napahikbi ako habang hinahampas pa rin siya. Naiinis ako pero mas lamang ang aking pag-aalala.

Nahuli niya ang mga kamay ko at hinawakan iyon gamit ang kaliwa niyang kamay. Ang kanang kamay niya naman ay humaplos sa pisngi ko.

“Hey, I’m sorry. Huwag ka nang umiyak. Hindi ko na uulitin, promise,” panunuyo ni Glenn bago ako niyakap.

“I thought I’m gonna lose you,” I whispered.

“Hindi ako mawawala, okay? Nandito lang ako. Happy first month, baby. I love you so much.”

“I love you, huwag mo na ulit akong tatakutin nang gano’n!” sabi ko at muli siyang hinampas sa braso.

His chest vibrated when he chuckled. I could hear his heartbeat in this position. It’s beating fast just like mine.

“Gusto mo bang mag-swimming muna bago tayo kumain?” tanong niya habang magkayakap pa rin kami sa gitna ng ilog.

Tumango ako. “Dapat sinabi mo sa ’kin na ganito pala ang pupuntahan natin. Wala akong dalang swimwear,” sabi ko bago kumalas sa yakap niya.

He smirked. “Actually, may dinala akong damit nating dalawa. I’m always ready, you know?”

“Ewan ko sa ’yo!” sabi ko at sinabuyan siya ng tubig sa mukha.

I caught him off guard because of that. Hindi siya agad nakakilos kaya lumangoy ako palayo sa kanya. Hindi ko mapigilang matawa sa ginawa ko.

“Lumangoy ka nang mabilis dahil kapag inabutan kita…”

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang sumisid. Agad akong lumangoy nang mabilis para hindi niya ako maabutan. Pumunta ako sa kabilang parte ng ilog bago umahon. Pinakiramdaman ko kung nasaan na si Glenn nang bigla ulit siyang sumulpot sa harapan ko at inatake ako ng halik.

My arms clung on the back of his neck for support. He bit my lips and I moaned. We kissed each other passionately just like the first time.

“By the way, bakit dito mo ako naisipang dalhin?” tanong ko sa kanya habang kumakain kami. Naglatag kami ng sapin sa damuhan sa gilid ng ilog at doon namin inilagay ang mga pagkaing dinala ni Glenn.

“Ayaw ko kasi ng may istorbo. At saka rito kahit mag-swimming ka nang naka-two piece at least ako lang ang makakakita.”

Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o matatawa sa sinabi niya. He’s kinda possessive.

Ilang oras muli ang lumipas at hindi namin namalayan iyon. Kanina pa kasi kami nagkukuwentuhan, nagtatawanan, naghaharutan, nag-aasaran at kung ano-ano pang pinaggagawa namin.

Hindi nakasasawang kasama si Glenn. Lagi niyang sinisiguro na hindi ako na-bo-bored. He’s almost perfect. Imagine, having a handsome boyfriend with a sense of humor? That’s a blessing!

Medyo madilim na ang paligid pero mukhang wala pang balak umuwi si Glenn.

“Hindi pa ba tayo uuwi?” tanong ko.

“Just wait and see,” he told me.

Naguguluhan man ay hindi ko na siya tinanong pa. Biglang tumayo si Glenn at pinatayo rin ako. Maya-maya ay may narinig akong tugtog na nanggagaling sa kung saan.

“Can I have this dance?” tanong ni Glenn.

“Gosh, Glenn, hindi pa pala tapos ang surpresa mo?” natatawang sabi ko.

“Hindi pa,” sagot niya at inilagay sa beywang ko ang mga kamay niya. Ipinulupot ko naman sa kanyang batok ang aking braso.

And here we are, dancing in the middle of the night—under the moonlight, swaying slowly to the music, feeling each other’s heart.

Napatingin ako sa paligid nang biglang lumiwanag. Isa-isang umilaw ang mga lamparang nakapalibot sa amin. Iba-ibang kulay. Napakaganda.

May mga ilaw rin sa paligid ng talon at mayroon ding lumulutang sa ilog. Nagtatakang tiningnan ko si Glenn. Hindi ko alam kung paano niya nagawa ang lahat ng ito.

“I’m speechless,” sabi ko kay Glenn at niyakap siya nang mahigpit. “Thank you for this surprise.”

“Anything for my señorita,” sagot niya. “Tumalikod ka.”

Agad ko siyang sinunod at naramdaman ko ang malamig na bagay na isinabit niya sa leeg ko.

It is a necklace with an infinity pendant.

Naiiyak ako sa sobrang saya. Hindi ko akalaing magagawa niya ang lahat ng ito para sa akin.

“Hindi mo ba nagustuhan?” nag-aalalang tanong niya.

“No…I love it! Thank you, Glenn. Hindi ko ito iwawala promise,” sabi ko. “Ah wait, may gift din ako sa ’yo.”

Kinuha ko sa bag ang regalo. Tribal bracelet iyon na may initials ng name naming dalawa.

FG. Then may infinity sign din. At may isa pa akong gift.

“Gusto ko palagi mo ring suot ’to ah. Para kahit ’di mo ako kasama, nandiyan pa rin ako sa tabi mo,” sabi ko at isinuot sa kanya ang bracelet.

“Ano naman itong isa?” tanong ni Glenn habang hawak ang love jar.

“Love jar ang tawag diyan. Puno ’yan ng sulat ko sa loob. Araw-araw, magbabasa ka ng isang sulat. Mula nang araw na naging tayo, nag-umpisa na akong magsulat ng mga bagay na gusto kong sabihin sa ’yo,” sabi ko.

“Thank you, My Señorita. I love you,” he muttered.

“I love you, too, Glenn.”

Unti-unting lumalapit ang mukha niya sa ’kin hanggang sa napapikit ako.

Nang sandaling maglapat ang mga labi namin ay parang sasabog na ang puso ko sa saya.

Ngayon naiintindihan ko na kung bakit tinanggihan ko ang alok na kasal ni Brandon noon, dahil mahal ko si Brandon pero mas mahal at minamahal ko pa si Glenn.

There, under the moon, our heart dance in love together.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top