Chapter 15
CHAPTER 15
Together
“Can we keep it as a secret for now?” I asked Glenn.
Magkatabi kaming nanonood ng movie rito sa kwarto ko. Nakaupo kami sa sofa at nakasandal ako sa balikat niya. Nakaakbay naman sa akin ang kaliwa niyang braso.
“Sige, ikaw ang bahala. Alam ko namang hindi ka pa handa na malaman nila ang tungkol sa atin,” sagot niya.
Umayos ako ng pagkakaupo at hinarap si Glenn. Agad namang bumaling sa akin ang paningin niya.
Gusto ko siyang tanungin kung ano na bang status namin ngayon. Pero nahihiya ako. Baka isipin niya masiyado akong atat sa mga bagay-bagay.
“What is it, hmm? May gusto kang sabihin alam ko. Ano ’yon?” tanong niya.
I sighed. “I just want to ask…ano tayo? I mean, are we in a relationship now?”
Nag-init ang pisngi ko matapos kong itanong iyon. Nakakahiya talaga! Hindi naman ganito ang sitwasyon noong naging kami ni Brandon. E kasi si Brandon naman, niligawan ako. Pero si Glenn…hindi ko alam.
Ngumiti si Glenn na nagpabilis sa tibok ng puso ko. I know it’s cliché but it’s true. Bumibilis talaga ang tibok ng puso ko kapag malapit siya sa ’kin. Presensya niya lang ay sapat na para magwala ang sistema ko.
“Kung ako ang masusunod, I want you to be my girlfriend already. But then you want to take it slow, right—
“Nope,” I cut him off. “I also want you to be my boyfriend na pero let’s keep private for a while.”
Tumango-tango siya at mas lalong lumapad ang kanyang ngiti.
“I love you,” he muttered.
I looked straight in to his eyes. “I love you, too.”
Noong kami pa ni Brandon, akala ko siya lang ang lalaking makaiintindi sa ugali ko, akala ko siya lang ang kayang h-um-andle sa ’kin kapag tinotopak ako, pero hindi pala. Dahil bago si Brandon, mas nauna na pala akong nakilala ni Glenn. Mas nauna na niyang napag-aralan ang kamalditahan ko.
Oo, ako ’yung señorita na nakita niya sa burol ilang taon na ang nakakalipas at ako rin ang babaeng matagal na niyang hinihintay na magbalik dito sa isla.
Hindi pa ako naniwala sa sinabi sa akin ni Trisya noon dahil parang imposible nga naman. Pero ngayon, napagtanto ko na ang lahat. Naalala kong madalas pala kaming nagpupunta rito para magbakasyon. Pero hindi ko pa rin maalala iyong mga panahong nakilala ko si Glenn. Sayang, gusto ko sanang maalala kung paano ko ba siya itrato noon.
Kung gaano ako kasungit sa kanya at kung paano niya naman ako pakitunguhan.
Kinabukasan ay sabay kaming nagpunta ni Glenn sa opisina ko. Hinintay niya ako sa labas ng hotel room ko kagaya nang palagi niyang ginagawa. As usual, nandiyan na naman ang suspicious looks ng mga empleyado, mga walang magawa sa buhay.
Naramdaman ko ang kamay ni Glenn na humawak sa bewang ko, agad kong tinapik iyon. Mahirap na baka may makakita pa.
“Relax, kabado ka masiyado,” natatawang bulong ni Glenn.
I rolled my eyes in annoyance. Si Glenn talaga, kahit kailan mapang-asar.
“Good morning, Franz!”
Muntik ko pang mabitawan ang bag ko nang biglang sumigaw si Trixie. Nasa loob na siya ng opisina ko nang ganito kaaga.
“Blooming ka, ha. In love? Hmmm?” makahulugang tanong ni Trixie sabay tingin sa kasama ko.
“Trixie ang aga-aga nang-ti-trip ka na naman,” sita ko sa kanya bago ako nagtungo sa mesa ko.
I heard her laughed. “Just kidding, mukhang close kayo nitong bodyguard mo. I mean, super close. Wala na nga kayong distansya kanina—
“Trixie,” mariin kong sabi at pinanlakihan ko siya ng mga mata.
Sumulyap ako kay Glenn na ngayon ay nakaupo na sa sofa at pinagmamasdan kami. I smiled at him apologetically.
“Hayst Franz, you know that you can’t hide anything from me. Magaling akong bumasa ng tao. And by looking to the both of you, Ican tell that you’re hiding something,” she said and I crossed my arms.
There’s no sense on hiding it from Trixie. Knowing her mangungulit siya lalo hangga’t hindi ako umaamin.
I released a deep breath. “Fine! You’re right.”
“I’m right about what? Come on, bakit hindi mo sabihin sa akin Franz. Ikinahihiya—
“He’s my boyfriend,” I confessed and she smiled widely. “Happy? Let’s keep it a secret for now, okay?”
“I knew it! Oh My Gosh! Don’t worry ligtas ang sikreto mo sa ’kin,” sabi niya at mukhang kinikilig pa.
Napailing-iling na lang ako sa kakulitan ni Trixie.
“By the way, bakit ka nga pala nandito?”tanong ko sa kanya habang binubuksan ko ang aking laptop.
“Oh! I want to hang out with you sana but you seems busy, so next time na lang. By the way, I gotta go. Goodbye, lovebirds!” she said before walking out of my office.
Nasapo ko ang noo bago sinulyapan si Glenn. Lumapit naman siya agad sa ’kin at naupo sa visitor’s chair sa harap ng table.
Nangalumbaba siya habang nakatitig sa akin.
“Why are you staring at me like that?” naiilang na tanong ko.
“Ang ganda mo. Hindi ako magsasawang titigan ka maghapon,” sabi niya.
Ramdam kong namula ako. Napakagaling talaga niyang mambola kahit kailan.
“You blushed. Kinilig ka ’no?” pang aasar niya.
Umirap ako. “Tigilan mo ako Glenn. Matagal na akong maganda,” sabi ko at nag-umpisa nang magtrabaho.
“At mas lalo ka pang gumaganda kaya lang…”
Napatigil ako sa pagtitipa at seryoso siyang tiningnan. “Kaya lang ano?”
“Ang sungit mo. Pero iyon naman ang isa sa minahal ko sa ’yo,” seryosong sambit niya.
Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Napangiti ako. Tumayo ako at lumapit sa kanya. Tumayo ako sa pagitan ng kanyang mga hita habang siya ay nakahawak sa beywang ko.
“I still can’t believe that we’re together now,” I told him.
“Hindi rin ako makapaniwala na mahal mo rin ako. Ako na taga-isla lang. Para pa rin akong nananaginip,” sabi niya.
Kumunot ang noo ko dahil doon. “Ano naman kung taga-isla ka lang? Guwapo ka naman, may makisig na katawan, matalino, mabait at marami ka pang katangian na talagang pinapangarap ng mga babae. Sorry na lang sila at sa ’kin ka napunta,” mayabang kong sabi bago naupo sa kandungan niya.
Napansin kong natahimik siya kaya hinawakan ang kanyang magkabilang pisngi.
“May nasabi ba akong mali?” tanong ko.
Bumuntong-hininga siya. “Kung sakaling tumutol sa atin ang mga magulang mo, ipaglalaban mo ba ako?”
“Hmmm…well hindi. Hindi naman ako sundalo. ’Di ba nga señorita mo ako, so dapat ikaw ang lumaban para sa ’kin.” Natatawang sagot ko.
Ngumiti naman siya at niyakap ako nang mahigpit.
“Oo, señorita kita at ang tanging gagawin mo lang ay mahalin ako. Ako ang lalaban para sa ating dalawa,” bulong niya.
Hindi, Glenn. Dalawa tayong lalaban. Handa akong ipaglaban ka. Dahil mahal kita. Mahal na mahal.
Agad akong napatayo nang may kumatok. Natawa naman si Glenn sa ikinilos ko dahil muntik pa akong malaglag sa sahig.
“Miss Franz, ito na po ang appointment mo for this day,” sabi ni Catalina habang pinagmamasdan kami ni Glenn.
Pasimple akong bumalik sa swivel chair ko at umaktong parang walang nangyari. Seryoso kong tiningnan si Catalina.
“Give it to me then leave,” I told her.
Agad naman niyang inabot sa akin ang folder at lumabas na agad. Nang makaalis siya ay nagkatinginan kami ni Glenn. Nginisian niya ako kaya inirapan ko siya.
He’s enjoying this hiding thing, huh?
Nang mag-lunch time ay bumaba na kami ni Glenn. Sabay naman talaga kaming nagtatanghalian. Minsan dito sa baba o kaya nagpapaakyat na lang si Glenn sa opisina ko ng pagkain. Pero ngayon pakiramdam ko bawat kilos namin ay pinagdududahan ng mga tao. Para bang alam nila ang sikreto namin kahit pa wala naman akong sinasabi sa kanila.
“Glenn, maraming tao. Halata ka masiyado,” sabi ko kay Glenn.
Paano ba naman kasi nilalaro niya ang buhok ko habang kumakain ako. Tapos na siyang kumain kaya kung ano-anong trip niya.
“Ang bagal mo kumain. Akin na nga ’yan,” sabi niya at kinuha ang kutsara then itinapat sa bibig ko. Kumbaga, gusto niya akong subuan.
Napansin ko kung paano bumagsak ang mga panga ng mga nanonood sa amin.
Now, they already confirmed something.
“Say aah,” sabi pa ni Glenn at no choice ako kun’di isubo ang pagkain na iyon. Napairap na lang ako dahil para naman akong bata rito kung ituring niya.
“Sorry, hindi ko lang mapigilan maging sweet sa ’yo,” sabi niya kaya natawa ako.
“Okay lang. If you don’t want to keep it as a secret then fine. Let’s stop hiding it,” I told him.
Hinalikan niya ako sa noo at napangiti ako. Gusto ko sa tuwing hinahalikan niya ako sa aking noo. Pinaparamdam niya kasi sa akin ang respeto at pagmamahal.
“Ehem! Tanghaling tapat baka langgamin kayong dalawa.”
Napalingon ako sa baliw kong kaibigan. Sino pa ba? S’yempre si Trixie.
“Trixie, akala ko ba mag-da-diving ka?” tanong ko sa kanya.
She shrugged. “Well, papunta na nga ako ro’n, lumapit lang ako rito kasi napansin ko na halos lahat ng tao ay nakaharap sa gawi n’yo.”
Pasimple akong lumingon-lingon na parang may hinahanap. At oo nga, nakatingin sila sa amin ’yung iba biglang nag-iwas tingin.
I sighed. Nonsense naman na itago ang kung anong mayroon kami dahil mukhang ayaw naman ni Glenn kaya hahayaan ko na lang siya.
Maybe it’s time na para malaman na rin nila.Well, as if namang kailangan kong mag-explain sa kanila. At saka ko na lang ipapaliwanag sa parents ko kapag nalaman na nila. Sa ngayon, i-e-enjoy ko muna itong relasyon namin ni Glenn.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top