Chapter 13
CHAPTER 13
Hurt
It’s already ten O’clock, yet I’m still wide awake. Kahit na ang dami kong ginawa ngayong araw ay hindi pa rin ako makaramdam ng pagod. Nakatulala lang ako sa kisame ng kwarto ko habang hinihintay na dalawin ako ng antok.
Bumangon ako at tinawagan ang taong gusto kong kausapin ngayon. Siya lang ang alam kong makapagpapagaan sa pakiramdam ko. Siya lang din ang makapagbibigay ng payo sa akin ngayon.
Ilang rings lang ay sumagot na siya.
“Hello, Franz. Napatawag ka? Gabi na riyan, ha?” tanong ni mommy sa ’kin pagkasagot niya ng tawag.
Nasa America sila ni dad ngayon para sa negosyo. Iyon ang sabi sa akin ni dad.
I sighed. “Mommy…”
“Are you okay? May problema ka ba, anak?”
Umiling ako kahit na hindi niya naman ako nakikita. “Mommy, nami-miss ko na kayo ni Daddy. I wish you were here.”
“We missed you, too, sweetheart. May nangyari ba? You can tell me anything, you know that, right? I’ll listen.”
At dahil hindi ko mapigilang umiyak, kinailangan ko pang pigilan ang paghinga ko para lang hindi ako humagulhol. Ayaw kong marinig ni mommy ang paghikbi ko.
“Mommy…I fell in love to the person that I can’t have.”
There was a moment of silence after that. Maya-maya lang ay narinig ko ang pagbuntong-hininga ni mommy.
“I knew it. Si Glenn ba?” tanong niya pero hindi ako sumagot. Ayaw kong kumpirmahin kay mommy ang lahat. “Paano mo nasabing hindi mo siya makukuha?”
Pumikit ako at naalala ko na naman ang sinabi ng tatay ni Glenn. “Dahil ipinagkasundo na po siya sa iba. Iniisip ng magulang niya na hindi kami puwede dahil sa estado ng pamumuhay natin. Mommy, may plano po ba kayong tutulan kami?”
“You know Franz, madalas kami ng daddy mo ang nasusunod sa kung anong dapat mong gawin ’di ba? Pero it doesn’t mean na pati ang buhay pag-ibig mo ay papakealaman namin. You see? Hindi kami nag-react nang tanggihan mo ang offer ni Brandon. Dahil alam namin na ikaw ang dapat magdesisyon dahil puso mo ang nakataya rito.”
I knew it. Malawak ang pag-iisip ng mga magulang ko at alam nila kung kailan ako hahayaang magdesisyon para sa sarili ko.
“Well, hindi naman na po importante kung hindi kayo tututol, ipapakasal pa rin siya sa iba. Hindi naman po ako gano’n ka-selfish para sirain ang napagkasunduan na. Maybe I can let go.”
“Why don’t you fight for him? Hindi kita pinalaking sumusuko agad nang hindi lumalaban. Fight for your happiness, Franz.”
“Paano kapag nasaktan lang ako sa huli?” I whispered.
“Don’t find a man who will not hurt you, because everyone will do—it’s either intentionally or unintentionally. Find a man who is worth the pain, kung sa tingin mo worth it, fight for him. Pero kapag mas marami na ang luha kaysa sa ngiti…learn to let go. You should know when to stop, sweetie.”
Kinabukasan ay bumaba ako sa hapagkainan nang naka-shades. Namumugto kasi ang mga mata ko at hindi kinaya ng make up na matakpan.
“Magandang umaga, Miss Franz. Kain na po kayo. Bigla po kayong nawala sa bahay nila Glenn kagabi. Umuwi na ho kayo agad?” sunod-sunod na tanong ni Trisya.
Talaga bang bago ako kumain kailangang daldalin ako? Hindi niya ba napapansin na wala ako sa mood makipag-usap ngayon?
“Oo, umuwi na ako agad. Naalala ko kasi na may mas importante pa akong gagawin at hindi dapat ako nagpunta roon,” sagot ko at sinimulan na ang pagkain.
Habang nagsasalin siya ng inumin ko ay natumba ang baso kaya nabasa ako. Agad akong napatayo sa gulat.
“Damn it! ’Yan na nga lang ang trabaho mo, hindi mo pa magawa nang maayos! Kung ano ano kasing iniisip!” bulyaw ko sa kanya.
Mukhang nagulat siya sa biglaan kong pagsigaw. Hindi pa nila ako nakikitang magalit. Madalas ay nagtitimpi lang ako pero iba ngayon.
“Pasensya na po, Miss Franz—
“GET OUT OF MY SIGHT!” I shouted.
Biglang pumasok sa dining area si Manang Lydia at sabay kaming napatingin ni Trisya sa kanya.
Ayaw ko talaga ng nagsasalita kapag bad mood ako. I can be the most heartless and dangerous person they could ever meet.
“Miss Franz, kumalma ka muna,” sabi niya sa ’kin bago bumaling sa apo niya. “Trisya, pumunta ka na sa kusina. Ako na ang bahala kay Miss Franz.”
Umupo ulit ako at ipinagpatuloy ang pagkain. Ramdam ko ang paninitig ni Manang Lydia sa akin. Alam kong may gusto siyang sabihin.
“Miss Franz, nag-away ba kayo ni Glenn kagabi?”
Sabi ko na nga ba itatanong niya ang tungkol diyan.
Padabog kong nilapag ang mga kubyertos. Hindi ako bastos na tao kaya as much as possible kinokontrol ko ang salitang lumalabas sa bibig ko, lalo pa’t matanda sa akin ang kaharap ko ngayon.
“Narinig ko kayong nag-aaway sa labas ng mansyon. Ano bang nangyari sa bahay nila Glenn?” tanong niya ulit.
Huminga ako nang malalim. “Ayaw ko na pong pag-usapan. Excuse me,” sabi ko at umakyat sa kuwarto para muling magbihis.
Walang Glenn na nag aabang sa sasakyan paglabas ko ng mansyon. Buti na ’yung wala siya, para naman magkaroon ako ng oras para mag-isip.
Nag-drive ako papuntang resort nang mag-isa. Naabutan ko ang janitor na naglilinis sa opisina ko pagdating ko rito.
“Araw-araw ba kayong naglilinis sa opisina ko? Nandito ka rin kahapon,” tanong ko bago naupo sa aking swivel chair.
Lumingon ito sakin at nagulat ako dahil si Glenn pala ’yun.
“Hindi ko alam na ’yan na pala ang bago mong trabaho. From bodyguard to janitor. Well, I don’t care,” I said while shrugging.
Nagpatuloy siya sa pagpupunas ng glass wall. Ramdam ko rin ang mga tingin niya sa ’kin pero hindi ko siya nilingon. Gusto ko sana siyang paalisin pero mukhang desidido talaga siyang punasan ang buong salamin dito kaya hinayaan ko na. Basta ba hindi niya ako kakausapin, walang problema.
Binasa ko kung sinong client ang kailangan kong i-meet ngayon at nagulat ako nang makita kong nag-pull out si Mister Chiu.
“Catalina!”
Agad naman siyang pumasok sa opisina ko. “Yes, Miss Franz?” tanong niya.
“What’s this? Bakit p-in-ull out ni Mister Chiu ang event niya rito sa resort?” tanong ko.
“Ahm Miss Franz, gusto niya po sana kayong i-meet kahapon kaya lang maaga po kayong umalis. Matampuhin po kasi iyong si Mister Chiu kaya p-in-ull out na po agad ang event niya,” sagot nito.
Nasapo ko ang aking noo. “My ghad, Catalina! We can’t lose another client. Dapat tinawagan mo ako kahapon at pupunta ako. Wala naman akong importanteng ginawa kahapon,” sabi ko.
Mula sa gilid ng aking mata ay nakita kong napalingon sa akin si Glenn. Parang gustong sumabat sa usapan pero nanahimik na lang.
“I’m sorry, Miss Franz. Gusto n’yo pong tawagan ko ulit si Mister Chiu para i-meet n’yo po ngayon?”
I nodded. “Yes, kindly do that. I’ll meet him at lunch time.”
Pagkatapos mag-take down notes ni Catalina ay lumabas na siya ulit mula sa opisina ko. Ako naman ay ipinagpatuloy ang ginagawa sa aking laptop.
“Hindi pala importante ang ipinunta mo sa bahay?”
Napatigil ako sa pagtipa sa laptop ko nang magsalita si Glenn.
“Huwag mo ’kong kausapin. Busy ako,” sabi ko at nagtipa ulit.
Hindi ko magawang mag-focus dahil nadi-distract ako sa presensiya niya. Mabuti na lang at hindi na siya nangulit pa kaya natapos ko nang matiwasay ang aking ginagawa.
Nang sumapit ang tanghalian ay naghanda na ako para i-meet si Mister Chiu. Kailangang bumalik siya sa resort namin. Napakalaki ng perang ipinapasok niya rito. He is one of our biggest clients here.
Palabas na sana ako ng office nang makasalubong ko si Glenn.
“Kumain ka na ba? Sabay na tayo,” pag-aya niya sa akin.
Kung normal na araw ’to ay papayag ako pero hindi. I need to ignore him. Ayaw ko nang maging available palagi para sa kanya. Kailangan kong magtayo ulit ng pader sa pagitan namin. Mas matibay at mas mataas na pader.
“May lunch meeting akong pupuntahan. Excuse me,” sabi ko at naglakad na pero hinawakan niya ang braso ko.
Ayan na naman ang kuryenteng dumadaloy mula sa kamay niya. Nararamdaman ko na naman ang mga pesteng paro-paro sa sikmura ko. Kailan ba mawawala ang epekto ng lalaking ’to sa ’kin?!
“Bakit ka ba umiiwas?” tanong niya at napairap ako.
“Nagmamadali ako Glenn...bitawan mo ’ko,” sagot ko at pilit na binabawi ang aking braso mula sa pagkakahawak niya.
“Dahil ba sa nangyari kagabi? Dahil ba kay Trisya?”
I shook my head. “Glenn, not now please. Busy ako. I can’t lose a client.”
Unti-unti niya akong binitawan kaya agad akong naglakad patungo sa elevator. Nagtama pa ang aming paningin bago sumara ang pinto ng elevator at nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.
Lumipas ang ilang araw at gano’n nga ang ginawa ko. Nagpakaabala ako sa trabaho para lang maiwasan si Glenn.
Ang hirap ng ginagawa ko, minsan kasi na-te-tempt akong lapitan at kausapin siya pero tiniis ko. Ginagawa ko ito dahil ito ang sa tingin ko ay tama. Kung sa iba na siya nakatakda, mas magandang ngayon pa lang sanayin ko na ang sarili ko na wala siya. Mas mabuting iwasan na namin ang isa’t isa para hindi na siya masanay sa presensya ko.
Ayaw kong maging hadlang sa napagkasunduan na ng mga magulang nila. Ayaw kong maging dahilan upang kagalitan siya ng mga magulang niya.
“Miss Franz! Lumabas ka riyan! Gusto kitang makausap!”
Napabangon ako mula sa pagkakahiga nang marinig ko ang pagsigaw ni Trisya sa labas ng mansyon. Sa laki ng mansyon na ’to narinig ko pa ang boses niya. Gano’n kalakas ang sigaw niya.
Teka, anong oras na ba? Sumulyap ako sa orasan at nakitang alas-onse na ng gabi. Hatinggabi na kaya bakit nagpunta pa si Trisya rito?
Lumabas ako ng kwarto at pinagbuksan ng gate si Trisya. Paniguradong nasa quarter na ang guard namin at nagpapahinga.
“Trisya, gabing-gabi na. Bakit ka nagsisisigaw? Nakakaistorbo ka ng natutulog,” sabi ko sa kanya.
Pansin ko ang magulong buhok niya at namumugtong mga mata. Nang lumapit siya sa ’kin ay nalanghap ko ang amoy ng alak mula sa kanya.
“Miss Franz, nakikiusap ako sa ’yo…ibigay n’yo na sa akin si Glenn,” sabi niya habang umiiyak.
Kumunot ang noo ko. “Ano bang pinagsasasabi mo? Lasing ka na Trisya, mabuti pa dito ka na matulog,” sabi ko at iginiya siya papasok pero itinulak niya ako.
What the hell?!
“IKAW ANG MAY KASALANAN NITO E! BAKIT KA PA KASI BUMALIK? BAKIT KASI IKAW PA ANG NAGUSTUHAN NIYA? SIGURO NATUTUWA KA NA NGAYON!”
“Hindi kita maintindihan.” Umiling ako pero dinuro niya lang ako.
“’Di ba sabi mo tutulungan mo ’kong mapalapit kay Glenn…sabi mo pa nga wala akong dapat ipag-alala…pero anong nangyari? Bakit imbes sa ’kin ay sa ’yo siya napalapit?!”
“Trisya, I don’t have the control on everything. At saka ano bang ikinagagalit mo riyan? E ’di ba nga sa ’yo siya ikakasal?”
Siya naman ang umiling ngayon. “Hindi na ngayon, dahil ayaw na niyang pumayag! Pati tatay niya nagawa niyang suwayin nang dahil sa ’yo! Ano ba kasing meron ka na wala ako? Kailangan ko bang maging maldita katulad mo? Kailangan ko bang maging kasing yaman mo?!”
Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Tinanggihan siya ni Glenn. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot. Para akong nakokonsensiya dahil sa mga sinabi ni Trisya, pakiramdam ko ako talaga ang peste sa relasyon nila. Nangyari na ang bagay na kinatatakutan ko.
Nagulat ako nang lumuhod si Trisya sa aking harapan.
“Pakiusap Miss Franz, hayaan n’yo na sa ’kin si Glenn…hindi ko kayang mawala siya…mahal na mahal ko siya…”
Hinawakan niya ang mga kamay ko. Hindi ko kayang makakita ng taong nahihirapan nang dahil sa ’kin. Pero ayaw ko rin namang maging martir. Hindi ako nabuhay para magsakripisyo sa kasiyahan ng iba.
“Umuwi ka na Trisya, hindi kita matutulungan,” sabi ko at hinawi ang kamay niya.
Pero muli niya akong hinawakan. “Miss Franz, nakikiusap ako—
“You don’t tell me what to do!” sigaw ko at hinawi ang kamay niya pero napalakas ata dahil napaupo siya.
“Franz!” Napalingon ako sa dumating at nakita ko si Glenn. Lumapit siya kay Trisya at tinulungan itong tumayo.
“Bakit mo tinulak si Trisya? Umiiral na naman ba ’yang kamalditahan mo?”
Hindi ako nakasagot. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. How can he judge me when he wasn’t even here to see what happened?
“Iuwi mo na yan. Dahil kahit dito siya nagtatrabaho puwede ko siyang kasuhan ng trespassing. Gabi na, wag na kayong mag eskandalo rito. At kung may problema kayong dalawa, pag-usapan ninyo ’yan at huwag n’yo akong idamay.”
Agad ko silang tinalikuran pagkatapos kong sabihin iyon. Pagpasok ko sa mansyon ay inabutan ko si Manang Lydia. Mukhang narinig niya lahat ng nangyari sa labas.
“Kung gusto mo ng kausap, nandito lang ako Miss Franz,” sabi ni Manang.
Tinakbo ko ang distansya namin at niyakap siya.
Akala ko okay na ako. Akala ko kaya ko pero hindi pala.
“Ang sakit-sakit po pala. Ipinagtatabuyan ko siya pero ako rin naman ang nahihirapan,” sambit ko.
“Iha, minsan kailangan nating sundin ang puso natin, dahil may alam itong hindi nalalaman ng ating isip.”
Sundin ang puso. Dapat ko ba talagang sundin ito?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top