Chapter 11

CHAPTER 11
Rain





Napabangon ako bigla nang maramdaman kong parang bumabaliktad ang sikmura ko. Tumakbo ako agad sa banyo kahit na medyo nakapikit pa ang mga mata.

Napakapit ako sa gilid ng bowl at nagsuka. Parang lahat ng kinain ko kahapon ay inilabas ko na.

Gosh! Hindi dapat ako uminom nang marami! Nakakadiri!

Ang sakit ng ulo ko parang pinupukpok ng martilyo. Pumikit ako habang nakayuko pa rin sa bowl. Naramdaman kong may humahagod sa aking likod at hinawi ang buhok na tumatabing sa mukha ko.

“Ayos ka na?”

Kahit naman ’di ko siya lingunin, alam kong si Glenn iyon. Amoy at boses niya pa lang, alam ko na agad.

Tumango ako. “I’ll take a shower first. Bumalik ka na sa labas,”sabi ko.

“Okay. Just call me if you need anything, ” I heard him say before he went out of the bathroom.

Sana naman pagkatapos kong maligo ay mawala na ang hangover ko. Pagkatapos kong maligo at mag-ayos ay lumabas na ako ng banyo at naabutan ko si Glenn sa kuwarto ko.

“Inumin mo ’yan. Nagpaakyat na rin ako ng almusal mo,” sabi ni Glenn at inabot sa ’kin ang dalawang tablet ng painkillers.

“By the way, anong ginagawa mo rito sa kwarto ko?” tanong ko.

Sa pagkakaalala ko, tumakas ako kagabi para magpunta sa party, so kung nandito siya it means nahuli niya ako?

“Wala kang naaalala?” tanong niya na nagpakunot sa noo ko.

Ano bang nangyari kagabi? Sinubukan kong alalahanin ang lahat ngunit wala talaga. May kahihiyan na naman ba akong ginawa? Gaano kalala na naman ba ang ginawa ko?

Basta ang alam ko tumakas ako kagabi. Naglaro kami sa bar ng mga empleyado ko at natalo ako. May dare…ahm ano ba ’yong dare?

Ah! Pinasayaw nila ako…tapos—

Alalahanin mo Franz! Kailangan mong alalahanin ang lahat!

Habang sumasayaw may humila sa ’kin…si…si Glenn! Tama! Siya ang humila sa ’kin palabas…tapos nagalit siya at umiyak ako.

Tapos…tapos…hinatid niya ako rito sa hotel. And then I remembered tracing his face….and then may nag-uutos sa ’kin na halikan siya.

Tapos anong ginawa ko? Did I kiss him? Oh gosh! Bakit hindi ko na maalala!

Argh!! This is so frustrating!

“May ginawa ba akong kalokohan kagabi?” tanong ko kay Glenn.

Tumingin siya sa ’kin at parang natatawa. “Hmmm…oo meron,” sabi niya.

Ipinagkrus ko ang aking mga braso at tinaasan siya ng kilay. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba si Glenn, palagi niya kasi akong pinagti-trip-an.

“Really? Ano naman?” tanong ko ulit.

Hinimas niya ang kanyang baba na parang nag-iisip. “Sabihin na nating masiyado kang naakit sa kaguwapuhan ko kaya muntik mo na akong halayin kagabi.”

Wait-what?! Oh my gosh!

Ano bang pinaggagawa ko kagabi? Jusko…nakakawala ng dignidad!!

“Pfft!”

“Hoy Glenn Arthur Baltazar!! Huwag mo ’kong niloloko ah! Oo lasing ako kagabi pero nasa katinuan pa ako n’on!” sigaw ko sa kanya.

“So, sinasabi mo na nasa katinuan ka noong oras na hinalikan mo ako?” tanong niya.

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Uminit ang pisngi ko nang bumalik sa alaala ko ang nangyari rito sa unit. Hinalikan ko nga siya.

Oh God! Hinalikan ko nga si Glenn! Nakakahiya, bakit hindi ako nagpigil?!

“Huwag kang mag-alala, Señorita Franz. Hindi naman kita kakasuhan ng panghahalay. Pfft!”

Sinamaan ko siya ng tingin. “Wala akong naaalala na hinalikan kita,” pagsisinungaling ko. “Kung totoong hinalikan nga kita, can you just keep it to yourself?”

“So, you want me to be your dirty little secret?”

“What? Look Glenn, it’s just a kiss okay? Nothing more, nothing less. Huwag na nga nating pag-usapan ’yon.”

Yes, Franz. It was just a kiss. Don’t make a big deal out of it. Kalimutan mo na rin ’yon!

Mataman niya akong tinitigan bago nagkibit-balikat. “Sige, kung ’yan ang gusto mo,”sagot niya.

Tumango ako. Madali rin naman pala siyang kausap.

“Sabado ngayon, hindi ka ba uuwi sa mansyon?” tanong ni Glenn.

“Hindi na muna. Plano ko ring mag-swimming ngayon,” sabi ko.

Binuksan ko ang closet at naghanap ng isusuot mamaya sa pagsu-swimming ko. I changed in to my black two piece swimsuit then I put on a cover-up.

Nang makuha ang lahat ng kailangan ay nagpunta na ako sa dalampasigan at sumunod naman si Glenn.

Inilatag ko sa buhanginan ang sapin na dala ko at naupo ro’n. Kinuha ko ang sunblock at kung mamalasin ka nga naman, wala na palang laman ang sunblock na nadala ko.

Hindi ko napansin kanina nang kinuha ko ito sa lalagyan.

“Glenn, pakuha nga ako ng bagong sunblock sa kwarto,” sabi ko at narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.

Umiling muna siya bago sumunod, balak pa yata niyang magreklamo. Subukan lang niya!

Maya-maya ay may lalaking lumapit sa ’kin. “Miss, do you need help?” he asked.

“Ahm…yes, here.” Inabot ko sa kanya ang bote ng sunblock.

May naghiyawan sa ’di kalayuan kaya napalingon ako. Grupo ng mga lalaki ’yon at mukhang mga kaibigan ng lalaking nasa harapan ko ngayon.

Lumapit siya sa akin at akmang hahawakan ako pero pinigilan ko siya.

I raised an eyebrow. “What are you doing?”

“’Di ba magpapalagay ka ng sunblock?” tanong niya rin pabalik sa akin.

Kumunot ang noo ko bago umiling. “Ahm no, ipapatapon ko lang sa ’yo ’yang bote ng sunblock,” sagot ko.

Biglang nawala ang ngiti sa mukha ng lalaki. Napalitan na rin ng pang-aasar ang sinasabi ng mga barkada niya.

Nagulat ako nang bigla niyang itinapon sa gilid ko ’yung bote ng sunblock.

“Itapon mo ’yan mag-isa mo!” inis niyang sabi.

Woah! This man is a son of a bitch! Ang bastos niya ah!

Agad akong tumayo at binato ang lalaki gamit ang bote ng sunblock. Tumama iyon sa batok niya.

“Hey you! Anong problema mo? Ikaw ang lumapit sa ’kin at nagtanong kung kailangan ko ng tulong tapos ikaw pa ang galit?” sigaw ko roon sa lalaki.

“Alam mo ba kung anong ginawa mo? Ipinahiya mo ako sa kanila!” Sabay turo sa mga kaibigan niya.

Napaismid ako. “Well, hindi ko kasalanan iyon. Assuming ka kasi. Stupid!”

Mas lalo siyang namula sa galit. “Did you just call me stupid?! Alam mo bang kaya kitang paalisin dito sa resort na ’to? Napakalaki ng binayad ko rito tapos babastusin mo lang ako?”

“Wala akong pakialam kung malaki ang ibinayad mo! Matuto kang lumugar, wala ka sa teritoryo mo. Kilala mo ba ako?” tanong ko sa kanya.

“Bakit sino ka ba?” Maangas niyang tanong.

Napangisi ako. “I’m Franzinne Eunice Guevarra. The president of this resort. Our family own this island. Kaya ako ang huwag mong bastusin dahil baka isampal ko sa ’yo ang perang ipinagmamalaki mo.”

Akmang sasampalin niya ako buti na lang at may kamay na pumigil sa kanya. Nilingon ko iyon at nakitang si Glenn pala ang dumating.

“Sino ka naman? Boyfriend ka ba nito?” tanong no’ng lalaki kay Glenn.

“Hindi, pero bodyguard niya ako at obligasyon kong protektahan siya laban sa mga hayop na tulad mo,” sagot ni Glenn.

Namumula na sa galit ’yung lalaki. Nagulat na lang ako ng bigla niyang sapakin si Glenn.

“HEY, STOP IT!” sigaw ko pero gumanti ng suntok si Glenn.

OMG! Magpapatayan yata sila.

“HEY YOU TWO STOP! HUWAG KAYONG MAGPATAYAN! SECURITY! SECURITY!”

Patuloy ako sa pag-awat sa kanila pero pareho silang ayaw magpaawat. Tumigil lang sila sa pagsusuntukan nang dumating ang mga security. Halos maubusan ako ng boses kasisigaw sa kanila!

“Bring him out of my resort!” utos ko sa mga security.

Nang makalayo sila ay ‘tsaka ko binalingan si Glenn. Dumurugo ang gilid ng labi niya at masama pa rin ang tingin doon sa lalaki.

Napansin niya yatang nakatingin ako sa kanya kaya sumulyap din siya sa ’kin.

“Ano?” iritadong asik niya sa ’kin kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Problema nito? Ako ba ang sumuntok sa kanya?

“Bakit sa ’kin ka nagagalit?” tanong ko.

“Hindi ako galit, tsk!” Pinasadahan niya ako ng tingin. “Sa susunod huwag kang magsusuot ng ganyang damit, agaw-pansin ka sa mga lalaki,” sabi niya.

Pinasadahan ko rin ng tingin ang sarili. Wala naman akong nakikitang mali sa suot ko.

“So, it’s my fault? What do you expect me to wear? Pajamas? Sweater? Nasa beach ako kaya ganito ang suot ko,” sabi ko.

Napapikit siya at hinilot ang kanyang sentido. Para siyang napipikon na ewan. Pati ako napipikon na rin sa dahilan niyang walang katuturan.

“Magpalit ka ng damit, may pupuntahan tayo,” utos niya bago ako tinalikuran.

Ibang klase talaga. Sa pagkakaalala ko, ako ang boss dito. Kaya bakit siya ang nag-uutos sa ’kin?! Kainis!

Kagaya nang sinabi niya ay nagpalit ako ng damit. I wore a baby pink off-shoulder cropped top and matched it with a pair of maong shorts.

“Saan ba kasi tayo pupunta at bakit kailangan nating bumalik sa mansyon?” tanong ko kay Glenn habang nasa sasakyan kami.

“Tutuparin ko na ang pangako ko sa ’yo na tuturuan kitang mangabayo,” sagot niya.

“Really? I’m so excited! Sa wakas!” masayang sabi ko.

Nagmamadali akong bumaba ng sasakyan pagdating sa mansyon. Tumakbo ako sa kwadra ng mga kabayo at tinignan isa-isa ang mga ito.

“Can I ride on that white one?” tanong ko kay Glenn paglapit niya sa ’kin.

Umiling siya. “Hindi kita puwedeng payagan sumakay mag-isa. Sa susunod na lang kapag marunong ka na,” sabi niya.

Napanguso ako. “Tuturuan mo naman ako ’di ba?”

“Oo pero si Sina muna ang gagamitin natin.”

Sina? May pangalan ang kabayo niya? Ang galing!

“Hmm, okay,” sabi ko.

Nilapitan namin ang isang kulay brown na kabayo. Nilabas niya ito mula sa kuwadra at hinimas ang uluhan nito.

“Marunong ka naman sigurong sumakay sa kabayo ’di ba?” tanong niya.

“Of course!” I proudly said. Agad akong sumampa sa tapakan ng kabayo. “Aah!” Napasigaw ako nang biglang gumalaw ang kabayo kaya na-out-of-balance ako.

Mabuti na lang at mabilis ang reflexes ni Glenn kaya nasalo niya ako agad. Nagkatinginan kaming dalawa at umiling siya.

“Tsk tsk! Ako na nga ang magsasakay sa ’yo,” sabi niya at hinawakan ang bewang ko bago ako isinakay sa kabayo.

May naramdaman akong kuryenteng dumaloy mula sa kamay niyang nakahawak sa bewang ko paakyat sa aking batok. Hindi ko alam kung naramdaman niya rin ba ’yon.

Sumunod siyang sumakay at sa likuran ko siya pumwesto. We’re so close to each other that I could feel his breath against my skin. Ramdam ko rin ang init na nagmumula sa katawan niya.

Stop it Franz! Kung ano-anong napapansin mo. Mag-focus ka sa pagtuturo niya sa ’yo at hindi sa kanya!

“Ready?” bulong niya na nagpahuramentado sa puso ko.

Bakit kailangan sobrang lapit? Pakiramdam ko kakapusin na ako ng hininga nang dahil sa ginagawa ni Glenn. Gano’n katindi ang epekto niya sa ’kin.

Hinawakan niya ang lubid sa magkabilang side ko at para na rin siyang nakayakap sa akin.

“Hawakan mo nang mahigpit ang lubid. Hindi mo gugustuhing malaglag at tanging putikan ang sumalo sa ’yo,” sabi niya.

At gaya nang sinabi niya ay hinigpitan ko ang paghawak sa lubid. Nang masiguro ang posisyon namin ay may sinabi siya, senyales para tumakbo ang kabayo.

Napapikit ako sa pagtakbo nito at pakiramdam ko mahuhulog ako. Hindi pa nakakatulong ang distansya naming dalawa ni Glenn.

I can feel the air against my face. Unti-unti akong dumilat. Napansin kong tinatahak namin ang daan papunta sa burol. Tinangay na ng hangin ang kabang nararamdaman ko kanina at napalitan ng saya. Nakaka-enjoy pala talaga ang sumakay sa kabayo.

“Babalik ka pa ba sa Maynila?” tanong ni Glenn pagdating namin sa tuktok ng burol.

Mula sa pagtanaw ko sa ibaba ay bumaling ako kay Glenn. Kasalukuyan niyang pinapakain si Sina. Nagkibit-balikat ako bago sumagot.

“Hindi ko alam. Sila dad naman ang nagdedesisyon kung saan ako dapat mag-stay.”

“Paano kung sabihin nilang kailangan mong bumalik sa Maynila. Papayag ka ba?”

Hindi siya tumitingin sa akin pero ramdam ko ang lungkot sa boses niya. Hindi ko alam kung bakit ganito ang mga tanong niya.

“Siguro? Hindi ko alam, napalapit na rin sa ’kin ang islang ’to.” Natawa ako. “It’s funny how time flies so fast, noong una ayaw ko pang magpunta rito pero ngayon parang ayaw ko nang umalis.”

Ayaw ko na talagang umalis. Dahil dito ko nakita ang kasiyahan ko, kasama si Glenn. Hindi niya alam kung gaano ako kasaya sa tuwing nandiyan siya. Kahit na lagi ko siyang sinusungitan, nandyan pa rin siya.

Napatingala ako sa langit nang maramdaman kong may pumatak. At unti-unting bumuhos ang ulan.

“Señorita Franz, hindi pa ba tayo uuwi?” tanong ni Glenn.

“I want to try something new,” sabi ko at dinama ang patak ng ulan.

Hindi ako mahilig sa ulan. I prefer summer than rainy days. Kaya ngayon ko lang nalaman na masaya pala ang maligo sa ulan.

At dahil naliligo na ako sa ulan, lulubos-lubusin ko na. Dumakot ako ng putik at lumapit ako kay Glenn.

“May kalokohan ka na namang gagawin?” tanong niya at bahagyang umatras.

Nginisian ko siya kasabay nang pagpahid ng putik sa magkabilang pisngi niya.

“Señorita Franz!”

Agad akong tumakbo palayo sa kanya. Lalo na nang makita ko siyang dumakot din ng putik. Tumakbo ako pababa ng burol at hinabol niya naman ako.

“Mukha kang chipmunk!” Tumatawang sambit ko.

“FRANZ! KAPAG INABUTAN KITA…”

Tumakbo lang ako nang tumakbo pero in the end inabutan niya pa rin ako. Mas mahaba naman kasi nang hindi hamak ang mga biyas niya kaysa sa akin.

“Any last wish?” Mapang asar na tanong niya.

“Last wish mo mukha mo! Papatayin mo ba ako?” Natatawang tanong ko.

“Oo, papatayin katatawa,” sabi niya at inumpisahan akong kilitiin.

“HAHAHAHA…GLENN STOP IT!—AYOKO NA! TAMA NA! HAHAHHAHA!”

Para na akong baboy na nakalublob sa putikan. Puro putik na ang damit ko.

Tumigil na si Glenn kakakiliti sa ’kin pero nakatitig siya sa mukha ko. Dumakot ulit ako ng putik at agad na ipinunas sa mukha niya. I caught him off guard.

Pero hindi naman ako nakatakbo dahil nakadagan ang katawan niya sa ’kin. Narinig namin ang paghiyaw ng kabayo.

“Well, looks like we forgot the horse,” I said while giggling.

Tumayo na kami at binalikan ang kabayo sa taas. Tinanggal ko ang putik sa aking balat gamit ang tubig-ulan habang si Glenn ay hinihimas ang kabayo.

“Glenn, alam mo bang pangarap ko ang mahalikan sa ilalim ng ulan?” sambit ko habang nakadipa at dinarama ang bawat patak ng ulan.

Narinig ko ang mga yabag ni Glenn papalapit sa ’kin hanggang sa huminto siya sa mismong harapan ko. Dahil matangkad siya ay nakatingala na ako sa kanya.

“Really?” he asked and I nodded.

Napasulyap ako sa kanyang labi na ngayon ay namumula. Tila ba nang-aakit at nang-iimbita.

Hinalikan ko na siya kagabi. Hindi na puwedeng maulit iyon! Kahit pa gustuhin ko, alam kong mali. Dahil una, hindi naman kaming dalawa at hindi naman niya ako gusto.

“Gusto mo bang matupad ang pangarap mo ngayon?” tanong niya at mas lumapit pa sa ’kin.

Hindi ako sumagot. Gusto kong sumang-ayon pero ayaw akong payagan ng utak ko. May parte sa ’kin na nagsasabing mapapahamak lang ako sa gagawin ko.

Mas lalo siyang lumapit sa akin hanggang sa nararamdaman ko na ang mainit niyang hininga sa aking labi.

“Hindi ka sumasagot. Gusto mo bang tuparin ko ang pangarap mo?” muli niyang tanong.

I opened my lips to say something but he silenced me using his lips. My heart pounded so hard in my chest and heat exploded throughout my body.

Hindi ko na ramdam ang lamig na dulot ng ulan. Dahil kayang-kaya iyong tupukin ng init na nararamdaman ko galing sa halik ni Glenn.

Hindi ko alam kung gaano katagal niya akong hinalikan. Ang tanging alam ko lang ay tinupad niya ang pangarap kong mahalikan sa ilalim ng ulan.

“Susmaryosep! Kayong mga bata kayo, saan ba kayo galing at ganyan ang itsura n’yo?” tanong ni Manang Lydia pagdating namin sa mansyon.

Nagkatinginan kami ni Glenn. “Namasyal lang po kami, Manang Lydia,” tanging sagot ko.

“Hay naku! Magbihis ka na Miss Franz at baka magkasakit ka pa niyan. At ikaw Glenn, magbihis ka na rin tapos umuwi ka na,” sabi ni manang.

“Hindi na po. Mauuna na po ako Manang Lydia. Sige,  Señorita Franz,” sabi ni Glenn.

“Thank you for today. Take care,” I told him and he smiled before leaving the mansion.

Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang pagngiti. Naalala ko ang ginawa namin kanina sa ilalim ng ulan. Simula ngayon, iyon na ang alaalang maaalala ko sa tuwing umuulan.

“Mukhang umiibig ang Señorita,” sabi ni Manang Lydia kaya napalingon ako sa kanya.

Ako? Umiibig? Tanging ngiti lang ang isinagot ko sa kanya. Dahil hindi ko rin alam.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top