PROLOGUE

You are about to read the raw and unedited version of the story. So expect a lot of errors ahead! Thank you!

----

Angels

"Saan ka pupunta?"

He stopped fixing his watch with my sudden question. Bihis na bihis siya at humahalimuyak ang panlalaking pabango, parang inubos lahat ang laman. Bagong ligo at halatang may lakad. He's wearing a signature shirt and ragged pants.

He sighed before looking at me lazily. "Harry called, may emergency daw." tipid nitong sagot saka muling binalikan ang ginagawa.

Hindi ako nakasagot sa halip ay ipinikit ang dalawang mata. I was leaning in the headrest of the bed, already on my pajama.

Harry..

Harry na naman.. puro nalang siya Harry. Hindi ba niya alam na mas kailangan ko siya.. namin ng mga anak niya? My fingers fidgeted. I am used to this treatment, very aware of this sad reality. But I still can't help not to bleed inside. Ako ang asawa.. ako ang may karapatan pero isang tawag lang ng Harry na 'yon.. agad siyang nagkakandarapa. Kahit pa malalim na ang gabi.

Naramdaman ko ang paglalakad niya bago may malambot na bagay ang lumapat sa aking noo at ang paghaplos niya sa may kalakihan ko nang tiyan. I am six months pregnant.. yet he's here, leaving us for his lover.

"I promise I'll be back before 10. I won't stay long, matulog ka na." aniya pa.

Hindi ako nag-abalang sumagot at pinanatili ang pagkapikit ng aking mga mata. While he slowly went down until I can feel him on the top of my stomach.

"Hey, kiddos!" gusto kong mangiti sa narinig. His voice is so tender as if our babies can hear him.

I want to smile badly, but something is stopping me.

"Be good while I'm away, don't give mommy a hard time okay kiddos?"

May kung anong humaplos sa puso ko habang nararamdaman ang kaniyang kamay sa umbok ng aking tiyan at ang masuyo nitong boses. Palagi siyang ganito, sa tuwing umaalis ay palaging kinakausap ang anak namin na huwag akong pahirapan habang wala siya.. habang kasama niya ang kasintahan niya.

"I love you," he softly whispered before kissing my belly.

Mapait akong napangiti, you hear that babies? Daddy loves the both of you.. and that's enough for me. Kahit kayo nalang ang mahalin niya.. kahit hindi na ako.

Nang hindi ko na naramdaman pa ang init niya sa aking katawan ay doon ako nagmulat, wala na ni anino niya. He left even without saying good bye to me. Siguro, ata't na atat siyang makitang muli si Harry dahil mahigit isang linggo rin niya itong hindi nakita dahil sa akin.. sa amin.

Mommy and daddy—his parents to be specific visited us and stayed in the house for one week. Hindi naman siya makaalis katulad ng hininging pabor ni mommy. Wala siyang nagawa kahit labag sa kalooban at damdamin ang gusto ng ina.

He perhaps miss him that bad.

Napatitig ako sa kawalan. Ang tahinik ng bahay, ang lungkot sapakiramdam.
I won't be surprise if he can't make it until 10. I he will only break his promise, again. But still, hinintay ko siya. Hinintay ko siya sa kabila ng kagustuhang ipikit at tuluyang
magpakain ng kadiliman.

I waited for him as his wife...

Hindi ako makakatulog sa isipang wala pa siya dito. Hindi ako mapakali ang maybe it was my hormones talking or perhaps because this is what I really wanted. The room feels so cold without his presence. The bed doesn't feel the same without him on it. Kaya hindi, hindi ako dapat matulog ngayon habang wala pa siya.

He made a promise.

I patiently waited, leaning on the headrest of the bed, the same position when he left.

I waited even though my eyelids felt heavy and wanted to sleep already.

I waited even though I know.. at the back of my mind he won't make it.

I waited even despite the fact that this is not the first time that he did this. Leaving the house for him, and returning back nearly sunrise.. breaking his promises.

"No, babies.. we can't sleep yet. Wala pa si daddy and we'll wait for him okay? Just a little more time, he will finally be home.. to us." I whispered while tenderly stroking my belly.

Subalit, ang pangakong iyon ay dumagdag sa mga salitang binitawan niya.. sa mga pangakong hindi niya natupad simula noong malaman niyang buntis ako.

I sniffed my tears as every seconds that passed hurts like a billion knives slicing my heart. I bit my lower lip to suppress my sobs when the tears that I am restraining flowed like a river.

Napatingin ako sa orasan na nasa night stand at nakitang pasado alas-onse na nang gabi. Mas bumigat ang pakiramdam ko sa isipang magkasama na naman sila. Sa isipang wala man lang siyang pakialam sa akin.. na naghihintay sa kaniyang pag-uwi.

We've been married for almost a year now at hindi ito ang unang beses. Noong una ayos lang dahil naiintindihan kong may iba siyang mahal bago pa man kami ikasal. Ayos lang sa akin kahit hindi siya umuwi ng isang linggo at doon manatili sa boyfriend niya. Walang problema sa parte ko kahit makita ko pa silang naghahalikan, nagyayakapan, naglalambingan.. ngunit iba na ngayon.

We are now having a children, this is not only about us. Ayaw kong lumaki ang mga anak ko sa ganitong sitwasyon. Aalis siya at babalik lang kung kailan niya gusto. They doesn't deserve to be treated like this. At sana, maisip niya iyon.

I am the wife. I have all the rights to him, but why does it feels like this? Why does it fucking hurts everytime he would leave me behind for his lover. Parang ako ang kabit sa nangyayari sa amin.

Pero mas masakit dahil kahit ilang beses na itong nangyari, na pinagmukha niya sa aking hindi siya masaya sa piling ko at na may mahal siyang iba. Na kung hindi dahil sa mga batang dinadala ko, hindi niya ako pagtitiisan ng ganito.. hindi siya mananatili sa tabi ko. Umaasa pa rin ako na balang araw.. makikita rin niya ang halaga ko.

Mahina akong napadaing ng biglang sumakit ang tiyan ko. Muli ko itong hinimas sa kabila ng patuloy na pag-agos ng mainit na likido sa aking magkabilang mata.

"Sshh.. I know, I know.. matutulog na tayo maya-maya. Hintayin lang natin si daddy. One more hour and when he's still not home, we'll sleep." I murmured despite of my trembling lips. I wipe my stubborn tears as I tell myself not to cry. This is not good for the baby..

Paulit-ulit kong kinumbense ang sarili na tumahan na at huwag magpaapekto. Makalipas ang ilang sandali, napabuga ako ng hangin ng sa wakas natigil na rin ang pag-iyak ko. But I can still feel the residue of my tears. My throat went dry and I suddenly wanted to drink milk.

Sa isipang iyon, dahan dahan akong tumayo. Nahagip ng mga mata ko ang cellphone na nasa night stand at walang pag-aatubili ko itong kinuha. Kating kati na ang kamay kong tawagan siya pero pinigilan ko ang aking sarili.

Calm down, Sofia. He will only get mad if you'd disturb them.

My steps towards the door is calculated, afraid that I might make some noise. I looked at the time in the clock hanging on the wall. I let out a deep breath when it is quarter to 12 yet, he is not here.

Ilang oras na ba akong naghihintay?

I yawned, very sleepy. Masakit na ang mata at pabigat na pabigat na rin ang talupak ng mga ito. Pababa na ako ng hagdan when a thought crossed my mind. I am worried alright. At sa ganitong sitwasyon, palaging nanaig ang pag-aala at pagmamahal ko sa kaniya. I have the sudden urge to open my social media and see what is new. Eventually I did.. na sana hindi ko nalang ginawa.

I stopped on my track. Para akong kakapusin ng hininga ng makita ang litratong bumungad sa akin ng sandaling buksan ko ang Instagram app. Kung titignan ng mabuti, walang malisya. Para lang silang magkaibigan na nakaupo, nasa magkabilang balikat ang braso, ngunit dahil kilalang kilala ko silang dalawa.. alam kung hindi.

Mas malalaim ang kanilang ugnayan bukod sa pagiging magkaibigan.. mas mapanakit. My face was instantly soaked with tears while staring at the photo. My lips quiver. My hands started to tremble.

He said it was emergency.

From my blurry eyesight, I once again stared at it like it is not hurting me, when in fact it is. Hurt is even an understatement. It was my husband, sitting comfortably on a couch with a man beside him. Base sa paligid, alam kong nasa bar sila. Kahit may kasama pa silang isang lalaki, naiiba silang dalawa. They are different because I know very well their relationship with each other.

Humawak ako sa railing ng hagdan para kumuha ng suporta dahil sa naramdamang panghihina sa nakita. I didn't bother wiping my tears cuz everytime I would, another batch will replace it. I felt so stupid watching them, but I couldn't take my eyes off from it. Kahit na nadudurog ako.. hindi ko mahanap ang lakas para mag-alis ng tingin sa dalawa.

Damn, Sofia! Sinasaktan mo lang lalo ang sarili mo!

I winced when my belly suddenly contracted with pain. Nahulog ang cellphone ko pero hindi ko na iyon napagtuunan ng pansin dahil sa patuloy na pagkirot ng aking tiyan. Hinawakan ko ito at hinimas, umaasang maiibsan ang paghihirap na rumaragasa sa aking katawan.

A bitter smile appeared on my lips as realization hit me. Here I am.. silently suffering but my husband is out there, having fun with his lover.

Inihakbang ko ang aking paa at sa kasamang palad, hindi ko nakita ang dinaraanan dahilan kung bakit ako bumagsak. My butt hits the cold tiled stairs and soon, I felt that excruciating pain on my belly intensifies. I strongly hold the railings of the stairs to prevent me from falling.

Ang kaninang iyak dahil sa pighati at pagkabigo ay dumoble ng hindi tumigil o mas lumala lamang ang pagkirot ng aking tiyan.

"Manang Remmy!" I cried her name, asking for help.

Sinubukan kong tumayo pero hindi ko magawa dahil sa tumitinding sakit. I wept so hard realizing what I've gotten myself into.

"No.. no..please, not my babies," I uttered despite of my weak voice.

Fear rushed through me when I had glance at my legs and saw blood. Humagulhol ako ng humagulhol habang patuloy na sinisigaw ang pangalan ng nag-iisa naming kasambahay.

"Manang Remmy! Manang, help! Please, helpe me!" I continued to shout. I groaned when I felt how excruciating it is. Para akong tinutupok ng apoy.

Patuloy akong nagsusumigaw, umaasang darating din siya. Kasi wala dito ang asawa ko na dapat gumagabay sa akin sa mga ganitong sitwasyon.

Naroon siya nagpapakasaya, habang ako'y nagdurusa.

Tahimik akong nagdasal na sana walang mangyaring masama sa batang nasa sinampupunan ko. Hindi ko mapapatawad ang aking sarili kung pati ito ay kunin Niya. Hindi ko pa man sila nakikita ay mahal na mahal ko na ang mga munting anghel na nasa loob ko at kung sakali mang maging sila ay iwan din ako. Hindi ko kakayanin.

I continued crying neither shouting manang Remmy's name as each seconds that passed felts like eternity. Nanunuyo na rin ang lalamunan ko sa kakasigaw pero wala akong pakialam.

I heard a loud thud followed by a heavy footsteps.

"Manang.." I cried.

Manang Remmy had a horrified expression upon seeing me.
"Santisima! Anong nangyari?"

Hindi ko siya nagawang sagutin sa halip ay muling tinawag ang pangalan niya. Dali-dali naman niya akong linapitan at tinulungang tumayo pero bigo ako. I can't feel my legs and my stomach is aching badly.

"Manang it hurts.. masakit po." bulong ko habang patuloy na tumatangis.

"Bernardo!" malakas niyang sigaw.

Pinunasan niya ang luha sa aking pisngi saka ako binigyan ng ngiti. Her hands were also trembling and I can feel how nervous she is.

"Alam ko anak, lumaban ka lang. Lumaban ka para sa mga bata, pupunta na tayo ng hospital." she assured me.

Hearing about the babies made me want to collapse out of fear. I don't want to lose my babies.

"Manang, 'yong mga anak ko.. iligtas niyo po ang mga anak ko nagmamakaawa ako." I hold her hands tightly whilst I continue to bleed.

Several morbid thoughts were circulating in my mind and I hate it. Hindi.. hindi mawawala sa akin ang mga anak ko.

"Oo, hija huwag kang mag-alala. Maliligtas ang anak niyo." she responded.

"Bernardo!" muling pagtawag niya sa pangalan ng asawa. Wala pang ilang sandali'y nasa harapan na namin ito.

"Bakit ka sumisigaw Remmy?" puno ng pagtataka nitong tanong sa asawa.

"Huwag ka nang magtanong, ihanda mo ang sasakyan! Dalian mo!" sigaw niya pabalik.

I saw how manang Bernardo panic when he took a glance at my situation. Nanlaki ang kaniyang mga mata ngunit agad din itong tumalikod.

Manang continued stroking my hair, whispering for me to fight and don't give up. Sa kabila ng sakit parang gusto kong matulog..

"Lumaban ka, hija.. lumaban ka." she whispered again before kissing my head.

Tango lang ang naisagot ko dito. I can't find my voice..

"Nasaan ba ang asawa mo, hija?" tanong niya na dumagdag sa sakit na aking nararamdaman.

'Yon din po ang tanong ko manang.

Nasaan ang asawa ko sa mga panahaong kailangan namin siya?

Kahit hindi ko na ito isatinag, alam na alam ko na ang sagot sa tanong ito. Mabuti nalang at agad na nakabalik si mang Bernardo.

"Halika buhatin mo ang batang ito! Bilis! Baka kung anong mangyari sa kanilang dalawa ng mga bata!"

Moments later, I feel myself floating.

I thought I was done from crying.. hindi pa pala.

Dahil sa isipang wala ang taong nangakong uuwi sa akin.. ang lalaking nangakong aalagaan at babantayan ako ay wala dito.

He's out there.. in the arms of his lover. And here I am, fighting alone for our angels.

I've given my everything in order for this marriage to work. But I guess my efforts and sacrifices are not enough for him to see my worth.

Ano pa nga ba ang dapat kong gawin para lamang piliin niya kami?

How... just how can I tame my ruthless husband?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top