CHAPTER 6

Honeymoon

Bumuntonghininga ako habang pinagmamasdan ang papalayong kotse na sinasakyan ni Chaz. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, sana pala nagmatigas ako at hindi sumunod sa kagustuhan niya. I should’ve use my own car and went straight to my condo unit. That way, hindi pa ako giginawin ng ganito.

Too late to regret Sofia.. too late.

I caress my exposed shoulder as I felt the wind blew, nakakakilabot sa pakiramdam ang lamig ng simoy ng hangin. I released a deep breath before grabbing my phone inside of my pouch. I then scrolled for Jenny’s number, it didn’t take a minute when I caught her registered name on my phone. Agad ko itong tinawagan, ngunit lumipas na lang ang ilang sandali walang sumagot.

I sighed in frustration. She is the only person I thought could help me right now. Pero mukhang imposible na matutulungan niya ako ngayon.

Napatingin ako sa paligid. Sa isang subdivision ako dinala ni Chaz pero ang susunod na bahay ay ilang metro pa ang layo sa kinatatayuan ko. I surveyed my surroundings while playing with the keys. In front of me is a two storey house. I couldn’t see the details clearly because the lights were off. Pero alam kong hindi ito simpleng bahay lang.

Wala akong nasa isip na maaring tawagan para hingan ng tulong. I rarely interact with my friends from college while I only have a few friends, and the person next to Jenny is off limits. Hindi ko pwedeng tawagan si David, dahil alam kong sa halip na tulong ang makuha ko ay baka sermon ang abutin ko. Probably by now, alam na niyang kinasal ako pero hindi ko siya inimbita.

I tried calling Jenny again but she’s still unavailable. I had a glance at the time and sighed. Kaya pala hindi siya ma-contact dahil alas onse na ang gabi. She’s probably sleeping by now.

In the end, I don’t have other choice but to use the key I was holding. I hold the hem of my dress while walking towards the massive gate. I then open the flashlight icon on my phone for assistance. Nang tuluyang bumukas ang gate, walang pag-aatubili kong tinahak ang daan patungo sa pinto.

Hindi na ako nagulat ng dilim ang sumalubong sa akin ng sandaling buksan ko ang pintuan. I have a hard time finding the switch, reason why I didn’t push through with the idea of turning on the lights.

Nakarating ako sa living room at nakita ang sofa, napagdesisyunan kong doon na lang matulog. The white dress was uncomfortable honestly, pero wala rin naman akong pamalit. Makakaya ko naman sigurong umabot hanggang umaga na suot pa ito.

I released a deep breath before laying on the couch. Pinatay ko rin ang flashlight ng cellphone ko saka pumikit. I didn’t know I would be experiencing sleeping on a couch on the night of my wedding day.

Chaz is just so heartless, at least sana sinamahan niya muna ako hangang makapasok sa loob ng bahay.  Hindi iyong iiwan lang ako sa gitna ng daan at aalis ng hindi man lang nagpapaalam.

Strangely, regardless of the cold temperature of the room I was able to dozed off to sleep that night. Akala ko mamahay pa ako at hindi agad makakatulog, pero hindi...

Kinabukasan, nagising ako dahil sa boses ng kung sino. I yawned while brushing off the sleep on my eyes.  Bumungad sa akin ang estrangeherong paligid. When my eyes drifted to my body and saw what I was wearing, that is when I realized where I am at the moment.

Nakalimutan kong narito nga pala ako sa bahay ni Chaz, and speaking of. Bumalik na kaya siya?

“Yes, babe. Gusto ko nga na magputa ulit doon, how about next month?” that familiar voice echoed on the whole manor.

Tumayo ako at hinanap ang nagmamay-ari ng boses na iyon. I looked around and notice that the house is in minimalist design. Halos puti ang mga nakikita ko, from the curtains and interior structure. Wala ring masyadong gamit, halatang bago lang ang bahay dahil naamoy ko pa ang pinturang ginamit.

“We’ll see babe. You know I can’t leave my mother right now.”

Tumaas ang kilay ko nang mapagtantong si Chaz iyon. So it means, nandito na siya. Napasimangot ako ng maalalang hinayaan lang talaga niya akong matulog sa sofa at hindi man lang nagbigay ng kumot.

“I know babe, but next month pa naman. I’m sure Mama will be fine by then. Maldives is great especially if it is summer.”

I have to always remind myself that starting today, I am no longer Sofia Grace Perez and has to deal with her husband and his lover. 

“And babe, remember your promise to me? Ang sabi mo babawi ka..” malamyos ang boses ni Harry. Parang may nilalambing..

Naabutan ko silang dalawa sa kusina ng bahay. I stood in front of the door and watched the two of them. Chaz was removing the apron while Harry was sitting on the stool counter. Ganoon nalang ang pagrolyo ng mata ko ng mapansing walang damit si Chaz. My eyes drifted on the table that is filled with foods. Oh so, he cooked.

“Hmm, gusto mo ba talagang magbakasyon doon?” tanong niya kay Harry.

Harry beamed. “Anywhere, basta kasama kita.” sagot niya saka naglalambing pinalibot ang braso kay Chaz.

May live show pa yata dito. Seems like they are lost in their own worlds, oblivious to my presence.

“You really know how to flutter me, huh,” Chaz replied, may paglalaro sa boses nito.

Nasa counter ang dalawang kamay ni Chaz habang sa tapat niya ay si Harry. As if locking him with his firm shoulders. Before they could do something   inappropriate in my eyes, I cleared my throat. Because of what I did, their head turn to my direction. I sighed in relief when he withdraw his hold to Chaz nape and the latter stood properly.

“Bitch, why are you here?” Nakataas ang kilay na tanong ni Harry.

Nagsimula akong maglakad papalapit sa lamesa. I wonder what is the time now that my stomach is already complaining—as if telling me to eat.

“I’m starving,” I replied shortly, eyeing the food that looks appetizing. Hindi ko alam na marunong siyang magluto, akala ko magaling lang siya magmura.

“Problema pa ba namin iyon? The stove is right there, don’t tell me hindi ka marunong magluto?” he blatantly answered.

My brows furrowed. What does he mean by that? Hindi sila magbibigay ng pagkain nila?

“Uh.. marunong naman..” my eyes narrowed at the foods in the table. “You cooked a lot of it, so uh.. can’t I… share?”

It has fried rice, bacon, fried egg, sausage and even pancakes. At least one piece of pancake will be enough for me.  Pero kung hindi talaga sila magbibigay, ayos lang din. Dadaan nalang ako mamaya sa malapit na restaurant para kumain bago tumulak sa trabaho.

“No, hindi pwede. My babe cooked all of it for us, huwag ka ng makisawsaw.” supladong sagot ni Harry.

Although, hindi na katakataka ang sinagot niya. Bumagsag pa rin ang balikat ko, ngunti sinubukan ko pa ring ngumiti sa kanila.

“It’s fine, by the way anong oras na ba?”

Bumaling ako kay Chaz dahil kahit ilang beses na niya ako minura, mas umaasa pa akong sagutin niya ako ng maayos kaysa kay Harry na laging mainit ang ulo sa akin. However, I instantly looked away when I had a glance at his naked body.

“Ten AM,” he coldly replied.

My eyes widen a fraction. Panic rose up to my chest when I realized I’m very late at work. Napatingin ako sa kaniya na may nanlalaking mga mata. Nakita kong tumaas ang sulok ng kaniyang labi.

“Bakit hindi niyo ako ginising?” I asked, bewildered.

“At kasalanan pa talaga namin?” Harry butted in. May hinagis siya sa katawan ni Chaz. “Babe, get dressed. I am the only person who has the right to see your body.” he added, earning chuckle from Chaz.

I shook my head in dismay. It’s not as if I’m ogling at his body. Though, he has a ripped and muscular physique. The muscles were in the right places, justifying Harry’s reaction. Natural lang sa kaniya na ipagdamot ang kasintahan, pero wala lang naman sa akin iyon.

“That’s not my point.” I said, gazing at Harry blankly.

He rolled his eyes. “Yeah, whatever.”

Kung sa bawat pagkikita namin ay ganito ang tungo niya sa akin, mas mainam sigurong umuwi nalang ako sa condo ko. Nakakahiya sa kaniya..

“Babe let’s eat! Lumalamig na ang pagkain,” masiglang pahayag niya bago naupo sa harapan ng lamesa. Chaz then sit  beside him.

Nakangiting linagyan ni Harry ng pagkain ang plato ni niya habang madilim na nakatingin sa akin. Napalunok ako ng maamoy ang bango ng sinangag.

“Uh.. sige, aalis na ako.” pagpapaalam ko.

Dahil kung hindi, mas lalo lang akong magugutom kung tutunganga lang ako sa harapan nila.

“You should be. Nakakailang kayang kumain ng may audience, lalo na kung ikaw ang nasa harapan ko .” sagot ni Harry saka umirap.

Napatingin ako kay Chaz, umaasang susuwayin  niya si Harry pero mukhang walang balak ang huli. He’s just staring at me with those green eyes.

Wala akong maasahan sa kaniya.

I turn my heels and was about to walk out of the kitchen when Chaz called me by my surname.

“Mis Perez,”

“Why?” Tinignan ko siya mula sa aking balikat.

“The second door upstairs will be your room. The one that is painted with gray.” he stated. “Naroon na rin ang mga gamit mo. Your brother brought that together with your mom the other day.” dagdag niya.

Tumango ako saka tumalikod. Nilakad ko ang distansya ng kusina at ikalawang palapag. There are only three doors upstairs, and I went directly to the second one. I guess the first one belongs to them.

Like what he said, my things were neatly organized on the walk-in closet. But only those that I left on the mansion. Kailangan ko pa ring magpunta ng condo ko para kumuha ng ilang gamit. Including my personal necessitates.

I changed into a black tube dress and paired it with a white coat together with my plump. Sinuklay ko lang ang buhok ko at hindi nag-abalang maglagay ng make-up. Huli kong sinuot ang relo at napansin ang oras.  Ngayong hapon nalang ako papasok.

When I checked my phone for possible messaged form Jenny, there was one but not related to my work.


From: Jens

Congrats Pia! Tawagan mo ako kung magpapainom ka na. Love yah!

I smiled while reading it. I replied thanks and put my phone back at my pouch. Pababa na ako ng hagdan ng makasalubong ko si Chaz. Natigilan ako sa paglalakad dahil tumigil rin siya.

“Where are you going?” nakakunot noo nitong tanong. Pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

“Sa trabaho,” tipid kong sagot.

Tumaas ang kilay niya. “You can’t leave the house, Miss Perez. We are supposed to be on our honeymoon vacation, and going to your workplace is not a good idea.” aniya sa seryosong boses. “Iyon din ang alam ng mga magulang natin.”

Umawang ang labi ko. “Anong honeymoon?” gulantang kong tanong.

May ganoon pa ba kahit nagpapanggap lang kayo? I mean, sure that is normal for couples on their weeding night, pero hindi naman siguro aabutin ng buong araw.

Bumuka ang labi niya para sana sagutin ako ng may nauna na sa kaniyang likuran.

“Tanga ka ba? O sadyang, bobo ka lang?” tila naiinis na tanong ni Harry. Pinalibot nito ang kamay sa braso ni Chaz saka ako tinaasan ng kilay.

Natigilan ako.

Minsan gusto ko nalang lagyan ng tape ang bastos niyang bibig. Well kung galit siya sa akin dahil sa nangyaring kasal ‘di dapat magalit din siya sa jowa niya. Kung tuusin, sila ang nagpilit sa akin na mapunta sa sitwasyong ito.

“Hindi naman totoong magkarelasyon tay—”

“At never na magkakatotoo.” pagputol ni Harry sa akin.

Bumuntonghininga ako bago siya tinignan ng masama.

“Ang ibig kong sabih—”

“Ang ibig sabihin ni Chaz, huwag kang aalis ng bahay ngayon. End of discussion.” for the second time, he didn’t let me finish my sentence.

Umirap siya saka may matamis na ngiting bumaling kay Chaz. “Babe let’s go!”

Chaz was staring at me, and I take that as opportunity to roll my eyes. Sa halip na titigan silang dalawa at tuluyang masira ang araw ko, nauna na akong bumaba ng hagdan.

Hinimas ko ang aking tiyan ng makaramdam ng gutom. Naisipan kong mag order nalang pero naalala kong hindi ko nga palam ang address ng bahay na tinutungtungan ko. I’d rather cook than ask them the address of this subdivision.

Napatingin ako sa taas, they are perhaps on their room now. Hindi naman siguro magagalit si Chaz kung papakialaman ko ang kusina niya. Kung sana lang din nagbigay sila ng kahit isang pirasong bacon kanina..

Napailing ako. Walang mangyayari sa akin kung magbabalik tanaw ako sa kasakiman nilang dalawa. With my heavy footsteps, I strides towards the kitchen to mend my starving tummy. Naghalungkat ako sa posibleng lutuin ng matigilan sa nakita.

My bows knitted in confusion. Leftover ba nila ito? O, para sa tanghalian nila mamaya?

Sa ibabaw ng ref ay may tupperware na naglalaman ng ulam. May tatlong pancake rin at sa tabi nito at may Jam. Napatingin ako sa pinto na parang anumang oras ay may susulpot na tao roon para ipaliwanag kung bakit may pagkain pa dito.

After some time of staring at the foods, I decided to eat those instead of cooking. Tapos naman na sila kumain so I assumed, hindi na nila ito hahanapin pa mamaya.

I sat on stool counter while silently chewing the food. I was half way done when a tall and muscular man entered the kitchen. Halos maibuga ko ang kasalakuyang nginunguya ng magdapo ang mga mata namin.

Nakasuot ito ng light brown khaki shorts at puting t-shirt. Mukhang kakatapos lang din niyang maligo dahil basa pa ang buhok nito at may dala siyang puting towel na ginagamit para pamunas sa buhok.

“Uh.. ano, magluluto nalang ulit ako pamalit dito! Nagugutom na kasi ako kaya.."

I gnaw on my lower lip as I felt his intense gaze. Nagsalubong ang kilay niya saka bumaba ang tingin sa dala-dala ko.

Galit ba siya dahil kinain ko itong tira nila?

I awkwardly smile. “Papalitan ko talaga ‘to, pagkatapos kong kumain.” I added, assuring him.

“There’s no need for that.” sagot niya.

Lumapit siya sa ref saka kumuha ng pitsel ng tubig. Kumuha rin siya ng baso saka pinuno ito ng tubig. Habang ako’y pinagmamasdan lang ang bawat galaw niya.

“S-Sigurado ka?” paninigurado ko.

He drank the water straight without breaking the eye contact.

“Yes,” tipid nitong sagot.

Napahinga ako nang maluwag. Ang akala ko’y  magagalit siya dahil lang kinain ko ang pagkaing luto niya.

“Make sure you’ll tidy the sink. We are not going to hire a maids so you have to learn the household chores. Walang magsisilbi sayo rito.” supladong ani Chaz saka ako tinalikuran.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top