CHAPTER 49

Happy

"No pressure, love. I'll wait until you're ready.. kahit ilang taon pa, Grace. Handa akong maghintay.."

Wala na si Chaz pero ang utak ko'y binabalik-balikan ang nangyari sa condo ko. Para akong lutang na pumapasok sa bahay dahil hanggang ngayon ay windang pa rin ako sa nasaksihan at mga narinig.

Hindi niya tinanggi.

Harry.. he didn't deny him and in fact gave me hints of what he is to him before. Hindi ko pa tuluyang naalala ang lahat at nang dahil sa simpleng panaganigip ay nagkaroon ako nang ideya kung ano ba ang nangyari noon.

Bumuntonghininga ako. Tuloy tuloy ang lakad ko papasok. Before Chaz and I parted ways, he said the twins are at his parents abode. Kaya hindi na ako nagtaka nang pagdating ko sa bahay ay wala roon ang kambal. Sa halip ay boses nila tita Nieves at Veronica.

“Mom, I won’t leave! Narito ang buhay ko, bakit ako aalis?”

“Hija, it’s about time to relive your life on the U.S. Nagkausap kami ng pinagtatrabuhan mong law firm doon, they’re willing to accept you again.” it was Tita Nieves voice.

“Hindi na nga, Mommy! Kontento na ako sa buhay ko rito—"

“This is not your home! Hindi ka ba nahihiya sa tita mo? Ilang taon ka nang nakikitira rito, mabuti pang sumama ka na lang sa amin pabalik ng Daddy mo!"

Nakarating ako sa sala at nakita silang lahat. Mom and Dad was there, silently watching them. Si Lily na nakahalukipkip at malamig ang tingin sa aming pinsan. Wala na si Ate Giselle.

“Oh geez, don’t tell me you’re doing this because of that goddamn accident?”

Napansin ako ni Lily. She gestured me to come which I did.

“I will prove my innocence! I have nothing to do with that one sided story of my cousin, Mom. Ang tahimik ng buhay ko rito, pagbibintangan niya pa?”

I walked towards them with a calmed expression. Bumaling ang tingin ng mga magulang ko sa akin maging sila Tita at tito. Si Veronica ay nakatalikod sa gawi ko, kaharap sila.

"Hija, this is not just about that. We missed you. Matanda na kami, don't you want to stay with us now that we're still breathing?" Tita Nieves said in low voice.

"No, I don't believe you! Gusto niyong sumama ako sa inyo pabalik dahil diyan sa binibintang ni Sofia!" sigaw niya pa.

"Veronica, hindi magsasampa ng kaso ang anak ko. Pagka—"

Mom stopped when Veronica laughed.
Irritation rose into me hearing the mockery on his voice. Nag-isang linya ang labi ko habang pinagmamasdan siya.

"So what tita? She can file a case for all she damn wants, and I don't care! Lalaban ako at papatunayang wala akong kinalaman diyan sa mga akusasyon niya!"

I appeared on her line of sight. Veronica was breathing heavily. Nagpupuyos sa galit at matalim agad ang ginawad na tingin sa akin.

"You've lost your class, cuz. I don't know you anymore. The elegant and high maintenance Veronica is willing to destroy her family for a man who doesn't give a shit of your existence. What a crap reasoning.." si Lily.

"Excuse me? We're mutual! Nagkakamabutihan kami ni Theo at kung hindi lang dahil sa maland—"

"Huwag na huwag mong babastusin ang anak ko sa harapan ko, Veronica!" pigil ni Mommy sa pinsan ko. "Sumusobra ka na. Ikaw na nga itong pinagbigbigyan, ikaw pa itong nagmamatigas!"

I gritted my teeth. I'm doing this for her sake.. for our family. I don't want to cause chaos. Ayaw kong pagmulan ito ng gulo, kaya kahit nasaktan niya ako, sa kabila nang katotohanang siya ang nasa likod ng pagkawala ko, mas pipiliin ko na lamang na manahimik at hayaan ang Diyos na magpataw ng parusa niya.

"Hija, please listen to us. This is for the better! Hinahanap-hanap ka na rin ng lolo at lola mo. Ang mga pinsan at pamangkin mo, hinihintay ka." ani pa ni Tita Nieves.

"I said no, Mom! I won't go anywhere." pagmamatigas ni Veronica.

Napasentido si tita. Samantalang nanatiling tahimik ang dalawang padre de pamilya na tila binibigay ang pagkakataong ito sa mga babae.

"It's your choice, but I don't want you stay in this house. Ayaw ko ring lumalapit-lapit ka sa mga anak ko lalo na kay Xander. Knowing everything, you're no good for them." mataman kong sinabi.

Veronica gasped in exaggerated manner.

"Who the hell are you to tell me that? Ikaw lang ang nagluwal sa kanila, pero hindi ka nag paka ina! Ako, Sofia. Ako ang mas may karapat dapat sa kambal, hindi ang isang kagaya mong may diperensya!"

Parang nag panting ang tainga ko sa narinig mula sa kaniya. Maging sila Mommy ay tila hindi rin nagustuhan ang sinabi nito.

"Veronica!" gulantang na suway sa kaniya ng ina.

"Magdahan dahan ka sa pananalita mo, hija. Baka nakakalimutan mong anak ko iyang pinagsasalitan at narito ka sa sarili kong pamamahay." si Dad sa malamig na tinig.

Para namang nataranta si Tita Nieves at agad na linapitan si Veronica. Hinawakan niya ito sa braso na ikanapiglas ng huli.

"Enough, Veronica. Huwag mong palalain ang sitwasyon!"

"Mommy, I am not doing anything! Kung makaasta kayo parang isa akong krimenal, ah? Nagsasabi ako nang totoo at kung ayaw niyong maniwala pwes problema niyo na iyon!"

I heard Lily sighed on my side. Si Tita Nieves ay bumaling sa amin saka ngumiti.

"I'm sorry Regine, Sofia, hayaan niyo at ako na ang bahala sa anak ko." she said apologetically. "We've book a hotel. We'll stay there and I'll keep in touch with you, Regine."

It was a long night. Si Veronica ay walang nagawa nang si Tito Prody na mismo ang sumaway sa babae. Isang sabi lang ni tito ay huminahon si Veronica at napilitang sumama sa kanila.

Si Lily ay sumama rin sa kanila at kakausapin pa raw ang pinsan namin. Nang kaming tatlo na lang ang natira, yumakap si Mommy sa akin.

"Whatever your decision is, your Dad and I are here to support you. If doing this will give you peace of mind, then that's it."

Napangiti ako bago binalik ang yakap sa kaniya.

"Thank you, Mommy.."

I'm glad she understands me.

"I know you, anak. You would rather hurt yourself instead of the people around you. Especially when family is involve. Though, it's okay to be selfish sometimes. Not all the time, you have to think about the welfare of other people. You're selfless, but dear learn to choose yourself, okay? Ikaw muna bago ang iba.."

Am I really selfless?

Ayaw ko lang naman ng gulo. Ayaw kong pagmulan ng hindi pagkakaunawan sa pagitan ng dalawang pamilya. Masasaktan si Tita Nieves.

Like what Mom said, I know they will support me up until the end. Isang sabi ko lang, iyon na agad ang gagawin nila. Nasaktan ako sa ginawang pagtataksil ni Veronica, ngunit kahit anong kumbensi ko sa sariling ibigay ang karapat dapat na parusa sa kaniya gamit ang batas... nauuwi pa rin ako sa natatanging rason kung bakit siya nagkaroon ng pagkakataong makapasok sa buhay namin.

“You won’t sue her?” Chaz started as he maneuvered the car away from the kid’s school. “Giselle mentioned it to me,” he added and I saw him licked his lips.

Kahahatid lang namin sa mga bata at ngayong pauwi na. Humalukipkip ako habang nasa labas ng bintana ang tanaw.

“Are you sure about that?”

Sinulyapan ko siya at nakitang titig na titig ito sa daan. He look calm despite the roughness on his voice.

“We can all just move on, Chaz." I stated in weak voice. "If I press charges on her, my conscience will not let me sleep. Kapamilya ko pa rin siya.. pinsan ko. Hindi ako makakatulog sa gabe knowing I'm the reason behind unfortunate situation of my own cousin."

Nilingon ako ni Chaz, pero mabilis ding binalik sa daan.

"Makokonsensya ako. Kahit pa sabihin nating siya ang dahilan kung bakit nawala ako ng matagal na panahon.. hindi pa rin makakaya ng konsensya ko ang ipakulong ang sarili kong kadugo." ani ko pa sabay hinga nang malalim.

Dito kami nagkakaiba. If Veronica can stomach hurting me, putting my life in danger, then I can't. Siguro dahil na rin, hindi ako tuluyang pinabayaan ni Veronica. She still gave us the financial help that we need, but still it's wrong.

"But they wronged you.." Chaz whispered.

"You hurt me too." I said and looked at him straight on the eyes.

Chaz stilled. Like he’s not expecting me to say it.

“You’re keen on giving them punishment for making a fool out of me, but you did it too. Katulad ka rin nilang sinaktan at hinamak ako.”

From his side profile, I saw how his lips parted. He dragged his eyes to where I was seated making our gaze locked. Katahimikan ang bumalot sa pagitan namin ng ilang minuto bago ko narinig ang malalim na pag buntonghininga niya.

"Right.." paos na bulong nito. "Tatanggapin ko ang lahat mula sa’yo. I’ll face your wrath, hurt me for all you want, Grace. Kahit pisikal pa, malugod ko iyong haharapin."

"What if I tell you to stop pursuing me?"

Napakagat labi siya. Humigpit rin ang hawak sa manebela na halos maglabasan na ang mga ugat roon. He used his left hand to brush his hair, as if he's frustrated.

"I.." Chaz sighed and licked his lips. "I don't want to."

Sinulyapan niya ako na matapang kong hinarap. The softness was their. His green eyes seemed drunk, and is under my mercy.

"Kahit anong hilingin mo, gagawin ko. I'd go to hell and back, just not that one. I can't.. I won't stop until you say yes to me again."

I looked away when I can't stand his deep stares.

"Makukulitan ka sa akin, pero hindi pa rin ako titigil." he trailed off with weak voice. "I was dying to see your visual again. Now that God has given me another chance, I won't let this slipped."

My stomach churned. I breathe in and out while staring at the window.

"What happened to, Harry?" I managed to asked. "Where is he now?"

I'm bothered. Now that Veronica is out of the picture, he might appeared and wreck everything again.

"Don't worry about him. He have nothing. Harry can't do anything to hurt you this time."

Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib. I don't know. Kahit si Veronica naman ang may malaking papel na ginampanan sa pagkawala ko, mas nababahala pa ako sa lalakeng iyon kahit hindi ko pa naman siya nakikita.

"When I lost you, all I see was black. I was in range and I was blaming myself."

Chaz glanced at me, his lips stretching for a smile.

"Ginawa ko ang tingin ko'y tama. The satisfaction I felt when his company go bankruptcy is over the moon. Alam niyang mahal akong maningil pero pinili niya pa rin akong traydurin."

My lips parted in shocked. What.. kawawa naman!

"He's no longer part of the hotel in Isla Cali. Kami na lang ni Samuel. Rest assured he won't touch you again. Hell will freeze before he can even approach you and our kids." Chaz added and smirked.

"Harry is a nobody, a part of my history. Parte ng nakaraan ko at hanggang doon na lang iyon.."

I swallowed hard. Lumilipad na ang utak ko sa kaawa-awang naganap sa lalake. Naging matulin ang paglipas ng mga araw. Si Veronica at ang kaniyang mga magulang ay lumipad na pabalik ng United States. I still remember how my baby cried when Veronica bid her goodbyes. Though, we didn't tainted her name in front of the kids, like what she did to me.

Kahit ngayon ay ramdam kong nalulungkot pa rin ang anak ko pero parati kong pinapaalala dito na narito lang ako at hinding hindi ko siya iiwan. I also attended my derma appointments and somehow, the scars are slowly vanishing. Samantalang, hindi pa kami nakakapagsimulang magluto ni Ate Giselle dahil palagi itong abala.

“Mommy, this holloween we’re going to Isla Cali.” untag ni Eira habang binibihisan ko siya ng pantulog.
“Come with us, Mom. I’ll introduce you to Grandma Francisca. We’ll visit Grandpa’s tombstone too.”

Humawak siya sa balikat ko nang akma ko nang isusuot ang kaniyang pang-ibaba.

“I’d love to, baby. But I have to asked for Lolo Franciss’s approval first..” mahinang sagot ko.

Naramdaman ko ang paninitig ni Eira sa akin habang lumilipas ang segundong hindi ito nagsasalita. When I successfully put on her terno pajama, she sat on the bed while I combed her hair.

“I’m curious, Mommy.” Eira said after a while of silence.

“What is it?”

Pinagpatuloy ko ang pagsusuklay sa kaniyang mahabang buhok habang naghihintay sa kaniyang sagot. Eira tilted her head and eyed me with crossed eyebrow. I smiled at her and resumed on getting her hair done.

“Why do you have to tell Lolo everything you’re about to do? I mean.. isn’t adults like you and Daddy have their own decisions in life? I thought only kids will need the approval of their parents?”

Nangingiti kong binaba ang suklay saka siya tuluyang hinarap sa akin.

“I have to asked Lolo pa kasi I’m living with them so they have an idea where I’m heading. That way, they'll know my whereabouts and the person I'm with for them not to worry."

Ngumuso siya tila nag-iisip.

“Even if you’re already adult?”

Tumango ako. Hinaplos ang kaniyang pisngi habang ang kaniyang mga mata’y puno nang pagtataka.

“Then how come Daddy’s not always seeking for Lolo Rodolfo’s opinion?”

“Uh..” tumikhim ako saka ngumiti. “Siguro ano, anak.. baka nagpapaalam ang daddy mo hindi mo lang naririnig kasi diba, your Lola and Lolo are not living with you?”

Maya-maya lang ay tumango si Eira, naliwanagan na. I tucked her hair behind her ears.

“Don’t worry, Mommy. I’ll help you convince, Lolo. I got your back,“ she sounded determined.

“Okay, baby.“ I said, chuckling.

May assignment siya kaya iyon ang pinagtuunan namin ng pansin bago matulog. We have plenty of time earlier after her class, but I let her have fun with her cousin. Ngayong gabi namin sinagutan.

Si Xander ay hindi rito natutulog, tanging si Eira lang. May mga pagkakataong din sa bahay nila ito natutulog. Sa hapon naman pagkatapos ng klase’y dito siya dumidiretso. Silang dalawa ng kaniyang kapatid. Simula din nang araw na binigyan ako ng ni Xander rosas ay walang palya iyon.

“Please, lolo? I want to be with Mommy this Halloween. If you misses her, we can do skype!“

Narinig ko ang malambing na boses ni Eira habang pababa ako ng hagdan kinabukasan. Hindi na ako nagulat sa naabutan. Kagigising ko lang at nauna pa sa akin ang anak ko na kinukulit na ang lolo.

“Please.. please..lolo. I promise we’ll buy you gift once we’re back!”

I saw Eira, sitting on my father's lap, holding his cheeks with both of her hands. Hinalik-halikan nito ang buong mukha ni Daddy.

“Tagal ng isang linggo, princess. Lolo we’ll miss you.” si Daddy, may pagtatampo sa boses. “You and your brother are always spending the Halloween at that place yearly. Don’t you want a change of environment? We can travel out of the country.”

I saw how Eira stilled. Gumuhit ang matagumpay na ngisi sa labi ng ama ko sa nakitang reaksyon ng apo. Dad knows how Eira loves travelling a lot. He’s using it as a bribe so her precious grandchildren will stay with him.

“Disneyland is a very beautiful place. Your Mom loved Disneyland when she was at your age. I’m sure you will too..”

Nakita ko ang paglabas ni Mommy sa kusina. She saw me, eyeing the two.

“What can you say, princess? Do you want to travel?” tanong muli ni Dad sa anak ko.

Mom waved her hand urging me to come. Sa sobrang tutok ng mag lolo sa pinag-uusapan hindi man lang kami pinansin.

“I like it lolo! Disneyland is my dream place!”

Nakarating ako sa pwesto ni Mommy na agad pinulupot ang mga kamay sa aking braso. We stood there, watching them.

“Then it’s settle. You’ll be with us this coming Halloween.”

I can tell Dad’s smiling in satisfaction. Likod niya lang ang kita namin at si Eira naman ay side view lang ng mukha ang hagip.

“But.. Grandpa Isco is waiting for us, Lolo. He will be sad in heaven if we don’t visit him..”

Nagkatinginan kami ni Mommy. We shared a meaningful look, suppressing a smile.

“It’s okay if you won’t visit your Grandpa this year. There’s a next time, princess. Isa pa, palagi na lang kayong dinadala sa Islang iyon.. panahon na para kami ang makasama niyo.” Dad said and kissed her cheeks.

Eira pursed her lips. Nakatingala ito at parang nasa malalim na iniisip.

“It’s not okay, Lolo.” Si Eira at mukhang nakapag desisyon na.

“Grandpa is not with us anymore. We’re away from him. We rarely visit him unlike you po na one drive lang ay narito na.”

Dad's shoulder loosened.

“We always see each other every day, lolo. Sila Grandpa and Grandma, minsan lang. About Disneyland, I’m fine being here. Daddy made a promised he will bring us there someday. So please lolo, gusto ko po kasama si Mommy sa Halloween!”

I can tell that Dad is being swayed by the charm of her granddaughter. Alam kong kaunti na lang at bibigay na ito lalo pa at pati si Mommy ay tumutulong dito.

“Pagbigyan na kasi, Lolo. Sige ka, iiyak ‘yan si Eira at hindi na ikaw ang favorite lolo. Right, apo? “ gatong pa ni Mommy.

Tumango tango si Eira habang ako’y napapailing na lang sa kanila. Sa huli’y bumigay din naman agad si Daddy. Eira was so happy that she even called Laureen to share the news.

Sa kanila palagi umiikot ang araw ko. While Chaz never missed a chance to hit on me. But I’m always on guard.

“Mommy, Xandy’s asking if you could make his favorite moron.” Eira said while we’re on the car on the way to the airport.

Nasa backseat silang dalawa habang ako’y nakaupo sa passenger seat. Our driver of course is none other than, Chaz Theo.

“I didn’t, Celeste!” apila ni Xander.

Sinilip ko ang dalawa at nakitang nangingiti ang babaeng anak ko habang si Xander ay magkasalubong ang kilay.

“Yes you do, Xandy. You kept on telling me you missed eating moron, and how you’re so excited to visit the island again so Grandma will make you some!” bibong sagot naman ng anak ko.

“That’s it, you little. I did not say I want Mama to make me one!”

“Well I’m helping you, Xandy. I don’t want you to be sad so I’m asking Mommy on your behalf since I know you’re so..so..embarassed.” Eira giggled cutely.

I chuckled. Xander’s face flushed hearing it. Sinuluyapan niya ako pero agad ding tinuon sa labas ang tingin.

“You don’t have to be shy, baby. Feel free to ask Mama anything, okay? As long as I know I am capable of doing your likes, I’d gladly make it." I said and smiled.

There’s a lot of improvement on Xandy’s behavior towards me as days passed by. He’s not aloof and has given me the opportunity to mother him. Only that, there are things that he’s still so afraid to asked. It's fine though, we have a lifetime to work on it.

Umabot ng apat na oras ang naging biyahe patunong Isla Cali. May van na naghihintay sa labas ng airport na nalaman kong pagmamay-ari pala ng pamilya ni Chaz. It was another half an hour drive and finally, I saw the familiar gate again.

“Dad, don’t hire Yaya Jam please! Mommy is here to look for me!” si Eira pagkababa namin sa kotse. Siguro iyong yaya na nakita ko noong kasama niya.

Chaz peered at me. He's wearing a black tattered pants, white shirt underneath his denim jacket. While I wore a maong pants, and sweet knitted spaghetti strap.

"What?" I arched him brow.

Lumapit si Chaz sa gawi ko saka ko naramdaman ang pagkuha niya sa dala-dala kong maleta.

"Let me," he said, and it was already too late to argue as he was already holding it.

Chaz crouched down until our face were leveled. I looked at him sternly, while his gaze were warm, full of admiration.

"Ganda mo," he suddenly whispered, making my face blushed.

Chaz chuckled. Tuwang-tuwa siya habang ako'y hindi natutuwa!

"Cute," aniya pa saka walang pasabing pinisil ang pisngi ko.

"Hey, I'm not cute!" apila ko.

Umiling lang siya, naglalaro ang ngiti sa mapulang labi. He urged me to walk which I did, but oftentimes I'd glanced at him sharply. He doesn't looked bothered by it though. Nangingiti pa nga!

“Grandma, we have a Mommy na!“ iyon agad ang sinalubong na mga salita ng anak ko.

Eira run towards her grandmother. Sumasayaw pa ang suot na bestida sa hangin habang si Xander ay nanatili sa aking tabi.

Tuwang-tuwa si lola Francisca na sinalubong ang tumatakbong mga apo. Tita Salvacion and Tito Rodolfo are already here. Nang nakaraang linggo pa. Kinailangan naming magpahuli dahil may pasok pa ang mga bata.

“Ganda-ganda po ni Mommy right Grandma?“ tanong pa ni Eira saka humagikhik.

Nakarating kami sa kanilang harapan. Si tita Salvacion ay agad na ngumiti nang magtagpo ang aming tingin, habang nanatiling seryoso si Tito Rodolfo.

“Oh of course, apo. Lagi mong sinasabi ‘yan sa akin eh. Hindi ka naman nagpatatalo kapag sinabi kong ako ang mas maganda kay Mommy mo.“ halakhak ni Lola.

I chuckled. Nagkatinginan kami ni lola na agad ngumiti. Hindi ko alam kung ito ba ang unang beses na nagkakilala kami, pero sa puntong ito ramdam ko ang  mainit na kanilang pagtanggap.

"Nalulugod akong makita kang muli, hija. Maligayang pagbabalik.." Lola Francisca said, smiling.

I smiled in return. That means I've been here. Hindi ito ang unang beses na nagpunta ako rito. Napatingin ako kay Chaz, na kanina pa pala ako pinagmamasdan. He might be the reason why..

Nakarating kami sa tanggapan ng bahay. Ang kambal ay si Lola Francisca ang kasama habang si Chaz ay kausap ang ama na pawang nakatayo sa bungad ng Teresa. Panay ang sulyap ni Chaz sa gawi namin kahit kausap naman nito si Tito Rodolfo.

“I’m glad your father allowed you be here with my son, hija..” ani Tita Salvacion.

Nakangiti ang ginang at kumiskislap ang mata sa tuwa.

“Walang laban sa apo, tita. Kinulit ba naman ni Eira, hindi tinantanan hangga’t hindi pumapayag.” 

Chaz glanced at us for the nth time, his expression was calm, listening to his father while talking.

“I can’t blame your father, Sofia. Kahit ako na sariling ina ay hindi natuwa sa ginawa ng anak ko,” rinig ko ang malalim na buntonghinga ni tita sanhi para mabaling ang tingin ko sa kaniya.

“This might be too late, but I hope you’ll still accept my apology. Para na rin kitang sariling anak at malaman ang nangyari sa iyo noon,” she sighed again. “I’m so sorry, hija. I’ve lectured my son for the past years, and I know he’s remorseful."

My head titled unto Chaz direction. Salubong ang makapal na kilay nito habang nakikinig sa ama. Mukhang naramdaman niyang nakatingin ako sanhi ng kaniyang paglingon sa akin.

“Hindi ko ito sinasabi para kaaawan si Chaz, dahil kahit anong paliwanag pa ay walang sasapat sa ginawa niyang kasalanan. Gusto ko lang malaman mo hija, na masaya akong makita kang maayos. Masaya akong nakabalik ka at sa lahat ng pinagdaan natin.. sa sakunang nangyari sa buhay natin, karapatan mong maging malaya. You two deserved to heal from the traumatic experience."

Napalunok ako. Hindi nakapagsalita at hinayaang ma absorba ng utak ko ang mga binitawan niyang salita.

Kinahapunan ng araw na iyon,  dumating din ang ibang pinsan ni Chaz. Ang ibang anak ni Lola Francisca na sa Isla Cali mananatili hanggang matapos ang araw ng mga patay. Naroon din si Antonnete, at nagulat akong kilala pala ako ng babae. Siya ang palagi kong nakakausap maliban kay tita at sa kambal.

“Tama ba itong ginagawa ko, ‘La?” Antonette asked.

Kasalukuyan kaming nasa kusina. Gumagawa sila ng gulay habang ako ay ginagawa ang moron. Tita Salva's with us and Lola Francica is eyeing Antonnete. Nagluluto ng gulay na gawa sa puso ng saging si Antonnette at tinuturan ito ni Lola.

“’Ku, ka kupad mo apo. Itong si Sofia nga eh, isang oras lang nakuha na agad ang tamang timpla at luto ng gulay ng saging!”

Sumulyap si Antonette sa akin. This is her third time trying to cook the dish. Kahapon ay sumubok din siya pero hindi nito nakuha ang tamang lasa. Dalawang beses iyon at ngayon na ang ikatlo. Mamayang alas singko ay may simba sa sementeryo and we’re planning to bring foods. Doon din kami mag hahapunan.

“La, iba naman po si Sofia. Ang talino niyan eh. Samantalang ako’y pakopya kopya lang sa kaklase kong genius din kaya hindi kataka-takang nakuha niya agad ang mahiwagang pamana mo!”

Natawa kaming tatlo nila tita. Nakabusangot naman si Antonnette na pinagpatuloy ang ginagawaw. Mula sa sala, pumasok ang anak nitong si Gideon kasama si Eira na kumakain ng chocolates.

“Tita, Gideon has a crush! He blushed when I teased him about the pretty kid beside our house..” bibong salubong ng anak ko.

Humagikhik si Eira nang samaan siya ng tingin ni Gideon. Tinigil ko rin ang ginagawa at kahit si Antonette ay gano’n din ang ginawa. Nasa dalawang bata na ang atensyon naming tatlo.

“Wow, my baby is a big boy na huh. How about Kerly? I thought he’s your crush?”

Tinukso nila ang bata at maging ang sariling ina ay sumali rin. Nag focus na lang ako ginagawa. Nilagyan ko na rin ng mani, iyon ang pinagkaiba nang una kong gawa na binigay ko kay Eira nang magkita kami sa simbahan.

"Do you need a hand?"

Mula sa nakabukang pinto ng silid na inuukupa namin ng mga anak ko, pumasok si Chaz Theo. He was already wearing a gray jacket. Bukas ang zipper sa gitna at kita ang kulay puting t-shirt sa ilalim. Naabutan niya akong nahihirapang isuot ang strap ng sandals na gagamiton ko, pero kaya naman.

"Uh, no.." I said and dropped my gaze to my foot.

Nang matagumpay kong naisuot ang sandal ay tumayo na ako. Nanatili si Chaz sa bungad ng pinto, nakahalukipkip at pinagmamasdan ako.

"Ayos lang ba kung mauna kayo sa sementeryo?"

Kinuha ko ang maliit na pouch sa night stand saka siya nilingon.

"Why? You're heading somewhere?"

"Yes but I can stay if you don't want. Si Andres at Kyle na lang ang papupuntahin ko,"

"Ayos lang, Chaz. Kasama ko naman sila Antonette at mga bata. Gawin mo na lang ang dapat mong gawin at humabol na lang sa sementeryo. We'll wait for you there.."  huling sabi ko bago naglakad palabas.

Tahimik namang sumunod si Chaz sa likod ko. Nang makarating sa sala ay naroon ang lahat. Si Tita Salva ang nag-uutos sa mga katulong ng mga dadalhin na pagkain patungo roon.

"Mama,"

I looked down and saw Xander. Dala-dala nito ang sapatos sa kamay. Ang dalawang paa ay may suot ng medyas. Gwapong-gwapo ang anak ko sa suot na blue polo at slacks.

"Yes, baby?"

I kneeled in front of him. Tumango ang anak ko, nagkamot sa batok.

"C-Can you help me put on my shoes?" he asked in a low voice.

Nakatungo si Xander at hindi masalubong ang tingin ko. Napangiti ako. Kinuha ko sa kamay niya ang sapatos at sinimulang isuot. Naririnig ang masayang halakhak ni Eira na kasalukuyang nakikipaglaro kay Gideon sa paligid.

"Have you eaten the moron, baby?" tanong ko sa gitna ng ginagawa.

"Yes, Mama.." he answered softly.

"Which do you prefer? With nuts or not?" I tied the shoelace and attended the other pair. "Iyong binigay sa'yo ni Eira noon, walang mani iyon benebenta ko kasi at hindi personal na pagkain."

Natapos ko ang pagsisintas at saka ko siya tiningala. Xander was looking down at me, his lips parted a bit. I smiled before touching his hands.

"It was my source of income before. But now is different. Mabibili ko na ang lahat ng sahog na gustong ilagay sa moron. What can you say? Do you like nuts or you have something in mind?"

"It must been hard for you.."

Nagulat ako sa sinabi ni Xander. Sinulyapan ko siya at nakita ang pagbalatay ng lungkot sa kulay berde niyang mga mata.

"It was hard but it's bearable, baby."

Xander smiled but it didn't reached his eyes.

"When you came back, I've made it even worst. I'm sorry, Mama. For all of the things I've said.. for being a bad kid, for giving you pain.. I'm sorry,"

Binalot ng mainit na haplos ang puso ko sa sunod nitong sinabi. Hinaplos ko ang braso niya habang nangingiti.

"You don't need to be sorry, baby. Naiintindihan ko naman kung bakit ganoon ang reaksyon mo. I was away for a long time and then suddenly, I'm here. It's not yet too late, right? We can  make another better memories."

Even though Chaz is not here, I felt like it was him whom I'm having a staring contest right now. Kuhang-kuha ni Xander ang mata ng ama na kahit sa paraan ng pagtitig nito ay halos magkapareho.

"It should be me who should apologize. I'm sorry—"

"It's not your fault too, Mama."

Xander cut me off. My heart warmed when he lifted his hand and caressed my cheeks.

"It's not your fault why you got into car accident. No one wanted that to happen. I know it was not only us who suffered. You're in pain too, as much as Daddy and the rest of us have experienced."

Pumikit ako habang dinadama ang haplos ng anak ko. Parang kailan lang, inaasam na mahawakan at mayakap man lang ang anak ko, heto ngayon.. hindi ko na kailangan pang pumuslit sa kwarto niya sa gabe para lang mapagmasdan siya nang malapitan at mahagkan.

"Mommy, nikuha ni Gideon ang candle na nasa puntod doon po sa other side!"

Humahangos si Eira na lumapit sa amin. Kinuha ko ang panyo at pinahid sa noo ng bata. Nakasunod sa kaniya si Marybeth, kapatid ni Kyle na asawa ni Antonnette.

"Ate, iyang anak mo ninakaw ang kandilang nakatirik sa puntod! Future snatcher yata 'to." humalakhak si Marybeth.

Galing ang tatlo sa labas ng sementeryo. Gusto ni Gideon ng yakult  na sinamahan naman ng tiyahan, si Eira ay hindi nagpatalo at sumama rin.

"Oh no, 'di po ako kasali! I even advised him not to cause it's bad but Gideon just laughed!" si Eira.

The mass has not yet started. Wala pa rin sila Chaz at si Kyle.

"Wala pong tao roon. Kukunin din po ito ng ibang bata, mabuti na lang at ako ang nauna!"

"Bakit? Ano bang gagawin mo sa kandila? Balak mo bang gumawa ng factory, apo?" si Tita Salva.

Sumimangot si Gideon. Tinukso na ito ng anak ko habang ang matatanda'y natutuwang pinagmasdan ang dalawa

"Manang mana 'to sa asawa ko, kandila lagi ang inaabangan tuwing araw ng mga patay!" gatong pa ni Antonnette.

I smiled and contented myself watching them. Hindi rin naman nagtagal at dumating si Chaz kasama si Kyle. Sinalubong si Chaz ni Eira na agad nagpakarga. The two walked to where I am and sat beside me. Ang anak kong lalake ay nasa tabi ni Lola Francisca at tita Salvacion.

The mass then started. Ang makukulit na dalawang bata ay tumahimik at tinuon ang atensyon sa paring nagsasalita.

“It's getting dark. Wear this. You might catch cold.” Chaz said and I felt him put his jacket around my shoulder.

Hindi ako nagreklamo dahil ramdam ko na rin ang malamig na ihip ng hangin. Inayos ko ang pagkakasuot ng jacket saka binalik sa padri ang atensyon. After the mass, we went to some of Chaz’s extended family’s grave. Pagbalik namin sa puntod ni Lolo Isco ay nagulat ako nang makita ang hindi inaasahang babae.

“Oh, kaya pala wala ka na sa Monhon huh?” sabi sa akin ni nurse Conchita.

Nakangiti siyang lumapit sa akin. Si Chaz ay tila naguluhan na palipat lipat ang tingin sa aming dalawa.

“What do you mean?” tanong nito.

“I saw her when we had our medical mission at the neighboring island. Sasabihin ko na sa iyo nang bumalik ako rito, ngunit siya naman ang pag-alis niyo. Binalikan ko siya sa Isla pero wala naman na raw. Umalis na at nag pa maynila.”

Nurse Conchita smiled meaningfully while I was still in shocked seeing her. Kaya pala parang ang dami niyang alam noon.

“I’m happy you two are now reconciled. I'm from this place by the way. We've meet each other before, and I know you don't remember me or do you?"

Dahan-dahan ang ginawa kong pag-iling. She smiled like she understand me.

"It's okay. I'm praying for your fast recovery. If there's anything I could help, please tell me. Ang laking tulong na ang ginawa ni Sir Chaz. At least this way, I could return the favor."

I was amazed. Hindi ko inaakalang magkikita ulit kami ni nurse Conchita. To think na tiga rito rin siya at kilalang-kilala ang pamilya ko.

Nagpaalam si Nurse Conchita at nangakong babalik maya-maya. Ramdam ko ang kagustuhang magtanong ni Chaz pero pinigilan lang. Nagsimula na rin ang hapunan at akma na akong kukuha ng pagkain nang ilahad ni Chaz ang platong may laman ng ulam at kanin.

"Thank you," I said and accepted the plate.

Hindi pa man nakakaalis si Chaz ay dumating si Xander na may dalang tubig.

"For you, Mama.."

Nakangiti ko itong tinanggap.

"Thanks, baby."

Xander smiled and went back to his seat where his Lola's are. Ngumiti si Tita Salva nang magtagpo ang aming tingin. I saw Eira beside Gideon, happily eating her dinner.

Habang pinagmamasdan ang dalawa kong anak na tuwang-tuwa kasama ang pamilya, ang ngiti sa labi ng mga matatanda at ang mainit na pagtanggap nila sa akin.. doon ko napagtangtong ganitong buhay ng gusto ko.

Naupo si Chaz sa tabi ko, may dala na ring sariling pagkain. Napansin ko pa ang pawis sa noo niya pero parang balewala iyon na hinagilap ang pamaypay na hiniram lang sa ina at sa halip na paypayan ang sarili'y sa akin iyon tinutok. Hindi naman ako naiinitan. Malamig nga..

"Do you need anything more?" Chaz asked.

No, Chaz. This is more than enough. I thought to myself.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top