CHAPTER 48

Kneel

“Let’s head straight to your house. Veronica might be there,”

Nasa loob na kami ng kaniyang sasakyan at kasalukuyang binabaybay ang daan pabalik sa bahay niya. I mastered a steady breathing, calming myself while Chaz who’s sitting on the driver seat was having a deep breath from time to time.

He’s fuming mad. Like the same reaction from him yesterday . Mahigpit ang hawak nito sa manibela. His prominent jaw clenched repeatedly indicating his severe madness.

I recalled what Ryan have said. Hindi ko maiwasang manghinayang. Tinuturing ko siyang kaibigan. In fact, I like him. Maybe not that deep.. but I learned to like him as years passed that we’re together.

“Ang gagong ‘yon.” I heard Chaz mumbled under his breath. “He could’ve went to me and asked for help. Kung sa akin iyon lumalapit, hindi sana mangyayari ang lahat ng ‘to!”

Napapikit ako. Humilig ako sa upuan saka menasahe ang sintido ng maramdaman ang pagpintig nito.

“If only you weren’t there, I’d ruin his face. Pinagtitimpian ko lang iyon dahil alam kung ayaw mo ng gulo. You hate violence. Kahapon ay napigtas ay hindi lang ako nakapagpigil. Pinuruhan ko sana,”

I sighed and opened my eyes. I glanced at his side profile. Chaz is indeed a beauty. He’s like a greek God. Those deep and tantalizing orbs.. towering nose, prominent jawline. Hindi katakatakang hulog na hulog ang pinsan ko sa kaniya na nagawa nitong talikuran kahit ang sariling pamilya.

“She likes you,” I whispered.

Nilingon ako ni Chaz. Binasa nito ang pang-ibabang labi at binaling din ang tingin sa daan.

“Doesn’t give her the liberty to plot this scheme.” matigas nitong sabi. "I was clear to her. Hindi ko siya kailanman magugustuhan. I'd die first before lovin' someone like her."

Natahimik ako. Tumingin ako sa bintana at binalikan ang naging pag-uusap namin kahapon. Love drives her to do evil things. But, I will never understand her views of love. I will never hurt someone just because of the man I love doesn’t love me back. Hindi ko ilalagay sa posisyong alam kong mahihirapan ang isang tao dahil lang sagabal ito sa pagmamahal na dapat kung makuha.

“Hinayaan ko siyang mapalapit sa mga anak natin, she’s your cousin. We lived with her for months. Alam kong gusto mo iyon. You cherish your family so much. She’s dear to you, and this..” umiling siya. “I didn’t see this coming. She hide her horn well, huh.” he chuckled dryly.

“I entrusted our children to her for the first year after we lost you. Hindi ako naniniwalang wala ka na. Cristelle survived how come you didn’t?”

I felt him side glanced me. Nilingon ko rin siya. Matamaang tinitigan na ngayong mukha nang kalmado.

“I was so sure you’re still alive. You’re a fighter. You love the twins and you can’t just leave..”

Bumuntong hininga ako at pumikit ulit. Nagsisimula na namang pumintig ang ulo ko sa samo’t saring naiisip. Uminom ba ako ng gamot bago umalis sa bahay?

“Iniwan ko sa kanila ang kambal. Mommy was having her chemotherapy, she can’t give her whole attention to them. Sila ni Nanany Remmy ang madalas na nagbabantay sa kanila habang hinahanap kita.”

“What about my parents? Bakit hindi mo sa kanila pinagkatiwala ang mga bata?”

I opened my eyes and looked at him. Tila siya ay natigilan sa tanong ko. I saw him swallowed hard.

“They’re mad at you. Why, Chaz? What did you do to make them hate you?”

Nilingon niya ako pero mabilis ding binalik sa daan. Pinaningkitan ko siya ng mga mata.

“I wonder, Chaz Theo. As to what extent was your sin that even up to this day, Dad’s anger didn’t change?"

I saw his adams apple bobbled. My question rendered him speechless. He glanced at me again, and back to the road.

“Malala siguro, ano?” I said in low voice.

Hindi na ito makatingin sa akin ng diretso at panay ang buntonghinga.

“I can’t wait to remember everything. I am so fed up with people hurting me, betraying me. I hope it’s soon, para isang sakitan na lang.” mapait akong ngumiti.

Hinahanda ko na rin ang sarili para roon. My cousins betrayal is already a big thing, to Ryan and now him. Ngunit alam kong makakaya ko. Kakayanin ko para sa mga anak ko. They’re my main priority right now.

“I’m sorry..” he whispered huskily.

Huminto ang sasakyan at doon ko napagtantong nasa bahay na niya kami. I didn’t move a muscle as I am not yet done talking. Alam kong siya rin.

“Did you cheat?” I asked coldly.

Chaz was staring at me. Namumungay ang mga mata at bakas ang sakit doon. Napangisi ako habang pinagmamasdan siyang natahimik.

“You’re asking for another chance. But given the history, I don’t think I can give it you. Kung nagawa mong magluko noon, ano pa kaya ngayon?”

Chaz licked his lower lip. Mas namungay na mga mata nito at para nang lasing kahit wala namang iniinom.

“I’m sorry, Grace..” he said again.

“I’m sorry.. for all of the things I did in the past. I was an asshole. Kahit anong paliwanag pa ang gawin ko, nagsakasala pa rin ako sa’yo. My reasons were unjustifiable.” he sighed dramatically.

“Araw-araw kong pinagsisihan ang maling desisyong nagawa noon. I lived my six years with regrets. Our children.. they keeps me sane. Sila na lang ang kinakapitan ko.”

My chest tightened while staring at his regretful eyes. Wala pa man akong naalala pero para nang pinupunit ang dibdib ko.

“I lost myself the moment I lost you. But Grace… just another chance. One last chance,  if you think I am still incapable of having you.. if you think I'm still underserving for an angel like you,” he swallowed hard. His gaze turning into bloodshot. “I’ll back off. Hindi kita guguluhin.. mananatili ako sa malayo. You won’t see me.”

I pressed my lips together. Sa ngayon ay ang tanging gusto ko’y maging masaya kasama ang mga anak ko. I want to give them my full attention. I don’t want another heartbreak. Napapagod na akong masaktan at mabigo. Ang gusto ko na lang ay mamuhay ng mapayapa kasama ang mga anak ko.

“The kids.. they are my priority. Ilang taon na ang nasayang at gusto kong bumawi. Sa ngayon ay wala pa sa isip ko ang pakikipagrelasyon.”

Chaz shoulder loosened. Nag-iwas ito ng tingin at ramdam ko ang panghihina nito.

I removed my seatbelts and went out of the car hastily. My chest is pounding harshly. I hate those eyes effect on me. Nasasaktan siya pero parang doble ang nararamdaman kong sakit sa tuwing mapapatingin ako sa mga mata niyang nagsusumigaw ng pighati.

Lumabas din naman siya. Huminga ako nang malalim saka nagpatiuanang maglakad.
Pagkapasok namin sa loob ng bahay, hindi namin nakita si Veronica. Sabi ni Manang Remmy ay hindi pa raw ito dumadating simula kanina.

“Sa bahay, baka naroon pa siya..” I said.

Chaz nodded. Muli kaming bumalik sa sasakyan. Unlike earlier, we fell into serene silence all through out the duration of the drive. Hindi rin naman nagtagal ay nakarating kami sa mansyon ng mga magulang ko.

“Sila Mommy?” I asked Celine when I saw her mopping the floor.

“Ah.. s-sa patio ho,” aniya, hindi magawang salubungin ang tingin ko.

“How about Veronica? Nasaan siya?”

Mabilis na nag-angat si Celine ng ulo, nanlaki ang mata. Kumunot ang noo ko. It’s not like I’ll eat her alive for her to feel anxious every time I’ll converse with her.

“S-Sa patio din, Ma’am.. kasama ang M-Mommy niyo, ho..”

Tumango ako at mabilis siyang iniwan. Nakasunod sa akin si Chaz na pinuntahan ang patio. I was already few steps away when I spotted them. Si Veronica ay suot pa ang kaniyang pantulog. Mukhang nagkakape ang dalawa batay sa tasang nasa lamesa.

“Veronica,” I called.

Nakangiti siya, siguro dahil sa kanilang pinag-uusapan nang nilingon kami. Maging si Mommy ay dinungaw din kami. Her face brightened and hurriedly stood.

“Good morning, Mom..” I greeted her.

“Magandang umaga po, Tita..” Chaz seconded.

Malawak na ngumiti si Mommy saka ako hinigit para yakapin.

“Good morning, too. Bakit kayo lang? Where are my grandchildren?”

I distanced myself from the hug, looking at Veronica. Tumaas ang kilay niya sa akin ng makitang mariin ang titig ko sa kaniya.

“They’re at school, Mom. Siguro mamaya, kapag nasunodo namin dadalhin ko po rito.” I said and smiled at her.

She  nodded, beaming.

“Saluhan niyo muna kami.” si Mommy saka ako giniya sa sofa. “What do you want? Coffee, tea, or juice?”

“Uh, huwag na po Mommy, we’re just here to talk to Veronica.”

Tumiim ang titig ko sa pinsan. She took a sipped on her cup before standing.

“About what, Sofia?” she asked, brushing her hair. “I have to run some errands. I don’t have time.”

She know.. alam niya kung ano ang sadya namin sa kaniya. She’s purposely avoiding us.

“I have to go, tita..” aniya pa sa malambing na boses.

Veronica smiled and was about to walked pass us, when Chaz halted her by heling her arms. His thick brows were furrowed. Madilim ang tingin at ramdam kong pareho kami ng iniisip sa kaniya.

“Oh, do you want to come with me? Pwede naman,” ngumisi si Veronica.

Niliapat pa nito ang kamay sa dibdib ni Chaz na maagap nitong sinalag. Humalakhak lang ang pinsan ko.

“Hindi ka aalis.” matigas nitong sabi.

Binitawan nito ang braso ni Veronica, his stance remained guarded.

“I told you I don’t have time! I’ll—"

“Walang oras o talagang gusto mo lang tumakas?” I said, cutting her off.

Kumunot ang noo niya. Nilingon akong may pagtataka sa mukha.

“What the hell are you talking about?” 

I gritted my teeth. The nerve of her to act as if she's innocent. Ang hirap tanggapin na siya pa.. na kadugo ko nagawa akong traydurin.

“Ryan..” I trailed off, watching her intently.

I saw how her eyes widen a bit, but she was quick to muster a confused façade. Na kung hindi ko pa siya kanina pa pinagmamasdan, hindi ko iyon mapapansin sa mabilis nitong pagababago ng reaksyon.

“Bibigyan kita ng pagkakataong umamin, Veronica. Nakakagalit ang ginawa mo, sa totoo lang.”

I felt Mom touched my shoulder. Nilingon ko siya na gulong-gulo ang mukha.

“Teka nga, Sofia. I don’t get you!”

Binalik ko ang tingin kay Veronica. Magkasalubong ang kilay.

"Will you stop pretending? It’s disgusting," Chaz said, sounding impatient.

Suminghap si Veronica. Nilingon nito si Chaz at binalik sa amin.

“What’s with you two, ba? Wala akong aamin dahil wala naman akong nililihim!”

I shook my head, disappointed with her action. Maging si Chaz ay mukhang hindi na nagugustuhan ang pag aktong ginagawa ng pinsan ko.

“Darling, hijo.. what is this all about?” it was Mom, with concerned voice.

Huminga ako nang malalim. My head started to spin but I held my composure.

“I-I saw Ryan, Mommy. Iyong nakasama ko po sa isla. Sinabi niya po ang lahat, kung paanong si Veronica ang nag-utos na ilayo ako." I stopped and closed my eyes. "She knows where I was residing for the past years.”

Nang muli akong magmulat nang tingin, nagkatinginan kami ni Chaz. I dragged my gaze to my cousin who's lips were parted. Magkasalubong ang kilay niya.

“Huh, pinagbibintangan mo ba ako?” she asked, this time glaring at me.

“Hindi nga ba, Veronica?”

Humagalpak siya ng tawa.

“Jesus, Sofia! You’re my cousin. Do you really think I’m that evil to plan your horrible accusation?” she asked laughing.

“Si Ryan mismo ang umamin sa amin, Veronica. Pwede ba, kahit ngayon lang huwag ka nang magsinungaling. Huwag mo nang dagdagan ang kasalanan mo!” gigil kong sigaw.

I closed my eyes again when pain attacked me. This is not good.

“Naririnig mo ba ang sarili mo? Mas paniniwalaan mo ‘yang lalaking yan kaysa sa akin na pinsan mo?” 

Nagtiim bagang ako.

“That’s what this whole situation fuck-up, Veronica. Ikaw na sarili kong pamilya.. ikaw na kadugo ko, nagawa mong traydurin. Para saan? Para sa isang lalaki?” I  asked as I open my eyes.

“Wala ka na ba talagang utang na loob, huh? Noong mga panahong nagluluksa ang pamilyang ito, ako Sofia.. ako ang naroon para umagapay sa mga anak mo. Now here, accusing me with something I was not even aware of!”

Kinagat ko ang pang-ibabang labi. Nag-iinit ang magkabilang sulok ng aking mga mata sa sama ng loob. Every time we’re having a heated conversation.. Veronica never fails to slap it in my face my shortcomings as a mother.

“Hindi rin ako mag-aakalang darating ang araw na isusumbat mo sa amin ang bagay na iyan. If only I could turn back the time, I would never.. ever let you in our lives. I was so wrong, trusting you." ani Chaz sa matigas na boses.

She’s in love with him. Siya pa mismo ang nagsabi sa akin na nang nawala ako’y kinuha niya iyong pagkatataon para mapalapit sa lalake.

"Is this.. is this true, Sofia?" si Mommy, nasa boses ang gulat at pagkadismaya.

"Yes, tita. But we'll dig more on this matter. I'll bring this to the court. Mahal akong maningil.." si Chaz ang sumagot.

His jaw clobbered, gazing at Veronica darkly. Umiling ang pinsan ko, desididong itanggi ang aming mga salita.

“I can’t believe I nurtured a snake!” Mom snapped. “Pinagsasabihan ako ni Giselle tungkol sa ugali mo pero lagi kitang kinakampihan. I am always giving you the benefit of the doubt, considering you’re my niece. But this.. this is too much, Veronica! Hindi ko ‘to papalampasin!”

I clutch my throbbing head. This is what I get for trying to remember everything.

“Tita pati ikaw maniniwala sa binibintang ng lalaking iyon? I don’t even know him!”

Veronica was breathing heavily. Nakakuyom ang dalawang kamay at matalim ang tingin sa akin.

“Really, you don’t know a shit about that man?” Chaz scoffed. “Admit it, Veronica. You can’t lie anymore; we already know the truth.”

Veronica looked at us one by one. There was a smug look on her face.

“I said I did nothing. Hindi niyo ako mapapaamin dahil wala naman akong dapat aminin. I will stand with what I believe is right.”

Chaz smirked. Nanunuyang nakatingin sa babae. The way his lips moved shouts danger.. it's making the hair on my nape rose.

"Go on. Deny it all you want. Let's see if you can still repudiate the magistrate verdict."

Pagak na tumawa ang pinsan ko. Nanatili kaming tahimik ni Mommy habang silang dalawa ay nagpapalitan ng salita.

“Oh so you’ll sue me? Fine, let’s bring this to the court. Tignan natin kung sino ang katatawa sa huli.” she leered at us before turning her heels, leaving

Mapait akong napangiti. Kahit sana humingi na lang ito nang tawad. Magpakumbaba at aminin ang mali. Pero hindi eh, nagmamatigas siya.

“Chaz..” tawag ko nang akma itong susunod sa kaniya.

He's pissed. It was evident on his face. Bumuntonghininga si Mommy sabay haplos sa balikat ko.

"Ako na ang susunod, hijo. Stay with her.." Mom said.

Tumango si Chaz saka naglakad patungo sa akin. Mom kissed my head.

"Kausapin ko lang ang pinsan mo, Sofia. Babalik ako agad,"

Nahahapong napaupo ako. Pumikit ako nang maramdamang parang umiikot ang mundo ko. Sinapo ko ang noo. My elbow resting on the armrest of the couch. I heard Chaz approaching steps. I felt him stopped in front of me.

"Are you okay?" his voice was gentle, very different from the one he used to talk to my cousin.

Tumango ako. Walang sinasabi. Bumuntonghininga si Chaz.

"Rest, Grace. I'll handle everything from here.."

I just sighed. Nanghihina ako. Veronica is being hard. Hindi ko na rin alam kung sino ba ang dapat pagkatiwalaan. Gulong-gulo ako. All I ever want is for this to end. I want a peaceful life with my children. Akala ko magagawa ko na iyon ngayong nakabalik na ako, hindi pa pala.

Gustuhin ko mang sumama para sunduin ang mga bata ay hindi ko nagawa. Tumindi ang pagkirot ng ulo ko. This might be the cause of overthinking. After taking my medicine, I find myself dozing off to sleep.

Nagising na lang ako nang marinig ang munting hagikhik at mababang boses ng mga bata. Nangingibabaw ang boses ni Eira. I opened my eyes and saw the two of them. Nasa gilid ko ang dalawang bata, kaharap ang iPad at may kinakalikot doon.

"There's a zombie. Watch out, Eira!" ani Laureen, nakasilip ang mukha sa gadget.

Nagsalubong ang kilay ng anak ko. The light from the iPad illuminated her face.

"We don't have sunflower anymore! We're going to loss, Laureen!" natataranta na ang boses ng anak ko.

Salubong na salubong ang kilay ni Eira, iritado na.

"This..this is so hard! Let's play Zombie Tsunami na lang, Laureen." ngumuso ito.

I chuckled. Mukhang narinig iyon ng dalawa na agad lumipad sa akin ang paningin. Eira's eyes widened. Binitawan ang iPad at nagmamadaling gumapang patungo sa akin.

“How are you feeling, Mommy? Are you still sick?” agad na tanong niya.

Kinulong ni Eira ang magkabila kong pisngi sa kaniyang mga kamay, sinusuri ang kabuuang mukha ko.

"Tita pretty, nag-alala po si Eira. I invited her to play outside, but she doesn't want to leave your side." Laureen said.

My eyes softened. I lifted my hand and caressed Eira's cheek. Bakas ang pag-aalala sa kaniyang mukha.

"I'm worried, Mommy. Daddy said you have a head ache. Do you  want massage? It will ease the pain po,"

"Momma often give Dadda a massage tita especially after work. It's effective po!" si Laureen iyon sa masiglang boses.

“I’m sorry.. Mommy. If only I don’t have school, I can take care of you the whole day..” Eira said, pouting.

I laughed. I embrace her into a tight hug before kissing her head. Si Laureen ay nanatili sa aming gilid, pinagmamasdan kami.

“Silly, Mommy’s fine baby. You don’t need to sacrifice your studies." I caressed her long hair.

Pinalibot ko ang kabuuan ng kwarto at doon ko napagtantong wala si Xander.

“Where's your brother, baby?"

"Xandy's at home, Mommy. He wants to stay with Daddy because I'm here. Daddy will be alone if he'll be here too." ngumiti siya, labas ang ngipin. "Don't worry, Mommy. Eira is here! We'll sleep together."

Napangiti ako. Mas maayos sana kung kayong dalawa ng kapatid mo, anak. Iyon nga lang, masiyado pang ilag ang isa. But for sure one of these days, he will open up to me. Maghihintay lang ako na dumating ang araw na iyon.

I watched them play in my room. An hour later, my sister went in. Ramdam ko ang kagustuhang makausap ako ni ate pero nagpipigil lang dahil sa mga bata. Hanggang sa sinundo na lang sila ni Kuya Tyrone ay hindi na muli ito nagkaroon nang pagkakataong kausapin ako.

"Kumusta ka, Sofia? Masakit pa rin ba ang ulo mo?" tanong ni Daddy sa gitna ng hapag.

"Shall I call our family doctor, darling? We're worried." si Mommy.

Wala si Veronica. As much as I want to know her whereabouts is, I'd probably ruin the mood. Batid kong alam na rin ni Daddy ang nangyari kanina and they're being considerate with my condition.

"Ayos na po ako," sabi ko.

"Lolo, I'll take care of Mommy po. 'Di ko siya iiwan," bibong saad ng anak ko.

Mom's eyes twinkled. Si Daddy ay nangingiti lang.

"Aw, you're so sweet, apo. How about lola and lolo? Who will take care of us?"

I tilted my head and watched Eira. She looked up, like thinking for a response. 

"Hmm, Laureen is here sometimes Lola. When we're not busy, we'll visit you more often po!" aniya matapos ang ilang segundo.

"What's makes you so busy, hmm?" I asked. Sinabit ko sa gilid ng kaniyang tainga ang tumakas na buhok.

"Mommy, I have school po. After school, we'll bond and then.. Daddy said we'll travel soon. Oh, I can't wait to visit Disneyland!" kumikislap na ang mata sa tuwa.

Dad cleared his throat. Sinulyapan ko sila at nakita ang pasimpleng pagtalim ng tingin ni Mommy sa ama ko. Eira then started talking about her plans travelling. She was so hype about it. She really wanted to travel. Maybe, I can do something about it. I don't want to kill her happiness.

Hinanda ko ang susuutin ni Eira na pantulog. She's on the bathroom, taking her half bath while I prepared her clothes. May baon siyang damit na nakasilid sa isang paper bag. Maging ang uniporme niya para bukas ay naroon na rin.

Inayos ko ang bedsheet ng kama at ang mga unan naming dalawa. Narinig ko ang pagbukas ng pinto sa banyo. Sumulyap ako kay Eira na balot na balot ng puting tuwalya ang katawan.

"Come here, baby. I'll dress you up," I said as I sat on the bed.

Lumapit siya sa gawi ko. I removed the towel and wiped off the remaining water on her body.

"I miss, Xandy and Daddy.."

Natigilan ako sa pagsusuot ng kaniyang pajama sa narinig. Dinungaw ko siya at napansin ang lungkot na bumalatay sa mukha ng anak ko. 

"I hope they're here. I miss them already," aniya pa sa malungkot na boses.

Napalunok ako. Muli akong yumuko at tinapos ang pagsusuot ng kaniyang pantulog.

"Gusto mo...tawagan natin sila? You can uh, talk to them before going to bed?" I suggested.

Eira stared at me. I smiled and touch her face. Wala akong numero ng kaniyang ama pero baka si Ate Giselle mayroon. I can call her first and asked for his number.

"Let's sleep na lang, Mommy. Para po when I woke up, I'll see them na." she smiled.

Hinawakan niya ang pulso ko saka siya sumampa sa kama. Eira kneeled and started doing the sign of the cross. My lips parted, in awe watching a five year old kid, praying.

Her lips move, murmuring something. Naupo ako sa gilid niya at hindi sinasadyang marinig ang kaniyang mga sinasambit.

“Papa Jesus, please heal, Mommy. I don’t want her to be hurt. Heal her pain.."

My heart warmed. She's so pure. Kahit ang kaniyang kapatid at ama na wala rito ay pinagdasal niya rin. Nang matapos, gumapang siya patungo sa akin saka ako hinalikan sa pisngi.

"Good night, Mommy.." she whispered.

I smiled and kissed her cheeks too.

"Good night, baby."

Nahiga kaming dalawa. She hugged me while her head is pressed against my chest. I caressed her hair to sleep. I feel bad for my daughter. Hindi siya sanay na wala ang kapatid at ama sa tabi na kahit ilang oras pa lang ang lumilipas na hindi niya ito kasama'y nangungulila na siya. Pumikit ako at bumuntonghininga. Nanatili iyon sa isipan ko hanggang sa hindi ko namalayang kinain na antok.

"What? Baby, I'm already fine. Wala na akong sakit. Ihahatid ko kayo." I insisted, rummaging in my closet for clothes I should wear.

Napasarap ang tulog ko at nang magising ay bihis na bihis na si Eira. Tapos na ring kumain at kung hindi pa ako nagising malamang aalis na ito nang hindi ko namamalayan.

"Daddy, and Xandy are here na, Mommy. It's okay, you should sleep more and rest. We're with, Daddy." pakikipag argumento pa ng anak ko.

Napasimangot ako. Kanina pa niya ginigiit na magpahinga na lang daw ako at huwag nang sumama sa kanila. Eira giggled. She advances a step and held my hand.

"Don't be sad, Mommy. We'll see each other later." panunuyo pa nito.

Bumuntonghininga ako.

"Fine then. But ihahatid kita palabas." pagsuko ko.

She clapped her hand. Nakasukbit na ang bag sa magkabilang balikat. Sinuot ko na lang ang roba at hawak kamay kaming bumaba. Tahimik ang buong bahay. Nasaan kaya sila Mommy?

"Lolo and Lola are at the airport. They're fetching Auntie Nieves and Uncle Prodie. Tita Veronica's parents." Eira said, like she can read my mind.

Napatango ako. Kung ganoon ay nakwento na rin siguro ng mga magulang ko ang nangyari sa kanila.

Pagkarating sa labas ay naroon na nga ang dalawa. Nagulat pa ako nang makitang may dala-dalang tungkos ng rosas si Xander. Naka squat sa kaniyang harapan si Chaz at tila may sinasabi sa bata.

"Daddy!" Eira shouted.

Doon kami napansin ng mag-ama. They both looked at us. Xander is wearing his school uniform. Holding a bouquet of roses. Si Chaz ay nakasuot na rin ng button down shirt tucked on his black slack.

He crouched down, whispering something into his son. Sumimangot si Xander pero maya-maya lang ay nagsimulang maglakad patungo sa amin.

"Wow, is that for me, Xandy? It's pretty!" Eira chirped happily.

Bumitaw siya sa pagkakahawak sa aking kamay saka patakbong sinalubong ang katapid.

"This is not for you." Xander said flatly.

Tumigil si Eira, nakasimangot na dinungaw ang kapatid. Titig na titig lang ako kay Xander na hindi magawang salubungin ang tingin ko. His face is flushed. Nahihiya yata?

I chuckled at the thought. He was only a few steps apart. He probably heard it reason why his face turned crimson red more.

"Dad how about mine? If Mom has flowers, I want roses too. Pretty girls deserve pretty things!" I heard Eira, but I was too focused on my son who looked so embarrassed.

Nilahad nito ang kamay na may dalang roses. Yumuko ako saka ito tinanggap.

"G-Good morning, Mama.." paos na bulong niya.

Namilog ang mga mata ko. My chest thumped rapidly hearing him called me Mama. Nilingon ko si Chaz na karga-karga na si Eira. Binalik ko ang tingin kay Xander na hindi pa rin masalubong ang aking tingin.

"You made my morning, baby. Thank you for the flowers." I said.

Para akong nakalutang sa himapapawid sa matinding sayang nararamdaman.

"Rest well, Mama. We'll be back before lunch. Let's eat together." Xander bite his lower lip.

Ngumiti ako sa kaniya. Hindi mawala sa isipan ang katotohanang tinawag niya akong Mama.

"Okay. I'll wait for you.." I whispered.

Ganoon na lang ang gulat ko nang makitang sumilay ang ngiti sa labi niya. He.. he smiled back! For the first time, my snob son smiled back!

Bago ko pa iyon mapuna, tumalikod na ito. Lakad takbong lumapit sa nakaparadang kotse. Nakabukas na ang pinto ng back seat. Si Chaz ay nasa gilid at hawak ang pinto habang si Eira ay nasa loob na.

“Bye, Mommy! See you later po!” Eira waved her hand. “Punta po kami agad dito after school. Don’t be sad po.. Lolo and Lola are with you..”

I chuckled. I waved my hand on the air, smiling at them. Pumasok na rin si Xander sa kabila. Chaz leaned down, making sure their seatbelts are locked before closing the door. Tinted ang kaniyang kotse kaya hindi ko na makita pa ang dalawa.

“Aalis na kami,” paalam ni Chaz.

I licked my lower lip and nodded my head. He jogged towards the driver seat and opened the door. Bago ito pumasok ay muli nitong nilingon ang gawi ko. The way he stares is just too intense. Deep and mysterious.

Dala-dala ko ang sayang lumukob sa puso ko hanggang sa isa-isa silang nagsidatingan. Tapos na akong maligo at kabababa lang ng hagdan nang makita silang papasok. Nakita ko si Ate Giselle na may kasamang babae. The woman looked sophisticated. Her features very foreign.

May pilyang ngisi nang nakaukit sa labi nito habang papalapit. Behind her was my mother with tita Nieves. Sa likod naman nila Mommy ay ang aking ama kasama si tito Prodie.

"Pia, this is Lily. Pinsan natin," si Ate nang tuluyan akong makababa.

Lily went to me. Her alluring scent enveloped my nostrils. She's very sexy on her black fitted dress with sweetheart neckline. Naka high ponytail ang kaniyang buhok at litaw na litaw ang sopistikadang ganda.

“Told you, right? Ahas ‘yon, hindi ka lang nakinig.”

Nagulat ako sa sinalubong niya sabay yakap sa akin. Si ate na nakarining ay humalakhak.

“Pasimpleng gumalaw. Ba’t ‘di mo kasi naimpluwensiyahan, Lily?” .

Humiwalay si Lily sa akin, may nanunuyang ngisi.

“Oh geez, I’d do more if I were her. I’d have him wrapped around my fingers. He will kneel..worship me like a saint.. not this, nag tira pa ng ebedinsya..” Lily said, smirking.

Kumunot ang noo. She laughed seeing the reaction on my face.

“Kidding. I’m not that swallow. It’s chicks before dicks, you know..”  she winked playfully. “It’s nice seeing you again, couz. You look fabulous.. one hottie Momma.”

Isang tipid na ngiti lang ang binigay ko sa kaniya. Sa kabila nang pagiging istrikto ng mukha, pagiging snob tignan at malamig nitong mga mata, mas gusto ko siya kaysa kay Veronica.

“Hija, I’m so glad you’re alive.” 

Lily and Ate Giselle step aside when Tita Nieves went to me for a hug. Si Mommy na nasa kaniyang likuran ay ngumiti lamang. Pinaulanan ako nang papuri at pangungumusta ni Tita. I answered her honestly.

“Pinaimbestigahan kong muli ang aksidente. We have a hold on the man who's involved." panimila ni Daddy.

Nasa sala kaming lahat. Magkakatabi kami ni Ate Giselle at Lily sa couch. Tita Nieves is beside his husband, while Dad remained standing behind the sofa where Mommy's situated.

“Yeah, Dad. Pinangungunahan yata ng manugang mo ang imbestigasyon, eh. Chaz Theo was furious. Sa ating lahat siya ang may mahigpit na paniniwalang buhay pa ang kapatid ko. Now, knowing that someone sabotaged his investigation I’m very accurate he won’t let this slipped that easily..” makahulugang saad ni Ate.

Nakita ko ang gumuhit na taranta sa mukha ni tita. While tito looked calm. Si Lily ay seryoso lang pero maya’t-maya ang ngisi.

“Madadaan naman iyan sa usapan, hija. Besides, we still don’t know what really happened. The story was one sided. Paano kung totoo ang sinabi ng pinsan mo? What if that man is only trying to put the blame on my daughter? Naghuhugas kamay..”

“Paano rin po tita kung totoong ang anak niyo ang may kagagawan ng lahat? Umamin na si Ryan Valencio na utos ni Veronica na ilayo si Sofia at ang malala ay tinago niya ito sa amin.” Ate said. "Nang bumalik naman ay umaktong walang alam. Ginawa pang katulong sa sarili nitong pamamahay." 

Tita’s face turned paper white. Nilingon nito ang asawa na seryoso lamang, tila nasa malalim nap ag-iisip.

“Where’s she?” tanong ni Lily.

“Hindi pa umuuwi si Veronica mula kagabe,” si Mommy sa mahinahong boses.

“See? Hindi umuuwi kasi alam na may kasalanan. Kung ganoong wala nga siyang kinalaman, bakit nagtatago? She’s guilty to face us.” Ate Giselle smirked.

Hindi na maipinta ang mukha ni tita at parang ano mang oras ay mawawalan na ng malay.

“We won’t file a case,” I said, sighing.

Suminghap si ate Giselle, tutol sa desisyon ko. My parents are both staring at me as if giving me all the right to decide on this matter.

“Hindi po ako magsasampa ng kaso, tita, tito. Veronica is still a family. Kahit hindi niya ako tinatatratong parang pamilya. If there’s one thing I want is for her to leave us." I licked my lower lip.

"I'm not yet ready to face her. I can't act like we're good. Unlike her, hindi ko po kayang makipag plastikan." I added and stood.

Ramdam ko ang pagsunod nila sa galaw ko, pero ang tanging gusto ko na lang ngayon ay umiwas.

"Excuse me," I bowed my head and left the living room.

Dumiretso ako sa veranda para makasagap ng preskong hangin. I felt suffocated. Inalala ko na lang ulit ang mga anak ko. Si Xander na tila nagsisimula nang mapalapit ang loob sa akin. He looked so cute with his flushed face. I appreciate his gesture and the roses. Nasa kwarto ko na nga iyon, nakasilid sa base at nilagyan ko na rin ng tubig para hindi malanta.

I heard someone's steps. Hindi ko man lingunin ay malakas ang kutob kong si Ate iyon. Probably will convince me to file a case.

“Hahayaan mo lang ‘yang higad mong pinsan, ganoon? Hindi ka man lang gaganti? Kung ako ‘yon, hindi ko hahayaang makawala ang bruhang iyon!” she hissed, irritatedly.

I sighed heavily. Kanina ko pa ito pinag-isipan at alam kong ito ang tamang gawin.

“Ate, vengeance is not always the key to seek justice. Ayaw kong matulad sa kaniya.. pinapiral ang bugso ng damdamin hanggang sa makagawa ng masama sa kapwa.” ani ko sa mababang boses.

Kung papatulan ko siya.. hindi ito matatapos.

“She’s still our family. Nirerespeto ko pa rin si tita. Masasaktan iyon kapag.. mapatunayang may kinalaman nga siya sa nangyari noon."

“Ganoon na lang, huh Sofia? Ilang taon kang nawala sa amin! Nagdusa ang pamilya mo habang ‘yang babaeng iyan nag tatamasa ng kalayaan.” si ate sa gigil na boses. “Papatawarin mo ang higad na pinsan mo. Yes, you see her as a family, but that wicked woman doesn’t care about you! Wala siyang pakialam kung may maapakan siyang tao para lang makuha ang gusto!”

Bumuntonghininga ako saka siya nilingon. Behind her is Lily who's listening attentively. Iritado si Ate Giselle. Matigas ang kagustuhang ipakulong si Veronica. Dito kami nagkakaiba. Kung siya handang iganti ang sino mang gumawa ng mapangahas na hakbang laban sa pamilya ay handa niyang iparanas ang impyerno, ako hindi.

“I’m tired, ate..” paos kong sabi. Umawang ang labi niya. “Alam ko naman na ang totoo. Naliwanagan na ako. Ang Diyos na ang bahalang pumataw ng parusang karapat dapat sa kaniya. ”

Her gaze softened. That's when I know she's getting my point.

“The only thing that I want right now is a life away from chaos. I can move on without having to forgive her.."

"What if.." Ate trailed off. "Paano kung maulit ito? Baliw na baliw si Veronica kay Theo, paano kung sa susunod magtagumpay na siya?"

"She will never dare, Ate. I can see it clearly on her eyes. Kahinaan niya si Chaz at batid kong hindi na muli ito gagawa ng bagay na magpapatindi ng pagkasuklam ng lalaki sa kaniya."

Letting go doesn’t mean I'll forget the things that she did. Veronica will be the living proof that blood is not always thicker than water.

"Ah, I remember. My unit.. alam mo ba kung saan?" I said, changing the topic.

Ate Giselle stared at me for a while. I smiled, assuring her that it's fine. I need to leave this place for now. Hindi magtatagal darating si Veronica at ayaw kong magpang-abot kami.

"Sasamahan na kita. Kunin ko lang ang bag ko." Ate said after spitting the exact location.

I shook my head in disapproval.

"Dito ka na lang. Accompany Lily for the mean time,"

Ate Giselle sighed heavily. Parang ang laki ng problema niya. Nagpaalam lang ako sa mga magulang at bisita. Hinatid ako ni Mang Gregor sa tamang lokasyon. Mom said the unit is clean since she hired a helper to maintain the cleanliness.

A nostalgic feeling hit me the moment I stepped in the unit. The whole place feels cozy. Sa receiving area ay may set of sofa. May malaking tv na naka dikit sa dingding. There's about three paintings too. Dumiretso ako sa taas. May tatlong nakasaradong pinto. I opened the first one and seems like it's the guest room. Ang pangalawa ay tila opisina batay sa mga gamit na naroon.

There's a table, swivel chair, bookshelf, pile of papers. May mga pictures din akong nakita sa gilid ng lamesa. It was me, wearing a black toga with an unfamiliar man. Ang sunod na frame ay ako kasama ang apat na lalaki. My brows furrowed. Pilit kong kinalkal sa aking isipan kung sino ang mga taong ito at kung ano ang papel nila sa buhay ko.

Pero sa halip na makaalala, nagsimula na namang pumintig sa sakit ang ulo ko. Leaving me with no choice but to stopped. Lumabas din agad ako sa kwartong iyon at sinunod ang pangatlo. I realized it was my bedroom. May ilan pa akong naiwan na mga gamit sa loob ng walk-in closet. May nakita pa akong kahon sa pinakagilid pero hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin.

Lumabas ako at nagtungo sa kama. Hinaplos ko iyon at na engganyong mahiga. I released a sigh of relief when my back came in contact with the soft mattress of the bed. One minute, I was just plainly staring at the ceiling. And then one minute, I find myself falling into deep slumber.

"Ayan ka naman, e! Chaz hindi ka ba nagsasawa kakahingi ng tawad? Kasi ako sawang-sawa na! Nakakasawang pakinggan ‘yang sorry mo pero sa huli umuulit ka pa rin!”

I woke up feeling like a run a
marathon. I was catching my breath. Sinapo ko ang noo nang muling umalingawngaw ang mga boses sa aking panaginip. It feels so surreal. Parang totoo. Not to mention the heavy weight on my chest.

Madilim. Wala ni isang ilaw at doon ko napagtantong.. gabe na. Aligaga akong tumayo at hinanap ang cellphone. Binuksan ko ang flashlight at iyon ang nagsilbing ilaw para makita ko ang paligid. Hinanap ko muna ang switch ng ilaw bago tuluyang lumabas ng kwarto. I opened the lights too in the living room.

Babalik naman ako bukas. Binuksan ko ang pinto palabas ng condo at akma na itong isasara nang matigilan sa nakitang lalake sa baba. He was leaning on the wall. His one knee is folded up and it his arm rest on it. Nakaawang ang labi ng lalaki, nakatingala, buhaghag ang buhok at rinig ko ang mabigat nitong paghinga.

“What are you doing here?” gulantang kong tanong.

Unti-unting binuksan ni Chaz ang mga mata at agad napunta sa akin. I notice a small cut on the side of his lips. Ang kamaong nakakuyom ay namamaga rin ang knuckles. Kumunot ang noo ko. Nakipag-away na naman 'to?

Tumayo ito, halos pa matumba na mabilis kong nahawakan ang kaniyang braso. I wrinkled my nose when I smell his intoxicating scent.
Naghahalo ang alak at kaniyang pabango sa katawan.

“You’re drunk,” I stated the obvious.

Ang kaniyang malalim na mga mata ay nakatingin sa akin. He stared at me, unblinking. Nag-iwas ako ng tingin nang makaramdam ng kakaiba.

“Let’s get inside. I’ll treat your cuts,”  wala sa sarili kong sambit.

I remembered my dream again. I couldn’t see his face but the voice was so clear. I was sure it was him.

“I am incapable of loving woman with the likes of you, Grace..”

His voice echoed in my head. I swallowed hard and closed my eyes. Hindi pa man nakakalimutan iyon ay muling may umalingawngaw na boses sa aking isipan.

“You said it yourself, Grace. You allowed us to keep our relationship. Kung nagawa mo noon, magagawa mo ulit ngayon. And no.. hindi ka mahirap mahalain. It’s just.. Harry, he’s irreplaceable.”

Pikit mata kong binuksan muli ang pinto. Nauna akong maglakad at ramdam ko ang pagsunod niya. I bite my lower lip as I felt the intensity of his gaze on my back.

“Sit on the sofa. I’ll look for the first aid kit.” I said without looking at him.

Iniwan ko siya at mabilis na hinanap ang gamot. My mind is already clouded with that dream. So he have another man, huh. Ngayon naman ay nagmamakaawa siyang bigyan ko ng isa pang pagkakataon gayong may ibang lalake naman siya.

My shoulder loosened when I saw none. Binalikan ko siya sa sala at nakitang nakahilig ito sa nakabukakang hita. Umahon ang kaniyang tingin, namumungay na ang mata at kita ko ang bahagyang pamumula sa magkabilang sulok nito.

What are you crying, huh? Shouldn’t you be rejoicing that finally, wala nang hadlang sa pagmamahalan niyong dalawa?

I gritted my teeth, fighting the urge to voice out my thoughts.

“I’ll go out. Wala akong gamot na nakita. Hindi pa ako nakakakapami—"

I pressed my lips together when I felt him held my hand. Dinala ni Chaz ang palad ko sa kaniyang pisngi.

“I’m sorry..” he breath heavily.

Natutop ko ang labi. Ayan na naman siya sa paghingi ng tawad.

“Don't go, please. This is just a small cut."

"Sino naman ngayon ang sinapak mo?" I asked, clenching my jaw.

"I lost my temper. The asshole provoke me." his warm breath tickled on my palm.

I sighed heavily. Sinubukan kong kunin ang sariling kamay ngunit mahigpit niya itong hinawakan.

"Chaz, let me go." mataman kong sabi.

"No.." he breath heavily. "I can't let you go, Grace. I'm sorry, hmm? I love you so much. Please.. I’ll do everything, everything excluding of letting you go."

He opened his bloodshot eyes. Guilt and resentment danced on it.

“Maaring hindi ka bumalik para balikan ako.. ngunit, ako Grace.. hinintay kita para itama ang lahat ng pagkakamaling ginawa noon." paos na ang boses nito.

"I prayed to see you again. I waited for this moment to hear your voice again. To see your sexy smile.. to feel your warmth. I prayed, Grace. Araw-araw, gabi-gabi akong nagdadasal na sana makita kitang muli."

Suminghap ako. Muli kong sinubukang bawiin ang sariling kamay ngunit mas hinigit lang niya lang ito papalapit. He even brought it to his lips!

“Mahal na mahal kita. I couldn’t see my future if it’s not you whom I’ll marry. Spend the rest of my life...grow old with you.. be the mother of my children..my wife..” his voice broke.

He showered my hand with small kisses making my stomach churned.

“Nagsisisi ako. Pinagsisisihan ko ang katarantaduhang nagawa noon. I’ll earn your trust again. Hindi kita bibiguin.”

Naninikip ang dibdib ko habang pinagmamasdan siyang tila nanghihina.

"Please.. isa na lang, Grace. Isang beses pa.."

He tilted his head, looking at me with bloodshot eyes. Nakagat ko ang pang-ibabang labi habang nakatingin sa kaniyang namumulang mga mata.

“If you really love me.. then why did you hurt me?” paos kong tanong. “Chaz kung totoong mahal mo ako..bakit hindi ako ang pinili mo?”

Para siyang nabigla at lumuwag ang hawak sa kamay ko.

“Hindi ba siya ang mahal mo? You love, Harry right? Bakit hindi ka na lang sa kaniya maghabol at tantanan ako?”

Chaz eyes widened a bit. Napatayo siya, gulantang sa narinig. I smirked. So it means those dreams are part of my memories, huh. The way he reacted, it was indeed part of my past.

“You remember now..” he said weakly.

Hindi ako tumango at hindi rin tinanggi.

“I was an asshole before. I admit it. I gave you mixed cignals, but Grace believe me it’s you. It’s always been you. Naduwag lang akong aminin ang totong nararamdaman noon dala ng takot.." Chaz closed his eyes again. Hinilot nito ang sintido at muling nagmulat nang tingin.

I stared at him intently.

“Before you came into my life, I was in relationship with him. For me, it was all just an act. To please our parents. To help my mother. Hindi ko alam na sa gitna nang ating pagpapanggap, ako itong mahuhulog sa bitag na sariling gawa.” Ginulo nito ang sariling buhok at bumuntonghininga.

“Little did I know I was falling hard. I was afraid once you learned what I did, I’ll loss you. Tinago ko sa’yo. Nagkakamabutihan na tayo, eh. When I thought I was finally getting you, Harry.. ruined everything.”

"I'm sorry but I'll be firm with my decision. Let's co-parent—"

Natigilan ako nang makita ang dahan-dahan nitong pagluhod sa harapan ko. A gasped escape my lips, watching him kneeling.

"No..no.. please. One last chance. Isang beses na lang, please. H-Hind ko kaya 'yang hinihingi mo."

My eyes widened when I heard his cries. Nakakabingi ang iyak niya na sa sobrang tahimik ng buong unit, iyon ang nangingibabaw.

"I love you so damn much, Sofia Grace. I can't live this life without you, please take me back. Tanggapin mo akong muli.." he cried, holding my hand.

On bended knees, the ruthless Chaz Theo Fuentes begged for my love and attention.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top