CHAPTER 45
Daughter
“Hayaan niyo po akong bumawi at patunayan ang sariling karapat dapat ako sa anak niyo..."
Pinaghugpong ko ang mga palad sa ilalim ng mesa at mariing tinitigan si Chaz. Pasulayap-sulyap siya sa akin pero agad ding binabalik ang paningin sa mga magulang ko na tila may pinapatunayan.
"I love her so much, Sir. Please don’t strip me of the chance to be with her again.. to complete our family." he whispered hoarsely.
He's unguarded. Looking feeble and repentant. Na parang sa loob ng silid na ito, siya ang may matinding dinadala.
"Kailangan siya ng mga bata, Sir.. but I need her too.” muli siyang tumingin sa akin, namumungay ang mata. “I need her as much as my children needs their mother.”
Napalunok ako bago iniwas ang tingin sa kaniya. This is not about me anymore. Kaya kahit gwapo siya at malakas ang tindig, promising words, hindi ako agad-agad bibigay. Despite of this foreign feeling deep down in my chest, I won’t let it rule me. I have to be clever.
"Isang beses pa, Sir. Isa na lang at kapag makita niyong hindi pa rin ako karapat dapat sa kaniya.. na kung sa tingin niyo ako pa rin ang magiging rason para mapahamak siya, kusang loob po akong lalayo. If you see that I am still that bastard who doesn't deserve her, you have all the liberty to do anything that you want, Sir."
Sa halip na matuwa sa sinabi ni Chaz, kabaliktaran ang gumuhit na reaksyon sa mukha ng aking ama. Dad's enraged. His face darkened and he doesn't looked pleased at all. It's like in his mind, Chaz is uttering nonsensical words.. an empty promises.
"Oh, I made bibinka. Salva’s favorite!” Mom said before Dad could say another word.
Humalakhak si tita Salvacion.
“Our favorite, Regine. I still remember how we fight over it when we were still in high school. Ang damot damot mo kasi, ayaw magbigay.”
“Kasalanan mo naman at parati kang nanghihingi! Palamunin ka no’n, akala mo naman walang pera.” Segunda naman ni Mommy.
Nagpatuloy ang pag-uusap nila patungkol sa nakaraan na hindi na nagawang sumingit ni Dad para komprotahin o barahin man lang si Chaz sa mga sinabi kanina. Ngunit ang matalim na tingin ay nanatili. Si Ate Giselle naman ay bakas ang tuwa sa mukha. Samantalang si Veronica ay tumahimik.
Often times, I would catch Chaz stares but I always looked away. Nang tuluyang natapos ang munting salo-salo, agad akong nilapitan ni Zayd. Napansin ko pa ang pagtangkang paglapit ni Chaz pero natigil nang makita ang kapatid ko. Samantalang sila Mommy at mga bisita ay sa patio nagpalipas ng oras.
“Hi,” Zayd smiled handsomely.
Napangisi ako saka binuka ang mga braso sa hangin.
“Hi lang? Walang hug o kiss, little brother?” panunudyo ko sanhi ng kaniyang paghalakhak.
Ate tells me I used to call him that way. Naiinis daw ito at parating nagdedepinsang hindi na siya bata.
Natatawang umabante si Zayd hanggang sa tuluyan niya akong yakapin. Mahigpit na halos hindi na ako makahinga. Pero hindi ko iyon ininda at niyakap siya pabalik.
“Na miss kita, ate.” narinig kong bulong niya sa aking leeg.
I chuckled and brushed his hair.
“Na miss din kita. Laki mo na, ah? Tangkad pa.”
Humiwalay siya sa akin.
"Totoo pala talaga ang kasabihang.. masamang damo mahirap mamatay," he said, showing his lopsided grin.
Sumimangot ako saka pabirong pinalo ang braso niya. Humalakhak siya, tuwang-tuwa. Zayd then introduced Bianca to me and we immediately get along. Sumali pa si Ate at kuya Tyrone sa grupo namin.
Sa terasa namin napag-isipang ipagpatuloy ang pag-uusap. At habang pinagmamasdan ko ang mga kapatid ko kasama ang kanilang kapareha, binabalot ng mainit na pakiramdam ang loob ko. They're finally at the right person..
“Sige nga turuan mo ‘ko! Pagkakakitaan natin ‘yan!” masiglang pahayag ni ate Giselle.
Kinuwento ko sa kanila ang naging buhay ko sa isla. I told them everything. Wala akong pinalampas na detalye. Ang pagbebenta ko ng kakanin, lahat-lahat.
“Oo ba, dali lang gumawa no’n lalo pa at kompleto ang mga kagamitan natin dito.” I said, beaming.
Pumalakpak si Ate sa tuwa. She's too excited that she planned about it.
Ilang sandali ang lumipas, naisipan kong hanapin si Veronica. Pagbalik ko sa loob eksaktong pababa siya mula sa ikalawang palapag ng bahay. Tumigil ako sa paglalakad saka siya tiningala.
“Can I have a minute with you, Veronica?” I asked calmly.
There’s no trace of humor in her face. Hindi ko alam kung galit ba siya o ano. Umaasa akong siguro naliwanagan na siya sa lahat.
“Pwede ka bang makausap? Kahit saglit lang..”
Veronica's brow shot up. Sinuklay nito ang mahabang buhok saka pinagkrus ang mga braso sa dibdib.
“I’m about to leave but fine. I can spare you fifteen minutes. I also have something to say.”
Tinalikuran niya ako. Kinuha ko iyong pagkakataong sundan siya. Pumasok kami sa isang pinto na nasa first floor lang din at batay sa mga kagamitang sumalubong sa akin, mukhang gym ito.
Lumapit siya sa nakahilerang monoblocke chairs sa gilid at sumunod naman ako. Umupo siya sa at gano’n din ang ginawa ko.
"Veronica pwede—"
“Sssh..” she stopped me from talking as she put her forefinger into her lips with that weird sound, acting like silencing me. “Hear me out first,”
I pressed my lips together and nodded.
“Okay so first, I want to apologize for my attitude. I was just really protecting our family. Ang alam kasi namin ay patay ka na at iyon ang pinaniwalaan ko since that was what the police officer and the investigator that we hired are implying.”
Veronica exhaled a large amount of breath and for the first time, she smiled.
“You showing yourself to us after almost seven years, and telling us you are Sofia whom we thought we’ve lost years ago is definitely absurd. You can’t blame me for acting like a real bitch. I am making sure that none of my family member’s will get hurt and played.” she said softly.
Ginagap ni Veronica ang kamay ko saka iyon pinisil. I immediately get uncomfortable but I remained my cool. Hindi ko hinayaang makita niya ang pagkailang ko sa bigla nitong paghawak sa kamay ko at pinanatili ang normal na ekspresyon ng mukha.
“That’s why I’m sorry. I hope you get what I am pointing and forgive me. My intentions are pure. Clinch may it sound but I missed you. I missed my cousin and I’m glad you’re back.” Veronica smiled but I couldn’t bring myself to return the gesture.
There’s something on her.. I don’t know. It just feels like something is off with her. Hindi ko maramdaman ang sinseridad mula sa kaniya at may kung ano ring pumupigil sa akin.
Maybe because of the way she acted which she already justifies. A part of me still find it difficult to accept. But I’ll try. I’ll give her the benefit of the doubt.
"It’s okay, Veronica. Kalimutan na lang natin iyon at uh.. gusto ko sanang humingi ng pabor." tipid akong ngumiti.
She removed her hand from me and shifted on her seat.
"Depende sa pabor,"
Nawala ang ngiti sa labi ko at tumiim ang titig sa kaniya. Tumawa naman siya saka pabirong winagayway sa ere ang kamay.
"Sabihin mo muna at nang mapag-isipan ko."
Ilang sandali ko siyang tinitigan bago lakas loob na sinabi ang tunay na pakay.
"Gusto ko sanang.. tulungan mo akong mapalapit ang loob nila sa akin. I know it will not be easy for me, and I am thinking maybe, you could do something to help us." I said, narrowing my eyes at her.
Napansin ko ang pagkatigil niya na tila hindi iyon inaasahan mula sa akin. I smiled at her and talk more.
"Babawi ako sa ilang taong pagkukulang ko sa kanila. You’re the closest person I thought would be capable of helping us three to get along. You’re close to them, Veronica especially to Xander.”
Her lips parted. She closed it again and looked away, brows creasing.
"Maasahan ba kita?"
Wala akong narinig na sagot mula sa kaniya. Nasa malayo ang kaniyang tingin. I dropped my gaze at my hands and sigh heavily.
"I’ve meet them already. Si Eira at si Xander noong nasa Isla Cali ako pero dalawang beses lang iyon. Si Eira ramdam kong hindi ako mahihirapan sa kaniya, ang inaalala ko lang ay si Xander."
I felt her glanced at me but my head remained down.
"Pero ayos lang din kung hindi mo ako matutulungan. Ako na lang ang gagawa ng paraan,"
I looked up and saw her blank face. I don’t know what’s going on with her mind but I’m just desperate. Naisip ko lang na since malapit siya sa mga bata, tutulungan niya ako bilang isang pinsan. Maaring siya ang tumatayong ina nila pero hindi maipagkakailang ako pa rin ang tunay na ina ng kambal.
"I’ll see what I can do." she said in a monotone.
Napatango ako, kontento sa sagot niya. Hindi rin kami nagtagal sa silid na iyon at agad na lumabas. Mukhang nagmamadali si Veronica. I, then went to the kitchen first to grab a glass of water. I felt dehydrated.
Kasalukuyan kong hinihinatay na mapuno ang basong kinuha sa cupboard nang marinig ko ang mga yabag ng taong papasok. I didn’t dare
look back as I already have an idea who it was. Base sa panlalaking pabango at kakaibang tibok ng puso ko, alam kong si Chaz iyon.
"Akala ko umuwi ka na," sabi ko, nasa baso pa rin ang atensyon.
From my peripheral vision, Chaz leaned into the countertop just a few steps away from where I was standing.
"Not until I talk to you,"
Humigpit ang hawak ko sa baso bago iyon dinala sa bibig at tahimik na ininom. Nilingon ko siya habang nasa ganoon akong posisyon saka tinaasan ng kilay. I saw his familiar expression again. The one who looked so vulnerable. Namumungay ang mata. Looking so restless and in pain.
"May dapat ba tayong pag-usapan?"
Chaz lips parted, taken aback with my words. I pointed the tip of the glass on my chin as I tilted my head, eyeing him.
"What I heard earlier is enough for me. I don’t see the need for us to talk if it doesn’t involve the kids.”
I licked my lower lip and passed by him to wash the glass on the sink. Binuksan ko ang gripo at sinimulang hugasan ang basong ginamit.
Chaz didn't say a word. Mabilis ko siyang nilingon at nakita ang malalim nitong paninitig. It was like he was savoring the moment of staring at me.
Then I remember, Dad's with the elders. Nakatakas siguro kay Daddy 'to..
“Pero kung tungkol naman sa mga bata ang pag-uusapan natin. Makikinig ako.” sabi ko pa.
Natapos ako sa paghuhugas at binalik muli ang baso sa tamang lalagyan. I then wipe my hand with the tissue and face him again, who’s still on the same position. Nakahilig sa counter top at nakatitig sa bawat galaw ko.
“It’s all that I could offer. I know you want us to be back together. You’ll gonna win me again, but let me enlighten you, Chaz.” I sighed heavily as I put my hands on my hips, eyes locked with his. “There won’t be us in the succeeding days, months or years. Hindi ako babalik sa’yo. Hindi tayo babalik sa dati.”
An emotion passed through his eyes. It softened. Anguish and agony danced on it, indicating his despair feelings.
“Narito ako para sa mga anak ko hindi para balikan ka. Let’s be contented with the kids and be more focus with co-parenting.”
I smiled for the last time before I turned my body around. Not letting the melancholy on his face get over me.
“Kababalik mo pa lang, dinurog mo agad ako.” he chuckled dryly, halting me from moving.
I held the hem of my dress tightly, convincing myself to stay calm.
“I don’t remember you.” ani ko kasabay ng muling paglingon sa kaniya.
Nagsalubong ang kilay ni Chaz, hindi maunawan ang binitawan kong salita. Mukhang hindi pa nasasabi nila Daddy o ni ate Giselle ang tungkol sa bagay na iyon dahil sa kalituhang bumalatay na ekspresyon niya.
“I’ve developed a retrograde amnesia from the accident. Kung ano man ang ginawa mo sa akin noon, magpasalamat ka dahil wala akong naalala."
Chaz eyed me seriously, unblinking
"Because if I do remember all of it, I don’t think I’ll have the strength to even dare converse with you. Kung si Daddy galit sa’yo, baka kinasuklaman na kita.”
Tipid ko siyang nginitan bago tuluyang tinalikuran. Pinagsawalang bahala ko ang nakitang sakit sa mga mata niya.
With my heavy steps, I went out of the kitchen. Hindi naman niya ako sinundan na malaking pinagpasalamat ko. Eksaktong pagkalabas ko ng kusina, nakasalubong ko si Ate Giselle.
"Pia, gusto mong makita ngayon si Eira at Xander?"
Benalewala ang nangyari kanina lang at tinuon ang buong atensyon sa kapatid ko.
"I'll go with you. Ipagdadrive tayo ng Kuya mo.."
I smiled at her. I opened my mouth and was about to respond when Chaz interjected.
"Pauwi na rin naman ako, samahan ko na kayo.."
Mariin akong napapikit ako. Nang dumilat, sumalubong sa akin nanunuyang ngisi ni Ate Giselle.
"Hindi na, Chaz. Kahit kami na lang," I hastily responded.
"Don't worry, we won't be in the same car. I have mine,"
Natutop ko ang sariling labi. Habang si Ate Giselle ay agad na sinang-ayunan ang alok ng lalaki. Leaving me with no choice but to agreed. Tinawag ni Ate Giselle si Kuya Tyrone na kasalukuyang katawagan si Laureen. Nasa bahay ng Lola ang pamangkin ko, ang mga magulang ni kuya Tyrone.
Habang ako ay nagpaalam kay Daddy at sa mga bisita.
"Bakit hindi mo na lang ipasundo at papuntahin dito? Mas panatag ang loob ko kung nakikita namin kayong tatlo." agad na kontra ni Daddy.
"Go, darling. Don't mind your Dad, takot lang 'tong masalisihan." si Mommy sabay halakhak.
Dad's face distorted. Si Tito Rodolfo naman ay ngumingisi lang habang si Tita Salva ay nakatitig sa akin.
"Ayaw mo no'n, Dad? Magkakaapo ka ulit, lalaki ang pamilya natin." sulsol pa ni Ate.
I rolled my eyes at her playfully.
"Kasama ko po si Ate, Dad. Saka mabilis lang po kami at agad na uuwi. Sana kasama ko na ang kambl.." ani ko bago pa may sabihing kabulastugan ang kapatid ko.
Bumuntonghininga si Daddy. Nilingon niya sa tabi si Mommy na tinaasan lang siya ng kilay.
"Let them be, honey. Hindi na 'yan mga bata.."
"I don't want that man hovering around our daughter. He's a disaster." Dad said, determined.
"Well that's impossible, hon. He's the father of your grandchildren. Magkikita at magkikita pa rin ang dalawang iyan."
"Oo nga naman, Franciss. Isa pa, kung sakali mang may gawin na naman itong anak ko, huwag kang mag-alala dahil ako mismo ang magpaparusa sa kaniya."
Nagtagal pa kami sa pagkumbensi kay Daddy na kahit si Tita Salva ay sumali na rin. Mabuti na lang at hinayaan din kaming makaalis. Bagaman hindi nakaligtas ang nagbabantang tinging ginawad kay Chaz na tahimik lang at tila nasa malalim na pag-iisip.
"Mag-iingat kayo. Tyrone, siguraduhin mong dalawa silang uuwi rito. Hindi pwedeng magpaiwan ang isa." hirit pa ni Daddy.
Kuya scratch the back of his neck. He eyed my sister and shifted his gaze to Dad again.
"Yes, Dad.."
Bago kami tuluyang umalis, nagpaalam na rin ako sa kapatid kong si Zayd na nanatili sa teresa. Pagkatapos, hindi na kami nagsayang ng oras at agad na linisan ang lugar.
Using Kuya Tyrone's black Toyota, we settled ourselves at the backseat.
“Kalma ka lang, Pia. Mga anak mo ‘yan, ”
Ate might’ve notice my repeated heavy breaths that she pointed my nervousness out.
“Hindi natuloy ang plano natin kahapon, but this is much better. You don’t need to hide. You’ll see them closely.”
Isang ngiti lang ang binibigay ko sa kaniya dahil kahit anong kumbensi ko sa sariling kumalma at huwag pangungahan ng takot, iyon pa rin ang nangingibabaw na emosyon sa akin.
Tinuon ko na lang ang atensyon sa labas ng bintana at pinagmasdan ang dinaraanan.
The city is far different from the province. There are a lot of towering establishment, one of the reason why stars are impossible to be seen by the human eye. Sa Isla, malaya kong pinagmamasdan ang mga bituin tuwing gabi. That is always the highlight of my day for the past six years. I hope there's a place here where I get to watch the exquisite view.
“Nay Remmy called me. Unfortunately, si Celeste lang ang nasa loob. Dinala ni Veronica sa mall si Xander.” sabi sa amin ni Chaz nang marating namin ang destinasyon.
Nasa baywang ang isang kamay habang ang isa ay nakawak sa cellphone. Sinulyapan niya ako bago binaba sa bagay na hawak. Kunot ang kaniyang noo at may kung anong pinipindot doon.
“Bruha talaga ang babaeng iyon,” may gigil na bulong ni ate sa akin.
She looked frustrated, even I started to feel the same as well. Ngayon niya talaga inayang mag mall ang anak ko na kikitain ko na!
“Celeste’s with Nanay Remmy. I’ll lead you to her first, and fetch Xander at the mall so you two can meet.” untag pa ni Chaz habang nasa cellphone pa rin ang mga mata.
Napatango ako. Maging si ate Giselle ay sumang-ayon na rin. Chaz put the phone on his pocket. His gaze landed on me instantly. He stared at me for a seconds before he tilted his head, urging us to walk.
“After you,”
I anchored my hands on ate Giselle’s arms as we walked towards the entrance. Si Chaz at Kuya Tyrone ay sumunod sa amin ng kapatid ko habang ako ay nililibot ang tingin sa kabuuan ng bahay. The familiarity hit my chest again as my eyes wandered.
“This is where you supposed to live. Naalala mo ba?” biglang tanong sa akin ni ate, nanantya ang titig.
Dahan-dahan akong umiling.
“Wala akong maalala,” bigong saad ko.
Ngumiti siya pero hindi iyon umabot sa kaniyang mga mata.
“No worries, sis. You’ll get there soon.”
Maganda ang bahay. Malawak, carpeted ang sahig, may pangalawang palapag, malaking chandelier. Pero mas malaki pa rin ang mansyon ng mga magulang ko. Sa Monhon, maliit pa rito ang tinitirahan ko pero mukhang mas maganda ang ganoong bahay para sa akin. The one where family members will see each other. But.. that's just my preference. Hindi naman ako ang titira rito kaya hindi ko na dapat pang problemahin iyon.
We arrived at the receiving are. I lifted my gaze at the grand staircase when the kid's laughter's vibrated.
“Nako, bolero ka talagang bata ka!”
I saw a lady with gray haired descending the stairs. Hawak niya ang kamay ni Eira na nawiwili sa anumang pinag-uusapan nila.
“Lola, it’s true. You have an asim pa!” her giggled echoed. “Ang ganda ganda mo lola. That’s why lolo is in love with you because you’re appealing even with your white hair.”
I momentarily stopped on my track while staring at my daughter. She’s still the same. Enthusiastic, carefree, and strikes a positive vibe.
“All of my grandma’s are beautiful. You, lola Salva, lola Regine, and grandma Francisca. Ganda-ganda kayo kasi pretty ako!” sunod-sunod na ani pa ni Eira.
Tumawa ang ginang. Kahit ako ay mahinang natawa sa walang preno niyang pananalita.
“Ikaw talaga! Kanino ka kaya nagmana ano? Ang Daddy mo hindi naman matabil ang dila habang ang Mommy mo, madalas ding tahimik at hindi pasalita. Siguro hindi ka nila anak? Napulot ka lang sa daan?”
Nagkatinginan kami ni ate Giselle. Kahit si Chaz ay narinig ko ang mahinang pagtikhim. Hindi ko siya pinansin at pinanatili ang titig kay Eira. Nasa ikalawang baitan na sila ng hagdan nang mapagawi ang tingin sa amin nang ginang.
Unlike the reaction of my family, the lady doesn’t looked bewildered, like expecting to see me.
“Not sa daan, lola! I'm Mama Mary's gift to Mommy and Daddy. Both of them are good person, that's why Papa Jesus conspired with Mama Mary to give them us.”
Tuluyan silang nakababa at humarap sa aming gawi. Natigilan si Eira nang makita ako. Gumuhit ang pagkagulat sa kaniyang mukha na nakalimutan ang dapat sabihin.
“Oh apo, may gustong kumausap sa’yo.” Si Manang Remmy sa magaang boses.
I smiled at her. Eira then closed her parted lips. Dumiretso ang tingin niya sa aking likuran kung nasaan si Chaz at binalik kay ate Giselle na napunta muli sa akin.
“T-Tita Charity, is that you?”
I smiled more, finding it hard to construct a word. Afraid my voice will betray me.
"It's you, tita! The kind lady who helped me!"
Suminghap si Eira. Bumitaw sa pagkakawak kay Manang Remmy at natutop ng sariling kamay ang labi.
My sister chuckled.
“Hi Eira! Guess what we have here?” she asked and advances a step. “Santa gave your early Christmas gift which you will surely love!”
Pumunta si ate sa likod ng bata saka hinawakan ang magkabilang balikat nito. Naiwan sa akin ang paningin ni Eira, halata ang pagkamangha. May binulong si Ate sa tainga ni Eira sanhi nang panlalaki ng kaniyang mga mata.
Sigurado akong binunyag na ako ng kapatid ko.
“Daddy!” biglang sigaw niya.
Bigla siyang tumakbo at ang akala kong pupunta sa akin, sa likod ko dumiretso at dinaanan lang ako!
“Is it true Daddy?” yumakap siya sa hita ng ama, nakatingala. “Tell me, Dad! True po na siya ang Mommy ko?” tanong pa niya, bakas ang galak sa boses.
“Yes, love..” Chaz said softly, almost a whisper. “She’s your Mom—“
Hindi natapos ang kaniyang dapat sabihin ng bigla na lang pumalakpak si Eira at nagtatalon sa tuwa.
“Yey! I knew it! I knew it, Daddy!” she beamed happily.
I chuckled. I felt my tears flowed but I hastily wiped it off.
“I have my Mommy now. Eira has a Daddy and Mommy now! I’m happy Daddy, we’re finally a family!”
Eira ran towards me and I kneeled on the floor, welcoming her in a tight hug. The moment I felt her warmth, my tears started flowing again like bucket of river. Hinigpitan ko ang yakap sa kaniya na parang anumang oras ay muli siyang mawawala.
“I’m sorry, baby. I’m sorry..” I said said repeatedly, my voice quivering.
Eira shook her head. She distanced herself from me with a big smile, but her eyes gleamed with unshed tears.
“Why are you sorry, Mommy?” her tiny hands reached for my cheeks to dry my hot tears.
Pumikit ako. Ninanamnam ang masarap na pakiramdam dala ng kaniyang haplos.
“Whatever you’re sorry for, it’s okay po.. I forgive you.”
Bumuhos muli ang panibagong luha ko. Oh God, thank you for giving me an angel. She’s so pure that I started to question myself, if I deserve such loving kid.
“Stop crying na, Mommy. Eira will cry too if you won’t stop.” she continued wiping my face, her face looking in pained.
"Big girls don't cry, Mommy. Papa Jesus always wants us to be happy. No crying.."
Natatawa akong umiling.
"B-Big girls do cry too, baby. And tears.. doesn't always symbolize sadness. It could also means h-happy tears."
"If Eira is making you happy, then you should be with us always." she grinned, looking proud.
Tumango ako saka muli siyang hinigit ng yakap.
“Please don’t leave us again. Stay with us na lang, Mommy.” I heard Eira murmured.
I dried my cheeks, making sure there are no residue of tears on it. Tinanggal niya ang pagkakayakap sa akin saka ako tiningala.
“You don’t need to work. Daddy will do that for us. Daddy has tons of money too! He will pay for our bills, buy us foods, and.. and.. our toys. Mommy will stay at the house and take care of me and Xandy!”
I chuckled, staring at her lovingly.
“Hindi na mawawala si Mommy, baby. Dito lang ako.."
I felt Eira held my hand and guided me to where the set of sofa are.
"I have a lot of kwento for you, Mommy! Teacher gives me a lot of stars. Xandy too, pero 'di niya pinakita kay Daddy and Lola iyong stars niya."
Eira sat on my lap, her tiny hands circling around my neck as she watched me closely. I saw ate signaled her head and went to Kuya Tyrone. Lumabas silang dalawa at naiwan si Chaz na pinagmamasdan kami. Eira peered at her Dad when she noticed me glancing at him.
“Thank you, Daddy for bringing Mommy back. You’re the best Dad in the whole universe!”
Ngumiti si Chaz saka nagsimulang maglakad hanggang sa nasa harapan na siya namin.
“She’s bound to be with us again. Papa Jesus love us, He granted our prayers."
He put both of his hands on our side and he bent to level our gaze.
“I’ll have to get our son. Be back as soon as possible.”
Hinalakin nito si Eira sa pisngi, pero nasa akin pa rin ang paningin.
“Watch out for Mom, love. Don’t let her leave the house without me okay?” sabi niya sa anak saka tumayo.
“Okay, Daddy." Eira nodded. "How about Mom’s kiss?” she asked innocently.
My eyes widen. Nilingon ako ng lalaki, may pilyong ngisi na parang tuwang-tuwa sa tanong ng anak pero ako hindi. This is not entertaining at all!
“Yeah, of course. Kung may kiss ang baby, may kiss din ang Mommy.” nanunuyang sagot pa nito.
Ngumisi siya at akma muling yuyuko ng mabilis akong tumayo, karga-karga si Eira. Mabigat siya pero kaya.
“Where’s your room, anak? Want to show me your stars? Or let's play?” agad na tanong ko saka nagsimulang maglakad.
Narinig ko ang halakhak ni Chaz pero hindi ko na ito nilingon pa. While Eira glanced at her father and to me.
“Your Dad has to go. While waiting, let’s go to your room and play.”
Nagtagal ang titig ni Eira sa akin bago ito tumango.
“Put me down, Mommy. You’ll hurt your back,” puna niya nang magsimula akong tahakin ang hagdan.
“Hindi, kaya ni Mommy na buhatin ka. Gaan-gaan kaya ng baby ko.” I said and kissed her temple.
“Really?” her eyes shined.
I nodded.
“But tita Veronica says I’m a big girl na. ‘Di na dapat ako mag pa carry kay Daddy or sa kaniya, kasi nga big na ako.”
“You’re our baby girl. Huwag ka na lang mag pabuhat kay tita mo at sa akin na lang. I’m willing to carry you even the whole day.”
Napanatag si Eira sa sagot ko. She diverted the topic and talk about her school stuffs and I listened attentively.
Nang makapasok kami sa kaniyang kuwarto, doon ko lang siya binaba. Her room is painted with pink. She got a lot of stuff toys with varied sizes. May kasing laki ko at mayroon namang maliit.
I even saw the stuff toy she was carrying back when we met in the island. Eira glanced at me. Nakita niya ang tinitigan ko. Linapitan niya iyon saka kinuha.
“This reminds me of you, Mommy..” she said, smiling from ear to ear.
My lips parted. Dumbfounded at her choice of words. Hindi ko alam na kamukha ko pala si Winnie the Pooh.
“Always ko po itong dinadala whenever I’d go to Isla Cali. Para ko na rin pong kasama kayo with Winnie.”
Napakurap-kurap ako. Habang si Eira ay malawak na nakangiti.
“Why Winne though? Is Mommy looked exactly like Winnie?”
“Uhm.. Lola once told me an amusing story of you, Mommy. You’re like, Winnie raw po when you were pregnant with me and Xandy!”
Napanguso ako, nadadala sa nakikitang galak sa kaniyang mukha.
“So..so.. I asked Daddy to buy me Winnie and this become my favorite among all of my toys.” pilyo siyang ngumisi bago ako talikuran at binalik sa kama ang laruan.
“Now po that you’re here, Eira doesn’t need to hug Winnie because Eira already has her real Mommy! Your hug is better than Winnie..”
Tuluyang nawala ang pangambang nararamdaman ko kani-kanina lang. Kung sana ganito rin ang reaksyon ni Xander..
Sa mga sumunod na oras, nasa kwarto lang kami ni Eira. Nakakatuwang makinig sa mga kwento niya. Para bang marami siyang baon na salita at hindi naubos-ubos. I didn’t complain. In fact, it was relieving. Lumipas ang ilang sandali, napagdesisyunan ni Eira na sa sala na lang daw namin hintayin ang ama niya.
"To be honest, when I saw you at the church I mistook you as my mother. Sabi ko po iyon kay Xandy but nagalit siya. You're not our Mommy raw kaya.. quiet na lang ako."
Natigalan ako. Xander.. he's probably mad at me.
"I didn't tell Dad about it cause Xandy told me not to. I hold unto Daddy's promise na lang that you'll be with us someday. Which he did now.."
Eira is laying on the carpeted floor, with her coloring books.
“What’s taking Daddy so long, Mommy?” bigla niyang tanong.
I sat beside her, attending to her works and needs. Ang kaniyang mga pangkulay ay nagkalat sa aming gilid.
“Uh, maybe he’s on the way na anak. Let’s wait a little bit more, hmm?” I asked softly.
Sumimangot siya.
“But he said he’ll be back quickly..”
Sinikap kong maging kalmado at ngumiti sa kaniya. Si ate ay hindi ko alam kung nasaang parte ng bahay. Hindi ko na ulit ito nakita simula kanina.
“Ano, anak.. baka traffic lang.”
Binaba ni Eira ang hawak na pangkulay, nawalan ng gana. Mula sa pagkakahiga, tumayo siya saka lumapit sa akin. Niyakap niya ang maliit na kamay sa aking leeg. She grow silent, making me think she’s sad and unpleased.
“It’s okay, baby. Mom’s here.” I whispered. “I love you."
“I love you too, Mommy. Always,” she murmured weakly.
Bakit ba kasi ang tagal ng lalaking iyon? Susundo lang pero daig pa ang nag grocery sa tagal! If I am not mistaken, it’s more than an hour since he left but until now, he still didn't arrive.
“Baby, do you want moron?” masigla kong tanong.
Humiwalay siya sa pagkakayap sa akin, bakas ang lungkot sa mata.
“I want Daddy, and Xandy.." nakanguso nitong sagot.
Right after that, we heard the car’s engine indicating their presence outside the house. Nabuhayan ng loob si Eira. Bumalik ang dating sigla at agad na umalis sa pagkakaupo sa aking kandungan.
“You’ll meet Xandy, my brother. He will be surprise and happy too, like me!”
Eira held my hand and opted to welcome her Dad and brother. Nagpatiunod naman ako at hinayaan siyang tangayin ako.
“Dahan-dahan, anak. Magkikita-kita rin tayo,” ani ko.
Eira just beamed and continue her pace. We were already half way through the main door when it opened, revealing the three.
Veronica was laughing. Si Xander ay tumatawa rin. Ibang-iba sa pinakita niyang emosyon nang kami ang magkaharap. Chaz has a stern face, and by the looks of it, I can say he’s not entertained at all.
“It’s such a great bonding. Sayang nga at wala si Celeste but next time, I know she will come with us na!”
Bumagal ang lakad ni Eira kaya ako ay iyon din ang ginawa. Napansin kong, magkakapareho ang kulay ng kanilang suot na t-shirt. More likely a family shirt based on the imprinted design and word.
“What do you say, Xandy? Do you want to go to the mall again, this time with your sister?”
Napatingin sa amin si Chaz sanhi para matigilan siya. Veronica was looking at him, reason why she noticed us. Nasa kaniya ang mata ng pinsan ko at agad iyong sinundan ng tingin. Veronica doesn’t seem to be affected at all. She even smiled like she did nothing.
Kaya pala natagalan si Chaz at hindi nakabalik agad..
“Of course, Mom. The claw machine is awesome! Next time, I’ll make sure to hit the bear and give it you.”
Ngumisi si Veronica, pabor sa naging sagot ng anak ko samantalang ako ay tila tinakasan ng katinuan.
"Xandy, she's not your mother! You should stop calling her like one." biglang singit ng anak ko.
Binitawan ni Eira ang kamay ko saka pinagkrus ang mga braso sa dibdib.
"You've got a bad and taste in fashion, tita. Maybe, if Mom is the one wearing the Wife shirt, it will complement her well unlike you po. Hindi bagay," ani pa ng anak ko sa maarteng boses.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top