CHAPTER 42

Reunited

Ginugol ko sa paglalaba ang atensyon ko sa buong umaga. Iyong tatlong kasambahay ay hindi man lang ako tinulungan. Babalikan lang ako para masigurong hindi ako tumutunganga. Ayos lang sana kung iyon lang pero may kasama pa iyong panglalait.

“Tapos ka nang maglaba?”

Napalingon ako sa pinto ng bigla iyong bumukas. Pumasok si Celine, nakakrus ang dalawang braso sa dibdib. Sa kabutihang palad tapos na ako sa paglalaba. Naisampay ko na rin iyon at nakabilad sa arawan.

“O’o,”  matabang kong sagot.

Hindi naman ito ang unang beses na naglaba ako dahil sa katunayan, madalas kong tulungan si Rhys sa paglalaba. Siya ang nagsasabon at ako naman ang nagbabanlaw.

“Pumunta ka sa kusina, hugasan mo ang mga plato at pagkatapos linisin mo na rin ang mga bintana.” ani Celine sanhi para mamilog ang mga mata ko sa gulat.

“Oh ano, magrereklamo ka?” sikmat niya, tumaas ang kilay. “Wala kang karapatang tumanggi dahil si Ma’am mismo ang nag-utos no'n! At huwag na huwag mong iisiping tumakas, hindi ka makakawala sa bantay!” inirapan ako nito bago ako talikuran.

Kumakalam na ang sikmura ko at kahit tubig ay hindi man lang ako dinalhan habang naglalaba. Kinimkim ko na lamang iyon at nanghihinang nagtungo sa kusina para gawin ang utos niya. Paghuhugas ang una kong ginawa. Ingat na ingat pa akong walang mabasag.

“Thank god,” nahahapong bulong ko nang matapos.

Nanunuyo na ang lalamunan ko sa uhaw. I have to keep myself hydrated otherwise I won't make it until sunset!
Hinanap ko ang pitsel at hindi naman ako nabigo. They have a water dispenser too but I chose the former. Mula sa hinugasan, kumuha ako ng baso at walang sinayang na oras. Para akong naglakad sa desyerto sa matinding uhaw na halos maubos ko ang laman ng kanilang pitsel.

Ang sunod kong naramdaan ay ang pagkulo ng tiyan sanhi ng gutom. Siguro mamaya na lang ako hihingi ng pagkain kay Celine ‘pag tapos na akong sa mga utos niya. Tutal ay nakainom naman na ako.

With that in mind, I searched for her to asked for cleaning materials. Binigyan niya ako ng panlinis sa mga bintana at isang damit na gagamitin ko pamunas.

“Celine,” tawag ko sa kaniya ng akma itong tatalikod at babalik sa kanilang kwarto.

Naririnig ko pa ang boses ng dalawang kasambahay at tila nonood ng palabas. Nilingon ako ni Celine, nakataas na naman ang kilay.

“Pagkatapos kong maglinis, pwede ba ako makahingi ng pagkain? Hindi pa kasi ako nag tatanghalian..” mahinang boses na saad ko.

“Mamaya mo na problemahan iyan at siguraduhin mong malinis ang lahat ng bintana. Huwag kang magpupunta sa ikalawang palapag ng bahay. Natrabaho na nila Darna ang mga bintana roon. Balikan mo ulit ako pakatapos.”

Sapat na ang iyon para ako’y magpatuloy. Sa sala ako magsisimula. Kumuha muna ako ng maliit na planggana at pinuno iyon ng tubig. Doon ko binasa ang telang gagamitin ko. Habang ginagawa ang trabaho, lumilipad ang isipan ko sa mga dapat gawin para maniwala silang lahat.

The probability of them taking my words is low. Even my own cousin doesn’t believe me. What if like her, my own family will also neglect me?

Nakakapanghina ang isipang iyon pero hindi ako susuko. Being here in the mansion is enough. Habang narito ako, gagawin ko ang lahat para lang maniwala sila sa akin. Umaasa rin akong babalik ng tuluyan ang memorya ko kung mananatili pa ako rito ng matagal. Ayos lang kung gawin nila akong katulong. Hindi ako magrereklamo lalo na’t alam kong ang kapalit nito ay muli kong makakasama ang pamilya ko.

“Ano?” bigong saad ko.

It took me more than an hour to finish cleaning the gigantic windows but I’m disappointed when Celine told me I have to mop the whole first floor! Kumukulo na ang tiyan ko sa gutom pero maging pagkain ay pinagkakait nila!

“Anong ano? Bingi ka ba at kailangan ko pang ulit-ulitin lahat ng sinasabi ko?” singhal ni Celine sa akin.

Napakagat labi ako. I’m already trembling in hunger. Makakaya kong hindi kumain ng tanghali kung wala lang akong ibang ginagawa. Ang problema ay hindi matapos-tapos ang utos nila sa akin! While the three of them are just having fun!

“Paano kayo? Hindi niyo man lang ba ako tutulungan? Kanina pa ako gumagalaw eh, baka gusto niyong gawin din ang inyong trabaho..” I said bravely. “Pare-pareho lang naman tayong mga kasambahay dito, ah? Hindi ko kayo amo pero kung makautos kayo..”

“Ang galing mo rin 'no?” dinuro niya ako gamit ang hintuturo. “Hindi ka lang pala illusyunadang baliw, reklamador pa!”

Napakagat labi ako. Wala sa sariling hinimas ko ang tiyan tila sa paraang iyon ay maiibsan ang nararamdamang gutom.

“Gawin mo ang inuutos ko sa’yo kung gusto mong magkalaman ‘yang tiyan mo! Doon lang kita papakainin, at kung ako sa’yo sa halip na dumada ka riyan simulan mo na!”

Nanghina ako, walang ibang nagawa kung ‘di ang sundin ang pinag-uutos niya. I felt frustrated. And what frustrates me more is the fact that I can't do anything but to abide their orders!

lang oras ang ginugol ko sa paglilinis ng sahig. I was alone. Walang bakas ni Veronica. Narinig ko sa mga katulong habang nasa likod ako at naglalaba na hindi talaga namamalagi rito ang pinsan ko. Madalas itong wala sa bahay na hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko ba o ano.

Bandang hapon na nang sa wakas ay bigyan ako ni Celine ng makakain. Pagkatapos non ay pinakita niya rin sa akin ang tutulugan ko. Para iyong bodega sa daming nakatambak na kahon at ilang mga gamit na pinaglumaan ng panahon.

“Dito ka matutulog. Huwag ka nang mag-abalang bumaba dahil ayaw kang makita ni Ma’am. Pero hindi rin naman iyon uuwi, mabuti lang ang sigurado.”

“Bakit? Saan ba siya tumutuloy?” I asked while eyeing the storage room.

“At bakit mo tinatanong? Balak mong doon mag eskandalo?” sikmat niya.

Nabuntonghininga ako.

“No.. I’m just asking,”

Umirap si Celine.

“Ipapadala ko na lang mamaya ang pagkain mo. Iyon ay kung may tira pa. Huwag kang mangingialam sa mga gamit dito, mas mahal pa ang mga ‘yan sa buhay mo.”

Hindi niya ako binigyan ng pagkakataong sumagot dahil agad nitong binagsak ang pinto pasara.
I shook my head in dismay. Kung ako ang magkakaroon ng sariling bahay, I’ll make sure my maids are kind and not like her.

Sighing, I took the chance to surveyed the place. The light was on, allowing me to see the whole room. May nakita akong sofa na alam kong luma na rin. Linapitan ko iyon at sinipat kung matibay ba para roon na lang ako humiga. Natuwa naman ako ng ilang minuto ang lumipas, hindi pa ako bumabagsak sa sahig.

Namataan ko na rin ang dalawang bag ko sa isang sulok. Mukhang dito nila ito diniretso kaninang umaga. Bigla kong naalala ang cellphone na binigay ni Rhys sa akin. Dahil wala naman akong ibang gagawin, iyon na lang ang pinagkaabalahan ko. I know how to use this phone dahil na rin sa mga kaibigan ko noon. Luckily, it has a load balance.

To: Rhys

Magandang gabi! Kumusta ka? Pasensya na kung ngayon lang ako nakapag text. Nakauwi ka na ba sa Isla? Sana nasa maayos kang kalagayan Rhys, ako kasi maayos lang din. Komportable ako rito at hihintayin ko na lang ang pagdating nila Mommy. Palilipasin ko muna ang isang linggo saka ako susunod diyan kapag maayos na ang lahat. Mag-iingat ka palagi..



Masakit ang buong katawan ko. Due to exhaustion, I immediately found myself drifting off to sleep.

“D.S Corporation, that’s a very nice name. Drake and Sofia correct?” I chuckled and wrapped my hands around his waist. I felt him kissing the top of my head.

“Hmm.. After years of hardship, we now have our own law firm..”

“That’s because of you, love. I made it this far because I have you..” I sweetly whispered.

Wala akong narinig na sagot mula sa kaniya. I looked up to him and saw Drake staring at nowhere, he’s spacing out again. Hinaplos ko ang kaniyang pisngi sanhi ng kaniyang pagkurap. Ngumiti ako saka tumingkayad upang mabilis na patakan ng halik ang kaniyang labi.

“I love you, Drake..”

I woke up the next day with a searing headache. Hinilot ko ang sintido habang nahahapong nakaupo sa sofa.
I tried to remember my dream again, and like the first time I dreamt of my childhood.. the voice echoed but with blank faces.

Law firm..

I have a law firm..with this Drake? Is he my boyfriend then? I was in a relationship with him before the accident? I lazily lay my head on the backrest of the couch as I breathe in and out. The dream lingered in my head and the more I think about it, the pain in my head intensifies.

“Walisin mo ang mga kalat sa likod ng bahay. Diligan mo na rin ang mga halaman doon,” salubong na utos ni Celine nang pagbuksan niya ako ng pinto.

Already drank my medicine and somehow it helped ease the pain. Handa na muli akong simulan ang araw ko at hindi ang sakit sa ulo ko ang hahadlang.

“Hi, Senyora! Maganda ba ang tulog mo sa bodega?” humagikhik ang isa sa tatlong maids nang makita ako.

Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ang sadya. Kasalukuyan akong nasa likod bahay para kumuha ng walis. Sa hindi kalayuan natatanaw ko na ang malawak na harden na napupuno ng iba't ibang bulaklak. Marami pa siyang sinabi pero hinayaan kong lumabas sa kabilang tainga ang mga panlalait na iyon.

Nagtungo rin naman ako sa harden at sinimulan ang pagwawalis. Halos isang oras din ang tinagal ko bago ang pagdidilig. Accidentally, I saw a rose and I remember my friends back in the island. We used to picked flowers and replant it again when we have nothing to do or after selling our foods.

I observed my surrounding and saw no one. Without further ado, I cut the stem of rose using my fingers. Sinikap kong hindi masugatan ang kamay na maginhawa kong nagawa. Nangingiti kong binalikan ang espasyo ng lupa na walang tanim at doon
napagdesisyunang ibaon ang tangkay ng rosas.

“Who are you?” napapitlag ako sa gulat ng may biglang magsalita sa likod ko.

Tinigil ko ang ginagawang paghuhukay ng lupa gamit ang nakuhang bato saka hinarap ang  ang may-ari ng boses na iyon. Isang batang babae, may kasamang aso. She was holding the leash of her pet using her right hand. Bukod sa alagang aso, may suot itong maliit na backpack sa likod.

“H-Hi?” I said, smiling warily while kneeling.

“Who are you milady? Why are you in my grandma’s garden?” umabante siya na tila sinisilip ang ginagawa ko sa likod.

“Uh..”

My mouth failed to utter a coherent words as I am so shocked to see her! She said grandma, does it mean she’s my niece?

Nang hindi ako magsalita’y pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko. Unti-unting nagsalubong ang kaniyang kilay ng mapadako sa aking mga tuhod ang kaniyang tingin.

“Milady, will you please stand? You shouldn’t be kneeling, unless if you’re praying.” ani pa nito sa malambing na boses.

Agad akong napatayo. Bumuka ang bibig para itanong kung sino siya nang muli itong magsalita.

“I saw my Momma one time on her knees, and Dadda was sitting in front of her. They were on our living room and it was already bed time!"

Biglang tumahol ang aso niya sanhi ng kaniyang pansamantalang paghinto.

“Choco! I’m still talking, quiet please..”

Para namang nakakaintindi ang aso at agad na tumahimik. The dog even puffed on her legs.

“Going back, Milady..  Momma was on her knees and she said, when someone is praying I shouldn’t disturb them. But you don’t look like praying to me, so what are you doing here?”

My lips parted in astonishment. She was looking at me as if trying to find the answers by studying my face. Her brown eyes appeared to be scrutinizing my whole being. 

How old is she?

“Nakita ko kasi itong bakanteng espasyo ng lupa. Nasasayangan kasi ako kaya naisipan kong taniman, at hindi.. hindi ako nagdadasal.” I shook my head aggressively.

Ngumuso siya sa naging sagot ko.

“Isa akong katulong dito..ikaw sino ka? Anong pangalan mo?” 

I wiped the sweats on my forehead using the back of my palm. Tirik na tirik na ang araw at kahit umaga pa lang, malala na ang init na dulot nito.

“I’m Laureen,” aniya, wala sa akin ang paningin. May kinuha siya sa suot na backpack saka ito inilahad sa akin.
“Use that, Milady. It’s clean..”

My eyes narrowed at the folded towel. I bite my lower lip, fighting the urge to smile but ended up grinning.

“Hindi na Laureen, ayos na ako..” 

Nagkibit balikat siya at binalik sa loob ng bag ang panyo.

“S-Sinong kasama mo?”

Tinignan ko ang pinanggalingan nila at wala namang nakasuod sa kanilang yaya o kahit magulang.

“I’m with Momma and Grandma. Are you their new maids? Your face is new..and you looked like my pretty aunt!” she said nonchalantly, still fidgeting on her bag.

Muli siyang may nilabas at sa pagkakataong ito, pagkain na. Parang chocolate. Tumama ang hula ko nang balatan niya ito.

“Really? I looked exactly like her?"

Laureen took a bite on her chocolate before nodding her head. Kumalabog ang dibdib ko, halos panginigan ako sa tuwa at kulang na lang ay yakapin si Laureen.

“Nasaan iyong lola mo?” I asked, excitement is laced with my own voice.

“Why? What do you need from my Grandama?” Laureen asked, her brows meeting with each other.

“Uh.. importante, gusto ko sanang makausap siya. Puwede mo ba akong samahan?” I smiled at Laureen.

Still with creased brows, she nodded. Wala kaming sinayang na segundo at agad na umalis sa hardeng nasa likod ng bahay. Laureen was in front of me, her pet's tailing her. Sumasayaw pa ang buntot ng alaga niyang aso.

Pinagsalikop ko ang dalawang kamay at hindi maiwasang mapangiti. Narito na sila.. sa wakas.

“Grandama is probably resting. We celebrated the wedding of Uncle Zayd on Maldives with the whole family. Too bad Eira and Xander didn’t came with us..”

Tumigil kami sa harap ng pinto. Nilingon pa ako ni Laureen, maging ang alaga nitong aso ay lumingon din sa gawi ko.

“What’s your name again?”

Napangiti ako. Kating-kati na akong hawakan at yakapin siya pero pinigilan ko ang sarili ko.

“Sofia Grace, that’s my name..”

I saw how her eyes rounded. Pati ang kaniyang manipis at pulang labi ay umawang din. I chuckled lowly. Tinukod ko ang dalawang palad sa tuhod hanggang sa magpantay ang aming tingin.

“Nice to meet you, Laureen..” malambing kong bulong, nangingiti.

I know she got it. Matalino siya. Hindi ko lang maiwasang malungkot nang maalalang hindi man lang ako namukhaan ni Veronica pero itong bata..

Nasa ganoon kaming posisyon ng marahas na nabuksan ang pinto at linuwa niyon si Celine na bakas ang pagkataranta sa mukha. Sa amin dumako ang tingin niya, lalo na sa akin.

“Narito ka lang pala!” Celine shut the door with bloodshot eyes.

She closed our distance and held my arms in a tight grip. I gasped in horror especially when she started dragging me.

“Ano ba, Celine! Nasasaktan ako!” daing ko.

“Sumama ka sa akin, may pupuntahan tayo!” aniya, binalewala ang sinabi ko.

Nagpumiglas ako, pilit na tinatanggal ang kamay niya sa akin.

“Hindi ako sasama sa’yo. Pwede ba bitawan mo ‘ko!” I hissed irritably.

She glared at me and I equalled her her gaze.

“Sabing may pupuntahan tayo, eh! Bobo ka ba?”

“And I said let me go! I won’t go with you!” I countered back. I glanced back and Laureen isn’t there anymore.

Panic rose up into my chest. I have to see them! Hinawakan ko ang palapulsuhan ni Celine at mariin iyong hinawakan, pilit tinatanggal ang pagkakahawak niya sa braso ko. Celine shouted when my nails dugged on her skin.

“Bitaw Celine, hindi ako sasama sa’yo!”

Gusot na ang kaniyang mukha, bakas ang sakit. Nataranta ako at agad na binawi ang kamay. I saw how her wrist bleed from my nails. Pulang-pula ang mukha ni Celine. Mukha siyang dragon na anumang oras bubuga ng apoy.

“Tangina mong babae ka! Hindi mo ko pinalamon para api-apihin mo!”

Celine raised her hand in attempt to slap me but before she can do it, a loud voice erupted. Nakatalikod ako sa gawing pintuan at si Celine ang nakaharap doon. I’m sure she saw who went out of it and the owner of the voice, her pale face is proof.

I heard their footsteps and Laureen’s sweet voice.

“Isn’t she dead, Momma?”

Napalunok ako. I absent-mindedly shifted my body only to see the person in my dreams. My parents, ate Giselle who looked well grown up, and a man who I thought is her husband carrying Laureen are right before my eyes. They all have the same horrified expression. Na parang nakakita sila ng multo.

“See Dadda? They share the same eye color, and name also!”

Binasag ni Laureen ang nakakabinging katahimikan. Napakurap-kurap si Mommy habang si ate Giselle ay awang pa rin ang labi. I timidly smile to every one of them.

“H-Hello..” I said in a soft voice.

I heard them gasped exasperatedly. Si Mommy ay halos matumba na agad inalalayan ni Daddy. Ate Giselle took a step forward until she was in front of me.

“P-Pia?” her voice broke.

I saw her eyes moist with unshed tears, like any minute it will fall like a river.

“I am ate..” napakagat labi ako. “Sorry ngayon lang ako nakabalik—"

Hindi ko natapos ang dapat sabihin ng bigla niya akong hinigit para sa isang mainit na yakap. It was like that hug was a trigger as her heartbreaking sobs follows.

Nanginig ang labi ko. I hugged her back and tapped my hands on her shoulder. Si Mom ay nakatulala sa aming dalawa habang ang asawa ni ate ay nakatitig sa amin na may namumungay na mga mata while Laureen was already crying too.

“I’m sorry..” bulong ko.

Ramdam ko ang pamamasa ng aking leeg dahil sa kaniyang luha. I tapped her back while she continued to shed tears. Namuo ang luha sa mga mata ko habang pinakikiramdaman ang mainit na hatid ng yakap niya. Maya-maya lang ay humiwalay siya at nilingon ang aming mga magulang.

“Nagbalik s-si Pia, Mom.. nagbalik siya!" sigaw niya sa gitna ng pag-iyak.

Napangiti ako. Sumulyap ako sa gawi nila, namumungay ang mata ni Mommy. Si Dad ay seryoso ang mga matang pinagmamasdan ako.

“Hija, let's head inside. It’s inappropriate to talk about this here. C-Come on,” Mom gave me a smile.

Dad timidly nodded and glanced at me for the last time before they both turned their back. Naiwan ako kasama ang pamilya ni ate at si Celine sa aking likuran. Binalingan ako ni ate saka ko naramdaman ang paghaplos niya sa kamay ko.

“I have a lot of questions for you.. but I’ll set that aside for now. I’m just glad you’re back, Pia..”

Pumasok din kami sa loob katulad ng gusto nila Mommy. Nasa sala sila, si Dad ay may katawagan habang si Mommy ay mukhang hindi pa rin makapaniwala sa presensya ko.

Laureen went to her mother immediately. Nahagip pa ng tingin ko ang paghalik ng bata sa mga mata ng ina at may binubulong-bulong dito. Ate would laugh and kiss her cheeks.

“I called Veronica, she’s on the way here. Hintayin na lang natin,” panimula ni Dad, marahil iyon ang kausap niya kanina sa telopono.

Ate whispered something on her husband. Hinalikan muna ni ate ang noo ng anak bago tumayo ang mag-ama.

“Sa taas lang po muna kami..” paalam nito, na kinatango nila Mommy.

"Have a sit, hija.." iminuwestra ni Dad ang upuan sa akin.

Lumapit sa akin si ate Giselle saka ako hinigit paupo sa mahabang sofa. Dad and Mom sat in front of us too, in the long couch and there's a table separating the seats. Nagtawag si Mom ng katulong at humingi ng maiinom. It was the maid who insulted me a while back. Nilingon pa ako at hindi nakatakas sa akin ang matalim nitong tingin.

“Ilang araw ka na ba rito, hija?”  tanong muli ni Dad.

Ngumiti ako habang magkahugpong ang mga daliri sa isa't-isa na namamahing sa aking hita.

“K-Kahapon lang po ako dumating..” I murmured softly. “Nagmula po ako sa malayong isla. Doon ako nakatira kasama ang kaibigan ko. Ang totoo ho niyan ay wala po akong maalala tungkol sa aking nakaraan until that day. I had a dream po, a memory from my childhood. Kasama ko roon sila Nay Esma, Emma, kayong tatlo sa isang beach.” pagkwento ko pa.

Napalunok ako. Bumalik sa aking isipan ang masayang ako kasama ang sariling pamilya. Sana.. bumalik na ang alaala ko sa lalong madaling panahon.

"Doon po ako nanirahan sa loob ng anim na taon. Mababait naman po ang mga tao roon at ang kumupkop sa akin. Sa katunayan po niyan ay kasama ko siyang nagpunta rito pero hindi siya pinapasok nang guard kaya kailangan din naming maghiwalay.." 

Dad's shoulder tensed up. His face hardened. Magkasulubong ang kilay at parang manghahamon ng away.

"What happened to your face?" it was my mother.

Our gaze locked for a brief moment but she tore it right away. My heart clenched. This isn't the reaction I expected to see when we meet. Parang si ate lang ang natutuwang makita ako.

"Uh.. dahil po sa aksidente.."

"Ikaw ang naaksidente?" tanong niyang muli.

Nanghihina akong napatango.

"Can you elaborate to us, what kind of  accident it is? I mean.. how did it happen?"

"Gustuhin ko man ay hindi ko rin po iyon naalala. Hanggang ngayon ay hindi pa bumabalik ang lahat ng alaala ko." I said, pain is very evident in my voice.

They went silent. Naramdaman ko ang paghaplos ni ate sa buhok ko na tila sa ganoong paraan ay pinapahiwatig niyang hindi ako nag-iisa.

"Oh poor you. I'm sorry we weren't there..." gumagaral na ang boses na aniya. "Huwag kang mag-alala, ngayon nandito ka na. Hindi na tayo magkakahiwalay.. saka mga peklat lang naman 'yan, magagawan pa 'yan ng paraan." she chuckled.

Natawa ako roon.

"Nakwento ni Laureen na.. naninilbihan ka raw dito?" si ate, hindi pa rin ako nilulubayan ng tingin.

"Kaunting gawain lang naman.." sabi ko na lang.

Umawang ang labi niya. Sinulyapan ang mga magulang namin na nanatiling tahimik. Tila prinoproseso ang mga nalaman ngayong araw.

"Si Veronice siguro ang nag-ustos ano?"

Napakurap-kurap ako, hindi alam ang sasabihin. Sigurado akong magagalit sila sa pinsan ko kapag..

"Really.. hindi na nga ipinaalam sa aming narito ka, ginawa ka pang alila?" her eyes turned bloodshot. "Kung hindi pa kami umuwi, hindi natin malalamang nasa pamamahay na pala ang kapatid ko?"

“Darling, let’s wait for your cousin first and hear her side of story." Mom replied.

“Isn’t this clear to you? Veronica hide her from us!” ate said, gritting her teeth.

“Giselle,” si Dad iyon sa marahang boses.

“Ano, dad? Kakampihan niyo na naman ang babaeng iyon? For all I know, she deliberately didn’t confide with us for my freak cousin has other plans! See that maid? Kasabwat niya iyon—"

“That’s not true, tito..”

Pumaibabaw ang malambing na boses ng babae kasabay ng tunog na nagmumula sa suot nitong sandal. Veronica, the lady from yesterday appeared in my line of sight. Sobrang ganda niya sa suot na faded maong pants at spaghetti strap na yumayakap sa hubog ng kaniyang katawan.

Nanigas ako sa kinauupan habang pinagmamasdan siyang lapitan ang aking mga magulang at bigyan niya ito ng halik sa pisngi.

“How was the trip, tito..tita? You didn’t inform me you’ll go home today, nasundo ko na sana kayo..” aniya, ang boses ay mahina at malambing pa rin.

“Cut the crap, Veronica. Bakit hindi mo sinabing narito ang kapatid ko? At ginawa mo pang katulong sa sarili nitong pamamahay!"

Napatingin sa kaniya si Veronica. Ngumuso ito at pinaglaruan ang nakalugay na buhok.

“Alam mo kung gaano namin kagustong mahanap si Sofia. Sana man lang pinaalam mo sa amin kahit sa tawag o simpleng text!"

I stayed silent, the same with my parents. Mom would often glance at me. Minsan ko pang mahuhuling titig na titig din si Daddy sa akin.

“Let’s not rush things, Giselle. We aren’t sure if she is your sister. Matagal na siyang patay nakakalimutan mo na ba?”

Narinig ko ang pagsinghap ni ate sa sinabi ni Veronica. Napayuko naman ako at piniling paglaruan ang mga daliri sa kamay.

“You damn well know that’s not her body! Hindi kami naniniwalang patay na ang kapatid ko kahit pa iyon ang pinagpalabas mo!”

“The investigation says it all, Giselle. Your sister is dead, and this woman right here..is not her.” giit ni Veronica.

"Beside, that's not how I see it. You've enjoyed your life for the past years without her. Naroon ka pa nga sa burol ng kapatid mo at ngayon sasabihin mo sa aking hindi ka naniniwalang siya iyong nilibing ng araw na iyon?" nanunuyang saad nito.

I saw ate’s jaw clenched. Nilingon nito ang aming mga magulang na tila naghahanap ng kakampi.

“Dad..Mom.. you believe me naman diba? Naramdaman niyo ring tama ako, si Sofia ‘to.” paninidigan pa nito.

“Kahit si Chaz Theo ay hindi naniniwalang katawan ni Sofia ang nahanap sa ilog. Umaasa pa rin tayong balawa araw, muli natin siyang makikita kahit pa gaano katagal at heto na 'yon! Don't tell me you'll side with her?"

“Stop being a hypocrite.” Veronica hastily interjected.

Nag-angat ako ng tingin at nakita ang seryosong mukha ng pinsan ko.

“I’m sorry tito for the word, but Giselle is going overbroad. Pinoprotektahan ko lang po ang pamilyang ito. Sa lahat ng tao, mas matutuwa pa ako kung babalik man si Sofie..but she’s dead. Only Miss Navarro survived from the fall, and her body was even found.”

Nanlamig ako. Naninikip ang sariling dibdib habang pinakikinggan ang usapan nila. Paano na lang kung hindi sila maniwala sa akin?

“Sa ating dalawa ikaw ang ipokrita! Akala mo ba hindi ko alam ang pagmamanipula mo sa mga pamangkin ko? Mailap at malayo ang loob sa amin ni Xander dahil sa’yo!"

"Don’t you ever involved my son he—"

“Oh gosh, you crazy!" ate laughed. "Hear this dad? Kahit ang pamangkin ko inaangkin na hindi naman niya pagmamay-ari. Hindi ko nga alam kung bakit pinapatira niyo pa ang babaeng iyon dito at nagagawang pakisamahan!'

Veronica shifted on her seat. She was already glaring at my sister.

“Veron, Giselle.. lower your voice. makakapag-usap naman kayo ng hindi nagsisigawan.” Si Mommy iyon sa mahinang boses.

“I am doing what’s the best for the kids. You know that, tita. Ayaw kong umasa lang sila sa wala. Mas masasaktan ang mga bata kung mananatili sa kanilang isapan na babalik pa ang kanilang ina.. na kailan man ay hindi mangyayari.”

Napahawak ako sa sariling sintido. Heto na naman.. nagsisimula na namang kumirot ang ulo ko.

“Kahit na, Veronica! Wala kang karapatang siraan siya sa sarili nitong mga anak. You’re brainwashing the kids!”

Narinig ko ang mapaklang pagtawa ni Veronica. Nanatiling nakapikit ang mga mata ko habang patuloy ang pagpalitan ng sagutan nila.

“Sa halip na husgahan mo ang pagpapalaki ko sa mga bata, dapat nga magpasalamat ka pa. Ako ang sumalo sa responsibilidad na iniwan ng kapatid mo sa mga anak niya. Noong mga panahong baliw na baliw si Theo sa paghahanap kay Sofie, ako ang naroon at nag-aalaga sa kambal. At ikaw anong ginawa mo?”

I opened my eyes and it flew directly to her side. Did I hear it right? May mga anak ako?

“Veronica..”

Veronica's sharped gaze landed to my mother.

“What, tita? I’m just stating a point here. Look likes Giselle have forgotten how she acted years ago. Pinairal niya ang galit kay Theo, at ngayon na ang mga bata ang nagiging mailap sa inyo, ako ang sisihin niyo? You’ll accuse me of tarnishing her name, when I did nothing but to be a good mother to her children!” Veronica snapped, anger is lace in her voice.

I bite my lips as my tears started flowing. Oh god, what did I miss?

“I was there with them.. ako ang tumayong ina ng kambal. You have no idea how many sleepless nights I’ve had taking care of them! Securing their good sleep, preparing their milks, changing their diapers na halos hindi na ako naliligo kakabantay sa kanila!  I abandoned my career while full filing the duties of a mother and then what? Susumbatan mo ako?” mapakla siyang tumawa.

"Don't you ever use that as an excuse dahil unang-una walang nag-utos sa'yong maging yaya ng kambal!" tumayo si ate Giselle.

"Mind you, I know it was you who initiated to babysit the kids. At teka nga, kung makaasta ka parang ikaw lang ang nag-alaga ah? Nabagok ba 'yang ulo mo kakahabol kay Chaz Theo na nakalimutan mong inalagaan din Tita Salavacion ang kambal?"

Malabo na ang paningin ko dahil sa luha. Napansin ko ang pagkataranta ni Mommy sa sigawan ng dalawa.

“Ladies, that’s enough..” putol niya pero hindi nila iyon pinakinggan.

"I invested my time and sweat more than her! Ako pa rin ang marami ang ginawa! Ang mariming sinakprisyo!"

"And that's because you have a hidden motive. You're luring him through his kids, but guess what? Kahit maghubad ka pa sa harap niya, hindi iyon tinitigasan dahil hind ka siya!"

"You fuckin—"

"Hindi talaga kayo titigil?!" Dad's thunderous voice stopped Veronica from cursing.

Mabilis kong pinahid ang luha sa pisngi saka matapang na nag-angat ng tingin. Mabilis ang ginagawang paghinga ni Veronica. Pulang-pula ang mukha tanda ng matinding galit samantalang si ate ay nanunuyang nakangisi.

"Calm down you two." si Mommy, linapitan na si Veronica. "Why are you fighting? We're a family here, hindi magkaayaw.."

“Giselle started this, tita..”

“Well you provoke me. Ever heard of rebuttal?" pangangatwiran ni ate. "At kung sana sinabi mong nakauwi na ang kapatid ko, 'di sana hindi mo maririnig mula sa akin ang katotohanang walang gusto sa'yo ang bayaw ko." umirap si ate Giselle.

Tumalim ang tingin sa kaniya ni Veronica. “And I told she’s not! Hindi na babalik si Sofie because she's dead!"

My breathing laboured. Mariin na ang pagkakagat ko sa ibabang labi na sa tingin ko magkakasugat na.

“You can’t decide who’s dead and not. Ano ka diyos?” ate asked, mockery is audible. “We’ll undergo a DNA testing. Only that way we’ll know if she’s my long lost sister..or not. Until then, she is to be treated like a member of the family, and not some sort of a servant.”

Naramdaman ko ang paghaplos ni ate sa buhok ko. Tiningala ko ang namumungay na mata ng kapatid ko.

“Welcome home, sis..” I heard her say, smiling sweetly.

Warmth filled my heart knowing there’s someone who trusted me even without words of affirmation from me. Wala pa nga akong sinasabi, nakita niya lang ang kabuuan ko pero agad niyang napagtantong ako nga ito.

Nahagip ng mga mata ko si Mommy na tahimik akong pinagmamasdan. Kagat labi kong binawi ng tingin nang mapagtantong, hindi siya nagtangkang kausapin ako. ‘Di kaya.. katulad ni Veronica, hindi rin siya naniniwalang ako ang anak niya?

“Ate is right.. ako po ito.. si Sofia. I’m sorry it took me six long years to be back. Pero heto na po ako. Hindi na ako aalis at sana, maniwala kayo. Handa po akong mag pa DNA test kung iyon ang ikakapanatag ng lahat.”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top