CHAPTER 41

Cousin


Sa buong biyahe ay hindi ko magawang ipikit ang mga mata. Sa halip, nanatili akong nagmamasid sa mga lugar na binabaybay ng bus. It’s not actually that troublesome. In fact, I enjoyed watching the vast green trees, rice fields, extravagant and long bridge, hills, and a lot more that our country are proud to have. Ilan lang iyon sa magagandang tanawin na bumusog sa mga mata ko.

Hindi ko pinagsisihang sa halip na matulog at maghintay ng panibagong panaginip mula sa nakaraan, mas pinili kong pagmasdan ang magandang kapaligiran. Si Rhys ang nagpapaalala sa aking kumain na dahil maging iyon ay nakaligtaan ko. Hanggang sa hindi ko na lang namalayan ang oras at nasa syudad na kami.

“Saan tayo, Miss Ganda at Mister Pogi?” nakangising tanong sa amin ng driver.

Sa taxi kami sumakay, at kahit labag si Rhys dahil mahal daw ang singil hindi ko na iyon pinabuluanan. May natitira pa naman akong pera, sapat pa iyon hanggang sa makarating kami sa bahay. Isa pa sa mga dahilan kung bakit ko piniling mag taxi kami dahil hindi ako sigurado kung tama ba ang lokasyong naalala ko.

“Sa Perez residence po, Manong..” nakagat ko ang pang-ibabang labi ng mula sa salaming nasa itaas, nakita ko ang pagkunot ng kaniyang noo.

“Ang daming Perez dito, Ma’am. Kung isa-isahin natin, tiyak na aabutin tayo umaga."

Malalim akong napalunok. Sumulyap ako kay Rhys na mukhang kanina pa ako pinagmamasdan. Tipid akong ngumiti bago sinabi ang address na naalala. Nagdadalawang isip ako sa lugar na iyon. It was just a faint memory of my childhood. I was only eight years old.. I don’t even know if it was right. But if we got this wrong, we’ll search again. I can’t quit, now that I am already here..

Nang huminto ang aming sinasakyan sa isang matayog na gate at may dalawang mukhang security guard na nagbabantay sa labas, kinabahan agad ako.

“Magkano, Manong?” narinig kong tanong ni Rhys.

Hindi ko matanggal-tanggal ang tingin sa mansyon, malakas na kumakabog ang dibdib ko at para na akong mabibingi nito.

“580, bosing!”

Agad na lumipad sa driver ang tingin ko sa naging sagot niya. Halos lumuwa ang mata ko sa sinabi niyang presyo!

“Ho? Bakit ang mahal, Manong?”

May pera pa naman kami pero hindi ko lang talaga inaakalang ganoon kalaki ang sisingilin niya sa amin!

“Eh, Ma’am.. lahat ng mga bilihin ngayon nagmamahal na. Wala na kayong mahahanap na mura, kahit si Sir nga mahal kayo..” rason pa nito.

Tumikhim si Rhys, matalim ang tingin sa driver. Tumawa naman ang huli.

"Hindi ka naman nagbebenta.." bulong ko pa.

Napakamot ito sa sariling batok.

“Ang pinupunto ko po ay kahit pangunahing pagkain natin nagtataas ang presyo, kasunod na roon ang langis na bumubuhay sa makinang nagpapatakbo ng taxi ko. Saka airconditioned po kasi ang sasakyan ko. Naging komportable naman kayo diba, Ma'am?" pilyong ngumisi ang driver.

Napabuntonghininga na lang ako. Mukhang ito ang tinutukoy ni Rhys tungkol sa mga ganitong klaseng sasakyan. Sana lang ay nasa tamang lugar na kami nang sa ganoon ay hindi sayang ang pinamasahe namin.

I payed him six hundred pesos. Hindi ko na kinuha ang sukli na agad nitong pinagpasalamat. Dala-dala ni Rhys ang tatlo naming bag habang ako ay tanging shoulder bag na lang. Agad na dumapo sa amin ang tingin ng mga bantay nang mamataan kaming papalapit.

“Sino ang sadya natin?” the security guard hastily asked when we stopped before them.

I sighed heavily and gathered all of my strength to tell them what we really need.

“Uh.. dito po ba nakatira sila Regina at Franciss Perez?” kinakabahang tanong ko sa kanila.

Nagkatinginan ang dalawang guard. My eyes narrowed at gun on the side of their hips. I don’t know if those were real, or not. Either way, my chest continued to hammer. My hold in the strap of my bag tightened as I waited for their response.

“Ito nga,” bruskong sagot ng isa.

“Ano ang maitutulong namin sa inyo?” ani naman ng lalaking may malaki ang katawan, he got a huge belly too. Nakangiti naman ito kumpara sa una na halata ang pagiging strikto ng mukha.

I sighed in relief knowing we’re in the right place. I stepped forward and was about to tell them I’m the daughter of their boss, when a hand halted me.

Nilingon ko si Rhys na ngayon ay hawak na ang pupulsuhan ko. Nasa harap ang tingin niya at wala sa akin. Sinubukan kong kunin ang sariling pulso pero mahigpit ang hawak niya roon.

“Rhys let go,” I orderd, getting confused of his movement.

He only side glanced me, but peered at the guards again. Napasinghap ako. what is he doing?

“Nariyan ba sila Mr. and Mrs. Perez?” he asked, ignoring my stares.

“Sino ba sila?” kumunot ang noo ng guwardya, tila hindi nagugustuhan ang nangyayari.

“Are they here?” si Rhys sa matigas na boses.

“Wala! Iyong pamangkin lang ang narito ngayon. Kasalukuyang nagbabakasyon ang pamilya nila.”

My head snapped at their direction. It was the softy guard who answered, and I don’t know if I should be pleased or what!

“Manong ako po ay an—“

“Maraming salamat,” Rhys cuts me off again. “Halika na, balik na lang tayo.” sabi niya sa akin.

Nilingon ko siya kunot ang noo.

“I’ll them the truth, and we’ll just wait until they return. Nasa loob daw ang pinsan ko, at hindi ko pa alam kung sino pero alam ko.. he or she will recognize me.”

“Aalis tayo sa ngayon at babalik na lang kapag dumating na sila. Come on,” Rhys tilted his head, like urging me to follow him.

“No. Why will we leave?” tanong ko, nagugulumihanan. “Rhys, narito na tayo. Ilang oras ang biniyahe natin para ano? Para lang sa wala?”

Pumikit siya ng mariin saka ako sinubukang hawakan na agad kong inilingan.

“Kung gusto mo ikaw ang umalis.” paninindigan ko.

Sinipat ko ang mukha ng mga guwardya bago binalik ang tingin sa kaniya.

“Their faces aren’t familiar. Baka nag-iba ng security sila Dad, but that’s not the point here. I will stay and enlighten them who I am. If they don’t believe me, my cousin is just inside the house. Papaniwalaan niya ako..” mariin kong sagot.

Umiling si Rhys.

“All of this wouldn’t be in vain, trust me. You just have to listen to me.” he said in a mellow voice.

Rhys always does that whenever I am feeling frustrated or at the peak of my emotion. Hindi niya sinasabayan ang galit at frustration ko. Natutuwa ako kapag ganoon siya, pero hindi sa puntong ito.

“Aalis na muna tayo sa ngayon at babalik na lang kapag dumating na ang mga magulang mo. I’ll give them my number where they can contact us once they’re back.“

I firmly shook my head. There is no way I’ll leave this place. Narito na ako at hindi ko pwedeng sayangin ang pagkakataon.

“Kung magtatalo kayo, maari bang huwag rito sa aming harapan? Humaharang tayo sa daan.”

Pareho kaming bumaling sa guard nang magsalita ito. Suminghap ako at lakas loob na hinarap siya. I felt Rhys moved on my side, but I am determined.

“Manong, ako po iyong pangalawang anak ni Mr. at Mrs. Perez. May contact number po kayo sa kanila? Can you tell them I am here?” I smiled warmly.

Naramdaman ko ang paghawak ni Rhys sa akin pero agad ko iyong tinanggal, hindi nag-abalang tignan siya.

“Tell them I’m back, Manong.. na hinihintay sila ni S-Sofia..”

Nagkatinginan ang dalawang guwardya, bago binalik sa akin. Muli akong ngumiti. My insides are shaking. Kanina pa ako kinakabahan pero mas lumala iyon ngayong narito na ako.

"Baka po pwedeng tawagan niyo sila. Sabihin niyo emer—"

Hindi ko natapos ang dapat sabihin ng biglang silang natawa. Mas malakas iyong tawa ng guwardiyang palangiti kumpara sa palaging seryoso.

“Ma’am pinatawa niyo naman kami, grabe!” the softy guy said, followed by his insulting laugh.

“Nasa maling lugar kayo, hindi ‘to mental hospital.” sabi naman ng isa.

My cheeks instantly flared up. Nangapa ako sa sasabihin, tinamaan ng kahihiyaan. Pinaparatangan ba nila akong baliw? Pero nagsasabi ako ng totoo!

“Uh.. t-totoo po. I’m Sofia Grace Perez..”

I bit my lower lip and peered at Rhys. He isn’t looking at me, rather giving the two security guard deadly glares. And if looks could kill, the two are probably lying lifeless now.

“Imposible po iyon, parang sinabi niyo na ring ako kapatid ko si Robin Padilla at tatay ko si President Rodrigo Duterte!”

"Bumalik kayo sa lungga niyo at huwag dito magkalat! Isturbo kayo sa trabaho namin!”

I balled my fist as I tried to calm myself. I breath in and out, the same technique Rhys always told me whenever I’m experiencing a panic attack.

“Magdadahan-dahan kayo sa pananalita niyo. Wala kayong karapatang husgahan ang pagkatao ng kasama ko.” Rhys said in a stern voice.

“Mabuti pa umalis na lang kayo kung ayaw niyo lang ding makarinig ng katotohanan. Dahil hinding-hindi namin kayo hahayaang makapasok!” ani ng gwardiya saka muling natawa.

Lalong tumalim ang tingin sa kanila ni Rhys. The veins on his neck popped, indicating his controlled anger. His jaw is also clenched and I can already sense trouble. So before he could do something he will regret, I touched his arm and caressed it afterwards.

“Kahit hindi na lang po ninyo kami papasukin, Manong. Dito na lang po kami sa labas..” I said and dropped my gaze at Rhys.

Napahinga ako nang malalim ng bahagyang kumalma ang kaniyang itsura, subalit nanatiling kunot ang noo. Ngumiti ako sa kaniya nang lumingon sa gawi ko, doon lang nawala ang gitla sa kaniyang noo.

“Hindi kayo pwedeng manatili rito na parang manlilimos. Umalis kayo bago pa dumating si Ma'am!”

Natigilan ako. Kung gano'n wala sa rito ang pinsan ko. I hope he or she will be home immediately. Malakas ang pakiramdam kong papanig siya sa akin, o maniniwala kung sabihin kong ako ang pinsan niya.

“Hihintayin po namin siya at gusto ko itong makausap. Kung pamangkin siya ni daddy, papaniwalaan niya po ako.” muling pakiusap ko.

Once again, they laughed mockingly.

“Anong daddy? Pwe!”

“Hija, hindi ka ba kinakabahan diyan sa mga sinasabi mo? Kami kasi, nangingilabot..”

I pressed my lips together. Para na akong maiiyak sa mga naririnig at sa mapang insulto nilang tawa. Bakit sila ganito. Totoo naman ang sinasabi kong ako ang anak ni Daddy Franciss na amo nila. Ilang taon na ang lumilipas pero imposibleng hindi ako maalala ng sarili kong mga magulang. Kung sana..

“Uulitin ko, umalis na kayo rito bago naming kayo isuplong sa mga pulis!” pagtataboy pa nila.

“P-Pero pakinggan niyo muna ako, Manong. Totoo po ang sinasabi ko!”

I felt Rhys firmly captive my wrist again. “Tama na, kahit anong sabihin mo hindi ka nila paniniwalaan.”

“But Rhys..” namamasa ang matang nilingon ko siya.

Our gaze met and his eyes darkened. He hates it when I cry, but having this situation. It’s inevitable for me to shed tears. Halo-halong sakit, pagod, at panghihinayang ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. I haven’t sleep a wink because I am too excited to finally meet them. Miss na miss ko na sila at ito ang sasalubong sa akin. Ang paratangan akong baliw at ipagtabuyan.

"Manong please po, hindi kami manggugulo. Dito lang kami sa gilid hanggang sa dumating iyong..pinsan ko." I desperately begged.

Humalakhak silang muli, nanunuyang tumingin sa akin.

“Kahit sino walang maniniwala sa’yo dahil matagal ng patay ang pangalawang anak ni Senyor na babae! Baka nga inaagnas na ang katawana nun ngayon!”

Parang biglang na blangko ang isip ko sa sinabi ng guwardya. It was like a bomb just exploded right before my eyes, and I was left..paralyzed.

“Kahit sino walang maniniwala sa’yo dahil matagal ng patay ang pangalawang anak ni Senyor na babae! Baka nga inaagnas na ang katawana nun ngayon!”

His words echoed in my head. Pumikit ako nang mariin ng biglang kumirot ang ulo ko. 

"I'll kill these assholes! Damn them!"

"C-Call anyone! We need some help, don't just sit or we'll die here!"

Sinapo ko ang noo, biglang nahihilo. Kaninong boses iyon? This is the first time I heard that voice..and it's feminine. Para rin iyong nag papanic.

“Let’s leave for now. I promise we’ll be back tomorrow..”

Sa gitna ng mga boses na iyon, pumaibabaw ang malambing na tinig ni Rhys.

“Huwag na kayong bumalik at nag aaksaya lang kayo ng panahon!”

My eyes then drifted to the man in front of us. They have no remorse. Ang sama-sama ng ugali nila at hindi man lang kami trinato ng tama. At patay? Paanong patay eh narito pa nga ako.. humihinga at buhay na buhay?

“Tumahimik kayo!” sigaw ni Rhys.

Sinipat niya ang mukha ko, bakas ang pag-aalala sa mukha. I was still holding my temple as my head continue to pound.

“Kailangan mo munang magpahinga. Maghahanap tayo ng matutuluyan at doon magpapalipas ng gabi. Hindi ka pwede rito, nakita mo naman ang inasta ng dalawang ito.”

Wala sa sarili akong napatango. I closed my eyes. I felt weak and worn out. Wala na ako sa sarili at nangingibabaw ang matinding pagkirot ng ulo ko. Rhys was holding my arms as we took a steps away from the mansion. Hawak niya pa rin ang tatlo naming bags at hindi ko alam kung paano niya iyong nagagawa.

I don't want to leave, but my head is aching so bad. It isn't cooperating!
I took a brief glanced at the back and saw the guards, talking and will laugh looking at our retreating back. My heart clobbered remembering their words.

So I am dead huh. In their lives, Sofia isn’t existing anymore rather is resting peacefully six foot under the ground. Now it make sense why all this time.. I wasn’t found. Maaring dahil sa aksidenteng natamo ko kaya nila sinabing patay na raw ako, pero wala namang bangkay na nakuha. O, wala nga ba?

Tuluyan akong napaluha. Sinabunutan ko ang sarili at pinilit alalahanin ang aksidenteng kinasangkutan ko. My frustration grow more when I remember nothing but throbbing head!

“Anong..sandali..teka, Sofia huminahon ka!”

Both of us stopped walking. Kinulong niya sa sariling palad ang mukha kong basa ng luha. Sa nanlalabong mga mata, nakita ko ang ilang beses na pag-iling ni Rhys.

“Tahan na please.. huwag mong saktan ang sarili mo...”

Ngunit sa halip na iyon ang mangyari ay mas lalong bumuhos ang luha ko. Ang bigat at sakit sa dibdib malamang wala na pala ako sa buhay ng pamilya ko.

“A-Ang s-sama nila, Rhys. Tinaboy nila tayo..” sumbong ko na parang wala siya roon.

Pinahid niya ang luhang tumulo sa pisngi ko, ramdam ko pa ang panginginig ng kaniyang hintuturo.

“Rhys.. h-hindi nila tayo nirespeto. Tinawag nila akong baliw.. na may sayad daw ako sa utak, d-dahil..” I bite my trembling lips.

“Sssh.. you’re not okay? Sila ang may sayad dahil walang matinong lalaki ang mangbabastos ng babae..” I noticed how his jaw moved. He seemed furious.

“G-Gusto ko lang namang makita ang mga magulang ko..masama ba iyon?” Mas lalo akong naiyak sa isipang hindi ko sila makakasama. “Rhys.. ‘d-di pa ako patay. P-Pero sabi nila..”

I’ll try again. Nasaktan ako pero hindi ako susuko. After knowing that I am dead in their eyes.. the more I am determined to prove them wrong.

“B-Balik tayo, Rhys.. subukan ulit natin..” bulong ko sa gitna ng paghikbi.

“Y-Yes..” he took a deep breath. “Babalik tayo at sisiguraduhin kong hindi ka na babastusin ng mga taong iyon. Papasukin ka sa bahay niyo at hihingi sila ng tawad sa’yo..”

Tumatango-tango ako, napanatag sa sagot niya. I wiped my own tears and despite of my throbbing head, I managed to gave him a smile. His words are promising. Wala pa siyang binitawang salita na hindi natutupad. Pinanghawakan ko iyon.

“Pero hindi muna ngayon. Ang dapat nating gawin ay maghanap ng  matutuluyan at nang makapagpahinga ka.”

“Wala na tayong pera..” sabi ko sa mahinang boses.

Maliit na lang ang natitira sa perang naipon ko. Hindi na iyon kakasya para kumuha kami ng hotel.

“The hotel cost an arm and a leg. We can’t afford it.” bulong ko, ang boses ay puno ng lungkot.

Natatawang hinaplos ni Rhys ang buhok ko.

“Who says we’ll stay in a hotel? Ang daming mauupahang bahay o kahit bed space ngayon. Doon tayo at hindi sa mamahaling hotel na sinasabi mo.”

“Huh? May ganoon ba?” tanong ko, naguguluhan.

He chuckled. “Uh-huh.. now shall we go?”

“Pero iyong pambayad.. baka kulang pa ang pera natin.” muling rason ko.

Ngumuso si Rhys, tumingala na tila nag-iisip. Kinuha ko ang pagkakataong iyon para tignan ang paligid. Papadilim na at delikado nga kung dito kami magpapalipas ng gabi sa daan.

“I know s-someone.. uutang na lang ako sa kaniya.”

Dumako ang tingin ko sa kaniya.

“Baka mabaon ka na sa utang, Rhys. Ang dami mo ng pinagkakautangan.”

“Gagawin kong pangbayad ang sarili ko kung hi—“

Pinalo ko siya sa braso sanhi ng kaniyang pagtigil. Natatawang umatras si Rhys, naglalaro ang ngiti sa labi.

"Sira ka,"

He stared at my face, the playful smile disappeared.

“Huwag mo ng sasaktan ang sarili mo. You can hurt me instead. Sa akin mo ibunton ang inis, galit o anuman iyan.." namumungay na ang matang dinungaw ako. "Don't be too hard on yourself, Sofia. I'm here.. you're not alone.."

I have no idea where we’re heading. Tuluyang dumilim ang paligid pero patuloy pa rin kami sa paglalakad. Kampante ako dahil kamasa ko si Rhys. Mabigat pa rin ang loob ko at parang ang hirap huminga kapag binabalikan ko ang tagpo sa labas ng mansyon ng sarili kong mga magulang. Pero ngayon, may punto siya. Kailangan ko munang magpahinga at susubok ulit bukas.

Pagkatapos ng ilang oras na paglalakad, sa wakas ay nakahanap din kami ng matutuluyan pansamantala. Isang kwarto iyon at may double deck. Though it is not that spacious. Kahit lamesa ay wala pero ayos lang din daw at ang katre sa ibaba ng double deck na gawa sa plywood at kahoy ang gagawin naming lamesa pansamantala.

There are other boarders too. Mostly students at kami lang yata ni Rhys ang hindi. Mabait naman ang landlady maging ang ibang nangungupahan sa bahay.

Binilang ko ang tirang pera habang si Rhys ay nasa labas, may katawagan. Siguro iyong pangungutangan niya. Gano’n na lang ang panlulumo ko ng makitang hindi na iyon aabot sa isang libo. Kulang ito sa isang buwan renta. Hindi naman kami magtatagal pero nangangamba akong matagalan pa bago ako makauwi sa bahay.

Nang bumalik si Rhys sa kwarto ay madilim na naman ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Hindi iyon maipinta. Ang makapal na kilay ay magkasalubong na tila pinapahiwatig na hindi naging maganda ang naging takbo ng kanilang usapan.

“A-Anong problema?” tanong ko, ang kaba ay nanalaytay sa sariling boses.
Naupo siya sa akin tabi saka huminga ng malalim.

“H-Hindi ka ba nakapangutang?” tanong kong muli.

Sa pagkakataong ito, nilingon ako ni Rhys saka ito bahagyan ngumiti.

“Ayos na,” He tucked some strands of my hair into my face. “Nakautang ako at bukas na bukas din babalik tayo sa bahay..niyo.”

Malaking tulong na maraming kakilala si Rhys at madali siyang nakapangutang. Hindi na siya umalis para kunin ang pera dahil naipadala na iyon gamit lamang ang cellphone. Nakakamangha ang kapangyarihan ng teknolohiya sa panahon ngayon. Personal appearance isn’t needed for money transactions. Isang click na lang sa telepono magkakapera kana.

“Kinakabahan ako, Rhys. Paano kung hindi na naman tayo papasukin?”

Hindi sumagot sa akin si Rhys at pinanatili ang tingin sa harap. Kabadong-kabado ako. Taimtim din akong nagdasal n asana nakauwi na sila Mommy nang sa ganoon, hindi ako mahirapan.

Kasalukayan na kaming naglalakad pabalik sa mansyon. Alas sais pa lang ng umaaga at sa halip na sumakay ng tricycle o taxi, mas pinili kong maglakad na lang para exercise na rin.
Sa malayo ay kita na namin dalawang nakauniporme na tila tanod na nagroronda. Dumoble ang kaba ko lala pa nang tuluyang kaming makalapit.

I was expecting a violent reaction from them or they’ll mocked me again but the opposite happened when they saw us.

“Pasensiya na kayo Ma’am sa inasal namin kahapon..” nakayukong saad nang guwardiya, iyong parang mainit lagi ang ulo.

“Ako rin, Ma’am. Pinagsisihan ko pong tinawanan namin kayo.. at tinawag na ba..” tumigil naman ang isa na tila ayaw tapusin ang salita.

Umawang ang labi ko. Napatingin ako kay Rhys at seryoso lang itong pinagmamasdan ang dalawang guwardiya na hindi masalubong ang aming tingin.

Anong nangyari? Bakit sila nagkakaganito?

“Hindi na po iyon mauulit. Patawarin niyo po sana kami, Ma’am..” they said again.

Gulong-gulo ako sa inasta nila. Parang kahapon lang ay kinukutya nila ako, pinagtatawanan pero ngayon..

"Nagpadalos-dalos po kami, hindi nag-iisip ng tama. Sana po ay bigyan niyo kami ng pangalawang pagkakataon.."

Matagal ko silang pinagmasdan, mukha naman silang nagsisisi. Sa katunayan, mabuti at alam nilang mali ang ginawa nila kahapon. The important thing is they learned from their mistake and promise not to repeat the same history again.

“Uh, sige po.. pinapatawad ko na kayo. Sana lang ho huwag na itong maulit. Masama po ang manghusga sa ating kapwa lalo pa at hindi natin alam ang kanilang pinagdaanan. Maging aral sana ito sa inyo..”

They nodded but their heads are still hanging low.

"Pwede niyo po kaming papasuki—"

“Opo! Pwede kayong pumasok!” putol sa akin ng guwardiyang palangiti.

Lumiwanag ang mukha ko. Nilingon ko si Rhys pero gano’n pa rin ang kaniyang mukha, masiyadong seryoso.

“Narinig mo ‘yon, Rhys? Pinapapasok nila tayo!” masayang pahayag ko.

Someone cleared his throat.

“Bilin sa amin ay kayo lang ang papasukin, Ma’am. Hindi kasama ang lalaki.”

My smile faded with their next statement.

"What?" I asked, dumbfounded.

"Kayo lang po ang pwede sa loob.."

Bumaha ang gulat sa aking mukha pero si Rhys ay ngumiti lang. He closed the distance between us until I felt something on my hand. Bumaba ko ang tingin doon at nakita ang cellphone niya.

“Naka save ang numerong maari mong tawagan diyan kapag may kailangan ka. Hanggang dito lang ako, pero tatandaan mong palagi akong narito para sa’yo Sofia..” binasa nito ang pang-ibabang labi habang mariin ang titig sa akin.

Umawang ang labi ko.

“Rhys, h-hindi naman..” I trailed off, finding hard to construct a word.

He smiled warmly.

“Kahit naman hindi na tayo magkasama, hindi ibig sabihin na kakalimutan na kita. Isa pa, malakas ang kutob kong hindi ito ang huli nating pagkikita.” sabi niya sabay natawa.

Parang pinipiga ang dibdib ko habang nakatingin sa kaniya.

“Panahon na para buuin mo ulit ang sarili mo.." I felt him caressed my cheeks. "Palaging bukas ang tahanan ko para sa'yo.. anumang oras at panahon. Kapag tuluyan ka nang magaling at may mga katanungan ka.. puntahah mo lang ako, you know where to find me."

Hinila niya ako hanggang sa kaharap ko ang kaniyang dibdib at yakap-yakap ako. Naramdaman ko ang paghalik niya sa tutok ng ulo at saka bumulong.

“Be happy now, Sofia. You deserved it..”

Hindi rin kami nagtagal sa labas ng gate dahil siya mismo ang nag-udyok sa aking pumasok. Kahit gulong-gulo, wala akong ibang pinagpilian kung 'di ang iwan siya. I was scared but he assured me I’ll be fine.

Nakadepende na yata ang buong buhay ko kay Rhys na ngayong kailangang naming maghiwalay, parang ang hirap. Pero kailangan kong magpatuloy. Hindi ko siya dapat biguin.

May sumalubong sa aking maid na bagong mukha ng makapasok ako sa gate. Mahaba pa ang nilakad namin at kinuha ko ang pagkakataong iyon para itanong kung narito pa ba sila Nay Esma.

"S-Sila Emma po ba, naninilbihan pa rito?"

Tila hindi niya inaasahan ang pagbubukas ko ng usapan. Para siyang nag-isip ng sasabihin bago ako tuluyang sinagot.

"Umalis silang mag-ina noong nakalipas na taon. Umuwi sa kanilang probinsiya."

Naintindihang napatango ako. Nalulungkot na hindi ko sila naabutan. But on the other hand, I think they have the right to live their own life aside from serving our family.

Tinikom ko na lang ang sariling bibig at tinuon ang atensyon sa nilalakaran.
Marangya ang bahay. Nagsusumigaw ng gitno at kayamanan na halos manliit ako sa sarili. I felt so out of place with my black skinny jeans and greay V-neck shirt. I didn’t dwell much about it since a fine lady, sitting on a couch with a wine glass on her hand caught my attention.

Nasa living room na siguro kami batay sa mga mamahaling muweblas, malaking chandelier sa taas, at painting ng isang buong pamilya ang nahagip ng mga mata ko bukod sa babaeng umagang-umaga ay umiinom ng alak. Nagtagal ang tingin ko sa painting.

Napuno ng galak ang puso ko ng makita ang mukha sa panaginip ko. My eyes lingered on the woman with nice body figure. Kung titignang mabuti, pareho kami ng mukha ang pinagkaibahan lang ay puti iyon at ang mukha ay makinis. Maging iyong haba ng aming buhok ay naiiba rin. But I know it's me. I smiled while looking at the family picture. Si Dad, Mom, Ate Giselle at ang bunso namin..

I'm finally home..

“Ma'am, narito na po siya..” the voice of the maid snapped me out of my monologue.

Napunta sa sa babaeng nakatalikod ang atensyon ko. Senyasan ako ng katulong na lapitan siya kaya naman iyon ang ginawa ko. The woman, which I assumed is my cousin didn’t even move a bit. We were already on her side but her gaze was fixated on the glass she’s currently holding.

“Uh.. h-hello g-good morning..” mababang boses na ani ko.

Kumunot ang noo ko nang makita ang gilid ng kaniyang mukha. Ayon na naman ang pamilyar na pakiramdam na tila nakita ko na siya noon.. hindi ko lang maalala ang eksaktong detalye.

“Ikaw ba ang pinsan ko?” agad kong tanong na kinataas ng kilay niya.

Sinipat ako ng babaeng kasambahay, matalim ang tingin. Napalunok ako at agad na binalik ang tingin sa babae na ngayon ay kasalukuyan ng sumisim ng alak. Ang aga niya pang uminom. Nag-almusal na kaya siya?

“Ako nga pala si Sofia. Siguro nasabi na ng mga guwardya sa labas ang pakay ko at alam mo na ang totoo. Pasensya na kung ngayon lang ako nagpakita.. gusto ko sanang malaman kung kailan ba ang balik nila Mommy?”

Bigla siyang tumayo, pinaglalaruan na ngayon ang basong may laman ng pulang likido. My lips parted for a bit. Ang ganda niya! Kahit wala siyang make-up sa mukha. Nakalugay lang ang mahaba niyang buhok at ang kaniyang suot na pantuloy ay abot hanggang sa talampakan.

Ano nga ba ang pangalan niya?

“Mommy, huh..” narinig kong bulong niya, tinignan ako mula ulo hanggang paa.

Natutop ko ang sariling bibig, hindi alam ang sasabihin. Napansin ko ang mapanuyang ngisi niya bago muling uminom.

“O’o.. alam kong mahirap paniwalan pero hindi talaga ako totoong p-patay. Nag ka amne—“

Tumigil ako sa pagsasalita ng itaas niya ang hintuturong daliri sa ere. Inubos niya ang laman ng baso bago ito linahad sa katulong na agad nitong tinanggap. Umalis ito, siguro ay dadalhin sa kusina.

“Ano nga ulit iyong pangalan mo? Hindi ko kasi maalala. Maaring nagkita na tayo noon, pero mga bata pa tayo. I don’t quite remember your face.” ani ko saka ngumiti.

Tumaas ang sulok ng kaniyang labi, wala pa ring sinasabi at nasa akin ang paningin. Tila kinikilatis ako ng maiigi, pero hindi ko nagugustuhan ang paraan ng kaniyang pagtitig. Para iyong nangungutya. Isama pa ang paminsan-minsan nitong pagngisi na may pinapahiwatig.

Nakabalik na muli ang kasambahay at tumabi sa akin. Doon dumapo ang tingin ng pinsan ko.

“Introduce her to the rest of the maids. You know what to do, Celine..” sabi niya sa istriktong boses.

Nanlaki ang mga mata ko. Pakiramdam ko ay tinakasan ng kulay ang mukha ko lalo pa nang mariin akong hawakan sa braso noong Celine.

“Ho? Pero nagsasabi ako ng totoo! Ako si—"

“Shut up, you delusional woman!” tinuran niya, matalim ang tingin sa akin.

Napasinghap ako.

“Don’t you have a mirror and see yourself? You filthy rug,” she insulted, her eyes turning bloodshot. “Whatever the hell you do, you will never be her. You’re crazy to say you are my precious cousin when it is pretty obvious you’re not.”

My eyes were wide as my lips trembled with her choice of words.

“H-Hindi po, nagsasabi talaga ako ng totoo.” bulong ko, nanlalabo na ang mata.

Muli siyang humalakhak na sa lakas no'n ay nag echo pa sa loob ng bahay.

“Hmm, paano naman po iyon nangyari eh ang tagal ng nakalibing ng pinsan ko?” tanong niya, ginagaya ang boses ko. Nagpahid pa ito ng sariling luha dahil sa kakatawa.

Napalunok ako, nagbabara ang lalamunan.

“K-Kung ganoon..bakit..bakit niyo ako pinapasok?”

Sumeryoso ang kaniyang mukha. She even crossed her arms and arched a brow at me.

“Well, kulang kasi kami ng katulong. You came just in time for it,”

Nagbaba ako ng tingin, kunot ang noo at prinoproseso ang nangyari. Hindi niya ba ako namumukhaan? Kahit sabihing nagbago ang kulay ng balat ko at may ilang peklat ako sa mukha, dapat alam niyang ako pa rin ito.

“Celine, show her the storage room. Doon ka matutulog habang narito ka sa puder ko. You’ll do the house chores together with the maids. I don't want you hanging around the mansion like a supervisor."

“Ano.. hindi na po aalis na lang ako!” agap ko.

Nagsalubong ang kilay niya.

“And you think I’ll let you do that?” gumuhit ang isang ngisi sa labi niya. “Pagsisihan mo ang pagpunta rito, baliw.” she added and leered.

Parang gumuho ang mundo ko. Ang akala kong magiging kakampi at bagong buhay kasama ang mga magulang ko ay bigo akong maabot. Paanong hindi niya ako pinaniwalaan?

Kahit siya na pinsan ko ay hindi man lang ako binigyan ng pagkakataong magpaliwanag. Worst is, she called me names like the guards outside..

“Siya ba iyong pinagkakalat na pinsan ni Ma’am, Celine?”

Hawak ang aking braso, tinangay ako nang Celline patungo sa likod ng kanilang bahay kung saan may isa pang mukhang katulong. 

Nakapamaywang itong nakaharap sa washing machine na agad na bumaling sa amin ng makita kaming papalapit. Marami silang labahang nakatambak pero halos mga sapin at kurtina ang nakikita ko.

“Siya nga,”

Natahimik ako lalo pa nang nagtawanan silang dalawa.

“Naks naman, kapal ng mukha ah? Kita mo ba ang itsura mo? Mas maganda pa nga ang kuko ko sa paa kaysa sa'yo!”

“Ang dyosa ng pinsan ni Ma’am. Ang puti-puti nun at mala anghel ang mukha, ikaw negra na nga mukha pang aswang!” si Celine sabay ng paghampas sa akin.

“Hindi naman ako negra. Morena ang tawag dito, sa isla rin kasi ako nakatira at naglalako ako roon ng—"

“Kwento mo kay kuya Will at nang magkapera ka. Bruhang ‘to, may pa tawag-tawag pa siyang Mommy, hindi na nahiya!”

Nakagat ko ang pang-ibabang labi. Parang may mabigat na bagay ang nakadagan sa katawan ko at kay hirap huminga.

Mula sa likod may tumulak sa akin sanhi ng pagluhod ko sa basang sahig. I felt them throw something at my face followed by their insulting laughter’s. Agad ko iyong hinawi sa aking mukha at napansing mga basahan iyon..

“Oh ayan Senyora, maglaba ka!”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top