CHAPTER 40
Travel
“Gabi na, sa loob na natin ito pag-usapan.” tanging nasabi niya bago ako inakay papasok.
Madilim na nga ang paligid. Maliwanag na ang loob ng aming bahay maging ang ilan pang mga kapitbahay. Pagkapasok sa loob, naupo ako kaharap ang aming lamesa. Si Rhys ay nagsalin ng tubig sa baso saka ito binigay sa akin.
“Uminom ka muna..”
Tinanggap ko ito at tahimik na ininom. Rhys tucked some strands of my hair while I’m in the middle of drinking. After finishing the glass of water, I put it in the table and give my attention to him. Seryoso niya akong pinagmamasdan. Walang bahid ng ngiti.
“Does your head’s giving you trouble?” he said, his eyes roaming in my face. “Gusto mo, masahiin natin?”
Umiling ako. Natigil na ako sa pag-iyak pero ramdam ko pa rin ang hapdi ng mga mata ko. My eyes then narrowed at his shirt which is now soaked with my tears. Napakagat labi ako. I did that. But he looked unbothered with his wet shirt.
“Uh.. Rhys, iyong tungkol sa sinabi ko. Matutulungan mo ba ako?”
Seryoso ako sa sinabi kong gusto ko silang makita. I missed them. I’m certain they’re all worried sick of me now. Ilang taon din akong nawala. Knowing them, I know they won’t just sit and do nothing. They'll surely find ways for us to be united.
Ang hindi ko lang maintindihan, bakit hindi nila ako matunton kung sakali mang hinanap nga nila ako?
“Charity—“
“Sofia Grace, you can start calling me with my real name. Iyon naman talaga ang dapat.” I gave off a smile but he didn’t return it.
“Malaki talaga ang pasasalamat ko sa’yo, Rhys. Utang ko sa’yo ang buhay ko. Huwag kang mag-alala dahil kapag nakaharap ko na ang mga magulang ko, ibabalik ko ang kabutihang pinamalas mo..”
His eyes dropped on the glass and didn’t open his mouth to respond. Pinagmasdan ko lang siya ng ilang sandali, tinatantya ang kaniyang reaksyon.
“H-Hindi ka ba masayang...nakaalala ako?” tanong ko nang mapansin ang malungkot niyang itsura.
Mabilis na dumapo sa akin ang paningin niya. Blanko at tila walang buhay. Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko bago tumayo at lumapit sa kaniya. I hugged him sideways. Instantly, I felt his shoulder tensed up.
“Kahit pa bumalik na ng tuluyan ang alaala ko, hindi kita iiwan Rhys. Katulad ng kung paano mo ako inalagan at hindi pinabayaan. I can get you hired in my parents company, or I’ll give you funds if you want to build your own name. Whatever you want.. you’ll have my full support.” I said with utmost sincerity.
I’ll help him too. I won’t leave him. If he’s concerned I might just disappear, that will never happen. Kaming dalawa ang nagkasama sa ilang taon, panahon na para ako naman ang gumalaw.
“Hindi ako humihingi ng kapalit..” pinalibot niya ang kamay sa aking braso pero ang tingin ay nasa malayo. His adams apple moved for a gulped. “If anything, I want your full recovery. Mas gusto kong iyon ang ibigay mong kapalit sa lahat ng ito..”
May kung anong humaplos sa puso ko. Iyon naman lagi ang sinasabi niya sa akin. Ang mahalaga sa kaniya ay mapabuti ako.
“Makakaasa ka, Rhys.. gagawin ko ang lahat para muling makaalala. Ito na ang simula, at sana.. samahan mo ‘ko habang nilalabanan ang sakit na ito. Malakas ang pakiramdam kong malapit na..kaunting tiis na lang.”
His eyes downed on me. I smiled at him sweetly. Rhys looked away with a sigh and removed his hands. Tinalikuran niya ako at lumapit sa mga platong nakasalansan sa mga lalagyan.
“Bukas, sasamahan kitang mahanap ang pamilya mo. Kumain muna tayo. May binili akong letchong manok sa bayan, nakapagluto na rin ako ng kanin habang tulog ka.”
Tuwang-tuwa akong malamang handa niya akong tulungan. Nang gabing iyon ay nag-uumapaw ang saya ko. Iniisip na ang mga kaganapan sa susunod na araw. I don’t know how will I find them. We were at the beach with the dream I had earlier. Maari naman akong magtanong-tanong sa Isla Cali baka may nakakilala sa aking pamilya. Naisip ko si Nurse Conchita, maaring alam niya kung saan ko sila dapat mahanap! Mabuti na lang talaga at may kopya ako ng kaniyang numero.
I slept that night with ecstatic feeling. It deepened more when I woke up with another dream. This time, it was me and my sister in a mansion. Jubilant and contented. Kung kagabi ay wala akong ideya kung saan magsisimula, ngayon ay alam ko na! Hindi ko na kailangang humingi ng tulong kay Nurse Conchita para hindi na rin makaabala.
“Rhys sa Manila! Doon kami nakatira!” I exclaimed instantly upon seeing him.
Kasalukuyan siyang nagpapakulo ng tubig sa aming takure. Wala siyang suot na pang-itaas at nakabalandra sa aking harapan ang maganda niyang katawan. Nakahilig siya sa lamesa at kaharap ang aming stove, tila nasa malalim siyang pag-iisip na halos mapatalon siya sa naging bigla kong sigaw.
Patakbo akong lumapit sa gawi niya. Malawak ang ngiti at wala sa sariling kinawit ang braso sa kaniyang leeg.
“Oh god, I dreamt of them again! I saw their clear face now, Rhys. I saw them!" I giggled in enthusiasm.
Hinawakan niya ang baywang ko at pinirmi sa kinatatayuan. Hindi mapaglagyan ang saya ko na halos magtatalon-talon ako sa tuwa.
“Ang saya-saya Rhys! Kapag makauwi ako, malaki ang tyansang bumalik ang mga alaala ko!" natatawa akong humiwalay sa kaniya. “Ang saya sa pakiramdam. Nasa langit na ba ako, Rhys?” biro ko, sabay tawa.
Pinagtaasan niya ako ng kilay. Inilibot ang tingin sa buo kong mukha pababa sa aking katawan. Naalala kong hindi pa pala ako nakapag-ayos, baka may muta at tuyong laway pa ako sa baba!
“Kita ko nga. Sa sobrang saya mo, nakalimutan mong magsuot ng bra na hinarap ako at sabog pa ang buhok.” aniya sa malamig na boses saka ako agad na tinalikuran.
Napalunok ako ng laway. Doon ako natauhan at mabilis na inayos ang sarili. I glanced at my body and my eyes widen in horror. Isang ternong pajama ang suot ko, kulay lavender iyon at kahit hindi naman kita ang boobs ko, dahil sa ginawa kong pagyakap sa kaniya baka naramdaman niyang wala nga akong suot na bra!
Hiyang-hiya ako. Hindi ko siya matignan ng diretso sa mata kahit nang nag-uumagahan na kami. Nakayuko lang ako sa sariling plato, pinapakiramdaman siya. Siguro naman hindi iyon big deal sa kaniya.
This is not the first we hugged. There is even a circumstances that like what happened today, I am also not wearing brassier. Iyon nga lang, mabibilang lang sa daliri ang mga ganoong tagpo. Sa tuwing binabangungot ako, o biglang sasakit ang ulo ko sa gitna ng gabi habang mahimbing akong natutulog.
But today is different, Sofia!
“Nga pala, naubos ko na kasi ang perang nautang ko..”
Agad akong nag-angat ng tingin kay Rhys. Our gaze locked and I felt like he’s weighing my reaction. Tinuon ko ang atensyon sa kaniya at naghintay na matapos itong magsalita.
Sumubo ako ng kanin habang hindi pa rin humihiwalay ang tingin sa kaniya.
Hinagilap niya ang basong may lamang tubig at doon uminom. Nang maibaba niya ang baso saka pa lang siya nagpatuloy.
“Maghahanap muna ako ng pera bago tayo tumulak pa Maynila. Hindi kasi maganda kung aalis tayo na walang laman ang ating mga pitaka.”
“Tamang-tama pala ang ipon ko. We can use that to pay for our fare and foods..” I smiled while eating.
His expression hardened. Umigting ang kaniyang panga at tumiim ang labi na tila hindi nagustuhan ang naging sagot ko. Napakurap-kurap ako. What’s with the long face?
“Uh.. I think it’s enough to cover our travel expenses. Mag bus na lang tayo pagkarating sa bayan para magkasya ang perang naipon ko. Kung mag e-eroplano tayo, malaki ang tyansang hindi kumasya sa budget. With the foods, we can use the groceries you bought. Masasayang lang iyon kung iiwan natin dito…” I explained.
Tinambol ang dibdib ko sa hindi maipaliwanag na kaba nang ilang minuto na ang lumipas nanatili siyang tahimik.
“Ayaw mo ba?” Wala sa sarili akong napalunok. “Ano.. ayos lang naman kung ako na lang ang aalis.”
Binasa ko ang pang-ibabang labi. Nagtagpo ang aming tingin, ngumiti ako sa kaniya. Ilang segundo niya akong tinitigan bago bahagyang kumalma ang kaniyang mukha. Yumuko si Rhys at narinig kong bumulong-bulong pero wala akong narinig.
“Mas gusto ko sanang kasama ka. Ayaw kong iwan ka rito, Rhys. Pero kung mabigat sa loob mo ang pag-alis sa lugar na kinalakihan, wala na akong magagawa roon. Siguro, babalik na lang ulit ako kapag nahanap ko na ang tunay kong pamilya.” dagdag ko pa.
Nanatili ulit itong tahimik. Nakayuko at madalas ang buntonghininga. Napanguso ako. I know this is hard for him. To leave his hometown and be with the city. Kahit ako ay napamahal na rin sa Monhon, pero kailangan kong harapin ang masaklap na katotohanang hindi ako tiga rito. Hindi katulad niya, may pamilya akong naghihintay sa pagbalik ko.
It’s been years, and thinking about the pain they went through.. tormented, my heart breaks. Maaring hanggang ngayon ay nangungulila rin sila katulad ng pangungulila ko ngayon.
“Living in a province is peaceful. If I were to choose between a city and a place like this, a paradise, I would gladly go back here again and again. This island is a perfect place to stay if you wanted to achieve a peace of mind..” I trailed off, my mind is set from the scenarios of the past.
Kahit naman wala akong naalala, maganda pa rin ang naging buhay ko rito. Matiwasay, malayo sa sibilisasyon, preskong hangin at malaya kong napapagmasdan ang mga bituin sa madilim na kalangitan. It's just rare to see stars in cities.
“Kung sakali mang hindi ka sumama sa akin, babalikan pa rin kita. Ipapaliwanag ko sa mga magulang ko ang nangyari sa anim na taon at alam kong mauunawan nila kung gustuhin kong bumalik dito.. sa’yo."
Sa muling pag-angat ng tingin ni Rhys, namumungay na ang kaniyang mga mata. May maliit na ngiti sa labi at wala na ang bakas ng dilim.
“I’ll go with you..” aniya na kinalawak ng ngisi ko. “Pagkatapos nating mag-almusal. Maghanda ka na lang at pupuntahan ko lang si Jack para siya ang maghatid sa atin patungo sa bayan.”
Tumatango-tango ako.
“Magpapaalam muna ako sa mga kaibigan ko. Paniguradong matutuwa ang mga iyon sa ibabalita ko.."
“Siguraduhin mong lahat ng gamit ay nadala mo na.." mahina nitong sinabi. "I doubt you won’t leave me and pick this place when you finally remember everything.”
Sobrang saya ko na hindi ko na napagtuunan ang huli niyang sinabi. Idagdag pang parang sarili lang niya ang kausap sa hina na tila sinasadayang hindi iparinig sa akin.
Ganadong-ganado ako. Kahit nang matapos kaming kumain ay ako pa ang nag presintang maghugas. Si Rhys ay umalis as bahay at siguro pupuntahan si Jack. Samantanlang ako na naiwan ay siniguradong malinis ang hapag at lababo bago inayos ang mga dadalhin ko sa biyahe. Malakas na kumakabog ang dibdib ko sa saya dahil sa wakas makikita ko na rin sila.
Last night, I prepared myself. I constructed my ideas and stories if ever they’ll ask for my life during those years. Kung ano ang nangyari sa akin sa loob ng anim na taon at sa kung sino ang naging kasama ko, which they will eventually know since I’m bringing Rhys with me. I only hoped everything will fall according to how I imagined it would.
“Ano? Hindi ka si Charity?!” bulalas ni Menerva.
“At aalis ka? Bakit? Paano? Sigurado ka bang sa iyo ‘yong na panaginipan mo?” si Roberta. “Nag fact check ka na ba? Baka nagkakamali ka lang ha! Madalas din akong managinip na nasa palasyo raw ako, marangya ang buhay, pinagsisilbihan at maraming lalaking handang pakasalan ako!”
“Anong fact check? Wala nga siyang maalala, fact check pa kaya?” kunot noong binalingan ni Menerva si Roberta.
“Uso kasi muna ang ganoon para iwas sa fake news, at scam..” nakasimangot na saad ni Roberta.
“Saan na naman ba iyang utak mo? Talambuhay ni Charity ang pinag-uusapan natin may pa fake news, fake news ka pa diyan!”
Kapwa hindi makapaniwala ang dalawa ng marinig ang totoo kong pangalan at tungkol sa aking pamilya. I get their doubts. This might be a desperate move, but there is no harm in trying. Malakas din naman ang kutob kong ako nga ang batang iyon. Ate Giselle, my Mom and Dad, Emma.. all of them felt really familiar.
“Huwag mo kaming kalimutan dito, Charity este.. Sofia ha?” pilyong ngumiti si Roberta. “Kung may makilala kang gwapo na naghahanap ng isang morena, kulot ang buhok, biloging mga mata, papuntahan mo lang rito. Hindi siya mawawala dahil natatangi si Roberta, reyna ng Monhon!”
I smiled at her. Nakangiti si Roberta pero bakas pa rin ang kalungkutan sa kaniyang mga mata. Nasa dalampasigan kami kung saan naghihintay ang bangkang sasakyan papuntang bayan. Mula roon, sasakay kami ng bus na maghahatid naman sa amin patungong Manila.
“Aalis ka na talaga, alam mo hangad talaga naming gumaling ka sa sakit mo, eh. Pero itong iiwan mo kami..” malumalay ang boses na ani Menerva. “Kawawa ako kung wala ka. Mukha na lang ni Roberta ang makikita ko, wala nang maganda. Ikaw lang naman ang may angking talino at kagandahan sa amin dito.”
“Ayon, inamin mo ring pangit ka! Ku, Menerva buti pa nga ako morena gurl, ikaw mukhang uling!” gatong pa ni Roberta sabay halakhak.
Napangisi ako.
“Babalik naman ako rito. Tahanan ko na rin itong Monhon, iyon ay kung hahayaan niyo pa akong bumalik?”
Suminghap si Roberta.
“Aba eh, si Menerva lang ang hindi welcome dito! Kailangan tayong mga pretty face sa ikakauunlad ng ating barangay!”
Kung hindi pa ako tinawag ni Rhys ay baka naroon pa rin ako sa dalawa at nakikipagkulitan. Inalalayan niya ako pasakay sa bangka. Si Jack ang kasama namin. Sa gitna ako naupo habang si Rhys ay tinutulak ang bangka gamit ang kawayan. Roberta and Menerva stayed on the shore. They were even hugging each other while waving their hands in the air.
“Mag-iingat ka! Hihintayin namin ang pagbabalik mo!” narinig ko pang sigaw ni Roberta.
I chuckled and wave my hand back. Alam kong mahirap din sa kanila itong pag-alis ko, katulad ng nararamdaman ko sa mga oras na ito. Monhon have been my home for the past years. I learn to love the place, and the people living there. I’ve made friends that help me cope up and live. Their banters and presence really aided me in adjusting to the environment.
Rhys and Jack were mostly talking. Minsan lang akong kausapin ni Rhys, at agad iyon binabalik sa kasamahan. Binusog ko na lang ang sarili sa pamamagitan ng pagmamasid sa kalmadong dagat.
“Maraming salamat, Jack.” sabi ko sa kaniya.
Huminto ang aming sasakyan sa terminal ng bayan, ayon sa kanila. Kung noon, atat na atat akong makatuntong at maglibot dito ngayon ay wala na iyon sa isip ko. If only I came here before.. things could have been different.
“Wala ‘to. Pasaan pa’t hindi na rin kayo naiba sa akin.” ngumisi si Jack. Nilingon nito si Rhys at naghahakot ng aming taltong bag.
Kinuha ko mula kay Rhys ang aking shoulder bag at hinagilap ang wallet. Humugot ako ng dalawang daan saka ito nilahad sa kaniya. Tumatawang umiling si Jack, nilingon si Rhys na nakatitig sa akin.
“Sige na, pasasalamat ko na ‘to sa’yo.” I said, urging him to take the money.
“Alagaan mo na lang iyan,” nginuso nito si Rhys.
Tumalim ang tingin ng huli sa kaniya na umani ng halakhak sa kasamahan.
Sumulyap ako kay Rhys na agad nag-iwas ng tingin..
“Kaunti lang ‘to pero marami-rami rin ang mabibili mong pasalubong pagkauwi. Tiyak na matutuwa ang anak mo..”
"Ayos lang talaga. Kung gusto mo akong bayaran, sa susunod na lang. Tutal, babalik ka pa naman sabi mo pa.” he reasoned out, scratching his nape.
Bumagsak ang balikat ko. Ginamit namin ang oras niya, sa halip na lumaot ay narito siya. Hindi rin naman aandar ang makina ng kaniyang bangka kung walang gasolina. Hindi biro ang presyo ng gasolina sa panahon ngayon. At least he should..
“Jack, tanggapin mo na at nang makaalis kami.” Rhys rebutted after minutes of my silence.
"We won't go unless you accept this." dagdag ko. "Sige na..magtatampo ako kung hindi," I probed more.
Sinipat ni Jack si Rhys. Tumango siya sanhi para bumuntonghininga ang lalaki. Malawak akong napangiti ng sa wakas kunin nito ang pera.
"Thank you! See you again Jack! Safe travel!"
A mixture of excitement and unwavering delight hit me as we settled ourselves in a bus that will stop at Manila nine hours from now. Katabi ko si Rhys and his silence weirded me out. Madalas naman siyang tahimik, pero iba ang kinikilos niya ngayon.
His facial expression’ stern, and told me that something is really off.
“Rhys may problema ba?” naglakas loob akong tanungin siya nang lumipas muli ang halos kalahating oras at wala pa rin siyang imik. Sinipat niya ako pero mabilis ding ibinalik sa harap ang tingin.
“May iniiisip lang ako,” sagot nito.
“Katulad ng?”
I was hoping for a positive response, hence to my dismay we fell into serene silence. I tried to strike a conversation again as I can't sit with this treatment.
“Tutulungan kita, Rhys. Hindi kita papabayaan." ani ko, nagbabakasakaling maging panatag ang kaniyang loob.
Pero mukhang hindi iyon ang nangyari. I saw how he clenched his jaw, making it appeared like I said inappropriate things that only fueled his anger. Napalunok ako. If he’s not bothered by it, could it be..
“Then if you’re worried about us naman, you should stop overthinking. Walang magbabago sa atin. Regardless of what name I’ll use, it’s still me. The woman you’re with for six years.”
His head snapped at my direction instantly. My lips parted. So that’s it? Iyon ang bumabagabag sa kaniya simula pa kanina? I chuckled, biting my lips afterwards.
"Oh so that's what you've been thinkin' huh. Are you afraid you'll loss me once I meet my biological parents?"
My eyes turned into slit. Pabiro kong tinusok ang tagiliran niya. I noticed how his tanned skin blushed when I tease him more.
“Bakit ba hindi mo ako niligawan?” I asked tauntingly.
Umawang ang kaniyang labi, even his eyes rounded. Mukhang hindi niya inaasahan ang tanong ko. Mas namula ang kaniyang mukha at hindi na masalubong ang tingin ko. Napanguso ako. Naaliw na panoorin siya. Simula nang umalis kami sa isla ay ngayon lang yata nagbago ang ekspresyon ng kaniyang mukha.
“Matagal na tayong magkasama, bakit hanggang ngayon hindi ka umakat ng ligaw?”
Tisoy si Rhys. Hindi lingid sa kaalaman kong marami rin ang nahumaling sa kaniya. Ang ilan ay bulgarang nagpapakita ng motibo lalo na iyong may alam.. na walang namamgitan sa aming dalawa.
“Napapaisip lang ako na.. we’ve been staying under one roof for years, and it’s impossible you haven’t catch feelings for me."
I stared at him, weighing his reactions. His eyes were on me too. Para siyang biglang napipi at hindi alam ang sasabihin.
“Uh.. do I make you uncomfortable?” humalakhak ako. “I just wanna know.. ako kasi, aaminin kong nagugustuhan na kita. More like, an attraction? You’re kind, nice and all. Kahit si Menerva ay nasabi sa aking tipo ka raw niya..”
Rhys blows a loud breath, like he’s been holding his breath for a long time. I noticed how his adams apple move when he gulp. I though he was going to say something, but his lips parted again. Eyes looking bewildered.
“Hey, are we good?” umusbong ang pag-alala sa dibdib ko ng manatili itong tahimik.
I touched his cheeks, observing him. Napaigtad siya sa biglaang paglapat ng aming balat at tila napapapasong lumayo. His eyes blinked rapidly.
“D-Diyan ka lang..”
Sa wakas, nagawa na ring magsalita. Mauubusan na yata ako ng laway kakatalak at siya ay tahimik lang. Ibinaba ko ang sariling kamay, nag-aalalang dinungaw siya.
“Ayos ka lang ba?”
“Anong sabi mo?” he asked, voice is strained.
I tilted my head.
“Ayos ka lang ba?” tanong ko, hindi sigurado kung iyon ba ang tinutukoy niya.
Ilang segundo siyang walang sinabi bago natawa. “Pagkatapos mong sabihin sa aking gusto mo ako, sa tingin mo magiging maayos pa ako?” natatawang tinuran nito.
I can feel my cheeks burned in embarrassment. Words failed me as I watched his face, with a teasing smirk and unfathomable emotion on his eyes.
"That being said, I like you too but you’re not mine..” humina ang boses niya, bakas ng pait ang kaniyang mga mata.
“Someday, when everything’ in the right place.. I’ll wait until you say those words to me again. When you do.. I’ll fight for you.. ipaglalaban kita, Sofia.”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top